Se connecterPinagmasdan ni Adah ang asawa niyang nakaupo sa pangmaramihan na upuan. Kahit kailan ay hindi niya naalalang pinagmamalaki siya nito bilang asawa o ipakilala man lang sa mga kaibigan at malapit na kapamilya.
Iilan lang ang nakakaalam na asawa siya ni Jake. Ngayon ang lamay ng asawa ni Sofia na nakatatandang kapatid naman ni Jake. At habang katabi ni Jake si Sofia sa upuan malapit sa kabaong ay siya naman ang tumutulong sa pag-aasikaso sa mga taong nagpunta sa lamay. “Oh! Akala koy buntis ka na!” Kaagad na nilingon ni Adah ang nagsalita. Ang Auntie iyon ni Jake. Nahihiyang ngumiti siya. “Ah, hindi pa po, e.” “Ayaw mo pang magkaanak? Ayaw mo ba ng anak? Kasi ang alam ko, gustong gusto na ni Jake na mag-anak. Ayaw mo bang masira ang figure mo? May asawa ka na kaya dapat kalimutan mo na ang buhay dalaga. Dapat bigyan mo na ng anak si Jake. Hindi pwedeng parating gusto na'tin ang nasusunod. Ibigay mo rin ang pangangailangan ng asawa mo,” mahabang lintanya ng Auntie ni Jake. Medyo off ang sinabing iyon ng babae. Siya pa talaga ang inakusahang ayaw ng anak. Gayong ang totoo ay si Jake ang talagang wala pang balak na mag-anak. Two years na silang kasal pero kahit kailan ay hindi siya ginalaw ng asawa. “Nakikinig ka ba? Sundin mo lahat ng gusto ng asawa mo para hindi ka iwan,” patuloy ng babae. Nagbitiw siya ng tipid na ngiti. Ayaw niya nang magdahilan pa. Para sa pamilya nito ay parating tama si Jake. Kaya wala nang magagawa ang mga paliwanag niya. Ilang saglit ay narinig nila ang sigawan sa labas. Kaagad naalerto ang lahat at nagtungo roon. Maging siya ay nagtungo sa pinanggalingan ng sigawan. Saktong sakto at naabutan niyang nakaluhod si Sofia sa sahig malapit sa kabaong ng asawa. “Ikaw ang dahilan kaya namatay ang apo ko. Kung di dahil sa mga kaartehan mo. Buhay pa sana siya ngayon. Dapat ikaw na lang ang namatay!” sigaw ng matandang Lola nina Jake. “Lola, please. Sorry po. Sorry po! Hindi ko po sinasadya!” bulalas ni Sofia na nagmamakaawa sa harapan ng matanda. Si Jake naman ay nasa gitna at inaawat ang Lola nito upang hindi na nito sugurin ulit si Sofia. “Ang maintenance ni Grandma! Dalian niyo, dalhin niyo dito!” sigaw ng mga anak ng matanda nang makitang namumutla ang matanda at tila mahihimatay na. Umiiyak si Sofia sa tabi habang inaalo ni Jake. Hindi niya alam na ganun ka-close ang mga ito. Buong araw na nakaantabay si Jake sa tabi ni Sofia. Samantalang kanina pa siya nito hinahayaan doon. “Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan,” nagbubulong bulungan ang mga tito at tita nina Jake. Nakakatusok na mga tingin ang pinupukol ng mga ito kay Sofia sa tuwing dadaan malapit sa babae. Sobrang malapit sa pamilya ni Jake ang namayapang Kuya. Kaya ganun na lang ang reaksyon ng mga kamag-anak nito. Nabalitaan niyang naaksidente ang mga ito dahil gusto ni Sofia na bumili ng mamahaling bag at hindi afford ng asawa. Nag away ang mag-asawa habang nasa byahe at nabangga ang mga ito. Tumistigo ang isa sa kakilala ni Sofia na nakasaksi sa matinding away ng mag-asawa bago nangyari ang insidente. “Jake?” aniya at kinatok niya ang silid na kinaroroonan nito. Matapos ang gulo na nangyari kanina ay nawala si Sofia at Jake sa baba. Kaya hinanap niya. Nalaman niyang sinamahan nito si Sofia sa silid nito dahil gusto raw magpahinga. Umabot hanggang tatlong beses na katok bago lumabas ang kaniyang asawa. Muntik niya nang buksan ang pinto kung di lang ito lumabas. “Uh, bakit?” ani lalaki habang nag-aayos ng botones ng shirt. Pinagmasdan niya ang itsura nito habang nag-aayos ng sarili. Tila may estrangherong pakiramdam na sumalakay sa puso niya habang pinagmamasdan itong ganito ang ayos knowing na galing ito sa silid ni Sofia. “A-Ayos lang ba siya?” aniya sa concern na boses. Alam niyang mahirap ang pinagdadaanan ng babae. Kaya iniintindi niyang kino-comfort ito ni Jake dahil kasapi na rin ito ng pamilya nila. “Unfortunately. No. Kaya sinabi kong sa bahay na sila ng anak niya tumira.” Nagulat siya sa sinabi ng lalaki. “Ha?” “What?” nag-iba kaagad ang tuno ni Jake. Pero kaagad niyang binawi ang naging reaksyon at awkward na ngumiti lalaki. “E kasi... hindi mo man lang sinabi sa akin na may plano kang ganiyan.” Dapat kasi kinausap man lang siya nito bago ito nagdesisyon ng ganun. “Adah, she's hurt. Naghihirap siya ngayon dahil sa Kuya ko. Sinisisi niya ang sarili niya at sinisisi rin siya ng pamilya ko. Wala siyang ibang matakbuhan,” ani Jake na may pag-aalala at paghihirap sa boses. Natigilan siya. Iyong concern na iyon hinahanap niya iyon kay Jake. Iniisip niyang sana siya rin makaranas ng pag-aalala mula rito. “She's living with us. Oras na palayasin sila sa bahay na 'to ay sa kalye na sila pupulutin. Papaano iyong bata? Pati iyong anak niyang si Chun ay maghihirap din.” Namumungay ang mga mata ni Jake nang hawakan nito ang mga kamay niya. Animo nagsusumamo na tanggapin niya na ang mag-ina sa bahay nila. Kaya lang at sobrang mahina ang puso niya sa mga ganitong bagay. Lalo na tungkol sa batang si Chun. Ngumiti siya sa asawa. “Okay. Walang problema.” Unang salta ng mag-ina sa bahay ay naroon muli ang pag-alinlangan sa puso ni Adah. Napapansin niyang pilit ang mga ngiti ni Sofia sa tuwing ngingitian siya nito. Makulit si Baby Chun at panay takbo sa bahay. Hindi siya sanay dahil wala naman siyang anak. Isang beses ay nahulog nito ang asukal at nabasag ang garapon. Kaagad siyang dumalo sa bata upang huwag itong masugat. “Baby! Lumayo ka. Masusugatan ka!” bulalas niya. Pero nagulat na lang siya nang biglang umiyak ang bata. Agad naman dumalo si Sofia na halatang alalang-alala. “What did you do?!” bulalas ni Sofia tapos hinarap siya. “Wala... wala akong ginawa naano lang ang—” “Baby, it's okay. Tahan na. Okay?” inalo ni Sofia ang bata tapos binalingan siya. Nagulat siya nang makitang umiiyak ito. “Alam kong ayaw mo rin kaming nandito. Pero sana huwag mo naman saktan ang anak ko,” umiiyak nitong wika sa kaniya. Mabilis itong umalis dala ang anak kaya hindi na siya nakapagpaliwanag. Sinaktan? Siya? Nanakit ng bata? Ganun na ba siya kasama upang ganun ang isipin ni Sofia?Hindi maipinta ang mukha ng Lola ni Jake nang dumating sa bahay na akala mo kung ano ang atraso niya rito. “Matagal mo na ba itong alam? Ni hindi mo man lang nagawang bantayan ang asawa mo? Pinabayaan mo siyang umabot sa ganitong sitwasyon?”Nanatili ang kalamigan sa mga mata ni Adah habang kaharap ang matanda. Kung makapagsalita ito ay animo siya pa itong may kasalanan kung bakit nambabae ang apo nito.“Naisip mo ba kung anong magiging resulta nito sa pamilya na'tin? Magdudulot ito ng malaking kahihiyan at maapektuhan ang negosyo na'tin!” patuloy ng matanda habang nanatili lamang siyang nakatingin dito at hinahayaan itong maghestirya.Pagod na siya sa lahat ng mga nararanasan niya sa pamilyang ito. Matagal niya nang tinitiis ang hindi magandang pagtrato ng pamilya ni Jake sa kaniya. Kaya ngayon, ayaw niya nang magsalita at hahayaan na lang matanda na magreklamo at magalit sa kaniya.“Dapat maaga pa lang ay pinagsabihan mo na siya. Dapat pinigilan mo man lang siya sa kahibangang ito.
Hindi naman mahilig na lumabas si Adah ngunit sa pagkakataong iyon ay kailangan niyang ilabas ang nararamdaman niyang poot sa puso niya.Kaya lang ay hindi niya alam kung sa anong paraan siya makakapag-relax at kalimutan ang problema. Kaya nagdesisyon siyang tawagan ang kaibigan niya noong college, Maribelle.“Himala at tinawagan mo ako ngayon, Adah!” excited na bungad ng kaniyang kaibigan.Dahil sa pagiging devoted niya noon kay Jake ay nakalimutan niyang may mga sarili rin siyang mga gusto. Gusto niyang gumala kasama ang mga kaibigan niya noon at magtungo sa mga exhibit at manood ng mga theater play. Kinahiligan niya ang lahat ng mga bagay na tungkol sa arts. Pero simula nang makilala niya si Jake at nagpakasal rito ay tinalikuran niya ang lahat ng iyon. Nag-fucos siya sa pagiging asawa niya at sinisiguro niyang si Jake ang top priority niya.Napagtanto niyang hindi dapat ganun ang ginawa niya. Dapat pala ay nagtira man lang siya para sa sarili niya.“Pasensiya na. Ang tagal na rin
Nagising si Adah ngunit namulatan niya ang puting kisame at napansin niya ang Dextrose sa tabi niya. Saka niya napagtanto kung nasaan siya sa mga oras na yun. Ilang saglit ay bumukas ang pinto at iniluwa ang taong ayaw niyang makita sa mga oras na yun.“Ako ang agad na tinawagan kaya pumunta agad ako. Nag-alala tuloy ako no'ng malaman kong nasa hospital ka,” ani Jake na halatang pagkukunwari lang ang pag-aalala nito.Parang gusto niyang matawa. “Iniisip mo bang sa morgue ka didiretso dahil baka nabunggo ako sa kalsada at namatay?”Napasapo sa dibdib si Jake sa madramang paraan. “Hindi naman ganun ang iniisip ko. Kahit annul na tayo may pinagsamahan naman tayo at isa pa'y—”“Tumigil ka na. Hindi magbabago ang desisyon ko. Apat na araw lang ang palugit ko sa inyo sa bahay ko,” aniya sa matigas na tuno. Alam niya kung papaano siya ituring ni Jake noon pa man. Hindi ito ginagawa ni Jake noon. Wala itong pakialam sa kalusugan niya at lalong wala itong pakialam sa buong pagkatao niya. S
Hindi sumipot ang ex husband ni Adah sa napagkasunduang lugar nang magpadala siya ng imbetasyon dito. Kaya mapipilitan siyang magtungo sa dating bahay nilang mag-asawa upang makausap ito ng personal.Kaya lang pagkabukas ng pinto ay ang kabit nitong si Sofia ang bumungad sa kaniya. Ngumisi ang babae nang makita siya ngunit ang ngisi nito ay tila nanunuya.“Nandito ako para sa makipag-usap kay Jake,” taas noong bungad niya rito.“Si Jake ba? Naku! Nasa taas. Pinagod ko kasi kagabi,” sabay ngisi nito.Nagtagis ang bagang niya. Bago lang sila nagkahiwalay ng dating asawa niya kaya nakakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib si Adah sa narinig mula sa kabit ng lalaki. “Pero para sa'yo. Gigisingin ko siya. Saglit, ha. Pumasok ka muna sa bahay ko!” masiglang iginiya siya ni Sofia sa sofa ng sala.Talagang pinagdiinan pa nga ni Sofia ang salitang ‘bahay ko’ na animo ito talaga ang may-ari niyon. Parang gusto niyang matawa sa pinagsasabi nito.Pinagmasdan niya ang paligid. Parang kailan lang no
Ubos na ubos na si Adah. Pakiramdam niya'y hindi niya na kayang huminga sa bahay na iyon kasama ang mga taong nandoon lamang para gamitin lang siya. Nasa teresa siya habang pinagmamasdan ang kadiliman. Linggo ng gabi. Gusto niyang magsimba kanina at ipagdasal na karmahin ang dalawa. Kaya lang magkakasala lang siya kapag ginawa niya iyon. Hindi naman worth it iyon. “Let's have a coffee,” aniya kay Jake nang makarating ito sa teresa ang lalaki. May mesa doon at upuan. Ready na ang coffee ng lalaki at kaniya. Pumunta siya sa office ng lalaki at humingi siya ng kaunting oras para rito.“Tinawag mo lang ako para rito?” natatawang saad ni Jake.“What? May problema ba? Nakita ko wala ka nang gagawin. May problema ba kung humingi ako ng kaunting oras para makausap ka?” aniya sa kalmadong boses.Natigilan ang lalaki at tinitigan siya saglit bago tumikhim. Napansin din nitong tila may kakaiba sa tuno ng boses niya.“Fine. So what now?” umupo ito sa kabilang side ng mesa.Sumimsim siya ng kap
Kahit na ganun ang ginawa ni Jake ay bibigyan ito ni Adah ng second chance. Hindi siya makatulog kaya bandang 5 AM ay nagluto siya. Gusto niyang ipagluto si Jake. Nagluto siya ng buttered shrimp, sinabawan at nag-bake na rin. Fucos siya sa ginagawa niya at sinisiguro niyang sinasamahan niya ng pagmamahal ang mga luto niya. Napangiti siya nang maiayos niya na ang mesa. Nag-chat na rin siya sa asawa at nag-reply naman agad ito na 7AM makakauwi. Kaya lang tipid na tipid ang reply ng lalaki. Ngunit kahit ganoon ay masaya siyang kahit papaano ay nag-effort itong mag-reply.“Wow! Saktong sakto. Gutom na rin ako!” Biglang lumabas si Sofia sa silid nito mga bandang seven. Ang daliri nitong may mahabang kuko at kulay pula ay pumulot ng buttered shrimp.Nagtagis ang bagang niya. Talagang ito pa ang unang tumikim ng luto niya. Pumikit si Sofia habang nginunguya ang shrimp. Tumalikod na siya at nagsimula nang tanggalin ang epron para ayusin ang ibang kalat sa kusina.Kaya lang biglang dumati







