LOGIN"Tapos ko na pong linisin ang lahat, Sir," wika ni Erica nang malagay niya sa loob ng basurahan ang lahat ng mga kalat na nasa sofa kanina.
Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon kadami ang mga kalat na nandoon gayong nung umalis siya ay malinis na ang office nito.
"Do you want coffee? Or juice, water?" tanong ni Sir Elias mula sa likuran. Saglit itong sinulyapan ni Erica at mabilis siyang lumingon.
"Sir," nag-aalalang sabi niya. Bakit nag-aalok nito ng kape? Ganito ba ito sa lahat ng mga trabahante rito?
Yumuko siya sandali sa kanya at mabilis na tumalikod at naglakad. Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang siya ay nagsalita ulit ito.
"May ipapalinis pa sana ako sa 'yo," dagdag ni Sir Elias.
Umubo na naman si Samuel.
"Saan po, Sir?" tanong ni Erica at inayos na ang kanyang mga panlinis na dala.
"'Yong banyo sana. Tumae kasi si Samuel doon kanina, ipapalinis ko sana," sagot ni Sir Elias.
"Tumae ba ako, Sir? Hindi ako pumapasok d'yan sa banyo mo tapos ako pa ang aakusahan mong tumae d'yan? Ikaw lang naman ang nakakapasok sa CR mo. Sa labas kaya ako nagbabanyo!" pagrereklamo ni Samuel.
Sumenyas si Sir Elias na lumapit ito sa kanya, na agad namang sinunod ng secretary nito.
Inakbayan nito si Samuel at tinapik ng malakas ang balikat nito. Napangiwi si Samuel at sunod-sunod itong tumango. Kahit si Erica ay napangiw dahil mukhang masakit iyon.
"Oo! Oo tumae ako d'yan kanina. Tumae ako. Pero hindi naman mabaho at wala naman akong iniwang bakas d'yan. Ipapalinis lang ulit ni Sir Elias. Alam mo naman 'tong boss natin, ayaw niya sa madudumi kaya gusto niya malinis lahat ng nasa paligid niya," nagkamot pa si Samuel ng batok at dahil maputi ay halata ang pamumula ng magkabilang tainga nito.
"Tama. Mabuti at hindi natin nakalimutan na ipalinis ang banyo, 'no? Masakit kasi ang tiyan niya kanina kaya limang beses atang pumasok sa banyo ko," dagdag ni Sir Elias.
Nalaglag ang panga ni Samuel sa narinig.
"Limang beses?" tanong ni Samuel, bakas sa mukha nito ang pagtataka.
Muling tinapik ni Sir Elias ang balikat nito. Hindi nga kasi tapik kundi parang hampas na. Sa sobrang lakas, parang matatanggal ang baga ni Samuel. Napaubo ito.
"Tama! Limang beses akong pumasok d'yan. Masakit pa nga hanggang sa ngayon." Humawak ito sa kanyang tiyan. "Tinitiis ko na lang. Kaya pakilinis lang ng banyo ni Sir Elias, ah? Pasensya ka na. Dito ang banyo niya, pumasok ka na lang sa loob," wika ni Samuel.
Kahit naguguluhan sa inaasta nila, pumasok pa rin si Erica sa loob ng banyo. Ang inaasahan niya ay bubungad sa kanya ang mabahong amoy at maduming banyo. Ngunit kabaligtaran ang bumungad sa kanya.
Malinis na malinis ang buong banyo at mabango. Sabi nila madumi ito? Lumapit si Erica sa bowl at makintab pa iyon sa kanyang mukha. Wala namang dapat na linisin dito sa loob. Wala siyang makitang madumi kaya ano ang lilinisin niya rito?
Lumabas siya upang magtanong sa kanila. Naabutan niya silang dalawa na nagsisigawan. Ang ulo ni Samuel ay nasa gitna ng kilikili ni Sir Elias at panay naman ang hampas ni Samuel sa kamay nito upang bitawan siya nito.
"Hindi na ako makahinga! Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Samuel.
Kahit si Erica ay natatakot na dahil namumula na ang mukha ni Samuel.
"Ahhmm... Ano po ang nangyayari?" tanong ni Erica.
Napatigil silang dalawa. Nang mag-angat ng tingin sa kanya si Sir Elias ay matamis itong ngumiti sa kanya at binitawan si Samuel.
Napahawak kaagad ito sa kanyang leeg at naghahabol ng hininga nito.
"Ayos lang po ba kayo? Nakakahinga naman po kayo ng maayos?" nag-aalalang tanong ni Erica rito.
Si Sir Elias na ang sumagot para sa kanya. Ayan na naman siya sa pagtapik sa balikat, parang hampas na.
"Ayos lang siya. Training niya lang ito. Anyways, tapos ka na bang maglinis? Mabaho ba sa loob kaya ka lumabas? Ang dugyot mo talaga, Samuel! Nakakahiya sa kanya!" sabi ni Sir Elias.
"Wala naman pong kalat sa loob, Sir. Malinis naman po ang banyo niyo at wala naman pong dapat na linisin," sagot ni Erica.
Nagkatinginan silang dalawa. Si Samuel ay hinahaplos pa rin ang kanyang leeg.
"Kung wala na po kayong ipapalinis sa akin ay lalabas na po ako, Sir," paalam ni Erica sa kanila.
Bitbit ang kanyang mga panlinis ay naglakad siya palabas. Kinuha niya na ang kanyang mga gamit para makauwi na ng bahay. Dadaan pa siya sa tindahan para bumili ng bigas at ulam.
Pinahiram siya ng pera ni Sanya. Ibibili niya rin ng gatas ang anak niya. Nagpapadede pa rin siya sa kanya. Pero sinanay niya ang anak na uminom sa milk bottle para sa tuwing may trabaho siya ay may pamalit.
Naabutan niya na naglalaro sa sala ang anak niya nang pumasok siya sa loob.
"Mellie! Nandito na si Mama!" sigaw ni Erica.
Nang marinig ng anak niya ang boses niya ay agad itong tumingin sa pintuan. Mabilis nitong iniwan ang mga laruan. Ang mga maliliit nitong mga paa ay tumakbo papunta sa kanya. Muntik pa itong matumba ngunit nasalo niya ito. Yumuko siya upang buhatin ito.
"Kumusta ang Mellie ko? Naging good girl ka ba kay Lolo at Lola habang wala si Mama?" tanong niya gamit ang pambatang boses.
"Es! Es!" sagot ng anak niya at hindi pa mabigkas ang letrang Y.
"Hindi ka umiyak?" tanong niya.
Umiling ito. "'Mellie di iyak," sagot ng anak niya.
Tinuro pa nito ang kanyang sarili. Pinugpog niya ng halik ang buong mukha ng anak bago ito nilapag sa sahig.
Nahirapan siya ng husto nung nanganak siya sa kanya. Sa center lang siya nanganak at midwife ang nagpa-anak sa kanya. Kasama niya pa ay 'yong isang kapit-bahay nila dahil hindi maiwan- iwan ni Lolo si Lola sa bahay.
Kaunti lang ang mga gamit ng anak niya. Buti na lang noong malaki-laki na si Mellie ay may mga mabubuting puso na nagbibigay sa kanya ng mga damit. Naaawa rin ang mga ka-barangay dahil sa sitwasyon nila.
Si Erica lang ang may kakayahang maghanapbuhay sa kanila. At apat pa silang nasa bahay. Kaya sa tuwing may ipapagawa sila, may ipapalinis, o ipapalabang mga damit ay si Erica agad ang kanilang tinatawagan.
"Erica, nandito ka na pala. May dala ka bang bigas? Hindi pa ako nakakapagsaing dahil wala na tayong bigas," sabi ni Lolo.
Lumapit muna si Erica upang magmano.
"May binili po ako, Lo. Nandoon po sa sala, may sardinas din akong binili d'yan para pang-ulam natin mamaya," sagot niya.
Mabilis na kinuha ni Lolo ang bigas para makapagsaing na. Dalawang kwarto lang ang bahay nila. Ang maliit na sala ay wala masyadong gamit kung hindi ang malaking sofa lang at ang lumang divider. Naalala ni Erica nung bata siya ay marami pang laman itong sala nila. May TV pa sila. Kaso nung nawala ang mga magulang niya ay unti-unting binenta ang mga gamit hanggang sa ito na lang ang natira.
Magkatabi lang ang bahay nila ng Lola at Lolo niya. Kaya nung mawala ang mga magulang niya ay dito na sila tumira. Gawa ito sa semento pero ang bubong ay marami ng butas dahil sa tagal ng panahon. Tumutulo sa tuwing malakas ang ulan at kailangan maglagay ng timba para hindi bumaha sa loob.
Kinabukasan ay pumasok ulit siya sa trabaho. Sa ibang floor ang lilinisin niya pero ilang minuto lang ang nakalipas ay bigla na lang siya sa top floor kung nasaan ang office ng CEO.
Naglalakad pa lang siya sa hallway ay nakita niya na agad si Samuel sa labas ng office ni Sir Elias. Nakatayo ito na parang isang guard.
"Good morning po!" nakangiting bati niya at tumungo.
"Good morning. Bilin pala ni Sir na unahin mo raw munang linisin ang hallway bago ang office niya dahil may meeting pa siya at malelate siya ng punta rito," sabi ni Samuel.
Kumunot ang noo niya. Mas mabuti nga na wala pa si Sir Elias, lilinisin niya na ang office para kapag nagtrabaho ito ay wala ng istorbo. Ngunit bakit baliktad ito?
"Makakaistorbo po ako kung mamaya ko pa lilinisin ang office niya. Mas mabuti pong habang wala siya ay sisimulan ko na po," sagot niya.
Iniiwasan niya rin na makita ito dahil pinapaalala ni Sir Elias sa kanya ang nangyari nung gabing iyon. Sa dami ng naikama niyang babae, naalala pa siya?
Umiling si Samuel bago ngumiti sa kanya. "Unahin mo na lang dito sa hallway. Iyon kasi ang bilin niya sa akin. Tatawagin na lang kita mamaya kapag nandyan na siya," sabi nito.
Gulong-gulo siya habang nagmamop ng sahig. Walang ibang dumadaan at pumupunta sa floor na ito. Kesa doon sa baba na marami siyang nakakasalubong. Siguro dahil nandito ang office ng CEO kaya hindi pwedeng bastabasta lang tumapak dito.
Bandang alas-nwebe ay dumating si Sir Elias. Kumaway-kaway pa ito sa kanya kahit nasa pinakadulo siya ng hallway at ganoon din siya.
"Erica!" excited itong pumunta sa pwesto niya. May halo ng takbo ang bawat lakad nito. Ang presko nitong tingnan sa suot na white longsleeve at itim na trousers. Hindi nakikita ang mga tattoo nito sa braso. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito at naalala niyang may mga tattoo rin ito sa dibdib.
Tumikhim ito nang maabutan niya na nakatitig sa katawan nito. Nahawakan niya na rin iyon dahil pinahawak niya sa kanya nung may nangyari sa kanila. Pilit niya na binaon sa limot.
"Pumasok ka na sa loob. Simulan mo na ang paglilinis dahil nandito na ako," utos ni Sir Elias.
Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero siyempre, may porsyento rin doon ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Kay Elias, mali ba ang humiling na sana ay magbago ang isip nito? Sana dumating ang araw at magising na lang ito na gusto nang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak."Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya?"Naawa si Erica para sa kanyang anak. Pakiramdam niya ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang bata na makilala ang sariling ama. Pero sisiguraduhin ni Erica na ibibigay niya rito ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, kahit silang dalawa lang, at kahit walang ama na tatayo sa gilid nito upang gabayan ito sa kanyang paglaki.Mas una nilang madadaanan ang bahay ni Samuel. Pumasok sila sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay na kulay pink ang labas at may malapad na bakuran. Sa labas ng gate ay nakatayo na si Samuel. Nakalagay sa bewang nito ang isang kamay at hawak ang cellphone.Umangat ang tingin ni Samuel nang mapansin
Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa kanilang dalawa.Ang babae ay nakasuot ng kulay pula na sleeveless top at terno niyon ang isang pencil skirt na mukhang makikita na ang underwear nito.Nang lumabas ang babae sa elevator ay humakbang na agad si Erica para pumasok at iniwan si Elias. May bisita pala ito, mabuti na lang at uuwi na siya.Sinundan ng tingin ni Erica ang kamay ng babae na umakbay kay Elias, na ngayon ay hilaw na nakangiti sa kanya.“You didn't visit me in my condo so I came here to surprise you!”“Mauna na po ako, Sir!” paalam ni Erica at kumaway pa siya rito.Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa loob ng condo. Ang mahalaga ay may dala siyang fries na paboritong pagkain ni Eli.Dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator.“Erica! Wait!”Hindi na nagawang maiharang ng boss ang kamay sa pinto dahil tuluyan na itong sumara.Alam ni Erica kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng condo ni Elias. Ang ganda nung babae at iyon ang mga tipo nito, mga magaganda at parang m
Ang mga tawa ni Erica ay napalitan ng sigaw nang tuluyang malaglag ang tuwalya na nagsisilbing takip sa pribadong parte ng katawan ng boss.Nag-loading pa ang utak ni Erica at tatlong segundo siyang napatitig sa ari nito bago niya tinakpan ang kanyang mga mata. Ang taas ng ari nito, nasa normal na size pa ba 'yon? Nung unang beses na nagtalik silang dalawa, gulat na gulat din si Erica nang makita iyon. Muntikan pa siyang umatras dahil natakot siya sa sobrang laki niyon. Inisip niya kung kakasya ba 'yon sa kanyang pagkababae o hindi, at pumasok pa sa isip niya na baka hindi na siya mabuhay. Sa una lang masakit, may napunit sa loob ng kanyang pagkababae, pero kalaunan ay napalitan din iyon ng kiliti at sarap, 'yong tipong napapatirik ang mga mata sa sobrang sarap.Kaso, nung umaga naman ay parang dinaanan ng truck ang kanyang pagkababae. Ilang araw siyang hindi nakalakad nang maayos at paika-ika ang lakad. Nagsinungaling pa si Erica kay Lolo nang tanungin siya nito kung ano ang nangyari
“Ang bibig mo, Sir!” malakas na sigaw ni Erica na umalingawngaw yata sa buong hallway.Natatawa siya nitong hinila papunta sa loob ng condo.“Just kidding.”Malaki ang condo ni Elias. May mahaba at maliit na sofa na kulay cream, may center table, at may nakapatong na vase sa gitna na wala namang laman na bulaklak.May maliit na bar counter na nakita si Erica at sa likod niyon ay ang kusina. Dalawang pinto ang kanyang napansin, kung saan malamang ay ang kwarto nito ang isa doon.“Ito na pala ang mga lalabhan mo, Erica. Mostly mga damit ko lang 'yan dito sa condo ko.”Kaunti lamang iyon, parang nasa limang piraso lang ng damit at iilang mga piraso ng pantalon at shorts.Pagkatapos ilibot ni Erica ang kanyang mga mata sa kabuuan ng condo ay inilipat niya ang tingin sa boss. Napalunok na lamang siya nang makita ang katawan nito. Ngayon lang niya napansin na tumutulo pa pala ang tubig mula sa buhok nito hanggang sa katawan.“Saan po ako pwedeng maglaba, Sir?” tanong ni Erica habang pilit n
“Para sa akin ba 'to, Sir?”Sinulyapan ni Elias saglit si Samuel. “Hindi, para kay Samuel talaga 'yan, ipapasukat ko lang sa 'yo,” sarkastikong wika ni Elias.At nadamay pa nga si Samuel.“Seryoso na kasi, Sir! Nagtatanong nang maayos ang tao, ganyan ang isasagot n'yo sa akin?”Kinuha ni Erica ang isang box at tiningnan din iyon. Ang isa ay itim at ang isa naman ay kulay puti, parehas lang ng design. Nike ang brand nung sapatos, at kahit hindi itanong ni Erica sa boss, alam niyang hindi basta-bastang nabibili iyon sa kanto. Original ang sapatos at alam niyang mahal.“Sa akin ba talaga 'to, Sir?” paulit-ulit na tanong ni Erica.“Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang kay Samuel.”Si Samuel ay napapakamot na lang sa kanyang ulo sa tuwing nadadamay ang kanyang pangalan.“Mahal 'to, Sir. Hindi ko kailangang bayaran 'to.”“Sino bang may sabing babayaran mo 'yan? Bigay ko na sa 'yo 'yan, Erica. Isukat mo kung kasya, size 7 'yan. Maliit kasi ang paa mo, pero pwede naman nating palitan kung hindi ka
Nabunutan ng tinik si Erica nang lumiko na silang dalawa papunta sa bahay nila. Isang taong gulang pa lang ang anak ng isang kapitbahay nila at sa tuwing wala siya ay doon dumedede ang kanyang anak.Maswerte rin si Erica sa kanyang mga kapitbahay na tinutulungan ang kanilang pamilya. Dahil sa mga ito ay medyo napapadali ang buhay nila.Hinintay muna ni Erica na makaalis ang sasakyan ng boss bago siya umalis upang hindi makita ng mga ito na hindi siya pumasok sa bahay na iyon.Nang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay lumipat ang tingin ni Erica sa kanyang paa. May gumuhit na maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang makitang hindi man lang umabot sa kalahati ang kanyang paa sa tsinelas na suot.“Erica, nandito ka na pala. Pinuntahan ko na si Eli at pinadede sa akin dahil kanina pa iyak nang iyak,” sabi ni Lorena, ang kapitbahay nila.“Salamat, Ate Lorena. Medyo ginabi lang kasi ako ngayon sa trabaho,” sagot ni Erica.Napatingin si Lorena sa sapatos na hawak ni Erica. “Nasira na n
“Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.Nasa loob pa silan
Hindi pa rin makapaniwala si Erica kay Elias. Nalilito na siya sa inaasta nito. Pumasok siya sa office nito at agad na kumunot ang kanyang noo.Ano’ng nangyayari sa office nito? Ang dami na namang punit-punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din siyang namataan na mga nakakalat na bote ng bee
Hindi akalain ni Erica na makikita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya. Wala siyang sinabihan kung sino ang ama ng anak niya. Kahit nang tanungin siya ni Lolo ay wala siyang pangalan na maisagot rito.Ngayon lang ulit nagkrus ang landas nila matapos ang dalawang taon. Ito ang pinakahuli niya. H







