공유

Chapter 5

작가: ExDealers
last update 게시일: 2026-08-04 08:22:59

PRESENT DAY:

Dahil late na akong nakatulog, medyo late na rin akong nagising. Mag-a-alas otso na ng umaga nang magising ako. Agad hinanap ng mata ko ay si Clifford, kaso wala na siya sa tabi ko. Marahil ay nasa baba na. 

Dahan-dahan akong naupo sa ibabaw ng kama at naghikab. Kaso hindi pa man lumilipas ang ilang segundo ay mabilis akong napatakbo sa banyo nang maramdaman ko ang biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng bowl habang suka ako nang suka. 

Last week lang nagsimula ang morning sickness ko kaya naninibago pa ako sa ganitong pakiramdam. 

Nang kumalma na ang sikmura ko, nagmumog ako at nanghihinang lumabas ng banyo. Kaso agad din ako natigil nang bumungad sa akin sa labas ay si Clifford.

Nakasando lang siya at maong pants, gulo-gulo pa ang buhok na tila kakagising lang din. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang mapansin kong may dala siya. Isang baso ng malamig na tubig at ilang piraso ng biscuits sa plato.

“Inumin mo muna 'to,” mahinahon niyang sabi pagkalapit sa kinatatayuan ko. “Narinig kitang nagsusuka kaya agad akong napaakyat dito.”

Napatitig ako sa kaniya saglit, bahagyang nawalan ng boses. Ano ba ‘tong ginagawa niya?

“C-Cliff... hindi mo naman kailangang gawin 'to,” sabi ko nang sa wakas ay nakapag-isip na ako ng sasabihin. “Kaya ko ang sarili ko.”

“Huwag na matigas ang ulo, Cleah,” aniya sabay hawak sa kamay ko para idikit doon ang baso. “Naihanda ko na rin ang almusal mo. Baba na tayo?”

Hindi pa man ako nakakasagot ay pumauna na siya sa paglalakad. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Pagkababa sa dining area ay totoo ngang nakahanda na sa lamesa ang mainit na sopas at prutas. Nilapitan niya ako at maingat na pinaupo sa nakasanayan kong pwesto. Agad din siyang naupo sa tabi ko.

“May pasok ka ngayon, 'di ba?” basag ko sa katahimikan. “Bakit hindi ka pa nagbibihis?”

“Nagsabi na ako sa office na magre-report lang ako online ngayong umaga,” sagot niya nang hindi tumitingin sa akin. “Dito na ako para mabantayan kita.”

“Cliff...” napasapo na lang ako sa noo ko. “Hindi mo pa naman nakakalimutan ang nalaman mo kahapon, ‘di ba? Buntis ako at iba ang ama, kaya hindi mo na kailangang gawin ‘to sa'kin. Si Brittany, nagkita na ba kayo?”

Ibinaba niya ang hawak niyang tasa saka tumingin nang diretso sa mga mata ko. 

“Mamayang tanghali kami magkikita,” sagot niya sa mahinahong boses. “At ginagawa ko 'to dahil ito ang tama. Habang wala pa 'yang lalaking pinagmamalaki mong ama ng bata, responsibilidad pa rin kita.”

Kumuha siya ng konting tubig bago nagpatuloy. “By the way... kailan mo ba siya plano iharap sa akin, Cleah? Dahil kung talagang may lalaki, dapat kagabi pa lang ay tinawagan mo na siya para sunduin ka rito.”

Natigilan ako. Mabilis na sumikbo ang kaba sa puso ko. Anong isasagot ko?!

“B-Busy siya,” palusot ko agad. “P-Pero baka mamaya ay puntahan din niya ako dito.”

Muli siyang natigilan at tulalang napatitig sa mukha ko. Hindi ko mawari ang iniisip niya pero mayamaya lang din ay tumango siya. “Then let me meet him," maikli niyang sabi bago humigop sa kaniyang kape. 

Bago pa man ako makapagsalita ay biglang tumunog ang doorbell ng bahay. Napakunot ang noo ni Cliff. Tumayo siya para tingnan kung sino ang nasa labas. Sumunod ang tingin ko sa kaniya, at lalo akong nanlamig nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae mula sa pintuan ng living room.

“Cliff! Surprise!”

Si Brittany.

Nakasuot siya ng eleganteng puting dress, may bitbit na paper bag ng mga pastries, at malapad ang kaniyang ngiti na sinalubong si Clifford ng mahigpit na yakap. 

“I was so worried about you yesterday!” wika niya habang nakatingin sa mukha ni Cliff. “Sabi mo may family emergency kaya dumaan muna ako rito bago ako pumunta sa boutique ko. Are you okay?”

“I-I’m fine, Britt…” tila gulat na tugon ni Cliff, mabilis niya akong nilingon kaya napilitan akong ngitian siya.

Doon lang din napalingon sa akin si Brittany. Nawala ang malapad niyang ngiti at napalitan iyon ng pormal at medyo nagtatakang tingin.

“Oh... Cleah. Hi,” bati niya.

“H-Hello, Brittany,” awkward kong balik na bati, sabay tayo para kamayan siya.

Bagaman nasa iisang school kami dati, kailanman ay hindi pa kami nakakapag-usap ng matagal. At lalong hindi ko siya naka-close.

Nang matapos ang palitan namin ng beso ay tumingin siya kay Cliff, bago niya sa akin ibinalik ang kaniyang tingin. “Cliff mentioned yesterday that there was an emergency. Anong nangyari? May sakit ka ba, Cleah? You look really pale.”

Nailang ako, hindi ko tuloy alam ang isasagot ko sa tanong niya.

“Uh, ano kasi—”

“Sumumpong lang ang vertigo niya kagabi,” putol agad ni Cliff sa sagot ko sana. “Nataranta lang ako kaya hindi ako nakatuloy sa pagkikita natin. I’m sorry.”

Ngumiti si Brittany bago hinawakan ang braso ni Cliff. “It’s fine, babe. I understand. By the way, since nandito na rin lang ako... pwede na ba nating pag-usapan 'yung reinstatement ng wedding plans natin? I mean, sabi mo noon sa email, inaayos niyo na ni Cleah ang annulment, 'di ba?”

Natutop ko ang hininga ko sabay nagkatinginan kami saglit ni Cliff. 

“Na-postpone ang papers, Britt,” siya na ang sumagot kay Brittany, seryoso at walang pag-aalinlangan ang kaniyang boses. “May mga legalities pa kaming kailangang ayusin ni Cleah bago ‘yun matuloy. Massive delay.”

Agad nangunot ang noon ni Brittany. “Delay? But Cliff, three years na kayong kasal! Bakit kailangan pang patagalin—”

“Britt, please. Not now,” pinal na putol ni Cliff sa kaniya. “Mag-usap na lang tayo mamayang tanghali sa labas.”

Ikinagulat ko ang tunog pagtataboy na iyon ni Clifford kay Brittany. Namalayan ko na lang na iginigiya na niya ito pabalik sa pintuang palabas. Kinuha ko naman iyon ng pagkakataon para bumalik sa kuwarto at maghanap ng pwedeng kontakin para pagpanggapin kong nakabuntis sa akin.

Nanginginig pa ang mga daliri ko habang hinahanap sa contacts ang numero ng iisa kong kaibigan sa kolehiyo. Isinarado ko ang p***o at agad na itinaas ang phone sa tainga ko nang mag-ring ito.

“Hello, Banjo?” desperada kong maingat na bungad sa kabilang linya. “Please, tulungan mo ‘ko. Buong buhay ko na itong tatanawin na utang na loob sa'yo, tulungan mo lang akong magpanggap na—”

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang p***o ng kwarto ko at iniluwa nito ang tila tumakbo pa paakyat dito na si Clifford.

“Bakit mo tinatawagan si Banjo?” malamig niyang tanong, seryosong nakatingin sa akin ng diretso. “At anong ibig mong sabihin sa magpapanggap?”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Nine Months To Say Goodbye    Chapter 7

    Pagkapatay ni Cliff sa tawag ay marahas niyang ibinagsak sa kama ang cellphone. Napatingin ako doon pero agad din bumalik sa kaniya ang atensyon ko nang mabilis siyang naglakad patungo sa closet namin. Kumuha siya doon ng t-shirt habang ako naman ay tarantang-taranta na sumunod sa kaniya.“Cliff, mag-usap muna tayo! Ang init ng ulo mo! B-baka pwedeng palamigin mo muna, pakiusap!” nakikiusap kong sigaw sabay hawak sa kaniyang braso.Pero hindi man lang niya ako nilingon. Sa halip ay isinuot niya lang ang kinuha niyang shirt bago ako malamig na hinarap. “Bumaba ka na kung ayaw mong kaladkarin din kita.”Pumauna na siyang lumabas ng kwarto na hindi hinihintay ang sasabihin ko pa sana. Hindi agad ako sumunod sa kaniya. Dinampot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at tarantang nag-send ako ng mensahe kay Banjo. ‘Banjo, pakiusap! Sakyan mo na lang ang sinabi ko kanina sa phone! Tutulungan kita sa kahit anong kapalit pero please, makisakay ka lang ngayon!’Ibinalik ko rin ang cellphone sa

  • Nine Months To Say Goodbye    Chapter 6

    Halos mabitawan ko ang cellphone sa tindi ng gulat. Mabuti na lang at mabilis kong napindot ang end call bago nakalapit ng husto sa'kin si Cliff. Pero ang kaba ko ay walang mapaglalagyan, lalo na't magkasalubong ang makakapal niyang kilay habang matalim na nakatingin SA akin. “Sabihin mo sa'kin, Cleah… anong ibig mong sabihin sa magpapanggap?” ulit niyang tanong habang dungaw-dungaw na ako.“Cliff... w-wala 'yun…” nauutal kong sagot, pilit inaayos ang boses ko. “Na-misdial ko lang si Banjo, aalukin ko lang sana siya ng—”“Huwag mo akong utuin, Cleah,” malamig niyang putol sa akin na pansamantalang ikinatigil ng paghinga ko. “Narinig ko. Narinig ko lahat ng sinabi mo.”Mabilis niyang hinawakan ang pulso ko at maingat ngunit sapilitang kinuha ang cellphone ko mula sa kamay ko. Ganoon na lang ang pagkakalunok ko nang mariin niyang titigan ang screen nun kung saan nakarehistro pa rin ang pangalan ni Banjo at ang kalalabas lang na call log.“Si Banjo?” hilaw siyang tumawa. “Sa lahat ng la

  • Nine Months To Say Goodbye    Chapter 5

    PRESENT DAY:Dahil late na akong nakatulog, medyo late na rin akong nagising. Mag-a-alas otso na ng umaga nang magising ako. Agad hinanap ng mata ko ay si Clifford, kaso wala na siya sa tabi ko. Marahil ay nasa baba na. Dahan-dahan akong naupo sa ibabaw ng kama at naghikab. Kaso hindi pa man lumilipas ang ilang segundo ay mabilis akong napatakbo sa banyo nang maramdaman ko ang biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng bowl habang suka ako nang suka. Last week lang nagsimula ang morning sickness ko kaya naninibago pa ako sa ganitong pakiramdam. Nang kumalma na ang sikmura ko, nagmumog ako at nanghihinang lumabas ng banyo. Kaso agad din ako natigil nang bumungad sa akin sa labas ay si Clifford.Nakasando lang siya at maong pants, gulo-gulo pa ang buhok na tila kakagising lang din. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang mapansin kong may dala siya. Isang baso ng malamig na tubig at ilang piraso ng biscuits sa plato.“Inumin mo muna 'to,” mahinahon n

  • Nine Months To Say Goodbye    Chapter 4

    Mula noong araw na iyon sa principal’s office, hindi na ako hinayaan ni Clifford na maging mag-isa. Naging parang dikit-tuko kami sa isa’t isa. Kung nasaan siya, naroon din ako.Nang tumuntong na kami sa Junior High School, mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin. Sikat siya sa eskwelahan. Matalino, matangkad, varsity player sa basketball, at higit sa lahat, napakagwapo. Maraming babae ang nagpapansin sa kaniya araw-araw. May nag-iiwan ng mga love letter sa locker niya at meron namang nag-aabot ng mga mamahaling regalo tuwing Valentine’s Day.Pero sa kabila ng lahat ng atensyong natatanggap niya, sa akin pa rin niya ginugugol ang halos buong araw niya.Siya ang nagbubuhat ng mabibigat kong libro. Hihintayin niya ako sa labas ng classroom ko kapag late natatapos ang klase ko. Kapag umuulan naman, hindi niya nakakalimutang payungan ako kahit minsan ay nababasa na ang kalahati sa balikat niya— huwag lang ako maulanan. At tuwing kumakain kami sa canteen, hindi pa man ako nakakalinya pa

  • Nine Months To Say Goodbye    Chapter 3

    Hindi ako agad nakatulog kinagabihan. Magkatabi pa rin kaming nahiga sa kama pero nakatalikod kami sa isa't isa. Siya'y hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang pero ramdam ko namang malalalim na ang paghinga niya, indikasyon na tulog na nga siya. Habang ako'y nakatitig lang sa kisame ng kuwarto namin.‘Aakuhin ko 'yan…’Ang salita niyang iyan ay kanina pa nagpapaulit-ulit sa pandinig ko.Ilang dekada na ang lumipas pero wala pa rin talagang nagbago sa pag-uugali niya. Napaka-selfless at protective pa rin talaga niya sa akin— dahilan kung bakit maliit pa lang kami ay nagkagusto na ako sa kaniya.Siya si John Clifford Jornales. Nasa nursery pa lang kami nang pinagkrus na ng mga magulang namin ang mga landas namin. Matalik na magkaibigan ang Mama't Mommy niya. College pa lang ang mga ito ay napag-usapan na nilang magkaibigan na ang mga anak nila ay ang dapat magkatuluyan kung babae't lalaki man ang mga ito. At natupad naman iyon.Pero ang naging unang opisyal na interaksyon naming dal

  • Nine Months To Say Goodbye    Chapter 2

    Nangangatal ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Cliff. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko, mula noong mga bata pa kami hanggang sa tatlong taon naming pagsasama, na narinig ko siyang pagtaasan ako ng boses. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang agad na pumuno sa mga mata ko, pero agad ko rin pinatigas ang mukha ko.“Bitiwan mo ako, Cliff!” sigaw ko rin sabay tulak sa kaniya. Pero imbes na mabitawan niya ako ay mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa mga balikat ko. Kitang kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Mabilis din ang pag-angat-baba ng kaniyang dibdib. “Sino, Cleah?! Sabihin mo sa’kin ngayon din kung sino 'yang lalaking 'yan!” giit niya. “Sino ang gumalaw sa'yo habang ako ang kasama mo sa bahay na 'to?!”“Wala ka nang pakialam doon!” pagmamatigas ko. “Bakit ba kailangan mo pang malaman?! Ang mahalaga, hindi sa'yo 'yung bata! May irarason na tayo sa mga magulang natin para maw

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status