“May sakit ka raw?” concerned na tanong ni Sen. Javier. He looked so attractive in his casual white polo shirt and uniqlo shorts. Napalunok pa siya nang mapasulyap sa kabuuan nito. Pakiwari niya’y muling nag-init ang pakiramdam niya.“Ah.. Wa-wala ito. Kaunting sinat lang at.. Ta-trangkaso..” Hindi niya lang masabi na maaaring resulta iyon nang pangyayari kagabi.“Are you sure you're okay? Did you take your medicine?” Muli nitong tanong nang tumayo.“Ah, oo, tapos na.” Tumango ito, ngunit tila hindi pa ito nakontento sa sagot niya.“Let me see..” Namilog ang mata niya nang hipuin nito ang kaniyang noo at braso. Pakiramdam niya tuloy ay nag-blush siya. Binitiwan nito kaagad ang braso niya nang pumasok ang katulong na si Delta.“Make sure everything is clean and in good condition,” saad nito nang maglakad patungong sofa.“Yes, sir,” tugon ni Delta kasabay nang pagtango kay Sen. Javier. Muling sumandal ito at naupo ng maayos. His fingertip pointed on his forehead habang patuloy pa r
Napahimbing yata ang kaniyang tulog. Habang dagan ng mukha at yakap ang malambot na mga unan ay ramdam pa ni Francesca ang antok. Napangiwi siya nang maramdaman ang hapdi at kirot sa maselang parte ng kaniyang katawan. Muling nanumbalik sa kaniyang gunita ang nangyari kagabi. Napatingin siya sa kaniyang sarili. Napapikit siya at napatakip ng bibig. May kumudlit na kung anong kilig sa loob niya na siyang nagpangiti sa kaniya. Pinanggigilan niya ang unan dahilan para yakapin niya ito nang mahigpit. Muli siyang napapikit at muling naglaro sa kaniyang isipan ang pangyayaring pakiwari niya'y hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa niya. Nang mga oras ding iyon ay tila pakiramdam niya'y naangkin niya nang tuluyan at buung-buo ang senador. Sa mga nangyari kagabi ay patunay iyon na mali-mali ang usapan patungkol sa kaniyang asawa. Hindi totoong bakla si Sen. Javier at iyon ay kaniyang napatunayan kagabi lamang. Hindi na niya naisip pa ang magiging kahihinatnan ng kaniyang nagawang pagpapau
Isa na namang kakaibang panaginip. Napangiti si Sen. Javier habang patuloy pa rin na nakapikit at naglalaro sa kaniyang alaala ang wet dreams na kaniyang naranasan kagabi. Animo'y tunay na nangyari. Minsan lamang niyang maranasan ang ganoong bagay. Tila ayaw pang dumilat ng kaniyang mga mata nang mga oras na iyon. Sa wakas.. Matapos nang ilang linggo ay tuluyan na niyang napagtagumpayan at natuldukan ang nakasasabik na pangyayari sa kaniyang gabi-gabing panaginip. Tama siya, si Francesca nga ang babaeng laman parati niyon. Kahit pa malabo ang repleksyon nito sa tuwing nagpapakita ito sa kaniyang imahinasyon. Nakatatawang isipin. Mas tumindi na nga ang pagnanasa niya sa kaniyang inaanak. Na pati pa sa panaginip ay tagumpay niyang naangkin ito. Napalagay ang loob niya nang maalalang araw nga pala ng linggo. Wala siyang gagawin. Pwede siyang magkulong muna sa loob ng kaniyang kwarto at mamaya nang tanghali lumabas. Hangga't hindi pa nakakaalis si Francesca, hindi na muna siya lalaba
Halos hindi siya makahinga nang maayos dahil sa tindi ng kabog ng kaniyang dibdib. Napahawak siya sa laylayan ng kaniyang suot na sexy dress na halos punitin na niya sa tindi ng sensasyong bumabalot sa buo niyang pagkatao. Ni hindi niya magawang pumalag sa ginagawa ng senador. Bagkus ay nagugustuhan pa ng kaniyang katawan ang ginagawa nito. Amoy niya ang alak sa mainit na hininga nito at lasa ang pinaghalong tamis at pait na nagpapatunay na nakainom nga ang senador. Kakaiba ang pakiramdam na iyon para kay Francesca. Lalo pa't ngayon lamang niya naranasan ang bagay na iyon. Ramdam niya ang bawat galaw ng mga labi nito na wari'y tinuturuan rin siya kung paano sundin ang ginagawa nitong paggalugad sa bibig niya. Tila’y nag-aaya. Ninamnam niya ang malambot na mga labi nito na kay sarap ding papakin nang mga oras na iyon. Na para bang may kung anong tumutulak sa kaniyang gayahin rin ang ginagawa ni Sen. Javier. Maya-maya'y natagpuan na lamang niya ang sariling nakikipagsabayan na rin
Hindi naman ito dapat ganoon kung makatitig sa kaniya kung wala itong narinig mula sa señora. Tama ang hinala niya, maaaring ipinagtapat rito ng ginang ang lahat ng napag-usapan nila ng matanda. Ni hindi ito kumukurap habang tiim bagang siyang tinititigan sa mata. Ano ba ang dapat niyang gawin? Paano niya rito ipaliliwanag ang lahat at sabihing hindi niya sinasadya? O ‘di kaya'y na-misunderstood lamang ng señora ang sinabi niya? Ikinuyom niya ang kamao at ipinikit na lamang ang mga mata. Kung magalit man ito, wala siyang pagpipilian kundi tanggapin ang masasakit at maaanghang na salita mula rito. Bahala na. Nakiramdam siya. Pilit na hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Hindi naman siguro siya makakatikim ng sampal ni suntok dahil lamang sa pagsisiwalat niya ng lihim sa ina nito. Dinig niya ang bawat hakbang ng senador na sigurado siyang ilang sentimetro na lamang ang layo sa pagitan nila. “Now, speak.” Idinilat niya ang kaniyang mga mata. ‘Ano raw?’ “What do you mean?” maang ni
“Akala ko, iba ang magiging karibal ko pagdating kay Sen. Javier. Ikaw lang pala.” May lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa larawan na nakabitin sa wall. Huminga siya nang malalim. “Hindi ko rin naman kagustuhan– at inaasahan ang pangyayaring ito, Danica,” saad niya nang maupo sa swivel chair. “Paanong hindi? Alam mo naman na matagal ko na siyang pinapangarap, di ‘ba? Sa dinami-rami ng makakalaban ko sa puso niya, ikaw pa na kaibigan ko.” Napabuntong-hininga na lamang siya at pilit na pinakakalma ang sarili. “Kailangang pakinggan mo ‘ko, Danica. Iku-kuwento ko sayo ang lahat-lahat upang maliwanagan ka sa ano mang iniisip mong namamagitan sa aming dalawa ni Sen. Javier.” Tumingin ito sa kaniyang mga mata at tila binabasa ang nasa isipan niya. Ikinuwento niya rito ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa dulo kung paano sila humantong sa pagiging mag-asawa sa kontrata lamang. Natahimik ito at yumuko matapos niyang sabihin at ipaliwanag ang lahat-lahat. Matapos