LOGINNapatingin ako sa kamay niyang mahigpit na nakakapit sa strap ng backpack. Mukhang gigil na gigil ang pagkakahawak niya roon. Pero hindi pa rin iyon sapat para sabihin sa akin kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito.Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Ngayon, halos magkapantay na kami. Pero hindi pa rin siya nagsasalita."Nag-message ako sa'yo..." simula ko, alam na alam ko kung gaano katanga pakinggan ang sinabi ko pero iyon lang ang lumabas sa lalamunan ko.Bahagya niyang tinaasan ang kilay niya, ang mga mata ay nananatiling seryoso. "Alam ko."Dalawang salita. Iyon lang. Pero parang mas lalo akong kinabahan sa loob ko kaysa kanina nang naghihintay ako."Seen mo lang.""Oo."Napayuko ako sandali, hindi matagalan ang titig niya. "Akala ko..."Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya ako agad."Ano?"Napatingin ulit ako sa kanya. "Akala ko hindi mo na ako kakausapin Akala ko ayaw mo na akong makita."Tahimik siya nang ilang sandali. Tiningnan niya
Napatingin ako sa nakasaradong laptop. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang ginagawa ko para kay Romnick. Pakiramdam ko, kapag tinapos ko pa iyon, mas lalo ko lang kinukunsinti ang sarili ko sa pagiging sunud-sunuran sa taong baka niloloko lang pala ako kasama ang babaeng pinapangarap ko.Nakasandal pa rin ako sa bench habang nakatingin sa mga taong huli nang dumadaan sa campus. At doon ko muling binalikan sa isip ang nangyari kanina. Nang sabihin ni Romnick na huwag na akong sumama. Nang kunin ni Aria ang susi ng sasakyan ko nang walang pag-aalinlangan. Nang sumakay sila nang sabay. Nang ngumiti si Aria sa akin ng tipid bago tuluyang umalis.Wala akong sinabi noon. Hindi ako tumutol. Pero ngayon, may kakaibang pait at galit sa bawat alaala na iyon. Parang unti-unting lumilinaw ang lahat ng tanong sa isip ko. Kung kaibigan lang talaga ni Romnick si Aria, bakit parang ako ang naging outcast sa sarili kong grupo? Bakit parang ako ang laging nasa labas ng sirkulo?Napailing ako nang mariin
Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kawalan. Hindi ba't kaibigan ko rin naman si Romnick? Hindi ba't kasama rin ako sa barkada nila noon pa man? Kung may lakad sila, bakit hindi nila ako hinintay kahit sandali? Bakit ang dali para kay Romnick na sabihin sa akin na huwag na akong sumama habang siya ay tutuloy kasama ang iba? At higit sa lahat... bakit parang wala man lang tumutol sa kanila? Bakit parang normal na lang na ako ang naiiwan sa sulok para magtrabaho habang sila ay nagpapasaya?Hindi ko alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko sa mga tanong na iyon. Naalala ko si Aria. Si Aria na kasama nila kanina. Kung kaibigan lang talaga niya si Romnick, bakit parang mas dikit siya kay Romnick kaysa sa akin? Bakit parang si Romnick ang laging kasama niya sa mga lakad habang ako ang taga-sunod at taga-gawa ng pabor?At doon, nagsimulang pumasok sa isip ko ang isang napakasakit na posibilidad na kanina ko pa pinipigilang isipin.'Paano kung may relasyon sila?'Natigilan ako sa sa
Matagal kong tinitigan ang pangalan ni Jayzel sa screen ng cellphone ko. Nasa contacts ko lang siya. Isang pindot. Isang mensahe. Napakadali sana. Pero ilang minuto akong hindi gumalaw, hindi ko alam kung ano ang isusulat ko, at sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang mag-message sa kanya. Ako naman ang umalis sa library. Ako ang nagsabing ayoko nang makinig sa sermon niya. Ako ang nagalit, at ako rin ang nagsabi sa sarili kong hindi ko na siya kakausapin.Pero heto ako ngayon, nakaupo sa malamig na bench, hawak ang cellphone, at ilang minuto nang nakatitig sa pangalan niya habang unti-unting lumalamlam ang liwanag ng araw sa paligid.Napabuntong-hininga ako nang malalim. "Tanga."Hindi ko alam kung si Jayzel ba ang tinutukoy ko sa salitang iyon o ang sarili ko. Malamang, ako. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.Binuksan ko ang messaging application. Nasa screen ang pangalan niya. Nagsimula akong mag-type. [Jayzel]. Tinitigan ko iyon bago ko binura. Muli akong
Parang biglang bumigat nang doble ang katawan ko. Ang simpleng pagod ko kanina ay nadagdagan ng isa pang pabigat. "Anong favor na naman?""Kailangan ko pa pala ng isa pang research."Napapikit ako sandali, mariing hinilot ang sentido ko. "Isa pa? Akala ko iyong pinapagawa mo kanina, iyon na ang huli.""Akala ko rin e. Pero biglang nag-abiso ang prof namin na may ipinasa raw na bagong dagdag na requirement para sa susunod na Linggo." Inilabas niya ang cellphone niya at may ipinakitang mensahe mula sa gc nila.Hindi ko na halos binasa. Naramdaman kong muli na namang umakyat ang inis na kanina ko pa pinipigilang kumawala."Deadline?" tanong ko nang may diin."Bukas ng umaga."Napatingin ako sa kanya nang may halong gulat at galit. "Bukas ng umaga?! Romnick, ginawa ko na ang buong literature review at methodology para sa 'yo kanina!""Alam ko, bro. Sorry na," tumawa siya nang parang bale-wala lang ang puyat at pagod ko. "Pero ito na talaga ang huli. Kailangan ko lang ng karagdagang data a
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa bench. Tahimik lang akong nakatingin sa direksiyong tinahak nina Aria, Romnick, at ng mga kasama nila. Unti-unti silang lumiliit sa paningin ko hanggang sa tuluyan silang mawala sa pagitan ng mga gusali.Naiwan akong mag-isa.Napabuntong-hininga ako, ramdam ang bigat ng dibdib na pilit kong itinatago sa likod ng huwad kong katatagan.Hindi ko alam kung bakit lalo akong nainis. Dapat nga ay matutuwa ako. Hindi ba’t iyon naman ang gusto ko? Na matapos na ang sermon ni Jayzel. Na tumigil na siya sa pakikialam sa mga ginagawa ko, sa mga desisyon ko, at sa paraan ng pakikitungo ko sa mga taong lumalapit sa akin. Gusto ko siyang lumayo at hayaan akong mamuhay ayon sa gusto ko.Pero bakit parang may kulang? Bakit habang lumalipas ang bawat minuto, mas lalo kong nararamdaman ang lamig ng hangin sa paligid?Napailing ako at marahas na pinunasan ang mukha ko. "Ang kulit mo kasi, Jayzel," bulong ko sa hangin, parang naririnig niya ako.Ilang minu
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n







