Inicio / Romance / Nine Months To Say Goodbye / SPECIAL 1: SIXTY FIVE

Compartir

SPECIAL 1: SIXTY FIVE

Autor: ExDealers
last update Fecha de publicación: 2026-09-21 20:56:00

Nakaupo kami ngayon ni Alyzza sa may hapag namin habang pinapanood namin siya sa kusina. Titig na titig lang kami sa kaniya.

Alam na alam ko talaga sa sarili ko na masama talaga itong ginagawa ko. Mahal ko na siya pero bilang kaibigan lang. Totoo 'yon.

Totoo lahat nang ipinapakita ko sa kaniya. Totoong na-miss ko siya kahit dalawang araw lang naman siyang nawala. Pero ang mali, pinapaasa ko siya.

Pinapaasa ko siya na may namamagitan na sa amin higit pa sa pagkakaibigan. 'Yon ang mali.

Mali n
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY SEVEN

    "Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Alyzza sa lahat. Siya kasi ang ginawang leader ni Ma'am sa grupong ito. "Okay na ba 'to lahat, Baby?" baling niya sa akin. "Baka may kulang pa. Ayaw kong bumalik dito." Wala sa sarili kong tinanguan siya. "Lunch na muna tayo," napalingon ako kay Vincent nang pumalakpak siya ng isang beses. "Nagutom ako, eh." "Lagi ka namang gutom, eh." bulyaw ni Isze sa kaniya. "Ikaw!" aambahan na sana ulit siya ni Vincent ng suntok nang harangan sila ni Terry. "Ang laki mong tao, pumapatol ka sa maliit." sarkastikong saway ni Terry kay Vincent. Natatawang nag-apir ang dalawa habang mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura ni Isze. "Tama na nga 'yan," biglang saway ni Daniel. “Let’s bring all of this to the counter. May pasok pa mamaya." Isa-isang dinampot ng lima ang mga basket. Kukunin ko na sana ang isang basket nang tampalin bigla ni Daniel ang kamay ko. "Ako na." salubong ang kilay niyang lingon sa akin. Sinimangutan ko lang siya saka ko ini

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY SIX

    Dumiretso kami sa pamilihan, dito lang sa loob ng school, para mamili ng mga prutas. Kasama sina Daniel at ‘yung apat pa niyang tropa. Sa kanila na kami sumama bilang grupo nang sa gano'n ay hindi na kami mahirapan pa. Medyo malapit na din naman kami sa kanila ni Alyzza. Hussle kapag sa iba pa kami nasama. Wala pa naman akong ibang close sa mga kaklase ko. "Ano ba ang gagawin nating presentation?" si Isze na ngayon ay may hawak na dalawang hilaw na mangga. "Ikaw, Baby, may naiisip ka ba?" napalingon ako kay Alyzza nang sa akin siya nagtanong. Magkakaharap-harap kami ngayon habang nasa akin lahat ang mata nila. Hinihintay ang sagot ko.Nginitian ko sila bago ako magsalita. "Why not fruit salad?" There. Nasabi ko na din ang kanina pang nakatambay na ideya sa utak ko. "Parang ang simple naman kung fruit salad. Dapat unique." suhestiyon ni Vincent."Oo, simple nga. Pero, hindi niyo ba naisip na wala rin tayong kakayahan para gumawa ng unique? Well at least, sa fruit salad, halu-halo

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY FIVE

    Nakaupo kami ngayon ni Alyzza sa may hapag namin habang pinapanood namin siya sa kusina. Titig na titig lang kami sa kaniya.Alam na alam ko talaga sa sarili ko na masama talaga itong ginagawa ko. Mahal ko na siya pero bilang kaibigan lang. Totoo 'yon. Totoo lahat nang ipinapakita ko sa kaniya. Totoong na-miss ko siya kahit dalawang araw lang naman siyang nawala. Pero ang mali, pinapaasa ko siya. Pinapaasa ko siya na may namamagitan na sa amin higit pa sa pagkakaibigan. 'Yon ang mali. Mali na gawin ko siyang replacement. Kahit ang totoo niyan, nasaktan naman talaga ako kay Jack. Nasaktan ako sa hindi na niya pagpaparamdam sa akin simula nang patayan ko siya ng tawag. Alam kong nasabi ko na sa sarili ko na mali ang ligawan ako ni Jack dahil inaakala kong girlfriend talaga niya yung babae. Pero kahit papaano naman, umasa ako. Umasa ako na pupuntahan niya ulit ako dito sa school at ipapaliwanag ang tungkol sa babaeng 'yon. Pasekreto kong nakurot ang binti ko. Kasalanan ko naman kasi

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY FOUR

    "Hindi man lang naawa sa tao," inikutan ko pa siya ng mata na kaniyang tinawanan lang. "Pwede namang iutos na lang sa kaniya na 'wag nang magpapapatay ng palaka. Hindi 'yong kinuhanan agad ng trabaho. Psh," "Anong tinatawa-tawa mo d'yan?!" Singhal ko sa kaniya nang malingunan ko siyang tumatawa."Wala." natatawa niyang iling."Ahh," dahan-dahan akong tumango. "Pinagtatawanan mo ako?!" "Hindi nga." natatawa pa rin niyang iling saakin."Bwesit ka talagang lalaki!" lumapit ako sa kaniya saka ko siya kinurot-kurot sa tagiliran. Kaso…"Ah!" napatili ako nang ako naman kilitiin niya sa tagiliran. My weakness. "Isa, Daniel!" banta ko sa kaniya. "Ah!" Napatili ulit ako nang kilitiin niya ulit ako."Isa!" banta ko ulit sa kaniya na pinagwalang-bahala lang niya ulit. Tuloy pa rin siya sa pagkiliti sa akin hanggang sa dalawa na kaming napagod. Hindi ko namalayan na napayakap na pala siya sa akin sa likod. Hinayaan namin pareho ang naging posisyon namin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tu

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY THREE

    "You heard me, Mikaela?" he asked seductively, o baka madumi lang talaga ang pag iisip ko? "This one is my favorite." ulit pa niya sabay amoy niya ng buhok ko. Hindi agad ako nakakilos sa ginawa niya. Napakurap-kurap ako nang ilipat niya ulit ang tingin sa akin habang ang ilong niya ay nasa buhok ko pa rin. Humaygad! “I can’t wait until you’re of legal age, Mikaela,” huling sabi niya bago ako tuluyang nasiraan ng bait.Fvck. "DANIEL!" ***Two months have passed...Time flies so fast. Parang kahapon lang, nag-aalboroto pa ako kina Mommy tungkol sa biglaang paglipat nila sa akin dito. Ngayon, parang tinuturing ko na itong pangalawang tahanan ko. Akalain mong dalawang buwan na rin ang lumipas simula nang makulong kami dito. Nakakatampo man dahil sa loob ng pananatili ko dito, isang beses lang ako kinamusta nina Mommy. Kadalasan, si Manang ang tumatawag sa akin, nangungumusta, habang sina Mommy, tinanong lang kung ayos lang ba ako dito, kung hindi ko naman ba pinapabayaan ang kalus

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY TWO

    Nginitian ko lang siya at bumalik na rin sa upuan ko. Nakatitig lang siya nang tikman ko ulit ang sabaw ng luto niya. Hindi ko naiwasang mapangiwi nang malasahan ko ulit ito. "I told you…" aniya. Binaba ko ang kutsara ko saka ko siya tiningnan. "Masarap naman.." I gulped. "K-Kaso parang nasobrahan ata ng alat." Seryoso niya akong tinanguan, para bang tinatandaan niya ang komento ko. "In fairness, ha! Maganda pagkakaluto mo ng karne. Hindi siya matigas." komento ko pa nang manguya ko ang karne. "And for the eggplant," lumunok muna ako bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ayos din ang pagkakaluto mo. Sakto lang." ngiti ko na naman sa kaniya. Tahimik lang siyang nakikinig. Kumuha na din siya ng kutsara niya saka tinikman rin ang sariling luto. Muntikan na akong matawa nang mapangiwi siya saglit. "You're right. It's salty," nakatitig siya sa bowl ng luto niya. "Damihan mo na lang ang kanin mo kung pipilitin mo pa rin kainin 'to." Napangiti na lang ako sa kaniya. Hindi dahil sa sugges

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status