Please read, Love for Rent (1.1Million Views) sa hindi pa nakakabasa. Lubos po ang pasasalamat ko sa inyong suporta. Godbless po!
Nalukot ang mukha ni Mayumi sa kakornihang nadinig. Hindi niya inasahang makakadinig ng mga linyang baduy sa CEO. Pero labis ang saya ng puso niya. Kinikilig siya sa banat ni Cayden ngunit hindi niya ipinahalata.“Tara, doon naman tayo!”Nagtungo sila sa color game booth. Maingay, maraming tao, at tila sugal talaga ang dating. Nagmasid muna sila. Si Cayden ang unang tumaya. Kumuha ito ng pera sa bulsa. Limang daan agad ang taya nito.“Oy, bakit ang laki ng taya mo? Bente bente lang.”“Anong kulay ng panty mo ngayon?” sa halip ay tanong nito na hindi niya makita ang koneksyon ng kulay ng panty sa game na lalaruin.“Blue, bakit mo tinatanong?” mahina niyang sabi.“Mas malaki taya, mas malaki kapag panalo. Blue ‘yan. Sigurado ako,” kumpiyansa nitong sabi.“Red ang feeling ko!” sabat niya.Umikot ang roleta. Tila mabagal ang lahat habang pinapanood nilang huminto sa kulay red.Sabay silang napatigil.“Talo, sayang ang five hundred! Ilang kilong bigas na ‘yan. Tara na, tama na ‘yan. Alalah
“Kailangan pa po ba ng ID? Nawala po kasi ang wallet ko, andoon lahat ng ID naming mag-asawa,” ani Cayden upang pagtakpan ang pagsisinungaling nila.“Kahit picture ng ID to verify lang po.”“Lahat ng tao may ID, imposibleng wala kayong maipapakita,” sabat ng babaeng masungit sa tabi ng taga-barangay.Nagkatingin silang dalawa.“Excuse me po. Dala ko na ang naiwan mong wallet sa restaurant,” ani Henry.Maasahan talaga ang assitant ni Cayden. Namangha siya ng may dala itong ID nila dalawa na may bagong pangalan.Matapos abutin ang wallet ay ibinigay agad ni Cayden ang dalawang ID sa taga-barangay.Pagkaalis ng mga opisyal, agad isinara nito ang pinto. Sumilip siya sa bintana upang tiyaking wala nang tao. Huminga siya nang malalim.“Sir, may dala din akong charger. Grabe ang kaba ko sa pagtakas ninyo. Buti na lang at hindi kayo nahuli. Nasundan ko ang tracker na nasa kwintas mo. Kaya bago pa ninyo ako matawagan ay papunta na talaga ako dito,” mahabang kwento ni Henry.“Okay na, umalis ka
Maingay ang lumang bentilador na nakakabit sa kisame ng inuupahang silid. Humahalo ang amoy ng lumang kahoy at alikabok sa malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa bintana.Habang naglilipat ng channel sa telebisyon ay nakita niya ang sarili sa balita."Breaking news: Isang dalagang nagngangalang Mayumi Olivares ang naiulat na nawawala matapos umanong dukutin habang sakay ng delivery van.”Tumigil ang kanyang kamay. Napako ang kanyang paningin sa screen. Doon, malinaw na malinaw ang kanyang mukha sa larawan. Nakita din niya ang interview sa ina na maluha luha pa. Kung hindi niya ito kilala ay maniniwala siyang nag-aalala ito sa pagkawala niya.Napatingin siya kay Cayden na noon ay abala sa paglalatag ng bedsheet sa papag."May balita na, hinahanap na nila ako. Kapag nalaman nilang ikaw ang kumidnap sa akin. Baka mapahamak ka."Tahimik si Cayden habang nakatingin sa kanya, malamig ang titig ngunit may bakas ng pag-aalala."Hindi mo pa rin naiintindihan, Mayumi. Ginawa ko 'to para ila
Mabilis na nagbihis si Cayden at binuksan ang pinto. Kumakatok si Henry bakas sa mukha ang pag-aalala.“Sir, ano ba itong pinasok ninyo? Nakakatakot ah,” bungad nito.“Anong nangyari? Bilisan mo at busy ako!” iritabbleng sabi niya.“May problema. Yung kargamento hindi umabot sa meeting point sa mga pulis na kausap natin.”“Anong ibig mong sabihin hindi umabot? Hindi ba’t pinabantayan ko 'yan sa mga tauhan na kinuha mo?”“Oo, sir. Pero ayon sa report, bago pa man nila maihatid sa drop-off, may humarang sa convoy. Matitinik ‘yung umatake, may mga baril.”“Sino daw ang nasa likod nito?”“Wala pa tayong ideya. Pero hindi raw pulis. Hinala ko mga tauhan ni Don Manuel.”“Gamitin mo ang lahat ng koneksyon natin. Gusto kong malaman kung sino at bakit nagleak ang impormasyong ibinigay natin sa mga pulis.”“Sir, ano ba itong pinapasok mo? Baka mapahamak ka. Malamang kasapakat ni Don Manuel ang kapulisan. Hayaan mo na si Mayumi, na-o-obsessed ka na naman,” ani Henry na hindi mapakali.“Sir, may i
Nahimasmasan si Mayumi ng makita kung sino ang tumatawag. Si Don Manuel! Nanginginig ang kamay niya. Napalingon si Cayden. Nagbago ang mood. Ramdam ang tensyon. Nagulat siya ng inagaw ni Cayden ang cellphone at i-turn off.“Let’s forget everything even just for a night,” anitong inihagis ang cellphone niya at inihiga siya sa kama.Siniil siya nito ng halik sa labi. Kusa niyang ibinuka ang bibig ng igiit nito ang dila sa loob. Nagsipsipan sila ng dila. Napakasarap ng pinaghalong ng laway at alak sa bibig ni Cayden. Nakakaadik. Dahilan upang makalimutan niya ang lahat. Hinihila niya pabalik ang lips nito tuwing ilalayo upang simsimin ang kanyang leeg.“I miss you so much, Mayumi. I can’t stop thinking about you,” anito ng bahagyang maghiwalay ang kanilang mga labi.“Mukhang miss na nga ako ni Junjun,” aniya ng sapuhin ang pagkalalaki ni Cayden na naghuhumindig at handa na sa bakbakan.“I’’ll fuck you all night. Hard.”Sabay silang nag-alis ng mga kasuotan. Tanging briefs at panty lang a
“Hindi ninyo ba kami kilala? Shipment ito ni Don Manuel,” mayabang na sabi ni Patrick. Lima ang mga lalaki. Apat ang grupo ng tauhan ni Don Manuel. Mukhang lalaban ang mga ito.Hinablot si Mayumi palabas ng truck. Pilit siyang nagpupumiglas ngunit mabilis tinali ang kanyang mga kamay at piniringan siya. Nangilabot siya. Baka magkaroon ng engkwentro. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.“Huwag kayong kikilos ng masama kung gusto ninyo pang mabuhay!” anang lider. Sumenyas ito at may dumating pang sampung kasama ang humarang sa kanila. Walang nagawa ang grupo nila Patrick.Sa likod, kinukuha nang mga lalaki ang mga crate papunta sa isang closed van.“Isakay lahat ‘yan. At etong babae, dalhin. Maaari siyang testigo.”Naghintakutan siya sa maaaring sapitin. Sapilitan siyang isinakay sa isang van.Nakaupo siya sa loob ng sasakyan. Nakapiring at nakatali ang mga kamay.“Huwag kang matakot, Mayumi,” anang tinig at inalis ang takip niya sa mata at ang tali sa kanyang kamay.Tumambad sa harapan ni
“Mayumi, kailangan nating mag-usap. Hindi mo alam ang pinapasok mo. Masama ang hangarin sa’yo ni Don Manuel.”Gustong gusto niyang umalis at sumama kay Cayden ngunit hindi ito ang tamang panahon.“Tumigil ka na, Cayden. Paulit-ulit tayong bumabalik sa topic na ito. Nakakapagod ka na,” aniyang mahina ang boses.“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi ang totoo. Sabihin mo kung bakit mas gustong mong sumama sa matanda kaysa sa akin. Kaya din kitang bigyan ng magandang buhay.”Humarap siya sa binata. Matigas ang kanyang mukha at malamig ang boses.“Dahil wala akong nararamdaman para sa’yo. Dahil pangarap ko ang lahat ng meron ako ngayon, ang buhay sa mansyon, ang atensyon ni Don Manuel, at higit sa lahat ang pera. Hindi ko na magiging problema ang pera kahit kailan.”“Hindi ko akalain na ganyang klase kang babae,” ani Cayden na hindi makapaniwala.Diretso ang tingin niya, nanginginig ang boses ngunit hindi ipinapakita.“Oo. Mas pinili ko ang maginhawang buhay. Naging wais lang ako.”
Dinampot ni Mayumi ang larawan at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Mabilis gumana ang kanyang isip.“Don Manuel, hindi ko po alam kung paano nakuha ang larawang ‘yan. Mali po ang iniisip ninyo.”“Ano ba ang dapat kong isipin sa larawan ‘yan?” matalim ang tinig ng matanda. Tila nakakahiwa.“Wala po kaming relasyon ni Cayden kagaya ng iniisip ninyo. Hindi po ganoon! Hindi po ibig sabihin ng larawan na may ginagawa ako. Nagkataon lang na nasandalan ko siya. Nadulas ako ng tumayo upang tapusin na ang usapan namin. Malisyoso ang pagkakakuha ng litrato.”Lumapit ang matanda sa kanya. “Siguraduhin mo lang, Mayumi. Ako ang pipitas ng pagkabirhen mo. Ibabaon ko ng buhay ang sinumang lalaking kukuna ng matagal ko ng hinihintay.”Napaatras siya, nangingilid ang luha ngunit matatag at pilit itinago ang takot.“Wala po kaming relasyon ni Cayden. Naging secretary lang niya ako noon. At walang namagitan sa amin.”“Siguraduhin mo lang dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa lalaking iyon.”“H
Napatingin sa malayo Si Mayumi, pilit na nilalabanan ang sariling damdamin. Masaya siya sa nais mangyari ni Cayden ngunit hindi ito ang tamang panahon.“Cayden, hindi mo alam ang sinasabi mo.”Lumapit ang binata at hinawakan ang kamay niya.Alam ko kung ano ‘tong nararamdaman ko. Alam kong may nararamdaman ka rin. Hindi mo kailangang itago. Inamin mo na dati na mahal mo ako. Anong pumipigil sa’yo ngayon?”Bigla niyang binawi ang kamay, ang tinig ay puno ng takot.“Hindi mo ako kilala. Totoo ang sinasabi mong mukha akong pera. Gusto ko ang yaman ni Don Manuel. Kaya ako nandito ay para mapalapit sa kanya.”Nanlaki ang mata ng binata.“Hindi totoo ‘yan. Mayumi, hindi mo ako maloloko.”Halatang pigil ang luha, pero nagpupumilit siyang magmatigas.“Hindi mo ako gusto, pride mo lang ang nasaling dahil ako ang nang-iwan sa’yo. Hindi ka kasama sa mga plano ko.”“Sabihin mong ako lang ang gusto mo, hindi si Don Manuel, hindi ang pera niya! Kaya kitang bigyan ng malaking pera.”Tumitig siya sa