LOGINHindi pa rin makapaniwala si Erica kay Elias. Nalilito na siya sa inaasta nito. Pumasok siya sa office nito at agad na kumunot ang kanyang noo.
Ano’ng nangyayari sa office nito? Ang dami na namang punit-punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din siyang namataan na mga nakakalat na bote ng beer sa center table nito. Ang daming lilinisin! Bakit ang dami namang papel sa mesa nito?
Inuna ni Erica kunin ang mga papel sa sofa at niligpit muna iyon. Sa bawat galaw niya ay ramdam niya na may mga matang nakasunod sa kanya. Sa tuwing nililingon niya si Elias ay nahuhuli niya pa itong nakatitig sa kanya pero palagi naman itong umiiwas ng tingin; kung hindi titingin sa kisame ay kay Samuel naman.
“Samuel, could you grab me some coffee? Not the stuff from the cafeteria though. I'd really like you to get it from Starbucks. At their farthest branch,” rinig ni Erica ang utos nito kay Samuel.
Napakamot sa kanyang ulo si Samuel pero tumayo pa rin ito.
“Pwede naman tayong magpadeliver dito, Sir. Nagiging madali na nga ang buhay natin dahil sa internet papahirapan mo pa akong pumunta sa branch nila ang traffic-traffic ngayon. Matatagalan ako. Parehas lang naman ang lasa kung malapit o malayong branch. Kape pa rin naman galing sa Starbucks,” wika nito.
Napatayo rin si Sir Elias. Padabog nitong nilapag ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. Kahit si Erica ay napaigtad din sa ginawa nito.
“Sino ba ang boss sa ating dalawa? Ikaw na lang dito ako na d’yan,” sigaw nito kay Samuel.
Matagal na bang nagtatrabaho si Samuel sa kanya? Parang magtropa na lang silang dalawa.
“Sa pinamalayo talaga, Sir? Malamig na ‘yong kape pagdating dito. Tapos traffic pa. Baka kapag bumalik ako rito ay uwian na,” bulong ni Samuel.
Nang makitang naging masama ang titig ni Sir Elias sa kanya ay mabilis nitong binawa ang kanyang sinabi.
“Ito na nga at aalis na. Sa pinakamalayong branch ng Starbucks para matagal akong makabalik. Didiskarte na nga lang idadamay pa akong nagtatrabaho ng tahimik,” narinig ni Erica kay Samuel habang naglalakad na bitbit ang wallet nito.
“Are you saying something, Samuel? Kung hindi mo ako susundin ihanda mo na lang ang resignation letter mo at dalhin mo sa akin,” sigaw ni Sir Elias.
“Aalis na nga po ako, Sir Elias,” wika ni Samuel at mariin ang bawat bigkas nito sa salitang ‘Sir Elias’.
Nagkatinginan si Erica sa kanila nang magsara na ang pintuan at lumabas na si Samuel.
“Continue working, Erica,” nakangiting sabi ni Sir Elias rito.
Nagpatuloy na lang si Erica sa kanyang paglilinis para mabilis siyang matapos. Balak niyang tapusin iyon bago siya lumabas at kumain ng pananghalian. Limang minuto lang na naging tahimik ang opisina nito ay nagsalita ulit ito.
“Kailan ka tumigil sa pagtatrabaho mo sa bar, Erica?” tanong nito.
Tinigil ni Erica muna ang pagkuha sa mga papel bago siya sumagot.
“Matagal na rin po. Dalawang taon na,” tipid na sagot niya.
Isang beses lang ginawa iyon ni Erica at hindi na inulit. Inaalok pa rin siya ni Sanya na pumasok sa trabahong iyon pero tumatanggi na siya. Kaya sa tuwing nanghihingi siya ng trabaho rito ay ang maayos na trabaho lang ang tinatanggap niya. Kahit gaano pa kahirap basta ‘wag lang maulit na ibebenta niya ang sarili niya. Kasi parang bangungot pa rin iyon sa kanya.
Nanatili ang lihim hanggang ngayon dahil hindi niya sinabi sa Lolo at Lola niya na ang ginamit niyang pera para mabayaran ang mga bayarin sa ospital ay galing sa pagbebenta sa kanyang sarili. Natatakot siyang malaman nila.
“Two years ago? As far as I can remember, first time mo nung may nangyari sa atin. Ako ba ang first and last na customer mo?” tanong nito.
Mabilis na tumango si Erica.
“Kailangan ko lang kasi ng malaking pera nung panahong iyon,” wika niya.
At kinuha niya ang pera nito ng walang paalam.
“Kaya pasensya ka na, Sir, kung kinuha ko man ang pera mo.”
“Hey, it's okay. Kung ginising mo ako mas malaking pera pa ang ibibigay ko sa ‘yo,” sigaw nito.
“Malaking pera ang ibibigay n’yo sa akin kapag ginising kita dahil gagamitin n’yo ulit ako?” humagalpak si Erica sa tawa.
“You are very judgemental, Erica! Ganyan ba kauhaw ang tingin mo sa akin? Of course, you need money so I will give it to you. Mabuti pang itulong ko na lang sa iba iyon kesa maubos ko lang sa pag-inom,” wika nito.
Sa dalawang taon ay dinala ni Erica ang takot na makita ito dahil akala niya magagalit ito sa kanya dahil kumuha lang siya ng pera sa pitaka nito. Niligtas siya rito ni Sir Elias doon sa matandang unang binigay sa kanya nung manager niya. Hamak na mas mabuting sa mga kamay nito siya napadpad kesa sa matandang iyon.
“Salamat dahil hindi mo ako sinumbatan sa perang kinuha ko sa ‘yo. Kung pababayaran mo sa akin iyon, kahit paunti-unti na lang, Sir,” wika ni Erica.
“No, no, no,” sunod-sunod na pagtanggi nito.
“Your performance was good and you deserve that money! Kaya nga ako nagrerequest ng kahit isang gabi sa ‘yo dahil napabilib mo ako kahit first time mo. Kaso hindi ka na pala available ngayon,” sabi nito.
Nagustuhan nito pa ang performance ni Erica na wala siya talagang kaalam-alam kung ano ang mga sunod na gagawin. Katulad siya ng isang grade one na bata na tinuturuan pang magsulat at magbasa.
“Matinong trabaho na po ang hinahanap ko ngayon,” sabi niya.
Habang nag-uusap sila at malaya niyang napagmamasdan ang kabuuan ng mukha nito ay malaki ang pagkakatulad nilang dalawang anak nito. Sa tuwing ngumingiti ito ay nakikita ni Erica ang anak niya sa mga mata nito.
Marangyang buhay ang maibibigay nito sa kanyang anak kapag napunta ito sa puder nito. Marangyang buhay ang naghihintay sa anak niya. Masama ba siyang ina kung ipagkakait niya iyon sa anak niya? Na ayaw niyang magkita silang dalawa?
“That's good. In our life, we have to make sacrifices for our family. And that's very brave of you for carrying that burden at a very young age. Being a breadwinner is hard. Especially that you are still young. Not all people can do that. Some girls your age are out there partying and wasting their money for useless stuff. But look at you, you're out there working your fingers to the bone, pushing yourself every single day. You have a choice to leave them and live on your own. But you chose to stay with them even if it means sacrificing your happiness and your life,” wika nito.
“Dahil mahal ko sila. Pamilya ko sila,” sagot ni Erica.
Hindi niya man lang naisip na darating ang oras na magkakaroon sila ng ganito kalalim at seryosong pag-uusap.
“I know. We make sacrifices for our family because we love them,” sabi nito.
Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero siyempre, may porsyento rin doon ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Kay Elias, mali ba ang humiling na sana ay magbago ang isip nito? Sana dumating ang araw at magising na lang ito na gusto nang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak."Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya?"Naawa si Erica para sa kanyang anak. Pakiramdam niya ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang bata na makilala ang sariling ama. Pero sisiguraduhin ni Erica na ibibigay niya rito ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, kahit silang dalawa lang, at kahit walang ama na tatayo sa gilid nito upang gabayan ito sa kanyang paglaki.Mas una nilang madadaanan ang bahay ni Samuel. Pumasok sila sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay na kulay pink ang labas at may malapad na bakuran. Sa labas ng gate ay nakatayo na si Samuel. Nakalagay sa bewang nito ang isang kamay at hawak ang cellphone.Umangat ang tingin ni Samuel nang mapansin
Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa kanilang dalawa.Ang babae ay nakasuot ng kulay pula na sleeveless top at terno niyon ang isang pencil skirt na mukhang makikita na ang underwear nito.Nang lumabas ang babae sa elevator ay humakbang na agad si Erica para pumasok at iniwan si Elias. May bisita pala ito, mabuti na lang at uuwi na siya.Sinundan ng tingin ni Erica ang kamay ng babae na umakbay kay Elias, na ngayon ay hilaw na nakangiti sa kanya.“You didn't visit me in my condo so I came here to surprise you!”“Mauna na po ako, Sir!” paalam ni Erica at kumaway pa siya rito.Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa loob ng condo. Ang mahalaga ay may dala siyang fries na paboritong pagkain ni Eli.Dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator.“Erica! Wait!”Hindi na nagawang maiharang ng boss ang kamay sa pinto dahil tuluyan na itong sumara.Alam ni Erica kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng condo ni Elias. Ang ganda nung babae at iyon ang mga tipo nito, mga magaganda at parang m
Ang mga tawa ni Erica ay napalitan ng sigaw nang tuluyang malaglag ang tuwalya na nagsisilbing takip sa pribadong parte ng katawan ng boss.Nag-loading pa ang utak ni Erica at tatlong segundo siyang napatitig sa ari nito bago niya tinakpan ang kanyang mga mata. Ang taas ng ari nito, nasa normal na size pa ba 'yon? Nung unang beses na nagtalik silang dalawa, gulat na gulat din si Erica nang makita iyon. Muntikan pa siyang umatras dahil natakot siya sa sobrang laki niyon. Inisip niya kung kakasya ba 'yon sa kanyang pagkababae o hindi, at pumasok pa sa isip niya na baka hindi na siya mabuhay. Sa una lang masakit, may napunit sa loob ng kanyang pagkababae, pero kalaunan ay napalitan din iyon ng kiliti at sarap, 'yong tipong napapatirik ang mga mata sa sobrang sarap.Kaso, nung umaga naman ay parang dinaanan ng truck ang kanyang pagkababae. Ilang araw siyang hindi nakalakad nang maayos at paika-ika ang lakad. Nagsinungaling pa si Erica kay Lolo nang tanungin siya nito kung ano ang nangyari
“Ang bibig mo, Sir!” malakas na sigaw ni Erica na umalingawngaw yata sa buong hallway.Natatawa siya nitong hinila papunta sa loob ng condo.“Just kidding.”Malaki ang condo ni Elias. May mahaba at maliit na sofa na kulay cream, may center table, at may nakapatong na vase sa gitna na wala namang laman na bulaklak.May maliit na bar counter na nakita si Erica at sa likod niyon ay ang kusina. Dalawang pinto ang kanyang napansin, kung saan malamang ay ang kwarto nito ang isa doon.“Ito na pala ang mga lalabhan mo, Erica. Mostly mga damit ko lang 'yan dito sa condo ko.”Kaunti lamang iyon, parang nasa limang piraso lang ng damit at iilang mga piraso ng pantalon at shorts.Pagkatapos ilibot ni Erica ang kanyang mga mata sa kabuuan ng condo ay inilipat niya ang tingin sa boss. Napalunok na lamang siya nang makita ang katawan nito. Ngayon lang niya napansin na tumutulo pa pala ang tubig mula sa buhok nito hanggang sa katawan.“Saan po ako pwedeng maglaba, Sir?” tanong ni Erica habang pilit n
“Para sa akin ba 'to, Sir?”Sinulyapan ni Elias saglit si Samuel. “Hindi, para kay Samuel talaga 'yan, ipapasukat ko lang sa 'yo,” sarkastikong wika ni Elias.At nadamay pa nga si Samuel.“Seryoso na kasi, Sir! Nagtatanong nang maayos ang tao, ganyan ang isasagot n'yo sa akin?”Kinuha ni Erica ang isang box at tiningnan din iyon. Ang isa ay itim at ang isa naman ay kulay puti, parehas lang ng design. Nike ang brand nung sapatos, at kahit hindi itanong ni Erica sa boss, alam niyang hindi basta-bastang nabibili iyon sa kanto. Original ang sapatos at alam niyang mahal.“Sa akin ba talaga 'to, Sir?” paulit-ulit na tanong ni Erica.“Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang kay Samuel.”Si Samuel ay napapakamot na lang sa kanyang ulo sa tuwing nadadamay ang kanyang pangalan.“Mahal 'to, Sir. Hindi ko kailangang bayaran 'to.”“Sino bang may sabing babayaran mo 'yan? Bigay ko na sa 'yo 'yan, Erica. Isukat mo kung kasya, size 7 'yan. Maliit kasi ang paa mo, pero pwede naman nating palitan kung hindi ka
Nabunutan ng tinik si Erica nang lumiko na silang dalawa papunta sa bahay nila. Isang taong gulang pa lang ang anak ng isang kapitbahay nila at sa tuwing wala siya ay doon dumedede ang kanyang anak.Maswerte rin si Erica sa kanyang mga kapitbahay na tinutulungan ang kanilang pamilya. Dahil sa mga ito ay medyo napapadali ang buhay nila.Hinintay muna ni Erica na makaalis ang sasakyan ng boss bago siya umalis upang hindi makita ng mga ito na hindi siya pumasok sa bahay na iyon.Nang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay lumipat ang tingin ni Erica sa kanyang paa. May gumuhit na maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang makitang hindi man lang umabot sa kalahati ang kanyang paa sa tsinelas na suot.“Erica, nandito ka na pala. Pinuntahan ko na si Eli at pinadede sa akin dahil kanina pa iyak nang iyak,” sabi ni Lorena, ang kapitbahay nila.“Salamat, Ate Lorena. Medyo ginabi lang kasi ako ngayon sa trabaho,” sagot ni Erica.Napatingin si Lorena sa sapatos na hawak ni Erica. “Nasira na n
"Tapos ko na pong linisin ang lahat, Sir," wika ni Erica nang malagay niya sa loob ng basurahan ang lahat ng mga kalat na nasa sofa kanina.Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon kadami ang mga kalat na nandoon gayong nung umalis siya ay malinis na ang office nito."Do you want coffee? Or juice, w
Hindi akalain ni Erica na makikita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya. Wala siyang sinabihan kung sino ang ama ng anak niya. Kahit nang tanungin siya ni Lolo ay wala siyang pangalan na maisagot rito.Ngayon lang ulit nagkrus ang landas nila matapos ang dalawang taon. Ito ang pinakahuli niya. H
“Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.Nasa loob pa silan







