LOGINMula noong araw na iyon sa principal’s office, hindi na ako hinayaan ni Clifford na maging mag-isa. Naging parang dikit-tuko kami sa isa’t isa. Kung nasaan siya, naroon din ako.
Nang tumuntong na kami sa Junior High School, mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin. Sikat siya sa eskwelahan. Matalino, matangkad, varsity player sa basketball, at higit sa lahat, napakagwapo. Maraming babae ang nagpapansin sa kaniya araw-araw. May nag-iiwan ng mga love letter sa locker niya at meron namang nag-aabot ng mga mamahaling regalo tuwing Valentine’s Day.
Pero sa kabila ng lahat ng atensyong natatanggap niya, sa akin pa rin niya ginugugol ang halos buong araw niya.
Siya ang nagbubuhat ng mabibigat kong libro. Hihintayin niya ako sa labas ng classroom ko kapag late natatapos ang klase ko. Kapag umuulan naman, hindi niya nakakalimutang payungan ako kahit minsan ay nababasa na ang kalahati sa balikat niya— huwag lang ako maulanan. At tuwing kumakain kami sa canteen, hindi pa man ako nakakalinya para bumili ng pagkain ko ay nakalatag na sa mesa ang paborito kong pagkain.
Dahil doon, madalas kaming kantyawan ng mga kaklase namin na magkasintahan na raw kami.
"Kayo na ba, Jornales? Araw-araw kayong magkasama, ah! Dinaig niyo pa ang magjowa!" tukso ng mga kaibigan niya sa basketball team.
Ngingiti lang si Clifford at guguluhin ang buhok ko. "Best friend ko ‘to. Tsaka binabantayan ko lang, baka may mang-away na naman."
Kahit ganoon lang ang sagot niya sa harap ng iba, sa loob-loob ko ay umaasa ako. Paano nga ba naman ako hindi aasa? Maging ang mga pamilya namin kapag nagkakasama kami sa iisang hapunan ay palagi nilang ipinapaalala ang kasunduan sa aming dalawa.
"Clifford, siguraduhin mong aalagaan mo nang mabuti ang future wife mo, ha?" biro ng Mommy niya habang nakatingin sa aming dalawa.
Kapag ganoon ay ngingiti lang si Clifford at tatango. "Opo, My. Ako ang bahala kay Cleah."
Para sa akin, sapat na ang mga simpleng kilos at salita niyang iyon para paniwalaan kong balang araw, magiging totoo ang lahat. Na ang pagiging protektibo niya ay hindi lang basta tungkulin ng isang kaibigan, kundi simula ng isang malalim na pagtingin.
Hanggang sa tumungong na nga kami ng Grade 9.
Isang Biyernes ng hapon, pagkatapos ng basketball practice nila, natagpuan ko siya na nakaupo sa pinakataas na bahagi ng bleachers sa gymnasium. Pawisan pa siya habang nakasabit ang towel sa leeg niya. Nang makita niya akong paakyat, agad siyang kumaway at naglapag ng inuming binili niya para sa akin.
"Cleah! Halika rito," tawag niya sa akin sa masiglang boses.
Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya. "Bakit? Parang napakaseryoso mo naman ngayon?"
Nilapit niya ang kaniyang mukha sa tainga ko at bumulong. "May ipagtatapat ako sa'yo pero huwag mong ipagsasabi kahit kanino, ha?"
Napaayos ako ng upo. At kasabay nun ay ang biglaang pagkabog ng puso ko. Ito na ba ‘yun? Magtatapat na ba siya sa akin?!
"A-Ano na 'yon?"
Namula ang dalawang pisngi niya, isang bagay na bihira kong makita sa kaniya. "Cleah... I think I like someone. No, actually... gustong-gusto ko na siya."
Natigilan ako. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig, pero mabilis ding pumasok sa utak ko ang matamis na pag-asa.
Sino pa ba ang kasama niya araw-araw? Sino pa ba ang pinaglalaanan niya ng oras at atensyon? Sino pa ba ang napagkasundo sa kaniya ng mga magulang niya?
Ako.
Diyos ko! Bakit biglaan naman ata ito?! Hindi ako nakapaghanda!
"T-Talaga?" pilit kong pinanatiling kalmado ang boses ko kahit na halos lumabas na ang puso ko sa ribs ko sa tindi ng kaba at saya. "Sino naman?"
Humarap siya sa akin, puno ng kislap ang kaniyang mga mata. "Nahihiya pa ako sa kaniya, eh. Pero gusto ko nang magtapat ngayon mismong hapon. Pwede mo ba akong tulungan? Ano bang magandang ibigay sa kaniya para pumayag siyang manligaw ako?"
Napakagat ako sa ibabang labi ko, pinipigilan ang ngiting gustong kumawala na sa mukha ko. So ang gusto niya ay huwag na muna sa akin idiretso, ganoon?
"Uhm... kung ako ang tatanungin, siguro simplehan mo lang,” pagsabay ko sa pakulo niya. "Kahit simpleng handwritten letter lang tsaka paboritong pagkain ko, ganoon. Panigurado matutuwa na 'yun."
"Handwritten letter at paboritong pagkain?" ulit niya sa sinabi ko sabay tango-tango. "Sige! Gagawin ko 'yan! Salamat, Cleah! You're really the best!"
Mabilis siyang tumayo pagkatapos pabirong guluhin ang buhok ko. Tinapik din niya ako sa balikat ko bago nagpaalam muna at patakbong lumabas ng gym para magpalit ng damit at ihanda na raw ang sinabi ko.
Nang mag-alas kuwatro ng hapon, natapos na ang huling klase namin. Agad sumilay ang ngiti ko nang makita ko siyang madaling-madali na lumabas ng room. Sa pagmamadali niya ay naiwan pa niya ang kaniyang varsity jacket sa silya niya. Iiling-iling kong dinampot iyon bago ako sumunod sa dinaanan niya.
Kung excited na siya na magtapat sa akin, mas excited na ako. Gusto ko na marinig ang mga sasabihin niya, at gustong-gusto ko na rin ipagtapat sa kaniya ang nararamdaman ko. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag sinabi kong elementary pa lang kami ay may gusto na ako sa kaniya?
Parang timang na akong nakangiti na binabaybay ang paborito naming tambayan na dalawa. Nagtext siya na huwag ko na raw siya hanapin dahil nandoon lang naman daw siya. Pero dahil alam ko na ang binabalak niya, isusurprise ko siya doon!
Nakangiti pa rin akong naglalakad sa hallway habang hawak ang jacket niya. Ngunit nang makalapit ako sa gilid ng science building, natigil ako nang marinig ko ang pamilyar niyang boses mula sa kabilang bahagi ng puno. May kausap siya.
Akmang lalapitan ko siya agad subalit mabilis din akong nakapagtago sa gilid ng pader saka ako sumilip sa gawi niya.
Anong ibig sabihin nito? Bakit niya kausap sa liblib na lugar na ito si Brittany?
Hindi lang iyon dahil sa kaniyang mga kamay, hawak niya ang isang maliit na sobre na alam kong love letter at sa kabilang kamay naman niya ay isang box ng mga mamahaling strawberry cupcakes.
Si Brittany ang magandang bagong transferee sa kabilang section. Galing ito sa isang kilalang international school.
“Brittany... matagal na kitang pinagmamasdan mula noong unang araw kang lumipat dito. Hindi ko alam kung paano sasabihin 'to, pero... gustong-gusto kita. Pwede bang manligaw?" dinig kong pagtatapat sa kaniya ni Clifford.
Inabot ni Clifford sa kaniya ang sobre at ang box ng cupcakes. Si Brittany naman ay gulat na napatakip sa kaniyang bibig, bago dahan-dahang lumabas ang isang napakagandang ngiti sa kaniyang mga labi. Kinuha niya ang regalo ni Clifford saka niya ito mabilis na tinanguan.
"Omg, yes, Clifford! Pwede kang manligaw," masayang sagot ni Brittany.
Sa sobrang tuwa ni Clifford, agad siyang napayakap kay Brittany nang mahigpit habang tumatawa sa saya.
Sa gulat ko sa nasaksihan ay nabitawan ko ang hawak kong varsity jacket habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko'y pinino-pino ang puso ko sa sobrang pagkakakirot nito. Isang matinding kirot na hindi ko maipaliwanag.
Sa pagkakataong iyon, doon ko narealize ang lahat.
Ang kabaitan niya sa akin, ang pagprotekta niya sa akin mula noong bata pa kami, ang pag-aalaga niya sa akin araw-araw... lahat ng iyon ay dahil itinuturing niya lang akong isang matalik lang na kaibigan.
Walang romansa at lalong walang espesyal na damdamin.
Ako lang pala ang nag-iisip na may ibig sabihin ang lahat. Ako lang pala ang nangarap nang gising.
Dahan-dahan akong napaatras bago tuluyang tumalikod at tumakbo palayo. Malapit na ako nun sa gate nang bigla akong may nabanggang tao. Pag-angat ko ng tingin kung sino ay nakita ko si Banjo.
“Okay ka lang— Cleah?! A-Anong… umiiyak ka ba?!” tarantang tanong niya bago niya ako inalalayan pagtayo mula sa pagkakabagsak sa semento.
Pagkapatay ni Cliff sa tawag ay marahas niyang ibinagsak sa kama ang cellphone. Napatingin ako doon pero agad din bumalik sa kaniya ang atensyon ko nang mabilis siyang naglakad patungo sa closet namin. Kumuha siya doon ng t-shirt habang ako naman ay tarantang-taranta na sumunod sa kaniya.“Cliff, mag-usap muna tayo! Ang init ng ulo mo! B-baka pwedeng palamigin mo muna, pakiusap!” nakikiusap kong sigaw sabay hawak sa kaniyang braso.Pero hindi man lang niya ako nilingon. Sa halip ay isinuot niya lang ang kinuha niyang shirt bago ako malamig na hinarap. “Bumaba ka na kung ayaw mong kaladkarin din kita.”Pumauna na siyang lumabas ng kwarto na hindi hinihintay ang sasabihin ko pa sana. Hindi agad ako sumunod sa kaniya. Dinampot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at tarantang nag-send ako ng mensahe kay Banjo. ‘Banjo, pakiusap! Sakyan mo na lang ang sinabi ko kanina sa phone! Tutulungan kita sa kahit anong kapalit pero please, makisakay ka lang ngayon!’Ibinalik ko rin ang cellphone sa
Halos mabitawan ko ang cellphone sa tindi ng gulat. Mabuti na lang at mabilis kong napindot ang end call bago nakalapit ng husto sa'kin si Cliff. Pero ang kaba ko ay walang mapaglalagyan, lalo na't magkasalubong ang makakapal niyang kilay habang matalim na nakatingin SA akin. “Sabihin mo sa'kin, Cleah… anong ibig mong sabihin sa magpapanggap?” ulit niyang tanong habang dungaw-dungaw na ako.“Cliff... w-wala 'yun…” nauutal kong sagot, pilit inaayos ang boses ko. “Na-misdial ko lang si Banjo, aalukin ko lang sana siya ng—”“Huwag mo akong utuin, Cleah,” malamig niyang putol sa akin na pansamantalang ikinatigil ng paghinga ko. “Narinig ko. Narinig ko lahat ng sinabi mo.”Mabilis niyang hinawakan ang pulso ko at maingat ngunit sapilitang kinuha ang cellphone ko mula sa kamay ko. Ganoon na lang ang pagkakalunok ko nang mariin niyang titigan ang screen nun kung saan nakarehistro pa rin ang pangalan ni Banjo at ang kalalabas lang na call log.“Si Banjo?” hilaw siyang tumawa. “Sa lahat ng la
PRESENT DAY:Dahil late na akong nakatulog, medyo late na rin akong nagising. Mag-a-alas otso na ng umaga nang magising ako. Agad hinanap ng mata ko ay si Clifford, kaso wala na siya sa tabi ko. Marahil ay nasa baba na. Dahan-dahan akong naupo sa ibabaw ng kama at naghikab. Kaso hindi pa man lumilipas ang ilang segundo ay mabilis akong napatakbo sa banyo nang maramdaman ko ang biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng bowl habang suka ako nang suka. Last week lang nagsimula ang morning sickness ko kaya naninibago pa ako sa ganitong pakiramdam. Nang kumalma na ang sikmura ko, nagmumog ako at nanghihinang lumabas ng banyo. Kaso agad din ako natigil nang bumungad sa akin sa labas ay si Clifford.Nakasando lang siya at maong pants, gulo-gulo pa ang buhok na tila kakagising lang din. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang mapansin kong may dala siya. Isang baso ng malamig na tubig at ilang piraso ng biscuits sa plato.“Inumin mo muna 'to,” mahinahon n
Mula noong araw na iyon sa principal’s office, hindi na ako hinayaan ni Clifford na maging mag-isa. Naging parang dikit-tuko kami sa isa’t isa. Kung nasaan siya, naroon din ako.Nang tumuntong na kami sa Junior High School, mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin. Sikat siya sa eskwelahan. Matalino, matangkad, varsity player sa basketball, at higit sa lahat, napakagwapo. Maraming babae ang nagpapansin sa kaniya araw-araw. May nag-iiwan ng mga love letter sa locker niya at meron namang nag-aabot ng mga mamahaling regalo tuwing Valentine’s Day.Pero sa kabila ng lahat ng atensyong natatanggap niya, sa akin pa rin niya ginugugol ang halos buong araw niya.Siya ang nagbubuhat ng mabibigat kong libro. Hihintayin niya ako sa labas ng classroom ko kapag late natatapos ang klase ko. Kapag umuulan naman, hindi niya nakakalimutang payungan ako kahit minsan ay nababasa na ang kalahati sa balikat niya— huwag lang ako maulanan. At tuwing kumakain kami sa canteen, hindi pa man ako nakakalinya pa
Hindi ako agad nakatulog kinagabihan. Magkatabi pa rin kaming nahiga sa kama pero nakatalikod kami sa isa't isa. Siya'y hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang pero ramdam ko namang malalalim na ang paghinga niya, indikasyon na tulog na nga siya. Habang ako'y nakatitig lang sa kisame ng kuwarto namin.‘Aakuhin ko 'yan…’Ang salita niyang iyan ay kanina pa nagpapaulit-ulit sa pandinig ko.Ilang dekada na ang lumipas pero wala pa rin talagang nagbago sa pag-uugali niya. Napaka-selfless at protective pa rin talaga niya sa akin— dahilan kung bakit maliit pa lang kami ay nagkagusto na ako sa kaniya.Siya si John Clifford Jornales. Nasa nursery pa lang kami nang pinagkrus na ng mga magulang namin ang mga landas namin. Matalik na magkaibigan ang Mama't Mommy niya. College pa lang ang mga ito ay napag-usapan na nilang magkaibigan na ang mga anak nila ay ang dapat magkatuluyan kung babae't lalaki man ang mga ito. At natupad naman iyon.Pero ang naging unang opisyal na interaksyon naming dal
Nangangatal ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Cliff. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko, mula noong mga bata pa kami hanggang sa tatlong taon naming pagsasama, na narinig ko siyang pagtaasan ako ng boses. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang agad na pumuno sa mga mata ko, pero agad ko rin pinatigas ang mukha ko.“Bitiwan mo ako, Cliff!” sigaw ko rin sabay tulak sa kaniya. Pero imbes na mabitawan niya ako ay mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa mga balikat ko. Kitang kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Mabilis din ang pag-angat-baba ng kaniyang dibdib. “Sino, Cleah?! Sabihin mo sa’kin ngayon din kung sino 'yang lalaking 'yan!” giit niya. “Sino ang gumalaw sa'yo habang ako ang kasama mo sa bahay na 'to?!”“Wala ka nang pakialam doon!” pagmamatigas ko. “Bakit ba kailangan mo pang malaman?! Ang mahalaga, hindi sa'yo 'yung bata! May irarason na tayo sa mga magulang natin para maw







