Share

Ninong Elias Got Me Pregnant
Ninong Elias Got Me Pregnant
Penulis: Mery Grace

Chapter 1

Penulis: Mery Grace
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-23 08:45:26

“Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.

“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.

Nasa loob pa silang dalawa ng van kasama ang ibang mga babae. Si Erica lang ang baguhan dito. Lahat sila ay sanay na sanay na sa ganitong buhay. Ito ang unang gabi niya sa sasamahan nitong lakad. Matagal na siyang kinukumbinsi ni Sanya na magtrabaho rito dahil malaki raw ang kinikita pero tumatanggi siya kasi hindi niya kaya na makipagtalik sa ibang lalaki para lang sa pera. At hindi niya akalain na ngayong araw ay kinain lang din niya ang mga sinabi niya.

Sumama pa rin siya sa kanila dahil nangangailangan siya ng pera pambayad sa pagpapa- ospital sa Lola niya. Limang araw nang nasa ospital ang Lola niya. Lahat ng ipon nila ay naubos sa mga gamot na binili para rito. Hindi malaki ang sinasahod niya bilang isang katulong. Sakto lang ang kinikita niya para sa pang araw- araw nilang tatlo. Na stroke ang Lola niya at hirap na itong makapagsalita ng maayos at hindi na rin makalakad.

“Isang gabi lang. Lunukin mo na lang ang dignidad mo kapag ito ang trabaho mo. Malaki naman ang kikitain natin ngayong gabi dahil mamahaling bar naman ‘tong pupuntahan natin. Paniguradong malaki ang laman ng mga bulsa nila,” sabi ni Sanya.

“Malaki ang ibibigay nila sa ‘yo lalo na kapag nalaman nilang bago ka. Pag- aagawan ka pa nung mga matatanda,” dagdag nito.

Naririnig pa lang niya ang sinasabi ng mga ito ay para na siyang masusuka. Nag- aalala siyang tiningnan ni Sanya pero pilit siyang ngumiti rito.

Pumasok sila sa loob. Sumakit ang mga mata niya sa paiba- ibang kulay ng ilaw. May mga lasing na nagsasayawan sa dance floor. Ito ang unang beses na pumunta siya sa ganitong klaseng lugar.

Kanya- kanya nang umalis ang mga kasamahan niya at naiwan siyang mag- isa sa isang sulok. Parang hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Namataan niya na kumakausap na ang mga ito ng mga lalaki. Halos lahat ng sinasamahan ng mga ito ay matatanda.

“Erica, ito si Mr. Choi. Gusto ka niyang sumama sa table nila,” sabi ng manager.

Lumapit ito kay Erica kasama ang isang matandang lalaki. Suot nito ang isang shades kahit sobrang dilim sa loob. Matanda, malaki ang tiyan, kulubot na ang balat, at kulay pula pa ang suot nitong polo.

“She’s new and very ano… very fresh,” sabi ng manager.

Hinila nito si Erica at dinala siya sa tabi ng matanda na agad namang umakbay sa kanya.

Dinala siya nito sa taas kung saan mayroong naglalaro ng casino. Hindi siya naging kumportable nang akbayan siya nito. Ngunit tinatak niya sa isip na gagawin niya ‘to para sa Lola niya.

“My lucky charm,” anunsyo nito nang huminto sila sa isang mesa.

Sa dulo ng mahabang mesa ay nakita niya ang isang lalaki. Hinihimas nito ang babaeng kasama nito habang nakatitig sa kanila. May ngisi sa mga labi nito. Suot lang nito ang isang sleeveless at may kwintas itong kadena. May hikaw ito sa labi, sa magkabilang tainga, at sa kilay nito. Puno rin ng tattoo ang kaliwang braso nito.

Malaki ang paniniwala niya na malaki ang agwat ng edad nila. Sa tingin niya nasa 40’s lang ito. Pero mas matanda ang katabi niya ngayon. Mukhang sinadya ring magulo ang buhok nito.

“Let’s start,” sabi nito at umayos ng upo.

“If I win, I’m not gonna ask for your money. Instead, that girl beside you will be mine tonight,” dagdag nito.

Napalunok siya nang ituro siya nito.

“Deal,” sagot ni Mr. Choi.

Wala siyang ideya kung paano iyon laruin. Nagbabase lang siya sa mga reaksiyon ng mga ito. Malapad ang ngiti ng lalaking kaharap nila. Ngunit si Mr. Choi ay kanina pa nagmumura. Dumidiin din ang hawak nito sa hita niya. Nakakaramdam na siya ng pandidiri sa tuwing nararamdaman niya ang kagaspangan ng palad nito. Tahimik siyang nananalangin na sana manalo ang lalaki kaysa kay Mr. Choi.

Tumayo ang lalaki at pumalakpak.

Napahilamos si Mr. Choi sa palad nito at nanlulumo itong tumingin sa kanya. “I’ll get you next time, okay? Lapitan mo agad ako kung bumalik ka rito. Sayang ka, ang bata mo pa sana.”

“That’s enough. She’s already mine,” sabi ng lalaki.

Mabilis siyang tumayo. Nang tumayo siya ay pinisil pa siya ng matanda sa pw3t kaya mangiyak- ngiyak siya. May inilagay ito sa kamay niya.

“It will become double if I can bed you next time.”

Apat na libo ang inilagay nito sa kamay niya. Kaya niyang kitain ang ganito kalaking pera sa isang gabi lang. Pero mas pipiliin pa rin niyang magpunas ng kubeta kaysa ganito ang trabaho niya.

Nanginginig ang mga tuhod niya habang naglalakad papunta sa lalaki.

“Follow me,” aniya at naunang maglakad.

Ni hindi siya hinawakan nito katulad ng matanda.

Pumasok sila sa isang VIP room at umupo ito sa isang pulang sofa na mahaba, nakaparte ang mga hita nito.

Nakatayo lang siya at hindi alam kung ano ang sunod na gagawin. Nangangapa pa siya sa trabaho niya.

“Sit down.”

Umupo siya sa pinakadulo, malayong- malayo rito.

“Closer.”

Humalakhak ito nang maliit na espasyo lang ang naging galaw niya.

“What the… wala naman akong nakakahawang sakit! Ako na nga lang ang lalapit.”

Sa isang iglap ay nasa tabi na niya ito. Hinapit nito ang bewang niya.

“Sit on my lap.”

Naiilang man, tumayo siya upang umupo sa kandungan nito.

“That’s better.”

Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nito na hindi naman gaanong masakit sa ilong. Nilagyan nito ng alak ang isang baso na nasa mesa. Nasa kalahati na ang laman ng boteng alak.

Nakatingin lang siya sa mukha nito nang sumimsim ito ng alak sa basong hawak nito. Niyugyog nito iyon ng mahina upang gumalaw ang ice sa loob bago tumingin sa kanya.

Natingnan niya ng mabuti ang mga tattoo nito sa braso. May tattoo rin ito malapit sa leeg nito. Kahit ang mga daliri nito ay may tattoo rin.

“How much is your night?”

Bumundol ang kaba sa dibdib niya. Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa mga mata nito. Napunta ang isang kamay nito sa hita niya at dahan- dahan nitong hinaplos iyon.

“Let’s book a hotel.”

Nang lumabas silang dalawa, nakapulupot ang kamay nito sa bewang niya. Nang makita niya si Sanya ay napathumbs up ito sa kanya.

Kinakabahan siya. Malakas ang tibok ng puso niya at ilang beses siyang natalisod dahil hindi siya sanay magsuot ng heels at dahil na rin nanginginig ang mga tuhod niya.

Pinasok siya nito sa mamahaling sasakyan nito. Pagpasok pa lang nila ay hinalikan agad siya nito.

Humalaklak ito nang hindi siya gumalaw. Wala siyang experience kung paano humalik. Wala pa siyang naging boyfriend sa buong buhay niya.

“You don’t know how to kiss? Damn…” sabi nito habang tumatawa.

Pinaandar nito ang sasakyan.

“F-First kiss ko po kasi ‘yon,” mahinang sabi niya. Ni hindi siya makatingin sa mga mata nito.

“Naiisip ko pa lang na ako ang makakauna sa ‘yo tinitigasan na ako.”

Mabilis ang mga naging galaw nito nang pumasok sila sa room.

“When I saw you a while ago together with that old man you know that I said to myself that I will not let this night slip without kissing you? Open your mouth wider, baby. I will make sure that this would be the most unforgettable night of your life.”

**

Talagang iyon ang gabing pinakahindi nakalimutan ni Erica kahit dalawang taon na ang lumipas. Nung umaga iyon, nauna siyang magising at kumuha na lang siya ng pera sa pitaka nito. Nasa mahigit twenty- five thousand ang nakuha niya. Umalis siya nang walang paalam at hindi na niya ito nakita ulit.

“Ma... ma!” sigaw ng anak niya sabay pakita ng laruan nitong mga prutas.

“Bawal kainin iyan, anak.”

Ito ang naging bunga ng gabing iyon. Nagkaroon siya ng anak na babae. Nagkaroon siya ng anak sa lalaking hindi niya kilala.

Nandito na siya sa harap ng isang mataas na building. Ito ang unang araw niya sa trabaho kung saan isa siyang janitress.

“Sa top floor ang lilinisan mo. Nandoon ang office ni Elias Samonte kaya pagbutihan mo. Kasama rin ‘yan sa mga lilinisan mo,” wika ng kasamahan niya.

Sumakay siya ng elevator papunta sa taas. Sa labas pa lang ay nakita na niya ang pangalan ng CEO.

“Elias Samonte?” malakas na pagbabasa niya at saglit na nag- isip dahil pamilyar ang pangalan nito. Ito ang nakasulat na pangalan na isa sa mga Ninong niya sa binyag. Simula nung bata siya ay hindi ito nagpakita sa kanya.

Napaigtad siya nang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isang lalaki.

“Get inside. Mr. Samonte spilled his coffee clean the mess immediately.”

Natatarantang sumunod siya rito sa loob.

Pagpasok niya ay nakita niya ang isang nakatalikod na lalaki. Tinuro nito ang lilinisan kung saan naroon ang nabasag na baso.

Naglakad siya papunta sa mesa. Malapit na malapit na siya nang humarap ang lalaki. Ngunit napako siya sa kinatatayuan niya at hindi na nakagawa ng isa pang hakbang nang tuluyan niyang makita ang mukha nito.

Nabitawan niya ang mop na hawak niya. Tumunog iyon nang tumama sa tiles.

Kahit dalawang taon na ang lumipas, natatandaan pa rin niya ang mukha nito. Ito ang Ninong niya. Ito ang ama ng dalawang taong gulang niyang anak.

“It’s been a while. Nice to see you again.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 4

    Hindi pa rin makapaniwala si Erica kay Elias. Nalilito na siya sa inaasta nito. Pumasok siya sa office nito at agad na kumunot ang kanyang noo.Ano’ng nangyayari sa office nito? Ang dami na namang punit-punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din siyang namataan na mga nakakalat na bote ng beer sa center table nito. Ang daming lilinisin! Bakit ang dami namang papel sa mesa nito?Inuna ni Erica kunin ang mga papel sa sofa at niligpit muna iyon. Sa bawat galaw niya ay ramdam niya na may mga matang nakasunod sa kanya. Sa tuwing nililingon niya si Elias ay nahuhuli niya pa itong nakatitig sa kanya pero palagi naman itong umiiwas ng tingin; kung hindi titingin sa kisame ay kay Samuel naman.“Samuel, could you grab me some coffee? Not the stuff from the cafeteria though. I'd really like you to get it from Starbucks. At their farthest branch,” rinig ni Erica ang utos nito kay Samuel.Napakamot sa kanyang ulo si Samuel pero tumayo pa rin ito.“Pwede naman tayong magpadeliver dito, Sir. N

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 3

    "Tapos ko na pong linisin ang lahat, Sir," wika ni Erica nang malagay niya sa loob ng basurahan ang lahat ng mga kalat na nasa sofa kanina.Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon kadami ang mga kalat na nandoon gayong nung umalis siya ay malinis na ang office nito."Do you want coffee? Or juice, water?" tanong ni Sir Elias mula sa likuran. Saglit itong sinulyapan ni Erica at mabilis siyang lumingon."Sir," nag-aalalang sabi niya. Bakit nag-aalok nito ng kape? Ganito ba ito sa lahat ng mga trabahante rito?Yumuko siya sandali sa kanya at mabilis na tumalikod at naglakad. Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang siya ay nagsalita ulit ito."May ipapalinis pa sana ako sa 'yo," dagdag ni Sir Elias.Umubo na naman si Samuel."Saan po, Sir?" tanong ni Erica at inayos na ang kanyang mga panlinis na dala."'Yong banyo sana. Tumae kasi si Samuel doon kanina, ipapalinis ko sana," sagot ni Sir Elias."Tumae ba ako, Sir? Hindi ako pumapasok d'yan sa banyo mo tapos ako pa ang aakusahan mong tumae d'y

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 2

    Hindi akalain ni Erica na makikita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya. Wala siyang sinabihan kung sino ang ama ng anak niya. Kahit nang tanungin siya ni Lolo ay wala siyang pangalan na maisagot rito.Ngayon lang ulit nagkrus ang landas nila matapos ang dalawang taon. Ito ang pinakahuli niya. Hindi na siya muling sumama kina Sanya dahil nailabas na niya si Lola sa ospital.Apat na buwan bago nalaman ni Erica na buntis siya. Naging mahirap iyon para sa kanya lalo na at siya lang ang may trabaho. Si Lola ay bedridden na. Si Lolo ang nagbabantay rito. Kaya nang mabuntis siya, kahit kabuwanan na niya ay pinapatay pa rin niya ang sarili sa trabaho para may maigastos sa panganganak. Nabaon sila sa utang at hanggang ngayon ay binabayaran pa rin niya iyon.“Clean the mess, why are you standing there?”Napaigtad si Erica nang magsalita ang lalaki. Marahil ay hindi rin siya nakilala nito bilang inanak dahil hindi pa naman sila nagkita.Kinuha niya agad ang mop. Yumuko siya upang kunin ang m

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 1

    “Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.Nasa loob pa silang dalawa ng van kasama ang ibang mga babae. Si Erica lang ang baguhan dito. Lahat sila ay sanay na sanay na sa ganitong buhay. Ito ang unang gabi niya sa sasamahan nitong lakad. Matagal na siyang kinukumbinsi ni Sanya na magtrabaho rito dahil malaki raw ang kinikita pero tumatanggi siya kasi hindi niya kaya na makipagtalik sa ibang lalaki para lang sa pera. At hindi niya akalain na ngayong araw ay kinain lang din niya ang mga sinabi niya.Sumama pa rin siya sa kanila dahil nangangailangan siya ng pera pambayad sa pagpapa- ospital sa Lola niya. Limang araw nang nasa ospital ang Lola niya. Lahat ng ipon nila ay naubos sa mga gamot na binili para rito. Hindi malaki ang sinasahod niya bilang isa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status