“Elton, huwag mo ng galitin si Lucian. Ihatid mo ako sa mansyon. Kilala mo naman ang kapatid mo,” sabi ni Emerald.“Malakas ang ulan. Bukas na lang. Spending one night with me.”Kinapa niya ang noo. May lagnat siya dala ng pagkabasa niya sa ulan. Tumayo siya at dumungaw sa bintana. Malakas ang buhos ng ulan.“Em, bakit hindi na lang ako ang mahalin mo? I’ll treat you better.”“Hindi mo ako gusto. Ang gusto mo ay maagaw ang kung ano ang mayroon kay Lucian.”“Hindi totoo ‘yan. I really like you. Bigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan sa’yo ‘yan.”Niyakap siya nito mula sa likuran. “Bitawan mo ako!” aniyang kumawala sa yakap ng lalaki. May bumabangong kaba sa kanyang dibdib sa isiping silang dalawa lamang ni Elton sa isang kwarto. Nag-iisip siya ng paraan kung paano makakauwi.Kumuha ng dalawang baso si Elton at nagsalin ng alak at inabot sa kanya ang isa. Ngunit hindi niya tinanggap.“Ano ang meron si Lucian na wala ako?” anitong tumabi sa kanya.“Magkaiba kayo ni Lucian. Huwag mong
Ibinaon ni Emerald ang sarili sa kumot! Bakit kahit saan siya magpunta ay sinusundan siya ni Lucian?“Masama pa ba ang pakiramdam mo?” anito.Hindi siya kumibo. Nakuha pa nitong magtanong matapos siyang ihagis sa swimming pool kagabi.“Hindi ka ba nasaktan kagabi?”Kinagat niya ang labi. Gusto niyang magsalita ng hindi maganda ngunit inawat niya ang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng pagrerebelde. Gugulatin niya ito sa kanyang mga hakbang.Lumabas siya sa kumot. “Okay naman ako.” Ngumiti siya ng matamis.May inabot ito sa kanyang paper bag na may damit at gamit niya. “Kung hindi mo pa kayang pumasok ay sa mansyon kita ihahatid para makapagpahinga ka. Pupuntahan ka din ng duktor.”“Papasok ako. Kaya ko na,” aniyang bumangon. Mabilis siyang naligo at nagbihis.Pilit niyang isinasara ang zipper ng dress. Lumapit si Lucian at tinulungan siya. Tila nagbabaga ang kamay nito ng dumampi sa balat niya na dahilan upang mapaigtad siya. Bahagya siyang lumayo ngunit niyakap siya nito mula sa li
Pilit nilakasan ni Emerald ang loob. Inabala niya ang sarili sa ibang bagay. Sinisante na siya. Ayaw na din nitong makita ang mukha niya. Ibig sabihin ay malaya na siya? Bigla siyang napangiti. That’s the good side kahit hindi totoo ang bintang sa kanya. Bigla ding nawala ang ngiti sa kanyang labi. Bakit tila ayaw niyang lumaya? Natural, nasira ang pangalan niya. Wala siyang yaman at tanging ang pangalan ang kanyang maipagmamalaki at hindi siya papayag na masira ito.Napasigaw siya ng may naghagis ng kung ano sa kanyang paanan. Pababa niya ng tingin ay nakita niya ang kanyang sapatos. Napaawang ang labi niya ng mapagtanto kung sino ang may dala ng sapatos niya. Si Lucian!Hindi siya makagalaw. Hanggang sa biglang mangati ang kanyang paa. May langgam pala! Napasalampak siya sa kalsada at inalis ang mga langgam na gumapang hanggang binti.Kinuha ni Lucian ang mga paa niya at inalis ang langgam na kumakagat pa. Isinuot nito ang sapatos niya. Kikiligin na sana siya nang maalalang matindi a
Agad naghiwalay sina Emerald at Lucian ng madinig ang boses ni Kiel.“Sir Lucian, sira po ba ang motor?” anitong sinisipat ang motor pagkababa ng tricycle.“Hindi, mukha mo ang sisirain ko. Konting konti nalang,” ani Lucian at pinauna siyang sumakay sa tricycle. Halos hindi sila kasya sa tangkad at laki ng katawan nito.Pagkaupo sa tricyle ay kinabig siya ni Lucian at tangkang hahalikan ng magsalita ang driver.“Sir Lucian, natatandaan po ba ninyo ako? Naging hardinero po ninyo ako dati noong bata po kayo. Nag-asawa na po pala kayo ng napakagandang dilag.”Ngumiti siya sa matanda. Nadinig niya ang hingang malalim na Lucian sa matandang nagkukwento at sumusulyap sulyap sa kanila sa loob ng tricycle. Hawak nito ang kanyang kamay na masuyong hinahaplos.Pagbaba nila sa villa ay nagpalakpakan ang lahat sa kanyang pagdating. Masaya ang team na nakabalik siya at nalinis ang kanyang pangalan. Ngunit patuloy pa din ang imbestigasyon kung sino ang traydor sa loob ng kumpanya.Nakaupo siya sa t
Naitulak ni Emerald si Elton.“Anong ibig sabihin nito?” gigil ang boses ni Lucian sa nasaksihan. Nagngangalit ang ngipin nito. Inawat niya ang asawa ng tangkang susugurin si Elton.“Nag-uusap lang kami,” aniya na nauna ng lumabas at hinila si Lucian.“Nag-uusap? Bakit sa loob pa ng banyo?” singhal nito ng makapasok na sa kwarto.“Kinausap ko siya tungkol kay Luna,” mahinahon niyang sabi.“Bakit?”“May relasyon sila at nakiusap akong layuan niya ang kaibigan ko. Ayokong masaktan siya kagaya ko. Napakahirap magmahal ng isang Monteverde,” aniyang pansamantalang nakalimot na isang Monteverde ang kausap niya.“Mahirap mahalin?”“Oo, mahirap kapag hindi ninyo mahal ang isang babae. Huwag mong sabihing mali ako. Mahina si Luna, hindi niya kaya ang mga pinagdaanan ko,” aniyang sinalubong ang mata ng asawa.“Teka, bakit ibabalik ang nakaraan? Hindi ba sabi ko gagawa tayo ng masayang memories para tabunan ang pangit na alaala?”Natahimik siya. Bakit gusto niyang maniwala kahit alam niyang wala
“Lucian, totoo ba ang sabi mo?” aniyang hindi makapaniwala. Ngunit mahinang hilik ang naging tugon nito.Niyugyog niya ang balikat ng asawa ngunit tulog na talaga sa labis na pagod.Kahit pagod ay hindi siya dalawin ng antok, bumabalik siya sa baliw era niya! Agad niyang kinontrol ang utak ngunit tila ayaw sumunod ng kanyang puso. Hindi na siya dapat umibig ulit sa dating asawa. Hindi pa man ay alam na niya ang kakahinatnan ng damdamin niya.Kinabukasan ay hindi na niya naabutan si Lucian sa kanyang tabi. Bumaba siya at nakitang kumakain na ng agahan ang mga kasamahan. May isang araw na lamang sila upang tapusin ang lahat ng designs.Hindi maganda ang pakiramdam niya dahil siguro sa puyat. Inabutan siya ng plato ni Lucian na may lamang pagkain.Niyaya siya nito sa garden upang mag-agahan. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa malayo.“Bakit parang wala ka sa mood?”“Hindi maayos ang tulog ko kagabi.”“May gumugulo ba sa isip mo?”Umiling siya. Wala siyang lakas ng loob na tanungi
Nahimasmasan si Emerald. Huli na para bawiin ang sinabi. Napanggap siyang tulog. Mahina siyang tinawag ni Lucian ngunit kahit anong mangyari ay hindi siya didilat. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa lupa. Ipinasok siya ni Lucian sa loob ng kubo. Naramdaman niya ang pagdantay ng katawan sa malambot na kama. Kinumutan siya nito. Nadinig niya ang yabag nitong palabas. Gusto niyang sampalin ang sarili sa ginawang pagtatapat kay Lucian. Nahihibang na siyang talaga!Kinabukasan ay ipinagpasalamat niya ang hindi pag-ungkat ni Lucian sa sinabi niya kagabi. Bumalik sila sa resort upang makisali sa kasayahan. Madaming activities sa team building.Nagsusukat siya ng swimsuit ng pumasok si Lucian sa room.“Hey, huwag kang lalabas ng naka-ganyan.”Umikot siya sa salamin. “Bakit hindi pa bagay? Hindi ba maganda?”“Sobrang ganda na ayokong makita ka ng iba. For my eyes only ang katawan mo. Don’t worry, you look beautiful kahit ano ang suot mo. Actually, right now, you’re very beautiful
Labis ang kaba ni Emerald habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test. Dalawang guhit! Muntik malagot ang ugat niya sa ulo. Nagsisikip ang kanyang didbib. Nagbuga siya ng hangin sa bibig at napahawak sa ulo. Baka mali ang resulta. Pinagpawisan siya ng malapot. Kailangan niyang magpunta sa clinic upang makatiyak.Habang naglalakad papasok sa clinic, hindi niya maiwasang mag-isip ng mga posibilidad, ang mga takot at alinlangan na dapat niyang pigilan. Kailangan niyang maging matatag.Puno ng katanungan ang kanyang isipan. Paano kung hindi tanggapin ni Lucian ang kanilang anak? Paano kung magalit ito o kung hindi ito maging handa sa responsibilidad ng pagiging isang ama?“Kahit anong mangyari ay bubuhayin ko ang bata. Kailangan kong maging matatag para sa anak ko,” bulong niya sa kanyang sarili.Matapos ang ilang sandali, tinawag ang pangalan ni Emelrald ng nurse. Sumailalim siya sa mga pagsusuri. Pinaupo siya ng doktor at ipinaliwanag ang resulta ng tests. Binati siya nito sa kanyan
Tulala pa din si Mayumi kinabukasan. Mabango at masagana ang almusal ngunit wala siyang gana. Ngayon lang siya nawalan ng gana sa pagkain sa laki ng problema niyang dinadala."Ayusin mo ang mukha mo pababa na si mommy," siko sa kanya ni Cayden.Agad siyang ngumiti ng matamis sa matandang padating. Hindi siya dapat mandamay ng iba sa problema niya. Wala namang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili."Magandang umaga po. Kain na po kayo Mommy Cecil.""Bakit mukhang pagod ka, ang aga aga pa. Hindi kaya naglilihi ka na?"Muntik siyang mabulunan sa kinakain. Nanlaki ang mata niya ng maalala na hindi siya umiinom ng contraceptive. Saan nga ba niya naitago ang gamot na ibinigay ng doctor? Nawala na sa isip niya.Nasamid naman si Cayden at uminom ng tubig."Mom, tinulungan lang ako ni Mayumi na tapusin ang paperworks. Hindi ba at sabi ko sa inyo ay gusto niyang matuto sa pasikot sikot sa negosyo."So ayun pala ang dahilan nito sa pagpipilit na maging sekretarya siya para mas mapaniwala si M
Binawi ni Mayumi ang kamay na hawak ni Cayden. Baka matsismis sila ng CEO, mas humirap ang buhay niya sa kumpanya.Huminto ang sasakyan ni Cayden sa harapan nila. Nakatingin lahat ng empleyadong pauwi. Mas lalaki ang tsismis kapag pumasok siya sa kotse at umuwi sila ng sabay."Cayden, mauna ka na. May pupuntahan pa akong importante," aniyang nagmamadaling tumakbo at tumawid sa kabilang kalsada. Hindi na niya hinintay ang sagot nito.Nagulat siya ng may humintong sasakyan sa harap niya. Nanigas ang katawan niya ng ibaba nito ang bintana. Si Don Manuel!"Small world Mayumi. So nagtatrabaho ka pala sa Villamor Realty Corporation. Pumasok ka sa kotse para makapag-usap tayo."Nilakasan niya ang loob at pumasok sa sasakyan kahit pa tila dinadaga ang dibdib. Papakiusapan niya ang matanda na bigyan pa siya ng palugit para makabayad."Don Manuel, bigyan mo pa po ako mg konting panahon at titiyakin ko pong makakabayad ako.""Pagod na akong maghintay, Mayumi. Alam mong matagal na kitang hinihint
Nagpanting ang tenga ni Thesa ng madinig ang sinabi Mayumi. Akmang susugurin siya nito."Wow, hindi ka lang palpak na sekretarya, ilusyunada ka pa! Makakatikim ka sa akin!"Mabilis na nakaharang si Cayden."Thesa, let's talk outside."Lumabas si Cayden sa opisina bitbit si Thesa na nanggagalaiti sa kanya. Nagkaroon ng pagkakataon si Mayumi na lapitan si Henry ng sila na lang."Henry, bakit ba biglang nangailangan ng secretary si Cayden?""Hindi ko din alam. Bigla na lang sinabi sa akin na babawasan daw ang trabaho ko. Siyempre natuwa ako.""Inalok niya ako kahapon na maging secretary niya. Nakakapagtaka lang dahil naiinis na nga siya sa mansyon tapos magkakasama pa kami sa office.""He is obsessed only with two women, una sa batang nagligtas sa kanya noong teenager siya. Pangalawa, kay Emerald na nakipagbalikan na sa dating asawa. Baka ikaw na ang pangatlo, I'm warning you. Hindi ka basta basta papakawalan ni boss kapag nagustuhan ka niya.""Naku, imposibleng magkagusto sa akin si Cay
Tahimik silang dalawa. Nakaupo si Mayumi, nakayuko. Si Cayden, nakatayo pa rin, ngayon ay nakapamulsa at nakatingin sa kanya.“Cayden, sa tingin ko hindi ako pwedeng maging secretary mo. Nakita mo naman ang mga kapalpakan ko.”“Akala ko hindi ka madaling sumuko. First day pa lang umaayaw ka na.”“Actually, wala naman akong masyadong pake sa ibang tao kaso nahihiya ako na pati ikaw nadadamay. Tsaka hindi ako dumaan sa proseso talagang may masasabi ang ibang tao.”“Then, prove them wrong. Tsaka I feel bored sometimes, I need a toy. Kaya kita dinala dito,” anitong lumapit sa kanya at napatingin sa dibdib niyang basa pa din.Napahinga siya ng malalim. Akala pa naman niya ay bumabait na ito. Gusto lang pala siyang gawing laruan kapag nabo-bored. Ngunit sa halip na mainis ay tila willing siyang maging laruan. Kunsabagay dalawang buwan na lang naman niyang makakapiling ang binata. Dapat niyang samantalahin ang pagkakataong makalapit dito.Nagkatinginan sila. Walang imikan. Binagtas ni Cayden
Si Thesa Ramirez ang dumating, ang head ng Marketing Department. Kilala sa buong kumpanya bilang matalino at matapang.Tumayo si Cayden mula sa kanyang upuan, kalmado ang kilos, pero tiningnan agad si Mayumi sa gilid ng mata.“What’s the problem, Thesa?” tanong nito. Napakagat labi siya sa malaking katangahan.“Heto, Sir Cayden,” sabay pakita ni Thesa ng tablet. “This email was sent to one of our VIP partners. It has the wrong sales figures, the wrong product list, and worst of all, a wrong sign-off with a typo that says Much lust, Mayumi instead of Much trust! Que Horror!”Namutla si Mayumi. “Lagot,” bulong niya. Parang gusto niyang maglaho na lang at kainin ng lupa.“Hindi lang ito nakakahiya, Sir Cayden. This puts our image at risk! The client literally called me asking if we hired an intern to run our corporate correspondence!” dagdag ni Thesa, habang halatang pinipigilan ang sarili na huwag lumipad ang tablet sa ulo ni Mayumi.“Pa-pasensya na, hindi ko si-sinasadya,” nauutal niyan
“Makinig ka. Pulis ako. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat. Sumama ka sa amin.”Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki. May kasama itong naka-unipormeng pulis. Isinakay siya sa puting van. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.“Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan. Kanina, nakita ko ang walang pag-aalinlangan mo sa pagtulong sa nangangailangan. Kaya naman may iaalok kami sa’yo.”Hinubad ng lalaki ang suot na jacket, ipinakita ang isang markang hindi karaniwang badge, kulay itim at pilak na may nakaukit na letrang SFU: Secret Force Unit.Nanlaki ang mata niya.“Gobyerno kami,” patuloy ni Justin. “Lihim kaming yunit na tumutugis sa mga malalaking sindikato. Isa sa mga target namin si Don Manuel.”Napalunok siya sa narinig. “Bakit ako? Wala akong kakayahan sa ganyan. Oo matulungin ako sa nangangailangan dahil alam ko ang pakiramdam ng walang malalapitan. Pero hindi ko kayang banggain si Don Manuel,” mahina niyang sabi.“May koneksyon ka sa kanya. Kailangan namin ng mata at tenga
Hiyang hiya si Mayumi kay Mommy Cecil ng nagawa niyang utangan ito ng pera. Ngunit kailangan niyang kapalan ang mukha."Magkano, hija?" medyo nagulat ngunit kalmadong tanong nito."Isang milyon po.”"Isang milyon? Para saan, Mayumi?”"Ipambabayad ko po ng utang ng nanay ko,” aniyang nagpipigil ng luha.Tahimik ulit si Mommy Cecil. Malalim na nag-iisip."Ibigay mo sa akin ang detalye ng bank mo at ipapadala ko ang isang milyon.”“Talaga po? Papahiramin ninyo ako? Maraming salamat po. Pasensya na po kayo. Babayaran ko din po.”Tila anghel ang tingin niya sa Donya at parang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib.“Anak ang turing ko sa’yo, Mayumi. Magsabi ka lang kapag may problema ka at nakahanda akong tumulong.”Napayakap siya sa matandang naging napakabait sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito.***Nakaupo si Mommy Cecil sa mahogany desk, may hawak na checkbook at cellphone. Katatapos lang nitong tawagan ang accountant upang ayusin ang transfer ng pera. May kumatok sa pin
Marahang umalis si Mayumi sa kama. Humiga siya sa sofa. Yumaman lang siya tapos ang problema niya sa buhay. Ayaw na siyang bigyan ni Cayden ng isang milyon. Tila lumobo ang utak niya kakaisip.Maagang gumising si Mayumi para maghanda ng agahan. Naglagay siya ng tatlong tasa ng kape sa mesa. Gunawa niya ang kape gamit ang coffee maker. Nagtrabaho syang barista sa sikat na coffee shop sa lugar nila kaya masarap ang timpla niya.Maya-maya pa'y bumaba si Mommy Cecil na nakangiti sa kanya. Napatingin siya sa matanda. Kung hindi siya bibigyan ng pera ni Cayden baka pwede siyang humiram sa Donya. Ngunit nakaramdam siya ng hiya. May ilang araw pa naman siya para maghagilap ng pera."Aba, Mayumi! Ang sipag mo talaga. Napakapalad naman ng anak ko sa'yo.""Naku, Mommy Cecil, maliit na bagay lang po ito. Si Cayden po kasi, pagod palagi sa trabaho kaya gusto ko po siyang pagsilbihan,” aniyang pilit pinapasigla ang boses.Sakto namang lumabas si Cayden mula sa kwarto. Bagong paligo ito at talaga nam
Bumangon si Cayden at pumasok sa banyo upang maligo. Hinintay ni Mayumi ang paglabas nito. May hinanap siya sa bag at nakita niya maliit na bote ng langis at kumuha siya ng isang tuwalya."Cayden, gusto mo bang i-masahe ko ang likod mo? Parang pagod ka kasi."Lumingon si Cayden, at sa halip na ngumiti, napakunot ang noo."Kahit anong gawin mo ay hindi kita papahiramin ng pera.”Napaatras si Mayumi, kita sa mukha ang pagkabigla at medyo nasaktan kahit sanay naman siyang minamaltrato ng nanay at kapatid."Hindi kita pipiliting bigyan ako ng pera. Gusto lang kitang tulungang gumaan ang katawan mo,” aniyang napayuko."Gusto kong magpahinga. Umalis ka diyan.”Maingat ang mga hakbang niya, hawak pa rin ang maliit na bote ng langis."Alam kong pagod ka. Mas marerelax ka at makakatulog kapag minasahe kita,” mahinahong sabi niya.Hindi umimik si Cayden. Bumuntong-hininga lang siya, pero hindi umalis. Dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa gilid ng kama. Binuksan niya ang bote ng langis at pina