Tinitigan si Francesca ng uncle nitong mayor. Tila binabasa ang pagkatao niya. Hindi na lamang niya pinansin iyon. Sinimulan na nito ang seremonyas. Kinakabahan man ay pilit niyang pinapasok sa isipan na hindi iyon makatotohanan.
‘Ayon nga sa kasulatan, ‘di ba? Kontrata lang.’ She smirked again. Mababasa sa mukha ng mayor ang kaplastikan. Alam naman niyang hindi siya nito gusto para sa pamangkin. Kahit pa ganoon ang appearance niya ay matalino rin naman siya para makilatis ang taong totoo at hindi. ‘Huwag ako mayor, masyado kang mapanghusga.’ Mataray niya itong tinapunan ng tingin saka pangiting lumingon kay senator. “Francesca, ayos ka lang?” “H-Ha? O-Oo naman.” Mabilis lamang ang ginawang wedding ceremony. Ano naman ang inaasahan niya wala namang mangyayaring ‘You may kiss the bride’. ‘Duh?’ Nang matapos ay nagpaalam na sila sa mga ito. Isinama na siya ng senator sa mansion nito. “Feel at home,” saad nito. ‘Ang bilis naman..’ Nitong isang araw lang single pa siya ngayon kasal na. ‘Buhay nga naman, hindi mo inaasahan,’ nasabi na lamang niya sa sarili. “May tanong ako,” saad niya nang maglakad pasunod rito. “Ano ‘yon?” Naupo ito sa swivel chair. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng den nito. Saka muling tumingin kay Sen. Javier. “Kailangan pa rin ba nating magsama sa iisang kwarto?” curious niyang tanong. Gusto niyang makasiguro para naman alam niya kung ano ang dapat niyang gawin. “Good question, ayaw ko sana pero kailangan, e.” He closed his hands and leaned on the desk. Napalunok siya. Kung siya ang tatanungin ay mas prefer niyang huwag itong makasama sa iisang silid. Para hindi masira ang kanilang agreement. “Baka kasi biglang dumating ang parents ko. Sinabi kong kasal na ako. Baka magtaka sila kung bakit nasa kabilang silid ka.” Tumango siya. Sabagay may punto nga naman ang senador. Naalala niyang bigla ang kaniyang lolo. Hindi pa nga pala niya nasasabi ang tungkol dito. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa loob ng pouch. “How about you? Ayaw mo bang magsama tayo sa iisang silid?” “H-Ha?” Bakit ba nito ibinabalik sa kaniya ang katanungan? Is Sen. Javier teasing her? Napalunok siya. Naalala niyang muli ang lolo niya. Kailangan niya nga pala itong tawagan. “Ahm, saglit lang. I have to call grandpa, excuse me.” Nagmamadali siyang nagtungo sa balkonahe. Mabilis niyang nai-dial ang numero nito. Bakit ba kasi nakalimutan niyang magpaalam sa lolo niya? ‘Grandpa, please answer the phone.’ ‘The number you have dialled is– Pinatay niya ang tawag. Naisip niyang tumawag sa telepono nila sa bahay. “Naku hija, hindi ba nasabi ng lolo mo sa iyo kagabi na maaga ang flight niya? Bumyahe siya kanina nang 6 am.” Natigilan siya sa sinabi ni Manang Lena. Tulog pa pala siya kanina nang umalis ang lolo niya patungong airport. Ni hindi man lang siya nito ginising para naman makapagpaalam. Napabuntong-hininga na lamang siya. ***** Huminga si Javier nang malalim at ipinilig ang kaniyang ulo. ‘This would be a long day..’ Nagpadala siya sa galaw ng swivel chair. Hanggang sa naramdaman niya ang vibration ng kaniyang cellphone. Nag-popped up sa screen ang numero ng kaniyang ina. “Yes Mama, hello?” “Javier Ricardo, ano ba itong naririnig ko na pinakasalan mo raw ang iyong inaanak?!” galit ang boses na wika ng kaniyang ina. Nanlaki ang kaniyang mga mata. “Ano? Sino ang may sabi sa ‘yo n’yan?” kunut-noo niyang tanong. “It doesn't matter Javier, paano mo naatim na gawin ang bagay na iyan? Ninong ka ni Francesca, isa pa senator ka. Gusto mo talagang sirain ang image mo bilang magaling na senator ng bansa?” Tila ba narindi siya sa mga sinabi ng ina. Napatitig siya sa wall at napaisip. Paano iyon nalaman ng kaniyang ina? Hindi naman niya sinabi rito kung sino ang pinakasalan niya. Muling pumasok sa isipan niya ang alaala dalawang dekada na ang nakararaan. ‘Naku, hindi ako makararating sa binyag Fatima. Pero ilista mo pa rin ang pangalan ko riyan. Magbibigay na lamang ako para sa inaanak ko. Ano nga uli ang pangalan niya?’ ‘Francesca Alexandra Barcelona..’ bulong niya sa sarili. Muli siyang nagbalik sa kasalukuyan. Paano niya pa magagawa ang kaniyang mga binabalak? Kung ngayon pa lang ay may nakakaalam na ng kaniyang inililihim. ‘Hindi dapat kumalat ang tungkol rito.’ Nasapo na lamang niya ang kaniyang noo. Tumayo siya at iniwan ang ginagawa. Kailangan niya ng sariwang hangin para makapag-isip nang maayos. Nadatnan niya sa balkonahe ang tahimik na si Francesca. Nakatingin ito sa malayo. Nakapamulsa siya habang pinagmamasdan ito. ‘Maganda ka, Francesca. May lahing espanyol at mestisa. Hindi lang nila makita lalo na ng ex-fiancé mo ang mala-anghel mong kagandahan. Mas napapansin nila ang masyado mong katabaan,’ litanya niya sa isipan. Nung makita niya kung paano napahiya si Francesca sa party ay parang dinurog ang puso niya. Hindi niya maatim na makita itong luhaan sa harap ng mga tao. Alam niyang awa ang bumugso sa damdamin niya nang mga panahong iyon. Kaya't tama lang ang ginawa niya sa dalawang traydor na bumastos sa inaanak niya. “Kanina ka pa r’yan?” Tila bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ni Francesca. “No, I just want to tell you that food is ready. K-Kung nagugutom ka pwede ka nang kumain.” Nakaramdam siya ng kaunting kaba. “Hindi mo ba ako sasabayan? Wala sa agreement na hindi tayo sabay kumain.” “Ah, yeah. Sure, mauna ka na. Susunod ako.” Pasimple siyang sumandal sa balusters. “Nope, sabay tayo.” Napatingin siya rito. “Maliban sa baka maligaw ako e baka maubos ko rin ‘yung pagkaing nakahain sa mesa.” Pinalobo pa nito ang pisngi. She smirked. Ang cute tuloy nitong tingnan sa ayos. “Katakawan mo,” nasabi na lamang niya. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok sa loob. Wala siyang nagawa kundi ang mapasunod na lang rin. “Huwag kang magpabigat. Ang laki mo kayang lalaki.” Lihim na lamang siyang napangiti. Hinila niya ito pabalik dahilan para mapasubsob ito sa dibdib niya. Tinitigan niya ang mukha nitong nanlalaki ang mata sa gulat. “H-Hindi ba s-sabi mo bawal ang y-yakap?” Narinig niyang nauutal na tanong nito. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. “Assuming, hindi naman ako nakahawak sa ‘yo.” Ipinakita niya pa na nakataas ang dalawa niyang kamay. Sumimangot ito. Humakbang siya paabante dahilan para maiwan at mapasunod na lamang sa kaniya si Francesca.Nang makaakyat ng kwarto ay nakita niya sa malaking salamin ang kaniyang sarili. Ang eleganteng kulay puting gown na suot ay nabahiran ng maraming dumi. Kulang na lang ay magkulay abo na.‘Pati ba naman sa araw ng kasal ko, hindi pinalampas..’ Lumungkot ang kaniyang mata. Humugot siya nang malalim na hininga kasabay niyon, ang mabibigat na hakbang na nagtungo sa loob ng banyo. Nakahanda na ang maligamgam na tubig sa bath tub. Agad niyang hinubad ang suot niyang gown, saka dahan-dahang ibinabad ang kaniyang katawan doon. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata matapos sumandal. She inhaled deeply and then exhale. Narinig niya ang mga yabag ng paa sa kwarto. Maya-maya'y ibinuka niya ang talukap ng kaniyang mga mata nang maramdaman ang paghinto nito sa tapat niya. Nakita niya ang nakatayong si Javier na seryosong nakatingin sa kaniya. Tinitigan niya ito saglit saka muling ipinikit ang kaniyang mga mata. Naupo ito sa tabi ng bath tub.“Hindi ka pa ba maglilinis ng katawan?” mahinahon niya
Hindi na nakapagpigil at dumukot na ng baril si Selina. “Patatagalin pa ba natin ‘to? Ano, Dionisio pasabugin na natin ang ulo ng dalawang ‘to!” panggigigil nito kasabay nang paghagip nito ng braso at paghatak kay Francesca. Mabilis naman ang kamay ni Javier at binawi siyang muli, mula sa babae. Niyakap siya ng senador at itinabi sa gilid nito. Mas lalo lamang uminit ang dugo ni Selina sa kaniya at matalim siyang tinitigan.Itinuko ni Dionisio ang baril sa noo at napasinghap sa harapan nila. Halata na gumagamit ng illegal na droga ang lalaki. “Ano ka ba, mahal ko. Masyado kang mainit. Siyempre, hindi muna natin gagawin iyan. Gusto ko munang iparanas sa kanila ang hirap,” baling nito kay Selina. Sa mga salitang iyon pa lamang, nanindig na ang balahibo ni Francesca. Talagang sa simula pa lang ay napakasama na nito. Hindi talaga siya makapaniwala na lumaki siya sa poder ng isang walang puso at napakasamang nilalang. Buti at hindi niya nasunod ang masamang gawain ng lalaki.“Baka naka
Napakunot-noo si Francesca at napahawak sa ulo nang imulat niya ang mga mata. Naaninag niya ang isang medyo may kadiliman na silid na kinaroroonan niya ngayon. May mapanglaw na ilaw na tanging nagbibigay liwanag lamang roon sa loob. ‘Nasaan ako?’ Saka lamang nagbalik sa kaniyang gunita ang isang engrandeng kasalan sa cathedral. Mga bisitang may maluluwang na ngiti sa mga labi habang kinakamayan siya. Mga magulang na puno ng masayang pagbati. Pagkatapos… sa isang iglap. Nagising siya sa hindi matukoy na lugar. Muli pang pumasok sa kaniyang alaala ang huling pangyayari kanina bago siya nawalan ng malay. Ang gulo sa pagitan nina Javier, ng di-kilalang driver, at ang biglaang pagsulpot ng mga armadong lalaki habang patungo sila sa hotel. Ang lahat ng iyon– ang nagdala sa kaniya roon. ‘Ngunit, si Javier…’ Napasunod ang mata niya sa ingay na nagmumula sa pintuan. Lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib kasabay nang panlalaki ng mata, nang matanaw ang dalawang kalalakihan na nakaupo roon.
Ang bahaging ito sa buhay niya ang kinasasabikan niyang maulit noon. Kaya't heto siya ngayon, naluluhang tagumpay na naglalakad sa aisle. Iba pa rin talaga sa pakiramdam ang tunay na kasal. Kung noong una'y walang kislap sa mga mata ng senador habang isinasagawa nila ang wedding ceremony, ngayo'y kabaligtaran na. Kung noo'y mabibilang lamang sa daliri ang mga bisita, ngayon ay halos buong baryo na ang nakikipag-celebrate sa kanila. Lihim na nagagalak ang puso niya habang iniisip na magiging isang tunay na siyang Mrs. Carpio. Hindi na dahil lamang sa kontrata, kung hindi sa totoong marriage contract na. Nang hawakan na ni Javier ang kaniyang kamay at igiya sa altar, sa harap ng pari ay parang umaawit ang damdamin niya sa ibabaw ng alapaap. Hindi na maalis-alis ang titig niya sa adorable na senador. Laman lamang ng kaniyang isipan buong oras ay puno ng imahinasyon para sa kanilang future. Ang bawat titig sa kaniya ni Javier ay mapanukso. Wari'y may nais iparating. Nagsimula nang mag
‘Good morning, honey. Sorry that I left early without telling you. Gaya ng sinabi mo kagabi, bago ikasal ang babae at lalaki dapat hindi muna magkita. Hehe, kahit late na para diyan, still susundin ko pa rin kahit papaano. Mag-ayos ka na, dahil ako ngayon, kasalukuyang nag-aayos na rin para sa sarili ko. Hihintayin kita sa simbahan.. See you this morning, my one and only love.. Javier.’ Napangiti siya nang kay tamis. Akala niya kung ano na. Matapos basahin ay isinilid niya iyon sa drawer. Tumayo siya at nagtungo sa bintana. Hinawi ang kurtina at pagkatapos ay bahagyang dumungaw roon. Iniunat niya ang kaniyang braso at katawan. Natanaw niya ang paru-paro na may iba't ibang kulay. Dumapo ito sa namumulak na halaman sa labas. Napangiti siyang muli habang pinagmamasdan ito. Hindi niya alam kung bakit mas gumaan ang kaniyang pakiramdam. Gayong kagabi, napakasama ng kaniyang napanaginipan. Ngayon ay tila kabaligtaran naman ng lahat. Napalingon siya nang may kumatok, sina Delta at Lewis a
Suot ang wedding dress na kulayputi, pinagpapawisan si Francesca habang habul-habol ang hininga na tumatakbo sa madamong gubat. Malalakas ang kabog sa dibdib at panay ang lingon sa kaniyang likuran upang masiguro kung sumusunod pa rin sa kaniya ang masamang taong kanina pang humahabol sa kaniya. Makulimlim na at nagbabadya ang isang malakas na ulan. Nakawala lamang siya sa isang madilim na cabin. Hindi niya mawari kung saan siyang lugar naroroon ngunit tila pamilyar iyon sa kaniya. Umihip ang isang malakas na hangin na halos tangayin na ang puno. Nang huminto siya sa may palumpong, natigilan siya nang biglang may sumaksak sa kaniya. Isang lalaking hindi matukoy kung sino.‘Javier..’ Napabalikwas ng bangon si Francesca. Tagaktak ang pawis habang takut na takot na napatingin sa kaniyang katawan. Animo'y totoong-totoo ang mga pangyayari, ramdam na ramdam niya. Nakahinga siya nang maluwag nang walang makitang tama ng saksak. Mabilis niyang dinampot ang isang baso ng tubig. Nilingon n