Teilen

Kabanata 4

last update Veröffentlichungsdatum: 16.04.2026 21:54:07

Kahit na ganun ang ginawa ni Jake ay bibigyan ito ni Adah ng second chance. Hindi siya makatulog kaya bandang 5 AM ay nagluto siya. Gusto niyang ipagluto si Jake.

Nagluto siya ng buttered shrimp, sinabawan at nag-bake na rin. Fucos siya sa ginagawa niya at sinisiguro niyang sinasamahan niya ng pagmamahal ang mga luto niya.

Napangiti siya nang maiayos niya na ang mesa. Nag-chat na rin siya sa asawa at nag-reply naman agad ito na 7AM makakauwi.

Kaya lang tipid na tipid ang reply ng lalaki. Ngunit kahit ganoon ay masaya siyang kahit papaano ay nag-effort itong mag-reply.

“Wow! Saktong sakto. Gutom na rin ako!”

Biglang lumabas si Sofia sa silid nito mga bandang seven. Ang daliri nitong may mahabang kuko at kulay pula ay pumulot ng buttered shrimp.

Nagtagis ang bagang niya. Talagang ito pa ang unang tumikim ng luto niya.

Pumikit si Sofia habang nginunguya ang shrimp. Tumalikod na siya at nagsimula nang tanggalin ang epron para ayusin ang ibang kalat sa kusina.

Kaya lang biglang dumating ang sasakyan ni Jake.

“Oh! That's Jake!” alertong bulalas ni Sofia.

Nawala agad ito sa kinatatayuan at kaagad na lumabas. Hindi makapaniwalang sinundan niya ng tingin si Sofia na sumalubong kaagad kay Jake.

Kumuyom ang kamao niyang sumunod din. Sinikap niyang ngumiti sa lalaki nang makapasok ito.

“Jake—”

“Saktong sakto. Mag-breakfast na tayo,” singit ni Sofia sa sasabihin niya.

Hindi na siya nakapagtimpi at sumingit siya sa babae sabay hawi dito at deretsong hinalikan niya sa labi si Jake.

“Morning, kumain na tayo. Nagluto ako,” aniya sa malambing na boses.

Natigilan si Jake at napatitig sa kaniya saglit bago nakahuma at alanganing tumango.

“S-Sige," anito.

Tapos ay yumakap siya sa braso ng asawa sabay sulyap kay Sofia na nakabusangot. Walang ibang nagawa si Sofia kundi ang sumunod sa kanila.

Sinisiguro niyang nakaalalay siya kay Jake. Siya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato nito. Sinisiguro niyang hindi na makakasingit pa si Sofia.

“Kaya ko na,” awat ni Jake sa kaniya nang akmang lalagyan niya ng tubig ang baso nito.

Pahiya na binaba niya ang babasaging petsel ng tubig. Nakita niya ang pasimpleng pagngisi ni Sofia. Tuwang tuwa ito na napahiya siya. Nagtagis ang bagang niya dahil doon.

Sa bahay ginawa ni Jake ang mga dapat nitong gawin sa office. Dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Adah na asikasuhin ang asawa.

Nang magbalak si Jake na mag-shower ay kaagad niyang inihanda ang lahat ng kailangan ng lalaki. Mula sa towel, shave, body wash at kung anu-anong gamit for hygiene.

“Ready na ang pampaligo mo. In case na gusto mong gamitin ang bathtub ay gamitin mo na rin. Nalinis ko na iyon at nalagyan na rin ng maligamgam na tubig,” imporma niya kay Jake nang makapasok ito sa kwarto nila.

Nilingon siya ni Jake. “Thanks.”

Ganoon lang katipid ang salita nito pero tuwang tuwa na siya. Sa wakas ay napansin din nito ang effort niya at nagpapasalamat ito.

Agad niyang inayos ang mga damit na gagamitin nito. Inilapag niya ang lahat ng yun sa kama at maayos na nakatupi iyon.

Ilang saglit ay tumunog ang phone sa ibabaw ng side table. Akmang tutungo siya sa pinto ng banyo para katukin si Jake doon pero sunod sunod na ang messages na dumating kaya una niya nang nilapitan ang phone.

Kaagad niyang pinulot iyon at noong una ay pasimple niya lang itong tiningnan. Kaya lang unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha niya nang makita ang mga messages doon.

From Sofia:

Bakit ka pa kasi nagtitiis sa babaeng iyan? Gosh, Jake! Pareho na tayong free ngayon wala na rin ang asawa ko. Anytime pwede mong i-annul ang kasal niyo ng babaeng iyan.

From Jake:

Alam mo namang kakilala ng Daddy ko ang namayapa niyang Daddy. May utang na loob ang Daddy ko sa pamilya nila.

From Sofia:

Ano naman? Matagal na yun. Atsaka, wala na rin ang Daddy niya. Anong utang na loob pa ba ang sinasabi mo diyan?

From Jake:

Just wait. Naghihintay lang ako ng tyempo.

From Sofia:

Whatever! Basta, makipagkalas ka na kaagad diyan. Natitiis mo talaga akong tingnan lang sa malayo? Akala mo enough lang sa akin iyong panakaw lang tayong nagkikita? Limitado ang oras na'tin at nakakairita na!

Iyon na ang huling conversation ng dalawa. At bago lang ang conversation na iyon.

Natulala siya. Muntik niya nang mabitiwan ang phone. Akala niya wala lang iyong pagiging cold ni Jake sa kaniya simula noong dumating si Sofia sa bahay.

Iyon pala ay ito ang dahilan. Gusto niyang tanungin ngayon ang lalaki kung talagang minahal siya nito.

Kasi kung wala naman pala siyang puwang sa puso nito. Bakit nagawa pa siya nitong paasahin? Kung dahil sa utang na loob ay hindi niya kailangan iyon. Hindi niya binalak na mamalimos ng pagmamahal.

“Kailangan ako sa office bakit pambahay itong hinanda mo?” nagrereklamo si Jake habang naghahalungkat ng mga damit sa closet.

Imbes na magpasalamat ay nagrereklamo pa. Tutungo ito sa office dahil may emergency. Kaya lang hindi na siya nagsalita habang nakatalukbong ng kumot. Wala siyang pakialam sa mga ano mang sinasabi nito.

Mga bandang 10 PM nagising siya. Kararating lang ng sasakyan. Wala sa sariling lumabas siya at saktong nasa madilim na hallway siya ng bahay nang marinig niya ang usapan sa sala.

“What the hell, Sofia? Talagang nakipag-blind date ka?” boses iyon ni Jake.

“Yes! You @sshole! Ayaw mo akong panindigan, 'di ba? Baka kapag nakipag-blind date ako e mahanap mo agad iyang tyempo na sinasabi mo. Simple lang naman ang hinihingi ko. I-annul mo ang kasal niyo!" bulalas ni Sofia.

“Baby, hindi madali iyang sinasabi mo. Akala mo lang madali. Hayaan mo, malapit na. Huwag ka naman mainip,” may lambing sa boses ni Jake nang lapitan si Sofia at hinawakan sa magkabilang baywang.

Napalunok siya at tila may bukol sa lalamunan niya dahilan para ang hirap lumunok. Nanginginig siya at dahan-dahan na tumulo ang luha sa pisngi niya habang pinagmamasdan ang dalawa.

“Aasahan ko 'yan! Kapag di mo agad ginawa. Makikipag-blind date ulit ako," maàrteng wika ni Sofia.

Natawa si Jake at niyakap ang babae. “Yes, baby. Huwag ka na magalit.”

Pagkatapos ay narinig niyang pumasok ang dalawa sa silid na ginagamit nina Sofia. Tulala siyang nakatayo sa kadiliman. Nanginginig ang mga daliri at naninikip ang dibdib dahil sa mga nalaman. Para siyang pinapatay ng unti-unti.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 28

    Hindi na nag-aksaya ng panahon si Adah at kaagad na yumuko sa Lola ni Jake. Kahit hindi maganda ang trato sa kaniya ng matanda ay ginagalang niya pa rin ito alang alang sa edad nito. Naniniwala siya sa karma kaya kung maaari ay gagalang siya sa mga nakakatanda pa sa kaniya kahit na hindi naman talaga kagalang galang mga pag-uugali nito.“Aalis na po ako,” paalam niya sa pormal na boses.Hindi niya na hinintay na magsalita ang matanda at tinalikuran niya na ito. Wala na siyang balak pang mag-aksaya ng panahon doon. Tama nang dumalo siya kahit saglit doon.Kaya lang habang naglalakad siya ay napansin niyang parang may nakasunod sa kaniya. Nang balingan niya ay napakunot ang noo niya nang malaman na si Kalex ulit ang nandito ngayon. Nagtagis ang bagang niya. Naiinis na siya. Ano ba kasi talaga ang kailangan nito?“Baka isipin nila bastos ako at hindi ko man lang inihatid ang in-law namin,” may panunuya sa boses ni Kalex habang nakapamulsa at naglalakad pasunod sa kaniya.“Bastos ka naman

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 27

    Kaagad na lumayo si Adah kay Kalex bago pa siya makalapit sa table ng Lola nina Jake. Hindi niya pa alam kung anong isasagot sa matanda oras na nagtanong ito tungkol kay Jake. Nagkunwari siyang gusto niyang magtungo sa banyo. Ngunit hindi siya nagpunta roon kundi sa garden. Mamaya niya na haharapin ang matanda kapag naisipan niya nang umuwi. Iniisip niyang pupunta rin si Jake roon para harapin ang matanda kasama siya pero hindi naman pala magpapakita ang lalaki roon. Nakaupo siya sa sementong harang sa may puno. Tumingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin doon. Kahit papaano, may may magandang bagay rin siyang nakita sa bahay nina Jake. “Pretty little liar.”Natigilan siya nang marinig ang boses ni Kalex. Namilog ang mga mata niya nang balingan ang lalaki. Hindi niya lubos akalaing mahahanap siya nito roon. “Biglang nandito ka na. May iniiwasan ka ba?” may panunuya sa boses nito.Kumalma siya at inalis ang tingin kay Kalex. “Wala. Bumalik ka na sa loob. Hinahanap k

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 26

    Kumunot ang noo ni Havier nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina. “Don't tell me. Nirereto niyo na naman ang isang ‘to sa'kin?” may pagdududa sa mga mata ni Havier. Kanina pa nito pinupuri ang isang babaeng nakilala raw ng kaniyang ina sa isang pharmacy. Sabi nito, cute raw, mukhang matalino at masayahin. “Nakuha mo ang punto ko!” tinuro siya ng ina.Napahilot na lang siya sa sentido. Sabi niya na nga ba at doon ang hantungan ng usapan. Kanina niya pa napapansin ang tuno nito habang kinukwento ang tungkol sa babaeng iyon.“Binigyan niya rin ako ng tea at totoo nga ang sinabi niya. Nakaka-refresh ito!” tapos lumagok ulit ang ina sa tasa na naglalaman ng tea na sinasabi nito.“Nagkalat ang mga scammers ngayon. Huwag kaagad kayong maniwala sa kung sinu-sino riyan. Atsaka, may family Doctor tayo, Ma. Sa kaniya ka humingi ng reseta huwag sa kung sinu-sino lang.”Hindi pinansin ng Mama niya ang mga sinabi niya. Sa Mama niya siya nagmana sa katigasan ng ulo. Kahit ilang beses na siyang s

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 25

    “Bakit dalawa ang binili mo?” nakakunot ang noo ni Jake habang pinagmamasdan ang cake na bitbit ni Sofia. Kakalabas lang nito sa kilalang cake shop. Ngumisi si Sofia. “Gusto ko, e.”Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Jake habang nakasunod ang tingin sa papalayong si Sofia. Hindi alam ni Jake kung natutuwa ito dahil pinagbigyan niya ito sa gusto nitong kuning kurso. Ang mas malala ay gusto nitong tutor ang magaling na professor na si Uncle Eduardo.“Mag-coffee muna tayo!” tinuro ni Sofia ang mamahaling coffee shop at kaagad na pumasok hindi pa man nakakapagsalita si Jake.Laylay ang balikat na sumunod na lang ang lalaki sa loob. Wala na rin namang magagawa si Jake. Hindi pa dumarating ang order nila pero panay na pose si Sofia kasama ang cake na binili nito kanina. “Hawakan mo ang kamay ko!” demand ni Sofia at gusto pa nitong agad agad niyang gawin iyon. “Dali na!”Kaya wala ulit choice si Jake kundi ang hawakan na lang ang kamay ni Sofia. Tapos kinuhanan ni Sofia ng picture iyon. K

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 24

    “Oh? Nandito ka pa?”Bulalas ni Maribelle nang makita siyang nakatayo malapit sa kotse nina Jake. Pagkapasok nina Jake sa loob, ilang saglit ay lumabas din si Maribelle. Ang iritasyon kanina ay napalitan nang gulat nang makita siya.Napakurap kurap siya. Saka lang siya natauhan.“Buti nandito ka pa. Balak ko pa man din sumunod sa'yo sa bus stop. Uuwi na rin ako ngayon. Hindi ko kayang tagalan ang pagmumukha ng dalawang iyon sa loob,” anito na ang tinutukoy ay sina Sofia at Jake na kakapasok lang.Napalunok siya. Tamang tama at may dahilan na siya para umalis ngayon. Nandito na si Maribelle at makikisakay na lang siya sa kotse nito imbes na maghintay ng bus. Baka kasi maabutan pa siya nina Jake sa bus stop kapag nag-bus pa siya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sumama kaagad siya sa kaibigan. Wala na. Napurnada na ang dapat na family bonding nito at ng pamilya nito dahil sa pagdating nina Sofia at Jake sa bahay nito. Katulad ni Adah ay malapit din sa pamilya nina Maribelle ang pam

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 23

    “Ano bang pag-iinarte 'yan, Aurora? Akin na ‘yan!”Hindi maiwasan ng ibang dumadaan ang mapalingon sa mag-asawang nagsasagutan sa gitna ng daan. Ang lalaki ay may dala pang bote ng alak habang dinuduro ang asawa nitong babae.“Ayoko, Renante. Alam mo naman na ito na lang ang natira sa pera ko. Hindi madaling maghugas ng pinggan kina Aleng Pili para lang kunin mo at ibili mo ng alak!” humahagulhol na tugon naman ni Aurora.“E di maghugas ka ulit ng pinggan doon. Problema ko ba yun? Mag-iinuman pa kami roon, mabibitin kami pag 'di mo pa binigay sa'kin 'yan!” “Nababaliw ka na ba? Mas uunahin mo pa ‘yan? Iyong mga anak mo sa bahay hindi mo nga binantayan at pinagsaing. Dumeretso ka kaagad sa barkada mo!” bakas ang pagkamangha sa mga mata ni Aurora. Halatang hindi inasahan ng babae na ganun na lang kawalang puso ang asawang lalaki.Tumawa si Ernesto ngunit may pagtagis ng bagang. “Ah, ganun!”Tapos sa isang kurap ay dumapo ang palad ng lalaki sa pisngi nito. Isang nakakabinging sampal ang

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status