Se connecterChapter 6Alessandra’s POVPumasok ako sa kumpanya ng Montealto Group of Companies sa unang araw bilang isang ordinaryong empleyado.Gaya ng napagkasunduan, gusto kong malaman ang galawan ng mga tao sa loob ng kumpanya bago ako umupo bilang isang CEO.Para malaman na rin kung paano nakikitungo ang management sa simpleng empleyado.May mga sumbong kasi kay Papa na naghahari-harian ang ilang managers sa MGC.Hindi ko agad iyon pinaniwalaan.Alam kong may mga taong mahilig magreklamo kahit wala namang basehan.Pero alam ko rin na may mga pagkakataong ang reklamo ng isang empleyado ay hindi dapat balewalain.Minsan, kailangan mo talagang bumaba mula sa taas para makita kung ano ang tunay na nangyayari sa ibaba.“Pa, let’s play a little,” suggest ko sa kanya.“I will go inside the company undercover,” natatawa pa ako sa idea ko.Tiningnan ako ni Papa na para bang hindi niya alam kung seryoso ba ako o nagbibiro.“It’s up to you, sweetie. MGC is your playground now.”Napangiti ako.Sa maikli
Chapter 5Alessandra’s POV“Papa.”Tatlong taon na halos mula noong inalok ako ni Don Luis na maging anak niya.Tatlong taon.Tatlong taon mula nang malaman ko ang katotohanang hindi ko kailanman inakala.Tatlong taon mula nang tuluyang magbago ang buhay ko.At sa loob ng tatlong taon na iyon, hindi lamang ang buhay ko ang nagbago.Pati ako.Unti-unti na akong nakakabangon sa buhay.Hindi naging madali.Maraming gabing umiiyak ako nang tahimik habang iniisip ang lahat ng nangyari sa akin.Ang mga panlalait.Ang mga pananakit.Ang mga taong minamaliit ako dahil mahirap ako.Ang mga panahong kailangan kong lunukin ang bawat insulto dahil wala akong kapangyarihang lumaban.Pero lahat iyon ay unti-unting nagbago.Isinama ko rin ang pamilya ni Ate Erika sa Amerika, at doon kami natuto para makalaban.Hindi lamang ako ang binigyan ni Don Luis ng pagkakataong magsimula.Pati sila.Ipinangako niya na walang sinuman sa amin ang muling maghihirap.At tinupad niya iyon.Tinupad ni Don Luis ang l
Chapter 4Alessandra's POVPinatawag ako ni Ms. Marge kay Ate Erika.Para hindi ito mag-alala, agad niyang ipinaalam sa akin na maayos ang lahat.“Bukas ng umaga ko na lang ipapaliwanag ang lahat.”“Pero ngayon, magpahinga ka na muna.”“Hindi mabuti sa kalagayan mo ang sobrang napapagod at nastress.”Napatingin ako sa kanya.“Alam ninyo?”“Yes, we know everything about you, Alessandra.”Lalo akong kinabahan.Kung alam nila ang lahat tungkol sa akin, ibig sabihin alam din nila ang mga bagay na pilit kong itinatago.Alam nila ang buhay ko.Alam nila ang pamilya ko.Alam nila ang mga pinagdaanan ko.At marahil, alam din nila ang mga bagay na hindi ko pa nalalaman tungkol sa sarili ko.“Kaya this is your room. Everything here belongs to you. Okay, darling,” mariing sinabi niya.Hindi ako agad nakasagot.Everything here belongs to me?Hindi ko maunawaan.Wala pa akong pag-aari na ganito kaganda sa buong buhay ko.“Goodnight.”Pagkatapos ay niyakap niya ako.Hindi ko alam kung bakit, pero s
Chapter 3Alessandra’s POVPumasok kami sa isang napakalaking mansiyon.Mas malaki sa bahay nila Max.Sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawag ko pa ba itong bahay.Mansiyon?Palasyo?Parang isang buong hotel!Isang executive ang pinasok namin sa Forbes Park. “Siguro,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa napakalaking gate at sa bakuran na tila walang katapusan.Hindi ko maiwasang mapanganga.May fountain sa gitna ng garden, malalaking puno sa magkabilang gilid at mga ilaw na nagbibigay ng eleganteng dating sa buong paligid.Hindi ako sanay sa ganito.Sa lugar na kinalakihan ko, sapat nang may maliit na bahay, maayos na bubong at kusinang hindi tumutulo kapag umuulan.Pero ito?Parang ibang mundo.Habang naglalakad kami papasok ay mas lalo akong kinakabahan.Hindi ko pa rin alam kung bakit ako narito.Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila napakalaking bagay ng pagtanggap sa akin ng mga taong ito.At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit parang kilala na nila ako.Nak
Chapter 2Alessandra’s POV“Ano?”Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Ate Erika nang marinig niya ang sinabi ko.“May... breast cancer ako, Ate.”Parang tumigil ang oras.Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, tila umaasang mali lang ang narinig niya.“A-Alex... ano'ng sinabi mo?”Hindi na ako nakapagsalita.Tahimik ko na lamang siyang tiningnan bago ko dahan-dahang inilabas mula sa aking bag ang mga resulta ng laboratory tests at diagnosis ng doktor.Nang mabasa niya ang mga iyon, nanginig ang kanyang mga kamay.Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili.“Hindi... hindi puwedeng mangyari ito...”Napaupo siya sa lumang silyang kahoy habang mahigpit na yakap ang mga papeles.Pakiramdam ko, kulang na lamang ay maglupasay siya sa sobrang sakit ng balitang ipinagtapat ko.Mas masakit pa yatang tanggapin iyon para sa kanya kaysa sa akin.Lumapit siya sa akin.Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, saka niya hinawakan ang aking mukha.
Chapter 1Alessandra’s POVHindi ko akalaing darating ang araw na sabay-sabay akong luluhod sa bigat ng mga pagsubok.Iniwan ako ni Max noong kailangang-kailangan ko siya.Kasal kami, pero dahil sa kanyang kayamanan at impluwensya, napakadali niya akong naidispatsa na parang wala kaming pinagsamahan. Isang pirma lang sa mga papeles ng diborsiyo ang katumbas ng lahat ng pangarap kong mabuo ang sarili kong pamilya.Hindi ko alam kung paano pa ako muling makakabangon.Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang mundong pilit kong binuo sa loob ng maraming taon.At parang hindi pa sapat ang sakit na iniwan niya.Sinabayan pa iyon ng pinakamasamang balitang narinig ko sa buong buhay ko."I'm sorry, Alessandra... you got breast cancer."Parang isang bomba ang sumabog sa loob ng silid nang marinig ko ang sinabi ni Dr. Michelle Millarus.Hindi ako agad nakapagsalita.Hindi ako makahinga.Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo habang nakatingin lamang ako sa kanya.Hindi ko alam kung pa







