Share

Chapter 2

Author: Mery Grace
last update publish date: 2026-02-23 08:58:00

Hindi akalain ni Erica na makikita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya. Wala siyang sinabihan kung sino ang ama ng anak niya. Kahit nang tanungin siya ni Lolo ay wala siyang pangalan na maisagot rito.

Ngayon lang ulit nagkrus ang landas nila matapos ang dalawang taon. Ito ang pinakahuli niya. Hindi na siya muling sumama kina Sanya dahil nailabas na niya si Lola sa ospital.

Apat na buwan bago nalaman ni Erica na buntis siya. Naging mahirap iyon para sa kanya lalo na at siya lang ang may trabaho. Si Lola ay bedridden na. Si Lolo ang nagbabantay rito. Kaya nang mabuntis siya, kahit kabuwanan na niya ay pinapatay pa rin niya ang sarili sa trabaho para may maigastos sa panganganak. Nabaon sila sa utang at hanggang ngayon ay binabayaran pa rin niya iyon.

“Clean the mess, why are you standing there?”

Napaigtad si Erica nang magsalita ang lalaki. Marahil ay hindi rin siya nakilala nito bilang inanak dahil hindi pa naman sila nagkita.

Kinuha niya agad ang mop. Yumuko siya upang kunin ang mga bubog sa sahig. May suot siyang gloves kaya hindi masusugatan ang kamay niya. Kung wala siyang gloves ay baka nabalot na ng sugat ang kamay niya dahil nanginginig iyon sa sobrang kaba. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Nakita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya.

“Samuel, get me another cup of coffee,” utos nito na agad namang sinunod ni Samuel.

Mas lalo pang dumoble ang kaba niya nang maiwan silang dalawa.

“It’s been what? Two years since the last time we saw each other?”

Habang tulog ito noon ay kumuha siya ng pera sa pitaka nito. Natapon pa ang iba sa sahig dahil sa pagmamadali niyang umalis. Takot na takot siya na baka magising ito. Tumakbo siya palabas kahit masakit ang gitnang bahagi ng katawan niya.

“Ang tahimik mo pero pagdating sa kama…”

Namula ang mukha niya nang humalakhak ito.

Naging alerto siya nang tumayo ito. Lumingon siya sa pintuan at gusto na lamang niyang tumakbo palabas. Si Sanya ang nagbigay sa kanya ng trabahong ito. Hindi niya inaasahan na magkikita silang dalawa rito.

“What’s your name? I am not able to ask for your name. Masyado akong nadala sa init ng katawan kaya nakalimutan kong tanungin ang pangalan mo. When I woke up I am already alone.”

Plano niyang huwag sabihin ang pangalan niya. Pero rito siya nagtatrabaho kaya malalaman din nito kahit hindi niya sabihin.

“Erica po,” sagot niya.

“Erica… Erica… Are you willing to spend another night with me?”

Nanikip ang dibdib niya. Nung una at huli nilang beses ay nagtanim ito ng bata sa tiyan niya. Na trauma na siya. Baka magtanim ulit ito. Paano na niya bubuhayin ang dalawang bata?

Bumukas ang pintuan at dumating si Samuel bitbit ang kape nito.

Mabilis niyang tinapos ang paglilinis para makaalis na sa loob ng opisina nito. Kailangan niyang magmop malapit dito dahil may mga kape na kumalat malapit sa paa nito.

Narinig niya ang pagsipol nito bago magsalita nang sapat lang na silang dalawa ang makarinig.

“What’s your answer?”

Umiling siya at pinagpatuloy ang pagmamop sa sahig. Ayaw na niya. Isang beses niya lang gagawin iyon at hindi na niya uulitin pa.

“Bakit ba ayaw mong magsalita? Nagtitipid ka ba sa laway? Dalawang salita pa lang ang sinasabi mo,” lumakas ang boses nito kaya napalingon si Samuel.

“Is there any problem, Sir?” tanong ni Samuel.

“Wala, Samuel. Kinakausap ko lang itong bagong janitress natin na maganda,” sagot nito.

Nang tumayo si Erica ay nasagi niya ang pen holder nito kaya kumalat iyon sa sahig.

“Sorry po. Sorry po.”

Mabilis niyang pinagdadampot ang mga ballpen nito at ibinalik iyon sa pen holder nito.

“Kumalma ka nga. Apat na salita nga ang sinabi mo pero paulit ulit naman. Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon, mabilis ka pa ring mataranta. Kinakabahan ka ba na nakita mo ako? Huwag kang kabahan, ito naman parang wala tayong pinagsamahan sa kama,” bulong nito.

Uminit ang tainga niya hanggang sa mukha niya. Aalis na siya. Wala pa siyang isang oras dito pero ang dami nang nangyayari sa loob ng opisina nito.

“Sir, the board members are complete inside the conference room and they are already waiting for you,” sabi ni Samuel.

Dinampot niya ang mop at balde na hawak niya para umalis na.

“Excuse me po,” mahinang sabi niya.

“Kilala mo ba iyon, Sir? Bakit parang close kayong dalawa?” tanong ni Samuel.

Iyon ang huli niyang narinig bago siya tuluyang lumabas. Bumalik siya sa locker room upang uminom ng tubig. Napasandal siya sa dingding at saglit na napatitig sa kawalan.

Dalawang taon na ang anak niya. May pagkakataon na nalulungkot siya tuwing iniisip niyang kawawa ang anak niya dahil tatanda itong walang kinikilalang ama. Kasi pakiramdam niya ay imposible nang magkrus ang landas nila ng ama nito dahil nasa magkabilang mundo na sila dahil sa laki ng agwat ng estado nila sa buhay.

Ngunit pagtatagpuin pala sila ng tadhana.

Matatanggap kaya nito ang anak niya?

Natatakot siya na baka kapag sinabi niya ay kunin na lamang nito ang anak sa kanya. Aaminin niya, marangyang buhay ang sasapitin ng anak niya kapag nasa piling ito ng ama nito. Hindi nito mararanasan ang kumain na asin at tubig lang ang ulam. Ngunit nais niyang maging makasarili.

Nilinis niya ang buong floor. Bukod sa pagiging janitress niya rito na tatlong araw lang sa isang linggo, ang natitirang araw ay namamasukan siya bilang cashier sa isang barber shop. Ang haba na ng listahan ng mga utang niya sa tindahan.

Oras ng lunch at ang ibang kasamahan niya ay lumabas para kumain. Nagpaiwan siya dahil may baon siyang kanin at itlog para sa ulam. Ang perang dala niya ay sakto lang para sa pamasahe niya papunta at pauwi.

Sa ibang floor naman siya naglinis nung hapon.

Dalawampung minuto na lang ay matatapos na ang shift niya. Hindi na ulit sila nagkita ni Elias Samonte.

Pero iyon ang akala niya.

Personal siyang pinuntahan ni Samuel na secretary nito at sinabing may ipapalinis daw ito sa kanya. Akala niya ay matatapos na ang araw na hindi na niya ito makikita ulit.

Dala ang kaba ay pumasok siya sa loob dala ang mga panlinis.

“Saan po banda ang ipapalinis ninyo, Sir? Tapos ko na po itong linisan kanina.”

“Ang buong pagkatao ko pakilinis masyado na kasi akong madumi,” sagot nito.

Hindi makapaniwala na tiningnan niya ito.

“Anyways, iyan ang ipapalinis ko,” sabi nito sabay turo sa sofa na may nakakalat na mga papeles. Ang iba ay nasa sahig pa.

Lumipat siya roon upang isa isahing damputin iyon.

“May sagot ka na ba doon sa tanong ko?” tanong nito.

Narinig niyang napaubo sa likuran si Samuel. Sunod sunod iyon at hinampas pa nito ang dibdib nito.

“Labas ka muna, Samuel. Baka mahawa pa kami sa ubo mo. Mukhang malala na iyan. Ipacheck up mo na kaya. Lumabas ka muna,” sabi nito.

Umiiling na lumabas si Samuel pero may ngiti sa mga labi nito.

“Erica, may sagot ka na ba sa tanong ko?” ulit nito habang lumalapit.

“Ano po ang tanong ninyo, Sir?” tanong niya.

Napahilamos ito sa sariling palad at ginulo ang buhok nito.

“Yong tanong ko na are you willing to spend another night with me? May sagot ka na ba doon?”

“Hindi po ako pwede, Sir. Matagal na po akong umalis sa trabahong iyon,” sagot niya.

Akala niya kapag nagkita sila ulit ay susumbatan siya nito dahil walang paalam niyang kinuha ang pera sa pitaka nito at hindi na muling nagpakita. Pero hindi iyon ang ginawa nito at tinanong pa siya kung pwede siya ng isang gabi.

“What are your other jobs? Bukod dito?” tanong nito.

“Cashier po ako,” sagot niya.

“Marami kaming bakante rito. You can try,” sabi nito.

“High School lang po ang tinapos ko at hindi na nakatungtong ng college. Kaya limitado lang po ang pwede kong applyan,” sagot niya.

Tumango ito. Umupo ito sa ibabaw ng mesa at pinagkrus ang mga kamay nito sa dibdib.

Nagpatuloy siya sa pag aayos ng mga papeles. May mga punit siyang nakita. Ang iba ay wala pang sulat.

“Samuel, magkalat ka,” utos nito.

“B-Bakit ako magkakalat, Sir?” tanong ni Samuel.

“Basta. Magkalat ka lang. Kunin mo ang mga bond paper diyan at ilagay mo rito sa sofa. Ikalat mo para may lilinisin siya. Tapos tawagin mo ang janitress na nandito kanina at siya ang palinisin mo.”

“Sir, ang daming babae diyan. Kahit janitress sa kumpanya ninyo hindi ninyo man lang palalagpasin?” sagot ni Samuel.

“Shut up and do your job. I will give you ten thousand pesos for this task,” sabi nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 13

    Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero siyempre, may porsyento rin doon ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Kay Elias, mali ba ang humiling na sana ay magbago ang isip nito? Sana dumating ang araw at magising na lang ito na gusto nang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak."Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya?"Naawa si Erica para sa kanyang anak. Pakiramdam niya ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang bata na makilala ang sariling ama. Pero sisiguraduhin ni Erica na ibibigay niya rito ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, kahit silang dalawa lang, at kahit walang ama na tatayo sa gilid nito upang gabayan ito sa kanyang paglaki.Mas una nilang madadaanan ang bahay ni Samuel. Pumasok sila sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay na kulay pink ang labas at may malapad na bakuran. Sa labas ng gate ay nakatayo na si Samuel. Nakalagay sa bewang nito ang isang kamay at hawak ang cellphone.Umangat ang tingin ni Samuel nang mapansin

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 12

    Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa kanilang dalawa.Ang babae ay nakasuot ng kulay pula na sleeveless top at terno niyon ang isang pencil skirt na mukhang makikita na ang underwear nito.Nang lumabas ang babae sa elevator ay humakbang na agad si Erica para pumasok at iniwan si Elias. May bisita pala ito, mabuti na lang at uuwi na siya.Sinundan ng tingin ni Erica ang kamay ng babae na umakbay kay Elias, na ngayon ay hilaw na nakangiti sa kanya.“You didn't visit me in my condo so I came here to surprise you!”“Mauna na po ako, Sir!” paalam ni Erica at kumaway pa siya rito.Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa loob ng condo. Ang mahalaga ay may dala siyang fries na paboritong pagkain ni Eli.Dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator.“Erica! Wait!”Hindi na nagawang maiharang ng boss ang kamay sa pinto dahil tuluyan na itong sumara.Alam ni Erica kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng condo ni Elias. Ang ganda nung babae at iyon ang mga tipo nito, mga magaganda at parang m

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 11

    Ang mga tawa ni Erica ay napalitan ng sigaw nang tuluyang malaglag ang tuwalya na nagsisilbing takip sa pribadong parte ng katawan ng boss.Nag-loading pa ang utak ni Erica at tatlong segundo siyang napatitig sa ari nito bago niya tinakpan ang kanyang mga mata. Ang taas ng ari nito, nasa normal na size pa ba 'yon? Nung unang beses na nagtalik silang dalawa, gulat na gulat din si Erica nang makita iyon. Muntikan pa siyang umatras dahil natakot siya sa sobrang laki niyon. Inisip niya kung kakasya ba 'yon sa kanyang pagkababae o hindi, at pumasok pa sa isip niya na baka hindi na siya mabuhay. Sa una lang masakit, may napunit sa loob ng kanyang pagkababae, pero kalaunan ay napalitan din iyon ng kiliti at sarap, 'yong tipong napapatirik ang mga mata sa sobrang sarap.Kaso, nung umaga naman ay parang dinaanan ng truck ang kanyang pagkababae. Ilang araw siyang hindi nakalakad nang maayos at paika-ika ang lakad. Nagsinungaling pa si Erica kay Lolo nang tanungin siya nito kung ano ang nangyari

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 10

    “Ang bibig mo, Sir!” malakas na sigaw ni Erica na umalingawngaw yata sa buong hallway.Natatawa siya nitong hinila papunta sa loob ng condo.“Just kidding.”Malaki ang condo ni Elias. May mahaba at maliit na sofa na kulay cream, may center table, at may nakapatong na vase sa gitna na wala namang laman na bulaklak.May maliit na bar counter na nakita si Erica at sa likod niyon ay ang kusina. Dalawang pinto ang kanyang napansin, kung saan malamang ay ang kwarto nito ang isa doon.“Ito na pala ang mga lalabhan mo, Erica. Mostly mga damit ko lang 'yan dito sa condo ko.”Kaunti lamang iyon, parang nasa limang piraso lang ng damit at iilang mga piraso ng pantalon at shorts.Pagkatapos ilibot ni Erica ang kanyang mga mata sa kabuuan ng condo ay inilipat niya ang tingin sa boss. Napalunok na lamang siya nang makita ang katawan nito. Ngayon lang niya napansin na tumutulo pa pala ang tubig mula sa buhok nito hanggang sa katawan.“Saan po ako pwedeng maglaba, Sir?” tanong ni Erica habang pilit n

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 9

    “Para sa akin ba 'to, Sir?”Sinulyapan ni Elias saglit si Samuel. “Hindi, para kay Samuel talaga 'yan, ipapasukat ko lang sa 'yo,” sarkastikong wika ni Elias.At nadamay pa nga si Samuel.“Seryoso na kasi, Sir! Nagtatanong nang maayos ang tao, ganyan ang isasagot n'yo sa akin?”Kinuha ni Erica ang isang box at tiningnan din iyon. Ang isa ay itim at ang isa naman ay kulay puti, parehas lang ng design. Nike ang brand nung sapatos, at kahit hindi itanong ni Erica sa boss, alam niyang hindi basta-bastang nabibili iyon sa kanto. Original ang sapatos at alam niyang mahal.“Sa akin ba talaga 'to, Sir?” paulit-ulit na tanong ni Erica.“Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang kay Samuel.”Si Samuel ay napapakamot na lang sa kanyang ulo sa tuwing nadadamay ang kanyang pangalan.“Mahal 'to, Sir. Hindi ko kailangang bayaran 'to.”“Sino bang may sabing babayaran mo 'yan? Bigay ko na sa 'yo 'yan, Erica. Isukat mo kung kasya, size 7 'yan. Maliit kasi ang paa mo, pero pwede naman nating palitan kung hindi ka

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 8

    Nabunutan ng tinik si Erica nang lumiko na silang dalawa papunta sa bahay nila. Isang taong gulang pa lang ang anak ng isang kapitbahay nila at sa tuwing wala siya ay doon dumedede ang kanyang anak.Maswerte rin si Erica sa kanyang mga kapitbahay na tinutulungan ang kanilang pamilya. Dahil sa mga ito ay medyo napapadali ang buhay nila.Hinintay muna ni Erica na makaalis ang sasakyan ng boss bago siya umalis upang hindi makita ng mga ito na hindi siya pumasok sa bahay na iyon.Nang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay lumipat ang tingin ni Erica sa kanyang paa. May gumuhit na maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang makitang hindi man lang umabot sa kalahati ang kanyang paa sa tsinelas na suot.“Erica, nandito ka na pala. Pinuntahan ko na si Eli at pinadede sa akin dahil kanina pa iyak nang iyak,” sabi ni Lorena, ang kapitbahay nila.“Salamat, Ate Lorena. Medyo ginabi lang kasi ako ngayon sa trabaho,” sagot ni Erica.Napatingin si Lorena sa sapatos na hawak ni Erica. “Nasira na n

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 4

    Hindi pa rin makapaniwala si Erica kay Elias. Nalilito na siya sa inaasta nito. Pumasok siya sa office nito at agad na kumunot ang kanyang noo.Ano’ng nangyayari sa office nito? Ang dami na namang punit-punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din siyang namataan na mga nakakalat na bote ng bee

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 3

    "Tapos ko na pong linisin ang lahat, Sir," wika ni Erica nang malagay niya sa loob ng basurahan ang lahat ng mga kalat na nasa sofa kanina.Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon kadami ang mga kalat na nandoon gayong nung umalis siya ay malinis na ang office nito."Do you want coffee? Or juice, w

  • Ninong Elias Got Me Pregnant    Chapter 1

    “Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.Nasa loob pa silan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status