공유

Chapter 2

last update 게시일: 2026-10-07 14:46:14

15 years later…

Labinlimang taon na ang nakalipas. Ibinaon ko na sa limot ang pangalang Patricia Castillo. Matagal ko nang iniwan ang babaeng iyon kasama ng lahat ng alaala at buhay na mayroon ako noon. I am now Yasmine Villafuente, ang nag-iisang anak ng mga Villafuente, ang kanilang unica hija, nag-iisang tagapagmana, at higit sa lahat, ang youngest self-made billionaire na nagmula sa Paris.

Gusto sana akong sunduin ng mga magulang ko sa airport, pero tumanggi ako. The more bodyguards I have around me, the more people are going to suspect who I really am. Ayokong pagkumpulan ako ng media, lalo na't kakauwi ko pa lamang. I have spent years building my name and keeping my identity away from unnecessary attention. Wala akong balak sirain iyon sa unang araw ng pagbabalik ko.

Nang makarating ako sa bahay, agad na bumungad sa akin si Mommy na naghihintay sa harapan ng mansion. Halatang matagal na niya akong hinihintay dahil agad siyang lumapit sa akin nang makita niya akong bumaba ng sasakyan. Sa ikalawang palapag naman ng terrace, nakita ko si Daddy na abala sa pagbabasa ng newspaper. Nang mapansin niya ako, bahagya lamang siyang kumaway sa akin habang nakangiti bago muling ibinalik ang kanyang atensyon sa binabasa.

Mahigpit akong niyakap ni mommy.

“I missed you so much, anak,” bulong niya, paulit-ulit na hinahaplos ang likod ko. “Sobrang tagal kitang hinintay.”

“I’m home, Mommy.”

“Ang tagal mong nawala,” sabi niya sa pagitan ng mga hikbi. “Akala ko… hindi ka na talaga uuwi.”

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. “I’m sorry.”

“Wala kang kailangang ihingi ng tawad sa akin,” agad niyang sagot. “Basta umuwi ka. Iyon lang ang gusto ko.”

Nakita ko naman na maya-maya lamang ay bumaba na si Daddy mula sa terrace.

“Hi, Dad,” mahina kong bati.

Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit. “Hi, baby girl.”

It had been such a long day, kaya minabuti ko munang magpahinga matapos ang mga dramatic moments namin ng mga magulang ko. Bukas pa naman ang pinakahihintay na araw, at alam kong kailangan kong ipunin ang lahat ng lakas ko para roon. It was a very, very big day—the day we had spent so much time preparing for. Halos lahat ng bagay ay napagplanuhan na namin, kaya gusto kong sulitin ang natitirang oras para makapagpahinga at maging handa.

The next morning, I woke up feeling surprisingly energetic. Parang nawala lahat ng pagod na naramdaman ko kahapon. I was in a much better mood, excited and eager for what was about to come. Habang bumababa ako, agad kong nakita si Mommy na abala sa ilang bagay sa sala.

“Good morning, Iha.”

“Good morning, Mommy.”

Paglapit ko sa kanya, agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Marahan din niyang inayos ang buhok ko, gaya ng nakasanayan niya, bago siya bahagyang umatras upang tingnan ako mula ulo hanggang paa. May malawak na ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan niya ako na para bang ngayon lang niya ako nakita nang ganoon.

“Napakaganda ng Yasmine namin,” buong pagmamalaki niyang sabi.

Napangiti ako at bahagyang yumuko, bago ko siya pabirong sinagot, “Mana sa’yo, Mommy.”

“Ay, sus. Binola mo na naman ako.” Natatawa siyang umiling bago niya ako hinawakan sa braso. “Halika na. Mag-almusal na muna tayo at baka mahuli ka pa. It’s your big day today.”

“It’s our big day, Mommy,” pagtatama ko. “Ang big day ko, inyo rin.”

“Fine. Fine.” Tumawa siya. “Pupunta na kami ni Daddy mo sa big day mo.”

“Sabi na nga ba. Hindi n’yo ako matitiis.”

“Lagi naman,” sagot niya nang may ngiti bago niya ako muling inayos.

Magkasama kaming nagtungo sa dining room, kung saan naghihintay na sa amin si Daddy. Mukhang kanina pa siya roon at abala sa paghihintay sa amin. Pagkakita niya sa amin, agad siyang ngumiti. Bago pa kami tuluyang makaupo, naglambingan muna sina Mommy at Daddy na para bang nakalimutan nilang may kasama sila.

Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan sila. Minsan talaga, naiinggit ako sa kanilang dalawa. Sa halip na pansinin ako, abala sila sa paglalambing sa isa’t isa.

“Can you two stop being sweet for a minute?” reklamo ko habang natatawa.

Tumawa lamang sila bago kami tuluyang kumain.

Matapos naming kumain, agad na kaming naghanda para umalis. Ngayong araw, ang grand welcome para sa pagbubukas ng Valeroux Jewelry, at bilang bagong mukha at tagapagmana ng pangalan ng kumpanya, ako ang sentro ng event.

Hinintay muna ako nina Mommy at Daddy bago nila ako ihatid sa venue kung saan gaganapin ang grand welcome para sa opisyal na pagbubukas ng Valeroux Jewelry. Isa itong malaking araw para sa aming pamilya, at higit sa lahat, isa itong mahalagang hakbang para sa bagong buhay na matagal ko nang pinaghahandaan.

“Are you ready?” tanong ni Mommy habang hawak ang kamay ko.

“Yes, naman. I am always ready.” Ngumiti ako, kahit may kaunting kaba sa loob ko. “This is my very first public appearance after spending years preparing in Paris. Handa man o hindi, I have to do my best out there.”

Tumango si Mommy at ngumiti sa akin. “Okay. Make yourself proud, sweetheart. Your Daddy and I will be in the crowd. I-entertain muna namin sila habang nagpapalit ka pa ng damit, okay?”

“Thank you, Mommy.”

“For you, sweetie. Basta huwag kang magtagal, okay?”

“I will be there bago pa kayo maubusan ng pag-tsitsismisan.”

Hindi napigilan ni Mommy na matawa sa biro ko. Umiling siya habang nakangiti bago sila ni Daddy nauna nang pumunta sa main hall kung saan gaganapin ang event.

Samantala, dumiretso naman ako sa private office ko at isinama ko si Kelly, ang personal assistant ko. Kailangan ko ng tulong niya dahil hindi madaling isuot ang dress na napili ko para sa araw na iyon. Medyo komplikado ang pagkakagawa nito, kaya mas mabuting may tumulong sa akin kaysa mag-isa kong ayusin.

Regalo rin sa akin ang dress mula sa isang kaibigan kong fashion designer sa Paris. Siya rin ang isa sa mga taong malaki ang naging impluwensya sa akin noong naroon ako. Bukod sa fashion, siya ang nagturo sa akin ng maraming bagay tungkol sa jewelry, mula sa pagpili ng tamang disenyo hanggang sa kung paano ito ibagay sa isang outfit.

Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit pinili kong magkaroon ng sarili kong jewelry brand.

I wanted to create pieces that were not only beautiful but also had their own identity. At ngayong araw, sa wakas ay makikita na ng mundo ang unang bunga ng ilang taon kong paghahanda.

Matapos kong magpalit ng damit, lumabas na kami ni Kelly sa office. Sakto naman ang paglabas namin dahil sa hallway ay nasalubong ko ang dati kong pamilya.

Malawak ang mga ngiti nila, lalo na si Bea, na para bang siya pa rin ang taong may kontrol sa sitwasyon. Sa paraan ng pagkakangiti niya, parang siguradong-sigurado siyang masaya na naman ang lahat para sa kanya.

“Oh, look at this. What a coincidence,” ani Cynthia, ang biological mother ko, habang nakangiting lumalapit. “Bakit ka nandito? At bakit ka nasa office ng CEO ng Valeroux?”

Hindi ako agad sumagot.

Labinlimang taon na ang lumipas mula nang iniwan nila ako. Dati, wala akong magawa. Bata pa ako noon. Wala akong kakayahang ipagtanggol ang sarili ko at hindi ko pa naiintindihan kung paano gumagana ang mundo. Pero ngayon, hindi na si Patricia kundi si Yasmine na ang kaharap nila.

Sa totoo lang, nang makita ko pa lamang ang mga mukha nila, gusto ko na silang isubsob sa sahig para matauhan. Ngunit hindi ko iyon ginawa. Nanatili lamang akong nakatayo sa harap nila, pinipilit kong panatilihing kalmado ang sarili ko. Hindi ko hahayaang masira nila ang araw na pinaghirapan ko nang maraming taon.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Never Provoke A Billionairess   Chapter 5

    “Bea, itigil mo ’yan!”Napahinto si Bea nang marinig ang boses ni Nate. Agad siyang napalingon sa kanya at mabilis na lumapit, habang ako naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan ko. Halata sa mukha ni Nate na hindi niya inaasahang ganito ang sasalubong sa kanya pagdating niya sa main hall. Mas lalong nagbago ang ekspresyon niya nang makita niya kung sino ang kaharap ni Bea.“Babe, buti na lang dumating ka,” agad na reklamo ni Bea. “Sabihin mo sa kanya na hindi siya si Ms. Valeroux. She has been pretending to be the CEO, and she even had the nerve to slap me.”Tumingin si Nate sa akin. Saglit siyang natigilan bago niya ako tinawag. “Yasmine?”Bahagya akong ngumiti. “Nate.”Napatingin siya kay Bea, saka muling bumalik ang tingin sa akin. “Ano bang nangyari?”“Bakit hindi mo tanungin ang girlfriend mo?” mahinahon kong sagot. “Mukhang marami siyang gustong sabihin tungkol sa akin.”“Because she’s lying!” mabilis na singit ni Bea. “Sinabi ko sa kanya na hindi siya si Ms. Valeroux, tapos s

  • Never Provoke A Billionairess   Chapter 4

    Nagtinginan ang mga tao sa paligid at isa-isa silang napalingon sa direksiyon ko. Sakto pa talaga na hindi ko pa naipapakilala nang maayos ang sarili ko bilang CEO ng Valeroux Jewelry nang sila na agad ang gumawa ng eksena.“Iha, what’s happening? Bakit nandito sila?” nagtatakang tanong ni Mommy habang tinitingnan sina Cynthia, Theo, at Bea.Nginitian ko lamang siya at marahang tinapik siya sa balikat upang pakalmahin siya. Ayokong maistorbo ang araw na matagal naming pinaghandaan dahil lamang sa kanila.“Okay lang, Mommy. They’re not worth your worries. Ako na ang bahala sa kanila.”Tumango siya, kahit halatang nag-aalala pa rin. Bago pa man siya makapagsalita, tumalikod na ako kina Mommy at Daddy at naglakad papunta kina Cynthia. Habang papalapit ako, ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong kalmado at diretso ang tingin sa kanila.Hindi pa man ako tuluyang nakapagsasalita, nauna nang bumuka ang bibig ni Cynthia.“Hindi kita pinalakin

  • Never Provoke A Billionairess   Chapter 3

    Tiningnan ko sila nang diretso bago ako nagsalita. “And who gave you the invitation to come here to my party?”Agad na nanlaki ang mga mata nila. Ilang segundo silang natigilan bago tuluyang napalitan ng pangungutya ang kanilang mga ekspresyon.“Party mo?” Bea scoffed bago humagalpak ng tawa. “Nagpapatawa ka ba?”Napangisi naman si Theo, ang biological father ko. “Akala siguro niya, palibhasa afford ng pamilyang umampon sa kanya ang bayad sa pagkuha sa kanya, siya na rin ang pinakamayamang self-made billionaire na si Ms. Valeroux.”Hindi ako natinag sa sinabi nila. Sa halip, hinayaan ko lamang silang magsalita hanggang sa matapos.“And excuse me lang, ha,” dagdag ni Bea, sabay ayos ng buhok niya. “The reason I’m here is that my boyfriend happens to be a manager of Valeroux Jewelry. He’s also friends with the CEO of Valeroux, kaya nakuha nila ako bilang brand ambassador.”Ngumiti siya nang mayabang bago niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. “Kaya, Pat—” Napahinto siya at tila sin

  • Never Provoke A Billionairess   Chapter 2

    15 years later…Labinlimang taon na ang nakalipas. Ibinaon ko na sa limot ang pangalang Patricia Castillo. Matagal ko nang iniwan ang babaeng iyon kasama ng lahat ng alaala at buhay na mayroon ako noon. I am now Yasmine Villafuente, ang nag-iisang anak ng mga Villafuente, ang kanilang unica hija, nag-iisang tagapagmana, at higit sa lahat, ang youngest self-made billionaire na nagmula sa Paris. Gusto sana akong sunduin ng mga magulang ko sa airport, pero tumanggi ako. The more bodyguards I have around me, the more people are going to suspect who I really am. Ayokong pagkumpulan ako ng media, lalo na't kakauwi ko pa lamang. I have spent years building my name and keeping my identity away from unnecessary attention. Wala akong balak sirain iyon sa unang araw ng pagbabalik ko.Nang makarating ako sa bahay, agad na bumungad sa akin si Mommy na naghihintay sa harapan ng mansion. Halatang matagal na niya akong hinihintay dahil agad siyang lumapit sa akin nang makita niya akong bumaba ng sas

  • Never Provoke A Billionairess   Chapter 1

    “Ipapaampon ka na namin.”“P-Po? Mommy, ano’ng ibig ninyong sabihin? Nagbibiro lang po ba kayo?”Napatunayan ko lamang iyon nang may dumating sa bahay na mag-asawa. Pareho silang maayos na manamit at halatang may kaya sa buhay. Sa unang tingin, mukha naman silang mababait, kaya lalo kong hindi maintindihan kung bakit sila narito.Mayaman sila sa tingin pa lamang. Maayos ang kanilang pananamit at mukha naman silang mababait, kaya lalo akong naguguluhan kung bakit sila narito.“Please, have a seat,” paanyaya ni Mommy.Naupo ang mag-asawa sa sofa at ganoon din si Daddy. Umupo siya sa tabi ni Mommy habang nasa pagitan nilang dalawa si Bea, ang ampon nilang anak at stepsister ko. Ako naman ay nanatili lamang sa isang sulok, tahimik na nakikinig at sinusubukang intindihin ang nangyayari.“Pasensiya na kayo. Hindi kami nakapaghanda sa pagdating ninyo, kaya wala kaming maihain,” ani Mommy, halatang nahihiya.“Ayos lang. Biglaan din kasi ang desisyon ng asawa ko,” sagot ng lalaki. “Gusto na kas

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status