로그인Nagtinginan ang mga tao sa paligid at isa-isa silang napalingon sa direksiyon ko. Sakto pa talaga na hindi ko pa naipapakilala nang maayos ang sarili ko bilang CEO ng Valeroux Jewelry nang sila na agad ang gumawa ng eksena.
“Iha, what’s happening? Bakit nandito sila?” nagtatakang tanong ni Mommy habang tinitingnan sina Cynthia, Theo, at Bea. Nginitian ko lamang siya at marahang tinapik siya sa balikat upang pakalmahin siya. Ayokong maistorbo ang araw na matagal naming pinaghandaan dahil lamang sa kanila. “Okay lang, Mommy. They’re not worth your worries. Ako na ang bahala sa kanila.” Tumango siya, kahit halatang nag-aalala pa rin. Bago pa man siya makapagsalita, tumalikod na ako kina Mommy at Daddy at naglakad papunta kina Cynthia. Habang papalapit ako, ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong kalmado at diretso ang tingin sa kanila. Hindi pa man ako tuluyang nakapagsasalita, nauna nang bumuka ang bibig ni Cynthia. “Hindi kita pinalaking magnanakaw at sinungaling,” matalim niyang sabi. Sapat ang lakas ng boses niya upang marinig ng mga taong nakapaligid sa amin. “Iyan ba ang itinuro sa’yo ng mga umampon sa’yo?” Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon, kundi dahil nakakatawa na sila pa talaga ang may lakas ng loob na magsalita tungkol sa pagpapalaki sa akin. “Anong tinatawa-tawa mo diyan?” ani Cynthia, halatang naiirita sa reaksiyon ko. “Wala. Nakakatawa lang,” sagot ko habang nakatingin sa kanya. “Because as far as I know, hindi naman kayo ang nagpalaki sa akin.” Saglit akong tumingin kina Bea at Theo bago muling ibinalik ang tingin kay Cynthia. “You really want to talk about how I was raised, Cynthia?” Sandali akong tumigil bago ako nagpatuloy. “Kung tutuusin, hindi naman kayo ang may karapatang magtanong kung ano ang itinuro sa akin ng mga magulang ko. Kayo nga ang unang nagturo sa akin kung gaano kadaling ipagpalit ang isang anak sa pera.” Natahimik siya. Bahagya akong ngumiti. “Huwag mo akong tawaging magnanakaw ngayon dahil lang sa ayaw mong tanggapin kung ano ang naging buhay ko pagkatapos ninyong bitawan ako.” Huminga ako nang malalim bago ko idinagdag, “At tungkol sa mga umampon sa akin? Sila ang nagturo sa akin kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagkakaroon ng pamilya. Kaya kung gusto mong malaman kung sino ang nagturo sa akin na maging ganito, tingnan mo muna ang sarili mo.” Hindi na ako naghintay sa magiging sagot niya. “Before you accuse me of being a thief and a liar, make sure you remember what you sold fifteen years ago.” “Kaya nga naging magnanakaw at sinungaling ka! Dahil sila ang nagpalaki sa iyo. Kung sa amin ka lumaki, hindi ka magkakaganyan!” sigaw ni Theo. “You gave me away. They raised me. So tell me, sino sa tingin n’yo ang mas may karapatang magsabi kung anong klaseng tao ako ngayon?” kalmado kong sagot. “Magnanakaw? Sinungaling? Nasaan ang ebidensiya n’yo? At higit sa lahat, do you even have any idea who she is?” “Bobita ka talaga,” mabilis na singit ni Bea. “Malamang, si Ms. Valeroux ay si Ms. Valeroux. Anong akala mo, ikaw siya? At saang kakapalan ng mukha mo nakuha ang lakas ng loob mong magpanggap na ikaw si Ms. Valeroux?” Hindi ako nainis sa sinabi niya. Sa halip, bahagya lamang akong napangiti. “Then why don’t you call your dear boyfriend?” Napakunot ang noo niya. “At anong kinalaman ni Nate dito?” “You said your dear boyfriend is the manager of Valeroux Jewelry. I’m sure kilala niya si Ms. Valeroux. Unless, of course, hindi talaga siya manager, which I’m sure he is the real manager. Pero isa lang ang sinisigurado ko. Ikaw ang mapapahiya.” Agad siyang nainis sa sinabi ko. “Manager siya. At kilalang-kilala niya ang mga taong nagtatrabaho rito.” “Good.” “Gusto mo talagang mapahiya?” Bahagya siyang ngumiti. “O sige. Pagbibigyan kita.” Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Nate. Habang naghihintay siya ng sagot, nakatingin lamang ako sa kanya. Wala akong dahilan para pigilan siya. Sa totoo lang, mas gusto kong siya mismo ang makapagpatunay kung sino ang nagsisinungaling sa aming dalawa. Ilang segundo lamang ang lumipas bago tuluyang sumagot si Nate. “Hello? Nate, nasaan ka?” tanong ni Bea. Narinig ko ang boses ni Nate mula sa kabilang linya habang sinasabi nitong nasa event na siya. Hinahanap lamang daw niya ang CEO ng Valeroux dahil kailangan niyang makausap at ipakilala ito sa mga bisita at business partners na naroon. Hindi niya alam na ako mismo ang hinahanap niya. Hindi niya alam na ang babaeng pilit nilang inaakusahan at pinagtatawanan ay siya mismong CEO na gustong makausap ng ipinagmamalaki niyang boyfriend. “Hindi mo pa ba nakikita si Ms. Valeroux?” tanong ni Bea. “No, not yet,” sagot ni Nate. “I’ve been looking for her. Have you seen her?” Napatingin si Bea sa akin bago siya tumawa. “Actually, may kasama akong babae rito na nagpapanggap na siya.” “Really?” tanong ni Nate mula sa kabilang linya. “Who?” “Si Yasmine.” Saglit akong tinitigan ni Bea bago siya muling nagsalita. “Sinasabi niyang siya raw si Ms. Valeroux. Imagine that. Isang bobita ang hampaslupang katulad ni Yasmine, nagpapanggap na si Ms. Valeroux.” Hindi ko napigilang mapangiti. “Wait,” ani Nate. “Yasmine?” “Yes. The same woman I told you about.” Tumahimik siya sandali bago siya nagsalita muli. “Bea, nasaan ka?” “Nandito sa main hall. Bakit?” “I’m coming there.” Nakangising tumingin sa akin si Bea matapos niyang ibaba ang tawag. Halatang lalo siyang naging kampante dahil sa narinig niya mula kay Nate. Na para bang mapapatunayan na niyang mali ako kapag dumating na si Nate. “See? Darating si Nate. Siya mismo ang magsasabi sa’yo kung sino ang CEO,” aniya habang mayabang na humakbang palapit sa akin. “Narinig n’yo naman siguro lahat iyon, hindi ba?” tanong niya, sabay tingin sa mga taong nakapaligid sa amin. “Kasalukuyang hinahanap ni Nate ang CEO na si Ms. Valeroux dahil wala pa siya sa event. Meaning to say, peke ang babaeng ito. She’s nothing but a fraud, liar, and thief.” Hindi ako agad sumagot. Tinitigan ko lamang siya bago bahagyang ngumiti. Kung ganoon siya kasigurado sa mga sinasabi niya, wala akong kailangang patunayan sa kanya. “Okay, then. But watch your mouth, Bea,” mahinahon kong sabi. “Dahil baka mamaya, dalhin ka sa sahig ng mga sinasabi mo. You don’t have any proof that I stole anything. You can’t prove that I’m a liar simply because no one here knows who the real Ms. Valeroux is.” Tumigil ako sandali bago ako nagpatuloy. Diretso pa rin akong nakatingin sa kanya. “Kaya ngayon pa lang, binibigyan na kita ng pagkakataong bawiin ang mga sinabi mo. I want you to apologize.” Napatawa si Bea. “At sino ka para gawin ko ’yon? Akala mo kung sino ka na dahil lang sa suot mong damit? Hoy, Yasmine, gumising ka. Tinapon ka nga lang na parang basura ng mga Castillo.” Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko siya nang diretso bago ako nagsalita. “I don’t give multiple fucking chances. So it’s either you apologize right now, or you’ll regret everything you just said.” “Bobita ka talaga,” sagot niya, walang bahid ng pagsisisi. “Hindi ako magso-sorry dahil totoo naman na magnanakaw ka at sinungaling. I will be the future ambassador of the most luxurious jewelry brand, kaya wala sa bokabularyo ko ang mag-sorry sa isang tulad mo.” Napangisi pa siya bago niya idinagdag, “Lalo na sa mga magulang mong kasing-basura mo.” Alam kong ang tinutukoy niya ay sina Mommy at Daddy. Doon na tuluyang nawala ang natitirang pasensya ko. Hindi na ako nagsalita. Lumapit ako at sinampal siya nang malakas. Napahawak si Bea sa kanyang pisngi at agad na umangat ang kamay niya para gantihan ako. Ngunit bago pa niya tuluyang maibaba ang kamay niya, isang boses ang pumigil sa kanya. “Bea, itigil mo ’yan!” Dumating na si Nate.“Bea, itigil mo ’yan!”Napahinto si Bea nang marinig ang boses ni Nate. Agad siyang napalingon sa kanya at mabilis na lumapit, habang ako naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan ko. Halata sa mukha ni Nate na hindi niya inaasahang ganito ang sasalubong sa kanya pagdating niya sa main hall. Mas lalong nagbago ang ekspresyon niya nang makita niya kung sino ang kaharap ni Bea.“Babe, buti na lang dumating ka,” agad na reklamo ni Bea. “Sabihin mo sa kanya na hindi siya si Ms. Valeroux. She has been pretending to be the CEO, and she even had the nerve to slap me.”Tumingin si Nate sa akin. Saglit siyang natigilan bago niya ako tinawag. “Yasmine?”Bahagya akong ngumiti. “Nate.”Napatingin siya kay Bea, saka muling bumalik ang tingin sa akin. “Ano bang nangyari?”“Bakit hindi mo tanungin ang girlfriend mo?” mahinahon kong sagot. “Mukhang marami siyang gustong sabihin tungkol sa akin.”“Because she’s lying!” mabilis na singit ni Bea. “Sinabi ko sa kanya na hindi siya si Ms. Valeroux, tapos s
Nagtinginan ang mga tao sa paligid at isa-isa silang napalingon sa direksiyon ko. Sakto pa talaga na hindi ko pa naipapakilala nang maayos ang sarili ko bilang CEO ng Valeroux Jewelry nang sila na agad ang gumawa ng eksena.“Iha, what’s happening? Bakit nandito sila?” nagtatakang tanong ni Mommy habang tinitingnan sina Cynthia, Theo, at Bea.Nginitian ko lamang siya at marahang tinapik siya sa balikat upang pakalmahin siya. Ayokong maistorbo ang araw na matagal naming pinaghandaan dahil lamang sa kanila.“Okay lang, Mommy. They’re not worth your worries. Ako na ang bahala sa kanila.”Tumango siya, kahit halatang nag-aalala pa rin. Bago pa man siya makapagsalita, tumalikod na ako kina Mommy at Daddy at naglakad papunta kina Cynthia. Habang papalapit ako, ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong kalmado at diretso ang tingin sa kanila.Hindi pa man ako tuluyang nakapagsasalita, nauna nang bumuka ang bibig ni Cynthia.“Hindi kita pinalakin
Tiningnan ko sila nang diretso bago ako nagsalita. “And who gave you the invitation to come here to my party?”Agad na nanlaki ang mga mata nila. Ilang segundo silang natigilan bago tuluyang napalitan ng pangungutya ang kanilang mga ekspresyon.“Party mo?” Bea scoffed bago humagalpak ng tawa. “Nagpapatawa ka ba?”Napangisi naman si Theo, ang biological father ko. “Akala siguro niya, palibhasa afford ng pamilyang umampon sa kanya ang bayad sa pagkuha sa kanya, siya na rin ang pinakamayamang self-made billionaire na si Ms. Valeroux.”Hindi ako natinag sa sinabi nila. Sa halip, hinayaan ko lamang silang magsalita hanggang sa matapos.“And excuse me lang, ha,” dagdag ni Bea, sabay ayos ng buhok niya. “The reason I’m here is that my boyfriend happens to be a manager of Valeroux Jewelry. He’s also friends with the CEO of Valeroux, kaya nakuha nila ako bilang brand ambassador.”Ngumiti siya nang mayabang bago niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. “Kaya, Pat—” Napahinto siya at tila sin
15 years later…Labinlimang taon na ang nakalipas. Ibinaon ko na sa limot ang pangalang Patricia Castillo. Matagal ko nang iniwan ang babaeng iyon kasama ng lahat ng alaala at buhay na mayroon ako noon. I am now Yasmine Villafuente, ang nag-iisang anak ng mga Villafuente, ang kanilang unica hija, nag-iisang tagapagmana, at higit sa lahat, ang youngest self-made billionaire na nagmula sa Paris. Gusto sana akong sunduin ng mga magulang ko sa airport, pero tumanggi ako. The more bodyguards I have around me, the more people are going to suspect who I really am. Ayokong pagkumpulan ako ng media, lalo na't kakauwi ko pa lamang. I have spent years building my name and keeping my identity away from unnecessary attention. Wala akong balak sirain iyon sa unang araw ng pagbabalik ko.Nang makarating ako sa bahay, agad na bumungad sa akin si Mommy na naghihintay sa harapan ng mansion. Halatang matagal na niya akong hinihintay dahil agad siyang lumapit sa akin nang makita niya akong bumaba ng sas
“Ipapaampon ka na namin.”“P-Po? Mommy, ano’ng ibig ninyong sabihin? Nagbibiro lang po ba kayo?”Napatunayan ko lamang iyon nang may dumating sa bahay na mag-asawa. Pareho silang maayos na manamit at halatang may kaya sa buhay. Sa unang tingin, mukha naman silang mababait, kaya lalo kong hindi maintindihan kung bakit sila narito.Mayaman sila sa tingin pa lamang. Maayos ang kanilang pananamit at mukha naman silang mababait, kaya lalo akong naguguluhan kung bakit sila narito.“Please, have a seat,” paanyaya ni Mommy.Naupo ang mag-asawa sa sofa at ganoon din si Daddy. Umupo siya sa tabi ni Mommy habang nasa pagitan nilang dalawa si Bea, ang ampon nilang anak at stepsister ko. Ako naman ay nanatili lamang sa isang sulok, tahimik na nakikinig at sinusubukang intindihin ang nangyayari.“Pasensiya na kayo. Hindi kami nakapaghanda sa pagdating ninyo, kaya wala kaming maihain,” ani Mommy, halatang nahihiya.“Ayos lang. Biglaan din kasi ang desisyon ng asawa ko,” sagot ng lalaki. “Gusto na kas







