Teilen

Kabanata 3

last update Veröffentlichungsdatum: 16.04.2026 21:53:46

“Bata lang yun. Bibo at masayahin siya kaya asahan mo nang ganun talaga ang mga ikikilos niya,” galit na sumbat sa kaniya ni Jake isang gabi.

Nagulat siya nang malaman na nagsumbong pala talaga si Sofia kay Jake. Ang problema ay siya itong nagmukhang kontrabida sa eksena.

“May ginawa ba akong mali? Di ba wala naman? Nahulog ang lagayan ng asukal at dinaluhan ko ang bata—”

“Umiyak ang bata nang dumating si Sofia. May marka ng kamay ang braso. Sinong gumawa no'n sa tingin mo?” putol ni Jake sa sasabihin niya.

Maging siya ay nagulat sa narinig. Ni hindi niya hinawakan ang bata. Ang totoo ay nag-alala pa siya rito.

“Noong sinabi kong gusto kong patirahin sa bahay na 'to sina Sofia, bigla kang nagulat. Una pa lang alam kong ayaw mo sa kanila. Pero for fvck sake, Adah! Kailangan ba na umabot sa point na palihim mong saktan ang bata?!” bulyaw ni Jake dahilan para mapapiksi siya.

Napatayo na siya kalaunan dahil sa inis. Hindi na siya natutuwa sa mga pagbibintang nito sa kaniya.

“Gosh Jake! Hindi ko sinaktan ang bata!” ganti niyang bulyaw. “Bakit ayaw mong maniwala?”

Umiling iling si Jake at umatras sabay walk out. Ni hindi na nito hinayaang magpaliwanag siya. Napasabunot siya sa buhok.

Dahil doon ay nagdesisyon si Adah na kausapin si Sofia. Naawa siya sa mag-ina kaya pumayag siyang tumira ang mga ito doon. Pero hindi niya inasahang gagawin ito ng babae.

Lunes ng umaga ay balak niyang puntahan sa silid nito si Sofia. Ngunit nagulat na lang siya nang makita ang kalat sa baba.

Namilog ang mga mata niya nang makitang basag na ang mamahaling vase sa bahay. Nagkalat ang piraso niyon sa sahig.

Maliban sa mahal ang vase na iyon ay wedding gift iyon ng Lola ni Jake. Hindi lang iyon basta vase lang. Dahil heirloom vase iyon.

“Oh my! Baby, sabi ko naman sa'yo mag-ingat ka, e.”

Nilingon niya ang nagsalitang si Sofia. Kararating lang nito at hawak sa kabilang kamay ang ipad. May panunuya pa sa boses nito nang sabihin iyon sabay sulyap sa kaniya.

“Oh! Nandiyan ka pala. Nahulog ng anak ko itong vase mo. Ako na ang magpapaliwanag kay Jake. Sure naman akong mauunawaan niya. Makulit kasi itong si Baby Chun ko,” anito sabay karga sa anak. Ni hindi ito nag-sorry.

Naiinis na siya sa totoo lang. Maliban doon ay kabado rin siya dahil nasira ng mga ito ang pinakaiingatan na bagay ng pamilya ni Jake.

Akmang bababa siya upang pulutin ang mga nagkalat na parte ng vase pero saktong bumulaga ang pigura ng taong kinatatakutan niya sa mga oras na iyon.

Ang Lola ni Jake!

“Ito ang!” bulalas ng matanda nang makita ang basag sa sahig at napagtanto kung ano iyon.

Agarang bumakas ang galit sa mga mata ng matanda. Nadagdagan pa iyon nang makita si Sofia na lumabas mula sa silid karga-karga ang anak.

“You two. Mag-usap tayo sa sala!” bulyaw ng matanda sabay turo sa kanilang dalawa ni Sofia.

........

Kanina pa pangiwi ngiwi si Sofia habang nakaluhod sa carpet. Masakit na ang tuhod niya pero hindi siya nagrereklamo tulad ni Sofia.

“I swear malalagot siya kay Jake,” bubulong bulong ni Sofia.

Kumunot ang noo niya. Bakit kay Jake malalagot? At sinong malalagot? Ang Lola ba ni Jake? Iniisip talaga ni Sofia na kakampihan ito ni Jake pagkatapos ng nagawa nito. At ang mismong asawa niya pa talaga ang inaasahan nito sa bagay na yun?

“So nandito ka pala? Pagkatapos mong umalis sa bahay dito ka nakisiksik?” iritado ang boses ng Lola ni Jake sabay turo kay Sofia.

Ilang saglit ay siya naman ang binalingan. “Alam mo kung gaano ko pinahalagahan iyon pero sinira mo lang. Alam mo ba gaano iyon kahalaga sa pamilya namin?!”

Nagtagis ang bagang niya. Ayaw niyang ituro ang anak ni Sofia. Kahit nakakainis si Sofia ay ayaw niya rin naman madamay ang bata sa problema nilang matatanda.

“Ano bang kasalanan ko para idamay pa ako dito? Umalis na nga ako sa bahay tapos hanggang dito ba naman pagagalitan niyo pa rin ako?!” biglang sumigaw si Sofia tapos ay nakipagtitigan ng matalim sa matanda.

“Ano? Sumasagot ka na?!” akmang sasampalin ito ng matanda pero may kamay na humawak sa kamay ng matanda.

“Lola, tama na po.”

Sumulpot mula sa likuran si Jake. Kaagad na umatungal si Sofia at tumayo mula sa pagkakaluhod sabay yakap kay Jake.

Natulala siya sa nakita. Niyakap ng ibang babae ang asawa niya sa harapan niya.

“Jake, hindi ko alam kung anong problema pero bigla niya na lang sinabing lumuhod ako kasama ni Adah. Si Adah lang naman ang nakasira roon sa vase. Jake, inosente ako. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko. Help me please!” tapos ay dumikit pa ng tudo ang babae kay Jake.

Napansin ni Jake na nakatingin siya kaya bahagya nitong pinalis ang kamay ni Sofia. Saka lang humiwalay si Sofia.

“Grandma, kung ano man ang problema rito. Please, ako na lang ang kausapin niyo,” ani Jake sa Lola nito.

Samantalang siya ay dahan dahan na tumayo at hirap na hirap ang kalooban na tumalikod. Hindi niya alam kung ano ang susunod na pinag-usapan ng mga ito roon pero wala na siyang pakialam.

Gusto niyang lumayo sa mga ito. Ilang minuto mula ngayon ay maaring maiyak na siya.

Noon, si Jake ang ideal partner niya at pinangarap niyang pakasalan. Mabait, palangiti, madaling i-approach at pakiramdam niya'y sasaya siya sa piling nito.

Kaya lang ngayon tila nagkamali siya sa paghusga kay Jake. Dahil ang buhay na pinangarap niya noon ay malayong malayo sa buhay na mayroon siya ngayon.

Nagkulong siya sa silid. Umaasang darating si Jake upang kausapin siya. Pero hindi iyon nangyari.

Ilang saglit ay narinig niya ang pag-andar ng sasakyan. Nang tingnan niya sa bintana ay nakita niyang umibis doon si Jake at umalis.

Umalis itong mag-isa ng hindi siya kinukumusta. Dahan dahan siyang bumalik sa kama nilang mag-asawa. Hinintay niya hanggang gabi pero walang Jake na umuwi. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang intindihin ang lahat kay Jake.

Naiyak siya habang nanatiling gising buong magdamag. Hindi siya makatulog.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 28

    Hindi na nag-aksaya ng panahon si Adah at kaagad na yumuko sa Lola ni Jake. Kahit hindi maganda ang trato sa kaniya ng matanda ay ginagalang niya pa rin ito alang alang sa edad nito. Naniniwala siya sa karma kaya kung maaari ay gagalang siya sa mga nakakatanda pa sa kaniya kahit na hindi naman talaga kagalang galang mga pag-uugali nito.“Aalis na po ako,” paalam niya sa pormal na boses.Hindi niya na hinintay na magsalita ang matanda at tinalikuran niya na ito. Wala na siyang balak pang mag-aksaya ng panahon doon. Tama nang dumalo siya kahit saglit doon.Kaya lang habang naglalakad siya ay napansin niyang parang may nakasunod sa kaniya. Nang balingan niya ay napakunot ang noo niya nang malaman na si Kalex ulit ang nandito ngayon. Nagtagis ang bagang niya. Naiinis na siya. Ano ba kasi talaga ang kailangan nito?“Baka isipin nila bastos ako at hindi ko man lang inihatid ang in-law namin,” may panunuya sa boses ni Kalex habang nakapamulsa at naglalakad pasunod sa kaniya.“Bastos ka naman

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 27

    Kaagad na lumayo si Adah kay Kalex bago pa siya makalapit sa table ng Lola nina Jake. Hindi niya pa alam kung anong isasagot sa matanda oras na nagtanong ito tungkol kay Jake. Nagkunwari siyang gusto niyang magtungo sa banyo. Ngunit hindi siya nagpunta roon kundi sa garden. Mamaya niya na haharapin ang matanda kapag naisipan niya nang umuwi. Iniisip niyang pupunta rin si Jake roon para harapin ang matanda kasama siya pero hindi naman pala magpapakita ang lalaki roon. Nakaupo siya sa sementong harang sa may puno. Tumingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin doon. Kahit papaano, may may magandang bagay rin siyang nakita sa bahay nina Jake. “Pretty little liar.”Natigilan siya nang marinig ang boses ni Kalex. Namilog ang mga mata niya nang balingan ang lalaki. Hindi niya lubos akalaing mahahanap siya nito roon. “Biglang nandito ka na. May iniiwasan ka ba?” may panunuya sa boses nito.Kumalma siya at inalis ang tingin kay Kalex. “Wala. Bumalik ka na sa loob. Hinahanap k

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 26

    Kumunot ang noo ni Havier nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina. “Don't tell me. Nirereto niyo na naman ang isang ‘to sa'kin?” may pagdududa sa mga mata ni Havier. Kanina pa nito pinupuri ang isang babaeng nakilala raw ng kaniyang ina sa isang pharmacy. Sabi nito, cute raw, mukhang matalino at masayahin. “Nakuha mo ang punto ko!” tinuro siya ng ina.Napahilot na lang siya sa sentido. Sabi niya na nga ba at doon ang hantungan ng usapan. Kanina niya pa napapansin ang tuno nito habang kinukwento ang tungkol sa babaeng iyon.“Binigyan niya rin ako ng tea at totoo nga ang sinabi niya. Nakaka-refresh ito!” tapos lumagok ulit ang ina sa tasa na naglalaman ng tea na sinasabi nito.“Nagkalat ang mga scammers ngayon. Huwag kaagad kayong maniwala sa kung sinu-sino riyan. Atsaka, may family Doctor tayo, Ma. Sa kaniya ka humingi ng reseta huwag sa kung sinu-sino lang.”Hindi pinansin ng Mama niya ang mga sinabi niya. Sa Mama niya siya nagmana sa katigasan ng ulo. Kahit ilang beses na siyang s

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 25

    “Bakit dalawa ang binili mo?” nakakunot ang noo ni Jake habang pinagmamasdan ang cake na bitbit ni Sofia. Kakalabas lang nito sa kilalang cake shop. Ngumisi si Sofia. “Gusto ko, e.”Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Jake habang nakasunod ang tingin sa papalayong si Sofia. Hindi alam ni Jake kung natutuwa ito dahil pinagbigyan niya ito sa gusto nitong kuning kurso. Ang mas malala ay gusto nitong tutor ang magaling na professor na si Uncle Eduardo.“Mag-coffee muna tayo!” tinuro ni Sofia ang mamahaling coffee shop at kaagad na pumasok hindi pa man nakakapagsalita si Jake.Laylay ang balikat na sumunod na lang ang lalaki sa loob. Wala na rin namang magagawa si Jake. Hindi pa dumarating ang order nila pero panay na pose si Sofia kasama ang cake na binili nito kanina. “Hawakan mo ang kamay ko!” demand ni Sofia at gusto pa nitong agad agad niyang gawin iyon. “Dali na!”Kaya wala ulit choice si Jake kundi ang hawakan na lang ang kamay ni Sofia. Tapos kinuhanan ni Sofia ng picture iyon. K

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 24

    “Oh? Nandito ka pa?”Bulalas ni Maribelle nang makita siyang nakatayo malapit sa kotse nina Jake. Pagkapasok nina Jake sa loob, ilang saglit ay lumabas din si Maribelle. Ang iritasyon kanina ay napalitan nang gulat nang makita siya.Napakurap kurap siya. Saka lang siya natauhan.“Buti nandito ka pa. Balak ko pa man din sumunod sa'yo sa bus stop. Uuwi na rin ako ngayon. Hindi ko kayang tagalan ang pagmumukha ng dalawang iyon sa loob,” anito na ang tinutukoy ay sina Sofia at Jake na kakapasok lang.Napalunok siya. Tamang tama at may dahilan na siya para umalis ngayon. Nandito na si Maribelle at makikisakay na lang siya sa kotse nito imbes na maghintay ng bus. Baka kasi maabutan pa siya nina Jake sa bus stop kapag nag-bus pa siya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sumama kaagad siya sa kaibigan. Wala na. Napurnada na ang dapat na family bonding nito at ng pamilya nito dahil sa pagdating nina Sofia at Jake sa bahay nito. Katulad ni Adah ay malapit din sa pamilya nina Maribelle ang pam

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 23

    “Ano bang pag-iinarte 'yan, Aurora? Akin na ‘yan!”Hindi maiwasan ng ibang dumadaan ang mapalingon sa mag-asawang nagsasagutan sa gitna ng daan. Ang lalaki ay may dala pang bote ng alak habang dinuduro ang asawa nitong babae.“Ayoko, Renante. Alam mo naman na ito na lang ang natira sa pera ko. Hindi madaling maghugas ng pinggan kina Aleng Pili para lang kunin mo at ibili mo ng alak!” humahagulhol na tugon naman ni Aurora.“E di maghugas ka ulit ng pinggan doon. Problema ko ba yun? Mag-iinuman pa kami roon, mabibitin kami pag 'di mo pa binigay sa'kin 'yan!” “Nababaliw ka na ba? Mas uunahin mo pa ‘yan? Iyong mga anak mo sa bahay hindi mo nga binantayan at pinagsaing. Dumeretso ka kaagad sa barkada mo!” bakas ang pagkamangha sa mga mata ni Aurora. Halatang hindi inasahan ng babae na ganun na lang kawalang puso ang asawang lalaki.Tumawa si Ernesto ngunit may pagtagis ng bagang. “Ah, ganun!”Tapos sa isang kurap ay dumapo ang palad ng lalaki sa pisngi nito. Isang nakakabinging sampal ang

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status