Share

Chapter 129 [Paghaharap]

Penulis: Dwendina
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-21 22:21:04
“Alam mo, nagtataka lang ako. Paano ka kaya napunta sa kamay ni Tita Marife? Ang pagkakaalam ko, isang beses lang naman siyang nagbuntis at kambal ang naging anak niya. Alam ko ‘yun, kasi ikinuwento sa akin noon ni Arianna ang tungkol sa buhay nila pati ng mga magulang niya. Hindi kaya nagkakamali lang si Mother Wilma?” pag-iiba ni Javier ng paksa.

Nagkibit-balikat na lamang siya. “Hindi ko rin naman alam. Malalaman natin kapag nakausap na natin siya.”

Tumango ito. “Sabagay, tama ka.. mas mabuti nga iyon,” sang-ayon naman ni Javier.

“Hindi ka pa ba matutulog? Gabing-gabi na..”

Isinandal siya nito sa dibdib. “Ubusin ko lang ito, pampatulog..”

Bahagya siyang ngumiti nang lumapit pa. “Malamig ang panahon, kailangan natin ng kaunting init.. kulang iyang inumin mo,” saad niya sa mapanuksong boses habang iginagala ang daliri sa labi ng senador.

Napakagat-labi ito nang hatakin siya at hapitin sa bewang. “Sobra nga'ng lamig, mukhang makakarami tayo ngayon, ah. Baka bukas hindi ka n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 147 [Mastermind]

    Napakunot-noo si Francesca at napahawak sa ulo nang imulat niya ang mga mata. Naaninag niya ang isang medyo may kadiliman na silid na kinaroroonan niya ngayon. May mapanglaw na ilaw na tanging nagbibigay liwanag lamang roon sa loob. ‘Nasaan ako?’ Saka lamang nagbalik sa kaniyang gunita ang isang engrandeng kasalan sa cathedral. Mga bisitang may maluluwang na ngiti sa mga labi habang kinakamayan siya. Mga magulang na puno ng masayang pagbati. Pagkatapos… sa isang iglap. Nagising siya sa hindi matukoy na lugar. Muli pang pumasok sa kaniyang alaala ang huling pangyayari kanina bago siya nawalan ng malay. Ang gulo sa pagitan nina Javier, ng di-kilalang driver, at ang biglaang pagsulpot ng mga armadong lalaki habang patungo sila sa hotel. Ang lahat ng iyon– ang nagdala sa kaniya roon. ‘Ngunit, si Javier…’ Napasunod ang mata niya sa ingay na nagmumula sa pintuan. Lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib kasabay nang panlalaki ng mata, nang matanaw ang dalawang kalalakihan na nakaupo roon.

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 146 [Sa Daan]

    Ang bahaging ito sa buhay niya ang kinasasabikan niyang maulit noon. Kaya't heto siya ngayon, naluluhang tagumpay na naglalakad sa aisle. Iba pa rin talaga sa pakiramdam ang tunay na kasal. Kung noong una'y walang kislap sa mga mata ng senador habang isinasagawa nila ang wedding ceremony, ngayo'y kabaligtaran na. Kung noo'y mabibilang lamang sa daliri ang mga bisita, ngayon ay halos buong baryo na ang nakikipag-celebrate sa kanila. Lihim na nagagalak ang puso niya habang iniisip na magiging isang tunay na siyang Mrs. Carpio. Hindi na dahil lamang sa kontrata, kung hindi sa totoong marriage contract na. Nang hawakan na ni Javier ang kaniyang kamay at igiya sa altar, sa harap ng pari ay parang umaawit ang damdamin niya sa ibabaw ng alapaap. Hindi na maalis-alis ang titig niya sa adorable na senador. Laman lamang ng kaniyang isipan buong oras ay puno ng imahinasyon para sa kanilang future. Ang bawat titig sa kaniya ni Javier ay mapanukso. Wari'y may nais iparating. Nagsimula nang mag

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 145 [Masayang Damdamin]

    ‘Good morning, honey. Sorry that I left early without telling you. Gaya ng sinabi mo kagabi, bago ikasal ang babae at lalaki dapat hindi muna magkita. Hehe, kahit late na para diyan, still susundin ko pa rin kahit papaano. Mag-ayos ka na, dahil ako ngayon, kasalukuyang nag-aayos na rin para sa sarili ko. Hihintayin kita sa simbahan.. See you this morning, my one and only love.. Javier.’ Napangiti siya nang kay tamis. Akala niya kung ano na. Matapos basahin ay isinilid niya iyon sa drawer. Tumayo siya at nagtungo sa bintana. Hinawi ang kurtina at pagkatapos ay bahagyang dumungaw roon. Iniunat niya ang kaniyang braso at katawan. Natanaw niya ang paru-paro na may iba't ibang kulay. Dumapo ito sa namumulak na halaman sa labas. Napangiti siyang muli habang pinagmamasdan ito. Hindi niya alam kung bakit mas gumaan ang kaniyang pakiramdam. Gayong kagabi, napakasama ng kaniyang napanaginipan. Ngayon ay tila kabaligtaran naman ng lahat. Napalingon siya nang may kumatok, sina Delta at Lewis a

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 144 [Bangungot]

    Suot ang wedding dress na kulayputi, pinagpapawisan si Francesca habang habul-habol ang hininga na tumatakbo sa madamong gubat. Malalakas ang kabog sa dibdib at panay ang lingon sa kaniyang likuran upang masiguro kung sumusunod pa rin sa kaniya ang masamang taong kanina pang humahabol sa kaniya. Makulimlim na at nagbabadya ang isang malakas na ulan. Nakawala lamang siya sa isang madilim na cabin. Hindi niya mawari kung saan siyang lugar naroroon ngunit tila pamilyar iyon sa kaniya. Umihip ang isang malakas na hangin na halos tangayin na ang puno. Nang huminto siya sa may palumpong, natigilan siya nang biglang may sumaksak sa kaniya. Isang lalaking hindi matukoy kung sino.‘Javier..’ Napabalikwas ng bangon si Francesca. Tagaktak ang pawis habang takut na takot na napatingin sa kaniyang katawan. Animo'y totoong-totoo ang mga pangyayari, ramdam na ramdam niya. Nakahinga siya nang maluwag nang walang makitang tama ng saksak. Mabilis niyang dinampot ang isang baso ng tubig. Nilingon n

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 143 [Connections]

    Napabuntong hininga si Javier. Hindi siya makapaniwala na si Tita Marife ang may pakana ng lahat nang nangyaring pagbaril kay Francesca. Matindi na talaga ang galit nito sa anak ni Tito Leo sa labas. Kaya na nitong pagtangkaan ang buhay ng iba, at gumawa ng anumang masama.“Si Tita Marife ang nasa likod ng insidente, ayon pa sa taong inutusan nito na kasalukuyan ngayong nakakulong,” paliwanag niya. Wala man lang siyang nakitang emosyon mula rito. Naupo lamang ito nang tahimik sa kama habang nakatingin sa bintana. Tila malalim ang iniisip. Sunud-sunod na katok mula sa pintuan ang kanilang narinig. Bumukas iyon at pumasok ang matanda nilang katulong.“Senator, nasa baba ang parents daw po ni Ms. Francesca,” may halong tanong ang pagkakawika niyon. Napalingon si Francesca sa gawi niya dahilan para magkatinginan silang dalawa.“Sige, bababa na kami. Gumawa ka ng meryenda para sa bisita,” baling niya sa katulong.“Sige po..” tugon naman nito at kaagad nang umalis. Nakita niya na nakau

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 142 [Ospital]

    “Francesca, Francesca..” Naninikip ang dibdib ni Javier habang lumuluhang patakbong sumunod rito. Kasalukuyan siyang nasa emergency room at inihahatid kasama ng nurses patungo sa operating room si Francesca, upang operahan dahil sa natamo nitong tama ng baril. Pinigilan na siya ng doctor nang makapasok na ang katawan ng pasyente.“Sorry, senator but you have to wait here.” Mahigpit niya itong hinawakan sa braso. “Do your best,” mariin niyang wika. Tumugon lamang ito ng tango saka sumunod na pumasok sa operating room. Naiwan siyang kabado at walang magawa sa waiting area. Napasabunot na lamang siya sa kaniyang buhok at napatakip ng kuyom niyang kamao sa bibig. Tumingala siya sa kisame habang pinupunasan ang mga luha. Pinaghalong emosyon ang kaniyang naramdaman nang mga sandaling iyon. Hindi siya mapakali sa kaniyang kinaroroonan. Tayo, lakad at upo na lamang ang kaniyang nagawa sa loob nang ilang oras na paghihintay. Hanggang sa napasandal na lamang siya sa pader at napayuko. Ta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status