LOGIN“Si Manang talaga..”
“Aba'y kasalanan ko ba kung agaran kang bumaba. Dapat kasi inayos mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa bisita. Nakalimutan mo na ba ang turo sa iyo ng iyong ina?” Napapikit siya. ‘Hays, nakakahiya naman..’ Nagdadalawang-isip tuloy siya kung haharap pa ba sa bisita o hindi na. Okay lang sana siguro kung babae, hindi e, lalaki na senator pa. Napabuntong-hininga na lamang siya. Tumayo siya at humarap sa salamin. “Sino ba kasi ‘yung makisig at gwapong bisita mo?” Tiningnan niya ito sa reflection. Nagpatuloy siya sa pagsusuklay ng buhok. “Fiancé ko.” Napakagat-labi siya. May kung anong kiliting dumaloy sa katawan niya. “H-ha? Hindi naman siya si Lucas ah,” nalilitong saad ni Manang Lena. Tinakpan niya ng dalawang daliri ang bibig ng kaniyang yaya. Pagkatapos ay muling humarap sa salamin at naglagay ng manipis na cherry lipstick. “Huwag na huwag mong babanggitin uli ang pangalan ng cheater na iyon, Manang. He's a jerk. He doesn't deserve my love and my beauty.” “E, saan mo naman nakilala ang lalaking iyon? Mukhang mayaman rin, ha.” Humarap siya rito. “Siya si Sen. Carpio, hindi mo siya kilala? Anyway, Manang kailangan ko nang bumaba. Paki-serve na lang ng food sa salas.” Muli niyang inayos ang suot na floral dress bago humakbang pababa ng hagdan. Nakita niyang napatayo si Sen. Javier nang mapatingin sa kaniya. Nagtama ang kanilang paningin. Napako siya sa nakakaakit nitong mga mata. Naiilang man ng kaunti ay pinilit niya pa ring ngumiti sa harap ng senator. “Good morning, Mr. Sen. Carpio,” magalang niyang wika. Ngumiti ito nang tipid. “Good morning.” Sabay silang naupo. “Akala ko ba, driver mo ang pupunta rito?” “Nagbago na ang isip ko. Gusto kong makita ang tirahan mo at personal na ibigay ito,” saad nito habang iniaabot ang pen at ang kontrata sa kaniya. Binasa niya iyon. “You will be my contracted wife as long as I want. I will pay 10 million pesos in addition.” ‘Kahit pa hindi mo ako bayaran, papayag pa rin naman akong maging asawa mo,’ palihim siyang sumagot sa isipan. “Just like what I've said, no feelings and emotions involved.” ‘Anong akala mo sa ‘tin mga robot?’ dagdag niya pa. “Kisses, hugs and even sex. I just make sure na makaka-benefit ka rin dito. But once na isa sa mga agreements ang masira, we’re automatically divorced. And another thing Ms. Barcelona, to be fair. Actually you can ask me kung kailan mo gustong mag-quit. I'm always open for that but make sure na hindi mas maaga sa isang taon.” Napalunok siya. Walang pagdadalawang-isip na inilagay niya roon ang signature niya. ‘I don't care kung walang feelings na involved. Mag-e-enjoy na lang ako bilang asawa mo.. Tingnan na lang natin kung sino ang unang su-surrender sa ating dalawa..’ panunubok niya sa kaniyang isipan. “Mabilis ka palang kausap. So, did you packed your things already?” “Hindi pa, siguro ipasundo mo na lang ako sa driver mo kapag okay na ang lahat,” malumanay niyang sagot. ‘Contract wife?’ She smirked. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Hopefully true love exists. Sa fairytale lang ba niya makikita ang lahat ng iyon? Well, sana pati sa love life niya. She inhaled deeply. “No, kailangan mong sumama sa akin ngayon. Ipakukuha ko na lang sa driver ko mamaya ang mga gamit mo.” “T-teka, hindi pa ako nakakapag-ayos. S-saan ba tayo pupunta?” “Not needed. You already look attractive.” He just smirked. ‘Attractive?’ Bumilis yatang lalo ang tibok ng puso niya. Kaagad siya nitong hinila palabas. Napasunod na lamang siya. “Get in,” utos nito nang tumambad sa kaniya ang animo'y mala-sports car. “Pasasakayin mo ‘ko diyan?” “Why not? Bilis na huwag ka nang maarte.” Wala siyang nakagawa kundi ang sumunod sa maawtoridad nitong boses. Kaagad nitong pinatakbo iyon ng matulin. Huminto sila sa isang white house na may malawak na landscape.. “We're here,” seryosong saad nito. Tiningnan niya ang buong lugar. “Are you okay? Kanina ka pang hindi nagsasalita riyan.” Huminga siya nang malalim. “Wala, may iniisip lang.” “Hindi ka na pwedeng mag-back out. You already signed the contract.” She rolled her eyes. ‘Yeah, I know..’ “Don't worry, hindi naman ako madamot kapag humiling ka ng divorce. Pero sundin mo lang ang sinabi ko. After this, you're all free whatever you wanna do. Besides, pati rin naman ikaw magagamit mo ito para sa cheater mong ex-fiancé.” Inirapan niya lamang ang senator. Iyon na lang parati ang nakikita nitong dahilan. Hindi ba nito alam kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ang senator? Oras na para kalimutan ang walang kwentang Lucas na iyon. Iba na ang pinapangarap niya ngayon. Wala lang siyang magawa dahil iyon na ang nakasulat sa kontrata. Kung pwede nga lang mag-suggest ng dagdag e kanina niya pang ginawa. ‘Hays, my lovely self, don't expect too much if you don't want to get hurt.. Sabi nga sayo, ‘di ba, contract lang?’ nabulong na lamang niya sa sarili. “It's just a contract marriage but it's legal. Haharap tayo kay Uncle Mayor Calixto.” She cleared her throat. ‘Paano niya nabasa ang nasa isip ko? Whatever.’ She rolled her eyes. “Tara?” aya ni Sen. Javier sa kaniya. Hinawakan niya ito sa braso at pinigilan. “T-teka nga muna. Ihaharap mo ‘ko sa mayor na ganito ang ayos?” “Bakit?” kunut-noong tanong nito. “Wow, are you blind or sadyang–” “Sabihin mo na kasi, bakit ba?” tila naiiritang tanong nito. “Hindi mo ba ‘ko ipagsusuot ng wedding dress man lang?!” pabulyaw niya. Nakita niya ang pagkalma sa mukha ng kausap. “Iyan lang pala. Nasa loob na ang make-up artist mo pati na rin ang gown mo. Kanina pang naghihintay.” Hindi siya nakaimik. “Ano, let's go?” ‘Sarap mo talagang papakin Sen. Javier, e. Nanggigigil ako sa ‘yo..’ Napapikit na lamang siya sa inis. Humawak siya sa braso nito at binagtas na nila ang daang papasok. Again, muling sumagi sa ilong niya ang mabangong scent nito na nagpa-in love sa kaniyang lalo. Matapos ayusan ay hinatid na siya ng assistant kay senator. Napatingin siya sa paligid. May ilan rin palang bisita roon. Kaya lang ay mabibilang lamang sa daliri. Siguro for witnesses lang naman ang audience nila. “Uncle, here's Francesca. ‘Yung sinasabi ko sa ‘yong baby girl ko,” nakangiting saad ni Sen. Javier sa tito nitong mayor. Napalunok siya. ‘Ahem.. B-Baby girl?’Nasasabik niyang binuksan ang pintuan ng kwarto. Naroroon na si Francesca, ngunit tulog pa rin ito. Naupo siya sa bedside chair. Hindi niya napigilan ang hawakan at halikan si Francesca sa kamay nito. “I love you..” anas niya na nagpagising kay Francesca. Maya-maya pa’y may nurse na pumasok. Karga na nito ang kanilang baby. Nakangiti siyang napatingin kay Francesca. Muli niyang hinalikan ang kamay ng asawa. Kaagad namang tinangggap ng kaniyang mother-in-law ang sanggol mula sa nurse. Maliwanag ang mukha nitong lumapit sa kanila.“Look at this cute baby..” malumanay ngunit nasasabik na wika ni Natasha. Dahan-dahan nitong ipinasa sa kaniya ang sanggol. Kabado pa siya nitong una, natatakot na baka mabalian ng buto. Hanggang sa naihiga nito ng maayos ang sanggol sa kaniyang mga bisig. Hindi na naalis ang maluwang niyang ngiti habang pinagmamasdan ang munting anghel. Marahan niyang hinaplos ang malambot na balat ng anak. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ito sa maliit nitong k
Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan hanggang sa malapit na siyang manganak. Hindi siya natatakot dahil marami naman ang sumusuporta at tumutulong sa kaniya. Kung noon malakas ang loob niya kahit pa hindi madali ang magsilang ng sanggol. Ngayon mas lalong dumoble ang kaniyang tapang dahil sa tulong ng mga mahal niya sa buhay. Hindi lamang kasi siya ang mag-isang lumalaban, sapagkat marami sila.Isang umaga sa may veranda..“Hon, kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihirapan?” Huminga siya nang malalim at bahagyang napangiwi nang umayos ng upo sa rattan chair. “Okay naman ako. Sadyang medyo malikot lang itong bunso mo..” pagbibiro niya. Napangiti si Javier. “Kanino pa ba magmamana iyan?” pagsakay nito sa kaniyang biro.“Kanino pa, e ‘di sa ‘yo..” paikot ang mata niyang tugon. Lumuwang ang ngiti nito. Bahagya siya nitong pinasandal sa katawan at maingat na hinaplos ang braso. “Anong ipapangalan natin diyan sa baby girl natin?” maya-maya'y muli nitong tanong. Napasinghap si
Masayang sinalubong ni Francesca sa main door ang kaniyang asawang si Javier. Mahigit dalawang linggo rin itong nawala. Maiksi lamang iyon, pero sa kaniya ay tila isa na iyung taon. Labis niyang ikinaligaya ang muli nitong pagbabalik. “Hon..” usal niya nang makalapit. Mainit na yakap ang kaniyang isinalubong rito. “Do you miss me?” Kaagad naman siyang hinalikan ni Javier sa mga labi at saka niyakap nang mahigpit. “I missed you so much,” malambing niyang tugon. Kaagad na kinarga ni Javier si Lewis nang patakbo itong sumampa sa ama. Maluwang ang ngiti ni Javier habang hinahalik-halikan sa ulo ang anak. “Daddy, why did you take so long? I really missed you..” Pakiramdam niya ay nabiyak ang puso niya nang marinig ang pagsusumamo ng anak. “Don’t worry, daddy won't leave you again..” “Promise?” Itinaas pa ni Lewis ang palad. “Yeah, promise..” Muling naglabasan ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ng anak matapos ngumiti. “Kumain ka na, ipinagluto kita ng paborito
Nang kukunin na ni Rod ang bagay na iyon sa kaniyang kamay kaagad siyang umatras at umiwas. Ngunit ang malakas na suntok nito ay hindi niya napigilan at tumama sa kaniyang mukha. Kaagad niya itong naitulak nang muli siya nitong pagtangkaan. Tumama ang likod nito sa kanto ng mesa, dahilan para mamilipit ito sa sakit. Dumilim ang mukha ni Rod at mas lalong uminit ang dugo sa kaniya nang muli itong humarap. Sa pagkakataong iyon, tumakbo ito sa drawer at nagmamadaling kinuha ang baril. Kinabahan siya dahil wala pa naman siyang dalang baril nang mga oras na iyon. Naiwan niya iyon sa kotse. Tanging recorder lamang ang kaniyang nadala. Bago pa man maitutok sa kaniya ni Rod ang baril. Napalingon silang pareho sa kumalabog na pintuan. Iniluwa nito ang mga FBI. Nanlaki ang mga mata ni Rod. Hindi siya nakapaghanda nang hatakin siya ng lalaki at tutukan ng baril sa kaniyang ulo. Naitaas niyang bigla ang kaniyang mga kamay. “Put your gun down!” sigaw ng isa sa mga ito. Napaatras siya kasaba
“Aminin mo man o hindi, Uncle Rod. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa ‘yo, maging sa anak mo. At hindi mo ako masisindak kahit anong gawin mong pananakot,” matapang niyang saad. Napasinghap ito. “Talagang matalino ka, Ricardo. Pero hindi sapat ang katalinuhan mo, dahil hindi lahat ng bagay tungkol sa ‘kin ay alam mo.” Nagsalubong ang kaniyang kilay sa mga hindi mawaring salita na patuloy na ipinahihiwatig nito.“Ngayong wala ka na sa gobyerno, mas mapapadali ko na ang lahat ng binabalak ko sa ‘yo at sa pamilya mo. Sayang lang, at palaging pumapalpak noon si Dionisio sa mga utos ko.” Napakunot ang kaniyang noo. Iniintindi ang bawat salitang namutawi sa bibig nito. “Kilala mo si Dionisio?” Tumawa si Rod at naiiling na napatakla. “Ricardo, Ricardo. Mahina ka ring kagaya niya. Bakit hindi kayo nangangalahati sa kakayahan ko?” Nagsimula nang manginig ang kaniyang kamao na tila ba gustong magpakawala ng suntok. “Sa tingin mo, ang lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay n'yo, kaninon
Sinuyod niya ang buong CCTV footage ng lahat ng departamento mula nang araw na tumuntong ng kompanya ang kaniyang tiyuhin. Pinagtiyagaan niya iyon sa loob ng halos tatlong araw upang mapatunayan niya ang lahat ng kaniyang paghihinala. At sa huli, nang gabi ring iyon, sa loob mismo ng kompanya. Nasagot ang katanungan, matapos ang pasikretong pagmamasid. Sa sumunod na araw, natanggap niya ang mensahe mula kay Laviña. Napag-alaman niyang hindi pa nakababalik ng Pinas si Rod. Isang linggo na raw’ng nananatili sa Las Vegas ang kaniyang tiyuhin. Halos araw-araw raw ito roon sa casino para maglustay ng pera. Pinasundan niya si Rod at pinaimbestigahan. Hanggang sa nalaman niyang may mga galamay pala ang kaniyang tiyuhin na nagtatrabaho sa loob mismo ng kompanya. Ang mga spy, thief at hacker na nakapasok bago pa man makarating ng States si Rod. Ang mga tauhan nito, na naging daan sa ginawang pagnanakaw ng lalaki sa perang pinaghirapan ng mga tao sa kompanya. Planado ang lahat at malinis a







