LOGIN“Y-You’re Ms. Valeroux?” nauutal na tanong ni Cynthia, tila hindi pa rin makapaniwala sa narinig at nalaman niya. Hindi ko siya kaagad sinagot. Sa halip, marahan lang akong tumango at bahagyang itinaas ang dalawang kilay bilang pagsang-ayon. Hindi ko na kailangang magsalita pa para patunayan ang sarili ko. Sapat nang makita nila ang katotohanang kanina pa nila pilit na itinatanggi. “It's not possible. It's really not possible,” paulit-ulit na sambit ni Cynthia, napapailing habang pilit na inuunawa ang lahat. “Of course, it's possible!” biglang sigaw ni Nate, hindi na napigilan ang galit. “Ano pa ba ang inaasahan ninyo? Nagpadalos-dalos kayo dahil sa kayabangan ninyo, at ngayon pati pangalan at trabaho ko, idadamay ninyo sa kagagawan ninyo!” Matalim ang naging tingin niya kay Bea, na tila hindi pa rin matanggap ang nangyayari. “At kung hindi mo muna ipinagmalaki ang isang bagay na hindi pa naman talaga sa iyo, hindi sana tayo malalagay sa ganitong sitwasyon!” “Hindi! Hindi, hindi pu
“Bea, itigil mo ’yan!”Napahinto si Bea nang marinig ang boses ni Nate. Agad siyang napalingon sa kanya at mabilis na lumapit, habang ako naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan ko. Halata sa mukha ni Nate na hindi niya inaasahang ganito ang sasalubong sa kanya pagdating niya sa main hall. Mas lalong nagbago ang ekspresyon niya nang makita niya kung sino ang kaharap ni Bea.“Babe, buti na lang dumating ka,” agad na reklamo ni Bea. “Sabihin mo sa kanya na hindi siya si Ms. Valeroux. She has been pretending to be the CEO, and she even had the nerve to slap me.”Tumingin si Nate sa akin. Saglit siyang natigilan bago niya ako tinawag. “Yasmine?”Bahagya akong ngumiti. “Nate.”Napatingin siya kay Bea, saka muling bumalik ang tingin sa akin. “Ano bang nangyari?”“Bakit hindi mo tanungin ang girlfriend mo?” mahinahon kong sagot. “Mukhang marami siyang gustong sabihin tungkol sa akin.”“Because she’s lying!” mabilis na singit ni Bea. “Sinabi ko sa kanya na hindi siya si Ms. Valeroux, tapos s
Nagtinginan ang mga tao sa paligid at isa-isa silang napalingon sa direksiyon ko. Sakto pa talaga na hindi ko pa naipapakilala nang maayos ang sarili ko bilang CEO ng Valeroux Jewelry nang sila na agad ang gumawa ng eksena.“Iha, what’s happening? Bakit nandito sila?” nagtatakang tanong ni Mommy habang tinitingnan sina Cynthia, Theo, at Bea.Nginitian ko lamang siya at marahang tinapik siya sa balikat upang pakalmahin siya. Ayokong maistorbo ang araw na matagal naming pinaghandaan dahil lamang sa kanila.“Okay lang, Mommy. They’re not worth your worries. Ako na ang bahala sa kanila.”Tumango siya, kahit halatang nag-aalala pa rin. Bago pa man siya makapagsalita, tumalikod na ako kina Mommy at Daddy at naglakad papunta kina Cynthia. Habang papalapit ako, ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong kalmado at diretso ang tingin sa kanila.Hindi pa man ako tuluyang nakapagsasalita, nauna nang bumuka ang bibig ni Cynthia.“Hindi kita pinalakin
Tiningnan ko sila nang diretso bago ako nagsalita. “And who gave you the invitation to come here to my party?”Agad na nanlaki ang mga mata nila. Ilang segundo silang natigilan bago tuluyang napalitan ng pangungutya ang kanilang mga ekspresyon.“Party mo?” Bea scoffed bago humagalpak ng tawa. “Nagpapatawa ka ba?”Napangisi naman si Theo, ang biological father ko. “Akala siguro niya, palibhasa afford ng pamilyang umampon sa kanya ang bayad sa pagkuha sa kanya, siya na rin ang pinakamayamang self-made billionaire na si Ms. Valeroux.”Hindi ako natinag sa sinabi nila. Sa halip, hinayaan ko lamang silang magsalita hanggang sa matapos.“And excuse me lang, ha,” dagdag ni Bea, sabay ayos ng buhok niya. “The reason I’m here is that my boyfriend happens to be a manager of Valeroux Jewelry. He’s also friends with the CEO of Valeroux, kaya nakuha nila ako bilang brand ambassador.”Ngumiti siya nang mayabang bago niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. “Kaya, Pat—” Napahinto siya at tila sin
15 years later…Labinlimang taon na ang nakalipas. Ibinaon ko na sa limot ang pangalang Patricia Castillo. Matagal ko nang iniwan ang babaeng iyon kasama ng lahat ng alaala at buhay na mayroon ako noon. I am now Yasmine Villafuente, ang nag-iisang anak ng mga Villafuente, ang kanilang unica hija, nag-iisang tagapagmana, at higit sa lahat, ang youngest self-made billionaire na nagmula sa Paris. Gusto sana akong sunduin ng mga magulang ko sa airport, pero tumanggi ako. The more bodyguards I have around me, the more people are going to suspect who I really am. Ayokong pagkumpulan ako ng media, lalo na't kakauwi ko pa lamang. I have spent years building my name and keeping my identity away from unnecessary attention. Wala akong balak sirain iyon sa unang araw ng pagbabalik ko.Nang makarating ako sa bahay, agad na bumungad sa akin si Mommy na naghihintay sa harapan ng mansion. Halatang matagal na niya akong hinihintay dahil agad siyang lumapit sa akin nang makita niya akong bumaba ng sas
“Ipapaampon ka na namin.”“P-Po? Mommy, ano’ng ibig ninyong sabihin? Nagbibiro lang po ba kayo?”Napatunayan ko lamang iyon nang may dumating sa bahay na mag-asawa. Pareho silang maayos na manamit at halatang may kaya sa buhay. Sa unang tingin, mukha naman silang mababait, kaya lalo kong hindi maintindihan kung bakit sila narito.Mayaman sila sa tingin pa lamang. Maayos ang kanilang pananamit at mukha naman silang mababait, kaya lalo akong naguguluhan kung bakit sila narito.“Please, have a seat,” paanyaya ni Mommy.Naupo ang mag-asawa sa sofa at ganoon din si Daddy. Umupo siya sa tabi ni Mommy habang nasa pagitan nilang dalawa si Bea, ang ampon nilang anak at stepsister ko. Ako naman ay nanatili lamang sa isang sulok, tahimik na nakikinig at sinusubukang intindihin ang nangyayari.“Pasensiya na kayo. Hindi kami nakapaghanda sa pagdating ninyo, kaya wala kaming maihain,” ani Mommy, halatang nahihiya.“Ayos lang. Biglaan din kasi ang desisyon ng asawa ko,” sagot ng lalaki. “Gusto na kas







