로그인Hindi ako agad nakatulog kinagabihan. Magkatabi pa rin kaming nahiga sa kama pero nakatalikod kami sa isa't isa. Siya'y hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang pero ramdam ko namang malalalim na ang paghinga niya, indikasyon na tulog na nga siya. Habang ako'y nakatitig lang sa kisame ng kuwarto namin.
‘Aakuhin ko 'yan…’
Ang salita niyang iyan ay kanina pa nagpapaulit-ulit sa pandinig ko.
Ilang dekada na ang lumipas pero wala pa rin talagang nagbago sa pag-uugali niya. Napaka-selfless at protective pa rin talaga niya sa akin— dahilan kung bakit maliit pa lang kami ay nagkagusto na ako sa kaniya.
Siya si John Clifford Jornales. Nasa nursery pa lang kami nang pinagkrus na ng mga magulang namin ang mga landas namin. Matalik na magkaibigan ang Mama't Mommy niya. College pa lang ang mga ito ay napag-usapan na nilang magkaibigan na ang mga anak nila ay ang dapat magkatuluyan kung babae't lalaki man ang mga ito. At natupad naman iyon.
Pero ang naging unang opisyal na interaksyon naming dalawa ni Clifford ay noong nasa Grade 5 na ako.
Nasa may lumang quadrangle ako noon ng eskwelahan namin kung saan pinalilibutan ako ng limang lalaking kaklase namin.
“Ahh, mataba! Mataba! Ang taba-taba!”
Paulit-ulit iyan na kinakanta sa akin nung limang kaklase ko. May step pa sila nun na ginagaya ang malaki kong pangangatawan. Gusto kong manlaban nun, lalo na't kitang kita ko ang pagkakatapon ng isa sa kanila nung baon kong cupcake sa lupa. Pero bubwelo pa lang ako ay ginapos na ako ng isa rin sa kanila.
“Manlalaban ka pa ha!" tawang tawa na sabi nung nakagapos sa kamay ko.
Umiyak na ako dahil masakit ang pagkakagapos niya sa'kin. Pero imbes na maawa sila sa akin, mas lalo lang nila ako pinagtawanan.
"Nye! Nye! Mataba na nga, iyakin pa!” binilat-bilatan pa nila ako habang patuloy lang sila sa pagkantyaw sa akin.
Araw-araw na lang nila akong ginaganito. Sinubukan kong magsumbong sa teacher namin pero natakot lang din ako nang pagbantaan ako ng isa sa kanila. Sabi'y mangre-recruit pa raw sila ng iba naming kaklase para awayin ako kapag nagsumbong ako.
Eh ang gusto ko lang naman ay maging kaibigan lahat ng kaklase namin. Aminado ako nun na may kasalanan ako sa kanila kaya ganito na lang nila ako awayin. Hindi ko kasi pinakopya ang isa sa kanila noong may long quiz kami. Nabagsak ito at napagalitan ng Mama niya kaya nagalit siya sa akin.
“Please, Banjo. Nag-sorry naman ako sa nagawa ko, ‘di ba? Bakit inaaway niyo pa ako?” pagmamakaawa ko sa pagitan ng mga iyak ko.
At muli ay tinawanan lang nila ako. Saka lang nila ako nilubayan nang mag-bell na, hudyat ng klase namin sa hapon. Pero imbes na umalis na doon sa lugar na iyon para sa klase ay nanatili ako doon. Gutom na gutom na pinulot ang natapon kong cupcake.
Hindi kami mayaman, kabaliktaran sa mga batang nag-aaral dito. Kaya kahit gustuhin kong bumili ng bagong cupcake, wala rin akong pera pambili nun. Isa pa, pwede pa naman siguro ito kainin. Wala pang isang oras nang natapon ito sa lupa.
Pagkapulot ko sa cupcake ay naupo ako sa malapit na bench at doon ay sinubukan kong alisin ang dumikit na alikabok sa cupcake. Nang sa tingin ko ay puwede na itong kainin, mariin kong pinikit ang mga mata ko at akmang isusubo na iyon nang may biglang umagaw sa'kin nun. Sa takot ko na baka sina Banjo na naman ito, napaigik ako.
“Madumi na ‘to, ah? Bakit mo kakainin?”
Natameme ako at natulala sa lalaking nakaupo ngayon sa tabi ko, hawak-hawak ang cupcake ko.
“C-Clifford, anong ginagawa mo rito?" gulantang ko.
Pero imbes na sagutin agad ako ay bigla na lang niya sinubo agad ang cupcake. Napaawang ang bibig ko sa gulat, kasabay ng pagkalam ng tiyan ko. 'Yung cupcake ko!
"Sorry, nakain ko na,” malapad niyang ngiti na parang wala lang.
Bago pa man ako makapag-react sa ginawa niya ay napatingin ako sa kamay niya nang iabot niya sa akin ang bukas na baonan. Ang laman nun ay dalawang cupcake na hindi pa nababawasan. Hindi lang iyon dahil ang mga cupcake na iyon ang gustong-gusto kong ibili sa akin ni Mama pero dahil may kamahalan ito, hindi pa ako nakakatikim nun.
“Sa'yo na ‘to. Busog na kasi ako," muling salita ni Clifford sa kaswal na tinig.
“Pero… pagkain mo ‘yan,” nahihiya at hindi makapaniwala kong saad.
“Oo nga, pero busog na ako kaya sa'yo na lang. May juice din ako dito. Sa'yo na rin!” at nilabas din niya ang pangmayamang tumbler na naglalaman ng juice.
Napalunok ako nang mapatitig ako sa inooffer niya sa akin. 'Yung dalawang cupcake, itsura pa lang ay nakakatakam na. At ‘yung juice niya, parang ang sarap din ipares doon.
"Pero bakit mo kinain ‘yung akin? M-Madumi na ‘yun,” pag-aalinlangan ko.
"Ganoon din naman ang bagsak nun pag nasa tiyan ko na. Sige na, kunin mo na ‘to. Sige ka, baka magbago isip ko,” pag-uudyok pa niya.
Bago pa niya bawiin ang mga ito ay agad ko na sa kaniya inagaw ang dalawang cupcake at mabilis kong nilantakan ang mga iyon. Sinunod ko rin agad ang offer niyang juice dahil sa bilis ng paglamon ko ay muntik na akong mabilaukan.
Saktong ubos ko na lahat nang bigla siyang humagalpak ng tawa. Kaso itatanong ko pa lang sa kaniya kung ano ang nakakatawa, naunahan na niya ako sa pagsasalita.
“Kina Banjo pala ang cupcakes at juice na kinain mo. Ayos ba?” hagalpak pa niya.
Sa gulat ko ay hindi agad ako nakapagsalita.
"Matagal ko nang napapansin ang pangbu-būlly nila sa'yo. Naghanap lang ako ng tyempo para bawian sila. And guess what? I took all there snacks just to avenge you. Here,” aniya at ipinakita sa akin ang loob ng ngayon ko lang napansin na dala niyang bagpack.
Laglag ang panga kong nakatingin doon. May apat na baonan na nandoon at lahat ng iyon ay may mga laman na snacks.
“Astig ba?" pagmamalaki niya sabay kindat pa sa akin.
Sa kawalan ko ng salita ay hindi na talaga ako nakaimik. Namalayan ko na lang na pinagsasaluhan na namin ang mga snacks na iyon.
Sa araw din na iyon ay ipinatawag kami pareho sa principal office dahil nagsumbong pala sa teacher sina Banjo. Sinabi nila na binubūlly sila ni Clifford at pati baon nilang lima ay kinukuha niya araw-araw. Syempre agad kaming umapila, lalo na ako. Sinabi ko na sina Banjo talaga ang nangbubūlly sa akin, ang kaso lang ay walang naniwala sa sinabi ko dahil nakita sa bag ni Clifford ang mga baonan.
Sa huli ay inako lahat ni Clifford ang naging punishment sa'min. Sinabi din niya na nadamay lang ako at wala akong kasalanan.
Doon. Sa mismong araw na iyon, habang nakatitig ako sa bata pa ngunit napakaprotektibo niyang mga mata, nabuo ang isang damdaming hindi na kailanman nawala sa akin.
Pagkapatay ni Cliff sa tawag ay marahas niyang ibinagsak sa kama ang cellphone. Napatingin ako doon pero agad din bumalik sa kaniya ang atensyon ko nang mabilis siyang naglakad patungo sa closet namin. Kumuha siya doon ng t-shirt habang ako naman ay tarantang-taranta na sumunod sa kaniya.“Cliff, mag-usap muna tayo! Ang init ng ulo mo! B-baka pwedeng palamigin mo muna, pakiusap!” nakikiusap kong sigaw sabay hawak sa kaniyang braso.Pero hindi man lang niya ako nilingon. Sa halip ay isinuot niya lang ang kinuha niyang shirt bago ako malamig na hinarap. “Bumaba ka na kung ayaw mong kaladkarin din kita.”Pumauna na siyang lumabas ng kwarto na hindi hinihintay ang sasabihin ko pa sana. Hindi agad ako sumunod sa kaniya. Dinampot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at tarantang nag-send ako ng mensahe kay Banjo. ‘Banjo, pakiusap! Sakyan mo na lang ang sinabi ko kanina sa phone! Tutulungan kita sa kahit anong kapalit pero please, makisakay ka lang ngayon!’Ibinalik ko rin ang cellphone sa
Halos mabitawan ko ang cellphone sa tindi ng gulat. Mabuti na lang at mabilis kong napindot ang end call bago nakalapit ng husto sa'kin si Cliff. Pero ang kaba ko ay walang mapaglalagyan, lalo na't magkasalubong ang makakapal niyang kilay habang matalim na nakatingin SA akin. “Sabihin mo sa'kin, Cleah… anong ibig mong sabihin sa magpapanggap?” ulit niyang tanong habang dungaw-dungaw na ako.“Cliff... w-wala 'yun…” nauutal kong sagot, pilit inaayos ang boses ko. “Na-misdial ko lang si Banjo, aalukin ko lang sana siya ng—”“Huwag mo akong utuin, Cleah,” malamig niyang putol sa akin na pansamantalang ikinatigil ng paghinga ko. “Narinig ko. Narinig ko lahat ng sinabi mo.”Mabilis niyang hinawakan ang pulso ko at maingat ngunit sapilitang kinuha ang cellphone ko mula sa kamay ko. Ganoon na lang ang pagkakalunok ko nang mariin niyang titigan ang screen nun kung saan nakarehistro pa rin ang pangalan ni Banjo at ang kalalabas lang na call log.“Si Banjo?” hilaw siyang tumawa. “Sa lahat ng la
PRESENT DAY:Dahil late na akong nakatulog, medyo late na rin akong nagising. Mag-a-alas otso na ng umaga nang magising ako. Agad hinanap ng mata ko ay si Clifford, kaso wala na siya sa tabi ko. Marahil ay nasa baba na. Dahan-dahan akong naupo sa ibabaw ng kama at naghikab. Kaso hindi pa man lumilipas ang ilang segundo ay mabilis akong napatakbo sa banyo nang maramdaman ko ang biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng bowl habang suka ako nang suka. Last week lang nagsimula ang morning sickness ko kaya naninibago pa ako sa ganitong pakiramdam. Nang kumalma na ang sikmura ko, nagmumog ako at nanghihinang lumabas ng banyo. Kaso agad din ako natigil nang bumungad sa akin sa labas ay si Clifford.Nakasando lang siya at maong pants, gulo-gulo pa ang buhok na tila kakagising lang din. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang mapansin kong may dala siya. Isang baso ng malamig na tubig at ilang piraso ng biscuits sa plato.“Inumin mo muna 'to,” mahinahon n
Mula noong araw na iyon sa principal’s office, hindi na ako hinayaan ni Clifford na maging mag-isa. Naging parang dikit-tuko kami sa isa’t isa. Kung nasaan siya, naroon din ako.Nang tumuntong na kami sa Junior High School, mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin. Sikat siya sa eskwelahan. Matalino, matangkad, varsity player sa basketball, at higit sa lahat, napakagwapo. Maraming babae ang nagpapansin sa kaniya araw-araw. May nag-iiwan ng mga love letter sa locker niya at meron namang nag-aabot ng mga mamahaling regalo tuwing Valentine’s Day.Pero sa kabila ng lahat ng atensyong natatanggap niya, sa akin pa rin niya ginugugol ang halos buong araw niya.Siya ang nagbubuhat ng mabibigat kong libro. Hihintayin niya ako sa labas ng classroom ko kapag late natatapos ang klase ko. Kapag umuulan naman, hindi niya nakakalimutang payungan ako kahit minsan ay nababasa na ang kalahati sa balikat niya— huwag lang ako maulanan. At tuwing kumakain kami sa canteen, hindi pa man ako nakakalinya pa
Hindi ako agad nakatulog kinagabihan. Magkatabi pa rin kaming nahiga sa kama pero nakatalikod kami sa isa't isa. Siya'y hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang pero ramdam ko namang malalalim na ang paghinga niya, indikasyon na tulog na nga siya. Habang ako'y nakatitig lang sa kisame ng kuwarto namin.‘Aakuhin ko 'yan…’Ang salita niyang iyan ay kanina pa nagpapaulit-ulit sa pandinig ko.Ilang dekada na ang lumipas pero wala pa rin talagang nagbago sa pag-uugali niya. Napaka-selfless at protective pa rin talaga niya sa akin— dahilan kung bakit maliit pa lang kami ay nagkagusto na ako sa kaniya.Siya si John Clifford Jornales. Nasa nursery pa lang kami nang pinagkrus na ng mga magulang namin ang mga landas namin. Matalik na magkaibigan ang Mama't Mommy niya. College pa lang ang mga ito ay napag-usapan na nilang magkaibigan na ang mga anak nila ay ang dapat magkatuluyan kung babae't lalaki man ang mga ito. At natupad naman iyon.Pero ang naging unang opisyal na interaksyon naming dal
Nangangatal ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Cliff. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko, mula noong mga bata pa kami hanggang sa tatlong taon naming pagsasama, na narinig ko siyang pagtaasan ako ng boses. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang agad na pumuno sa mga mata ko, pero agad ko rin pinatigas ang mukha ko.“Bitiwan mo ako, Cliff!” sigaw ko rin sabay tulak sa kaniya. Pero imbes na mabitawan niya ako ay mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa mga balikat ko. Kitang kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Mabilis din ang pag-angat-baba ng kaniyang dibdib. “Sino, Cleah?! Sabihin mo sa’kin ngayon din kung sino 'yang lalaking 'yan!” giit niya. “Sino ang gumalaw sa'yo habang ako ang kasama mo sa bahay na 'to?!”“Wala ka nang pakialam doon!” pagmamatigas ko. “Bakit ba kailangan mo pang malaman?! Ang mahalaga, hindi sa'yo 'yung bata! May irarason na tayo sa mga magulang natin para maw







