Share

Kabanata 5

"DENISE! Open the door! C'mon," isang tinig na nagpagising sa nahihimlay na

diwa niya. Namungas siya ng mata at bagot na tumayo. Pinagbuksan niya ng

pintuan ang Ama para lang makita ang madilim at naiinip na mukha nito. "What

kind of drama is this, Denise?! Why you're still not ready?" Madiin at galit

na sabi ng Ama

Kumunot naman ang noo niya, "Huh? What do you mean, Papa? Ang aga aga, galit

na galit ka riyan." Napabuga ng hangin ang Ama niya at naghalukipkip.

"Goodness Denise! May lakad tayo ngayong umaga diba, i told you yesterday bago

ka matulog. Nakalimutan mo na agad?" Galit na ang tono ng boses nito

Wala sa sariling natampal niya ang noo. "O-oh. Y-yes, nakalimutan ko. I'm

sorry." Bakit niya ba nakalimutan 'yun? Panigurado, badshot nanaman siya sa

Papa niya.

Her Dad just hissed, "Faster, Denise. Ayaw kong malate tayo," tumalikod na

ito. Agad naman niyang sinara ang pintuan at aligagang niligpit ang higaan. Sa

pagod at antok niya, nawala na sa isip niya na may lakad pala sila.

Madaling naligo siya. Kumuha lang siya sa closet niya ng isang off-shoulder

dress. Kulay krema iyon at silky type. Naglagay lang ng pressed powder at

naglipstick.

She grabbed her shoulder bag at sinuot niya ang Prada sandals niya. Bumaba na

siya at nakita niya ang nakakunot-noo na Ama habang nakapamulsa. Akmang kukuha

pa siya ng tinapay nang tinampal nito ang kamay niya. "Don't. Malalate na

tayo, doon na tayo kakain. Alam mong ayaw na ayaw kong nalalate."

Wala na siyang nagawa kundi iwanan ang pagkain. Gutom na gutom pa naman siya.

Sinabayan niya ito sa paglalakad patungo sa naghihintay na sasakyan nila. Nang

makita sila ng driver agad nitong binuksan ang pinto.

"Papa?" Tawag niya rito.

Hindi ito lumingon sakanya, "Hmm?"

"Where are we going?"

"It's a suprise." Tipid na tugon nito.

Lihim siyang napairap dito. Wala talagang makukuhang matinong sagot dito sa

Ama niya. Ngunit ang sinabi nito ay naghatid sakanya ng kakaibang kaba. She

didn't know why. Matagal na katahimikan ang bumalot bago sila niyanig ng

nagagalit na cellphone nito.

Lumiwanag naman ang mukha nito sa caller na nakita, "Hijo! Yes, don't worry.

Anyway, thank you." Anito

"I see. Okay, bye." Iyon lamang at binaba na nito ang tawag.

Nilingon niya ito. "Who's that?"

"A friend of mine,"

"O, yeah right." Sarkastikong sagot niya

"You know, Denise. Instead of talking and asking nonsense things, go and take

some nap." Suhestiyon nito. Tumango siya, yeah maybe her Papa is right. She

needs to take some nap.  

  

  

MALALAKAS na pagyugyog ang nagpagising sakanya. Nabungaran niya ang mukha ng

Ama. Automatic na napatayo siya mula sa pagkakatulog. "Were here," anunsiyo

nito

Napatayo siya at bumaba. "Papa--" napatigil siya sa pagsalita nang mapagmasdan

ang kapaligiran. Dinala siya ng Ama sa probinsya nila! Ang La Pacita Hacienda

nila sa Quezon. Does it mean, sobrang tagal nilang nagbiyahe at hindi man lang

niya naramdaman iyon? What the heck? Ilang oras ba siyang nakatulog? Isang

oras, lima o isang araw? Goodness!

"What's the meaning of this Papa?! Is this one of your joke?" Gigil na lumapit

siya rito

Nagkibit balikat ito. "Suprise! Did i suprise you, Denise?" Nakakalokong

tanong nito. Gigil na nagpapadyak siya. "Papa!" Sigaw niya rito

Napapailing na umakbay ito sakanya. "Denise whether you like it or not, isa

kang haciendera. Itong buong kalupaan na nakikita mo? Sayo 'to anak, kaya

nararapat lamang na pangalagaan mo ito." Sabi nito

Nagpatuloy ito. "Napakaganda ng tanawin at ng lugar na ito. Hindi bale... tara

na. Someone's waiting for us." Yakag nito

Wala na siyang nagawa kundi magpaakay dito sa mansion nila. Binuhat ng ibang

kasambahay ang gamit niya. Napakunot noo siya nang may mamataan na isang

kotse. Sosyal, dahil isa itong BMW.

"Papa, kaninong kotse 'yan? It's beautiful." Puri niya

"Yeah, it is. Come on, hinihintay na niya tayo." Nagdouble look pa siya sa

magarang kotse bago siya pumasok. "Mildred! Nasaan na siya?" Tanong ng Ama

niya

"Nasa library po, Sir." Magalang na tugon nito. Tumango ang Ama. Napakunot noo

naman siya. Sobrang pa VIP naman 'ata ng taong 'yun at kailangan ito pa ang

puntahan? Samantalang bahay naman nila ito. Umakyat na sila ng hagdan at

kinatok ang pinto ng library.

"Come in," sabi ng isang tinig sa loob

Pinihit ng Ama ang door knob. Isang lalaking nakatalikod at nakatanaw sa

balkonahe ang bumungad sakanila. "Hijo, we're finally here. Sorry for keeping

you waiting, like i promise, here's my daughter. Denise, i want you to gladly

meet, Jayden." Excited na wika ng Ama

Humarap sakanila ang lalaki. Agad nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung

sino ang kaharap. Halos manginig ang tuhod niya at gusto na lamang tumakbo

papalayo roon. Ngunit tila tinulos siya sa pagkakatayo.

_No! It can't be!_ Sa dinami dami ba naman ng tao, bakit ito pa... Naglalaro

ang tadhana sakanila. Halatang nagulat at nanlaki rin ang mata nito. Pero agad

itong nakabawi. A devilish smile were visible on his face. He offered a

handshake. "Please to meet you, Miss Denise McBride, or should i say, Denise

Lauren Chambler- McBride?" Nakangising anito na halos ikinayanig ng mundo

niya.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status