LOGINNangangatal ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Cliff. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko, mula noong mga bata pa kami hanggang sa tatlong taon naming pagsasama, na narinig ko siyang pagtaasan ako ng boses.
Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang agad na pumuno sa mga mata ko, pero agad ko rin pinatigas ang mukha ko.
“Bitiwan mo ako, Cliff!” sigaw ko rin sabay tulak sa kaniya.
Pero imbes na mabitawan niya ako ay mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa mga balikat ko. Kitang kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Mabilis din ang pag-angat-baba ng kaniyang dibdib.
“Sino, Cleah?! Sabihin mo sa’kin ngayon din kung sino 'yang lalaking 'yan!” giit niya. “Sino ang gumalaw sa'yo habang ako ang kasama mo sa bahay na 'to?!”
“Wala ka nang pakialam doon!” pagmamatigas ko. “Bakit ba kailangan mo pang malaman?! Ang mahalaga, hindi sa'yo 'yung bata! May irarason na tayo sa mga magulang natin para mawalang bisa ang kasal natin!”
“Walang pakialam?!” ulit niya, parang nasaktan siya sa sinabi ko. Binitiwan niya ang balikat ko pero napasabunot naman siya sa sarili niyang buhok, sunod ay marahas na napatalikod saglit. “Cleah, magkaibigan tayo mula pa noon! Asawa kita sa loob ng tatlong taon! Paano mo naisip sabihin na wala akong pakialam sa'yo at sa batang 'yan?!”
“Dahil kasal lang naman tayo sa papel, Cliff!” katwiran ko. “Pareho tayong napilitan sa kasal na ito! At alam ko rin na kailanman ay hindi mo ako minahal dahil si Brittany lang naman ang nasa puso mo! Ngayong bumalik na siya, bakit hindi mo na lang pirmahan 'yang divorce papers para matapos na 'to?!”
Pabagsak kong nilapag ang divorce paper sa katabi naming de-salaming lamesa, sabay itinuro iyon gamit ang nanginginig kong kamay.
“Pirmahan mo na. Iyon naman ang plano natin mula pa noong umpisa, 'di ba? Ang maghiwalay tayo kapag dumating na si Brittany!”
Napatitig siya sa akin at muli ay parang hindi siya makapaniwala sa nanggagaling na salita sa bibig ko.
“Iyon ba talaga ang iniisip mo? Huh, Cleah?" malamig niyang tanong. “Iniisip mo ba na ganoon ako kawalang-puso para hayaan ka lang umalis nang buntis sa lalaking hindi ko man lang kilala?”
See? Ang bait niya talagang asawa. Dito pa lang sa linya niya, parang alam ko nang handang-handa niyang panagutan ang bata kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kaligayahan!
Magsasalita pa sana ako kaso biglang tumunog nang malakas ang cellphone niya. Napatingin ako sa kaniyang bulsa nang doon nanggagaling ang pag-ring.
Brittany Calling…
Iyan ang nasulyapan ko sa screen ng kaniyang cellphone nang ilabas niya ito.
Napasinghap ako at matatag ko siyang tiningnan sa mga mata. “Ayan na siya,” pabulong kong sabi, pilit na pinipigilan ang muling pag-agos ng luha ko. “Baka gusto ka na niyang makita. Sagutin mo na…”
Pero imbes na sundin niya ako ay nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Ibubuka pa lang niya ang kaniyang bibig para magsalita, ngunit ako na ang nag-swipe sa screen ng kaniyang cellphone para masagot na ang tawag ni Brittany. Ikinagulat niya iyon pero agad din niya itong itinapat sa tainga niya na hindi tinatanggal sa akin ang kaniyang tingin.
“Hello, Britt?” bati niya sa kabilang linya. “I’m sorry, but something urgent came up here at home. A family emergency,” seryoso at walang pag-aalinlangang sabi niya. “Hindi ako makakapunta ngayong gabi. Let’s just reschedule tomorrow.”
Pagkatapos ay basta na lang niya pinatay ang tawag sabay bulsa sa kaniyang cellphone. Napatanga ako sa kaniya.
“Bakit mo ginawa 'yon?” hindi makapaniwala kong tanong. “Si Brittany na 'yun, Cliff! Tawagan mo ulit siya para makapag-usap na kayo—”
“Walang aalis hangga’t hindi natatapos ang usapang ito,” pinal niyang putol sa akin.
Kinuha niya ang divorce papers sa mesa. Akala ko ay pipirmahan na niya, pero nagulat ako nang tupiin lang niya ito at isinilid sa loob ng kaniyang bulsa.
“A-Ano... ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit mo itinago 'yan?!” tarantang tanong ko.
“Hindi ako pipirma, Cleah.”
“Ano?!” halos mapatid ang boses ko sa gulat. “Nababaliw ka na ba, Cliff?! Sabi ko sa'yo may iba akong lalaki! Buntis ako sa ibang lalaki! Bakit ayaw mo?!”
Lumapit siya sa akin hanggang sa halos magkalapit na ang mga mukha namin. Kung kanina ay galit at sobrang seryoso na ng mukha niya, ngayon ay napakadilim na ng awra niya.
“Dahil kilala kita, Cleah…” aniya sa malalim na boses. “Hindi ka ganung klaseng babae. Hindi mo magagawang magpagalaw sa iba—”
"Well, sorry to disappoint you, but I just did it!” ako naman ang pumutol sa kaniyang pagsasalita.
Sandali niyang naitikom ang bibig niya. Bahagya niyang nilayo sa akin ang kaniyang pagkakatayo bago siya ulit nakapagsalita.
"Kung ganoon… sino ang ama kung hindi ako?” kalmado na ang boses niya, siguro'y nasa isip na niya ay nagsasabi ako ng totoo.
“Kung sinuman, hindi ko sa'yo sasabihin. Wala ng rason para sabihin ko pa sa'yo. Maghihiwalay na tayo at magkakanya-kaniya na tayo ng buhay,” sabi ko sa mahinahon ding boses.
Hilaw niya akong nginisian. “Asawa mo pa rin ako sa batas at sa mata ng lahat, Cleah,” ganti niya, dahilan para matigil ako. “Walang maghihiwalay hanggat hindi mo naipapakilala sa akin ang lalaking 'yan... hanggat hindi ko nakikita sa harap ko na handa ka niyang panagutan at alagaan, hindi ako pipirma sa divorce papers and that's final.”
“Pero—"
“Dito ka lang sa bahay ko. Mananatili ka bilang asawa ko habang buntis ka,” patuloy niya habang nakatitig nang diretso sa akin. “Saka lang kita papakawalan kapag naiharap mo na sa’kin ang ama ng bata."
Nangangatal ang mga labi ko sa matinding panlulumo. Dapat maging masaya ako, di ba? Kasi kahit nagsinungaling na ako, heto pa rin siya't nagpapakaasawa sa'kin. Pero sino ba ang niloko ko? Kaya lang naman talaga siya ganito kasi mabait siya. Na sa sobrang bait niya ay hindi niya ako hahayaang makipaghiwalay sa kaniya na hindi nasisiguro ang kaligtasan ko!
Wala akong ibang lalaki. Wala akong kaibigang lalaki na pupwede kong maipakilala sa kaniya na ama ng pinagbubuntis ko. Anong gagawin ko? Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko kakayanin na maging hadlang ako sa kaligayahan niya.
“Siyam na buwan, Cleah,” pinal niyang sabi bago tumalikod at nagtungo sa pintuan palabas. “May siyam na buwan ka para iharap sa akin ang lalaking 'yan. Kapag wala pa rin, aakuhin ko 'yan.”
Lumabas na siya kaya naiwan akong mag-isang umiiyak, yakap-yakap ang sarili.
Pagkapatay ni Cliff sa tawag ay marahas niyang ibinagsak sa kama ang cellphone. Napatingin ako doon pero agad din bumalik sa kaniya ang atensyon ko nang mabilis siyang naglakad patungo sa closet namin. Kumuha siya doon ng t-shirt habang ako naman ay tarantang-taranta na sumunod sa kaniya.“Cliff, mag-usap muna tayo! Ang init ng ulo mo! B-baka pwedeng palamigin mo muna, pakiusap!” nakikiusap kong sigaw sabay hawak sa kaniyang braso.Pero hindi man lang niya ako nilingon. Sa halip ay isinuot niya lang ang kinuha niyang shirt bago ako malamig na hinarap. “Bumaba ka na kung ayaw mong kaladkarin din kita.”Pumauna na siyang lumabas ng kwarto na hindi hinihintay ang sasabihin ko pa sana. Hindi agad ako sumunod sa kaniya. Dinampot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at tarantang nag-send ako ng mensahe kay Banjo. ‘Banjo, pakiusap! Sakyan mo na lang ang sinabi ko kanina sa phone! Tutulungan kita sa kahit anong kapalit pero please, makisakay ka lang ngayon!’Ibinalik ko rin ang cellphone sa
Halos mabitawan ko ang cellphone sa tindi ng gulat. Mabuti na lang at mabilis kong napindot ang end call bago nakalapit ng husto sa'kin si Cliff. Pero ang kaba ko ay walang mapaglalagyan, lalo na't magkasalubong ang makakapal niyang kilay habang matalim na nakatingin SA akin. “Sabihin mo sa'kin, Cleah… anong ibig mong sabihin sa magpapanggap?” ulit niyang tanong habang dungaw-dungaw na ako.“Cliff... w-wala 'yun…” nauutal kong sagot, pilit inaayos ang boses ko. “Na-misdial ko lang si Banjo, aalukin ko lang sana siya ng—”“Huwag mo akong utuin, Cleah,” malamig niyang putol sa akin na pansamantalang ikinatigil ng paghinga ko. “Narinig ko. Narinig ko lahat ng sinabi mo.”Mabilis niyang hinawakan ang pulso ko at maingat ngunit sapilitang kinuha ang cellphone ko mula sa kamay ko. Ganoon na lang ang pagkakalunok ko nang mariin niyang titigan ang screen nun kung saan nakarehistro pa rin ang pangalan ni Banjo at ang kalalabas lang na call log.“Si Banjo?” hilaw siyang tumawa. “Sa lahat ng la
PRESENT DAY:Dahil late na akong nakatulog, medyo late na rin akong nagising. Mag-a-alas otso na ng umaga nang magising ako. Agad hinanap ng mata ko ay si Clifford, kaso wala na siya sa tabi ko. Marahil ay nasa baba na. Dahan-dahan akong naupo sa ibabaw ng kama at naghikab. Kaso hindi pa man lumilipas ang ilang segundo ay mabilis akong napatakbo sa banyo nang maramdaman ko ang biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng bowl habang suka ako nang suka. Last week lang nagsimula ang morning sickness ko kaya naninibago pa ako sa ganitong pakiramdam. Nang kumalma na ang sikmura ko, nagmumog ako at nanghihinang lumabas ng banyo. Kaso agad din ako natigil nang bumungad sa akin sa labas ay si Clifford.Nakasando lang siya at maong pants, gulo-gulo pa ang buhok na tila kakagising lang din. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang mapansin kong may dala siya. Isang baso ng malamig na tubig at ilang piraso ng biscuits sa plato.“Inumin mo muna 'to,” mahinahon n
Mula noong araw na iyon sa principal’s office, hindi na ako hinayaan ni Clifford na maging mag-isa. Naging parang dikit-tuko kami sa isa’t isa. Kung nasaan siya, naroon din ako.Nang tumuntong na kami sa Junior High School, mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin. Sikat siya sa eskwelahan. Matalino, matangkad, varsity player sa basketball, at higit sa lahat, napakagwapo. Maraming babae ang nagpapansin sa kaniya araw-araw. May nag-iiwan ng mga love letter sa locker niya at meron namang nag-aabot ng mga mamahaling regalo tuwing Valentine’s Day.Pero sa kabila ng lahat ng atensyong natatanggap niya, sa akin pa rin niya ginugugol ang halos buong araw niya.Siya ang nagbubuhat ng mabibigat kong libro. Hihintayin niya ako sa labas ng classroom ko kapag late natatapos ang klase ko. Kapag umuulan naman, hindi niya nakakalimutang payungan ako kahit minsan ay nababasa na ang kalahati sa balikat niya— huwag lang ako maulanan. At tuwing kumakain kami sa canteen, hindi pa man ako nakakalinya pa
Hindi ako agad nakatulog kinagabihan. Magkatabi pa rin kaming nahiga sa kama pero nakatalikod kami sa isa't isa. Siya'y hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang pero ramdam ko namang malalalim na ang paghinga niya, indikasyon na tulog na nga siya. Habang ako'y nakatitig lang sa kisame ng kuwarto namin.‘Aakuhin ko 'yan…’Ang salita niyang iyan ay kanina pa nagpapaulit-ulit sa pandinig ko.Ilang dekada na ang lumipas pero wala pa rin talagang nagbago sa pag-uugali niya. Napaka-selfless at protective pa rin talaga niya sa akin— dahilan kung bakit maliit pa lang kami ay nagkagusto na ako sa kaniya.Siya si John Clifford Jornales. Nasa nursery pa lang kami nang pinagkrus na ng mga magulang namin ang mga landas namin. Matalik na magkaibigan ang Mama't Mommy niya. College pa lang ang mga ito ay napag-usapan na nilang magkaibigan na ang mga anak nila ay ang dapat magkatuluyan kung babae't lalaki man ang mga ito. At natupad naman iyon.Pero ang naging unang opisyal na interaksyon naming dal
Nangangatal ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Cliff. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko, mula noong mga bata pa kami hanggang sa tatlong taon naming pagsasama, na narinig ko siyang pagtaasan ako ng boses. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang agad na pumuno sa mga mata ko, pero agad ko rin pinatigas ang mukha ko.“Bitiwan mo ako, Cliff!” sigaw ko rin sabay tulak sa kaniya. Pero imbes na mabitawan niya ako ay mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa mga balikat ko. Kitang kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Mabilis din ang pag-angat-baba ng kaniyang dibdib. “Sino, Cleah?! Sabihin mo sa’kin ngayon din kung sino 'yang lalaking 'yan!” giit niya. “Sino ang gumalaw sa'yo habang ako ang kasama mo sa bahay na 'to?!”“Wala ka nang pakialam doon!” pagmamatigas ko. “Bakit ba kailangan mo pang malaman?! Ang mahalaga, hindi sa'yo 'yung bata! May irarason na tayo sa mga magulang natin para maw







