LOGINNgunit huli na para pigilan siya.“Matagal na kaming nagtitimpi sa inyong dalawa!” sigaw ni Auntie Rose Ann habang tuloy-tuloy sa paghila. “Akala ninyo ba dahil tahimik kami ay pwede ninyo na kaming yurakan at tapakan kung kailan ninyo gusto?!”Sinubukan ni Dorothy na manlaban at kumawala, ngunit mas mabilis at mas malakas si Auntie Rose Ann kaysa sa inaasahan niya. Sa isang mariing tulak, nawalan ng balanse si Dorothy at diretsong bumagsak palayo, nasubsob at sumalampak ang katawan sa isang malaking VIP table sa gilid.Nabitawan niya ang kaniyang mamahaling clutch bag, dahilan para magsabog at kumalat sa sahig ang kaniyang mga gamit, pampaganda, at cellphone.“Aray! Bitawan mo ako, demonyo ka!” tili ni Dorothy, hawak ang sabog na buhok.“Dapat lang na mas maaga naming nalaman ang mga kabuktutan ninyong ginawa!” galit na sigaw ni Auntie Rose Ann. “Kung hindi lang namin iginalang ang desisyon ni Kimmy na tahimik na lumaban, matagal na kaming nagsumbong sa mga pulis para ipakulong kayo!
Hindi ako nagpatinag sa kinaroroonan ko.“Ikaw ang may kagagawan nito! Ikaw ang nagtanim at naglabas ng lahat ng iyan para lang sirain at ipahiya kami sa madla!” bulyaw ni Dorothy, nagwawala sa tindi ng hysteria. “Gusto mo kaming sirain sa gabing ito dahil hindi mo matanggap na tuluyan ka nang iniwan ni Jeff!”Napailing ako nang mabagal. “Hindi ko na kailangang mag-imbento o magsinungaling pa tungkol sa kahit na ano, Dorothy. Lahat ng ebidensya ay nasa harap na ng mismong mga mata ninyo.”“Sinungaling ka!”Hindi na napigilan ni Dorothy ang sarili. Mabilis siyang tumalikod at marahas na bumaba mula sa entablado, nagmamadaling lumapit sa direksyon ko.Nang makita ko siyang dumidiretso sa akin, hindi ako umatras kahit isang pulgada. Hindi dahil gusto kong makipag-away o sumabak sa pisikal na gulo, kundi dahil sa sandaling ito... wala na akong kahit katiting na dahilan para matakot sa kaniya.“Wala kang karapatang yurakan at gawin ito sa amin!” sigaw niya habang papalapit. “Kung hindi ka
Natahimik ako nang tuluyan.Iyon ang pinakamatinding bahagi ng katotohanang hindi ko inasahang maririnig pang muli sa tanang ng buhay ko.Hindi lamang pala simpleng pag-agaw sa kumpanya ang kanilang binuo. Gusto rin nilang gumuho ang buong pangalan ko, ang tiwala ng mga tao sa akin, at ang bawat butil ng oportunidad na maaari kong sandalan upang makabangon.Nais nilang tiyaking wala na akong matirang malalapitan.Nais nilang palabasing ako ang may deperensya at salarin sa lahat.At ang pinakamasakit sa lahat... ang lalaking minsan kong binuo ang kinabukasan at pinangarap na maging asawa ay ang mismong utak sa likod ng malupit na pagdurog sa akin.“Mga walanghiya!” nanggigigil na sigaw ng isang lalaking investor mula sa gitna ng bulwagan.“Is this how you run a legitimate business?!” galit na singhal naman ng isa.Sa itaas ng entablado, halos hindi na makatingin nang tuwid sa mga tao si Jeff.“Stop it! Patigilin niyo iyan!” sigaw niya, basag na basag ang boses. Ngunit wala ni isa sa mg
POV: KimmyHindi ko alam kung sino ang unang sumigaw o nagbuntong-hininga sa loob ng marangyang bulwagan.Ang tanging alam ko lang... sa mismong sandaling lumitaw ang mga unang mukha at dokumento sa malaking LED monitor, tila biglang gumuho at nagbago ang buong mundo nina Jeff at Dorothy.Ilang minuto pa lamang ang lumipas mula nang masaya silang nakatayo sa ibabaw ng entablado. Magkahawak-kamay pa nilang hinarap ang mga dambuhalang investors, nagpapaligsahan sa pagpapacute habang buong-yabang na ipinagmamalaki ang kanilang mga huwad na plano para sa Greenzone Development. Tinawag pa nga ni Jeff si Dorothy na best partner niya—na parang wala akong naging kinalaman, walang inilaang panahon, walang inubos na pera, at walang ibinuhos na talino para maitayo ang kumpanyang iyon mula sa putik.At ako?Hindi man lang niya binanggit ang pangalan ko.Hindi niya kinilalang isa ako sa mga orihinal na nagtatag ng kumpanya. Hindi niya sinabi sa mga taong sumusuporta rito na ako ang utak sa likod n
“Check the file!” bulong ko nang nanggigigil sa technician.“Opo, sir! Sandali lang!”Mabilis niyang ginalaw ang mouse at sinubukang i-restart ang presentation file.Biglang nagliwanag ang dambuhalang monitor.Ngunit sa halip na ang logo ng Greenzone ang sumalubong... isang pamilyar na dokumento ang umokupa sa buong screen.Napatigil ang paghinga ng buong bulwagan.Sa unang sulyap, hindi ko agad nakuha ang aking pinapanood. May mga talata, pangalan, at petsa. At sa ibabang bahagi... nakalimbag ang mga pirma.Pagkatapos, lumitaw ang malaking pamagat sa itaas:TRANSFER AGREEMENT.Nanlamig ang buong katawan ko hanggang sa dulo ng aking mga daliri.Hindi iyon ang presentasyong dapat lumabas.Mabilis akong lumapit sa monitor para harangan iyon. “Turn it off! Patayin niyo iyan!”Ngunit huli na ang lahat. Bago pa man mahawakan ng technician ang switch, nagbago na naman ang ipinapakita sa screen.Isang pahina ng kasunduan ang lumitaw na may mga pulang marka at naka-highlight na probisyon tung
Kanina lamang ay matapang siyang sumagot sa akin. Halos hindi man lang siya nagpakita ng kahit katiting na pag-aalinlangan habang mariing sinasabi niyang hinding-hindi siya aalis at buong-tapang niyang ipaglalabang muli ang Greenzone.Ngunit ngayon... nakangiti lamang siya.Para bang natutuwa pa siya sa buong kaguluhang kaniyang sinisimulan.Para bang wala siyang pakialam kahit hindi ko man lang binanggit ang kaniyang pangalan sa kabuuan ng aking talumpati.Mas lalo akong nakaramdam ng matinding inis at pangamba sa loob ko.Ano ba talaga ang gustong palabasin ng babaeng ito?Na hindi man lang siya nasasaktan?Na hindi siya kailanman nagseselos?O sadyang may malalim at nakamamatay siyang balak na hindi ko pa nakikita?Mabilis kong inalis ang aking tingin sa kaniya. Hindi ko hahayaang sirain niya ang konsentrasyon ko sa gitna ng entablado.“Of course,” patuloy ko sa aking talumpati, pinatunog ang aking boses na puno ng kumpiyansa, “hindi natin makakamit ang mga dambuhalang tagumpay na
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n







