LOGIN"I don't regret giving my virginity to a stranger rather than giving it to a man who... err, ninong ko! Nakakasuka!"
Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko pagkauwing-pagkauwi ko kagabi. Matutulog na sana ako para ibaon sa limot ang lahat ng nangyari sa bar at hotel room, kaso biglang pumasok sa kwarto ko si Mama, kasunod si Papa. Mahinahon nilang ipinaliwanag sa akin ang tungkol sa kasunduan na ipapakasal nga ako sa hindi ko naman kilalang Ninong ko raw. "Ma, bakit ngayon niyo lang sa akin 'to sinabi? At ano pong sabi niyo? Malaking pera ang utang niyo sa kaniya kaya ipapakasal niyo ako? Ano pong klaseng rason 'yan?" Halos hindi ko malunok ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Naninikip ang dibdib ko ngayong narinig ko mula sa bibig nila ang sitwasyon ko. "Anak, wala na tayong choice. Saan naman tayo kukuha ng fifty million pambayad sa kaniya? Dapat nga magpasalamat tayo kasi n’ung sinabi ng Papa mo na ikaw na lang ang ipangbabayad, agad siyang pumayag. Mas gugustuhin mo bang makulong kami pareho? Paano ang kapatid mo?" Bigo akong napalingon kay Papa dahil sa sinabi ni Mama. My God! Sa lahat ng tao sa mundo, sila ang hinding-hindi ko maiisip na gagawa nito sa akin! Fifty million? Bakit naman kami magkakautang ng ganoon kalaking halaga sa lalaking ’yun? I felt like my heart was being squeezed over and over again by the very people who were supposed to protect it. Lihim akong suminghap bago tumayo upang talikuran na sila. Ayaw ko na muna silang makausap ngayon dahil baka sumabog lang ako. "Pagod po ako ngayon. Matulog na rin po kayo," tanging nasabi ko bago nanghihinang ibinagsak ang katawan sa kama. "Tulog ka na rin, anak. Kailangan mong makatulog. Bukas ay darating siya rito para pag-usapan ang kasal niyo." Nakagat ko na lang ang labi ko sa sobrang frustration sa kanila. Gusto kong umiyak sa harap nila at sabihin kung gaano ako nabastusan sa naging desisyon nila pero mas pinili ko na lang ipikit ang mga mata hanggang sa nakatulog na ako. *** KINABUKASAN ay nagising ako sa mahihinang katok sa pinto ko. "Ate Claire? Gising ka na ba? Sabi ni Mama ayusin mo na raw ang sarili mo. Malapit na raw dumating ’yung bisita," boses iyon ni Chloe, ang nakababata kong kapatid na nasa High School pa lang. Tamad akong naupo sa kama at sandaling tumitig sa kisame ng kuwarto ko. Walang sinabi ang pananakit ngayon ng buong katawan ko sa sakit na natamo ko mula sa mga sinabi nina Mama't Papa sa akin kagabi. The silk dress my mom prepared for me was hanging on the door, looking like a silent threat. Pilit akong bumangon at humarap sa salamin. Mugto ang mga mata ko at sa ayos ng mukha ko ngayon, nagmistula akong aswang na kauuwi lang galing sa kung saan. Naligo ako at naglagay ng concealer para takpan ang pamumugto ng mga mata ko. Pagbaba ko sa sala kasama si Chloe ay agad akong nakalanghap ng usok galing sa isang tabako. Nasa huling baitang na kami ng hagdan nang nakita ko si Papa na seryosong seryosong nakikipag-usap sa isang lalaking nakatalikod sa gawi naming magkapatid, hawak ang kaninang naamoy kong tabako. The guy was wearing a dark, tailored charcoal suit that emphasized his broad shoulders. “Ito na pala ang anak ko," pagmamalaking sabi ni Papa nang lumapit ako sa gawi nila. Dahan-dahang tumayo ang lalaki at humarap sa amin. Wala sana akong balak na tignan siya ng diretso kaso kusa akong natigilan nang makita ko sa wakas ang mukha niya. He looked at me—no, he studied me. Ang matatalim at madidilim niyang tingin ay ang parehong mga matang tumingin sa akin nang may gutom ilang oras lang ang nakalilipas. Anong ginagawa dito ni Gab? "Claire, hija, siya si Gabriel Theo Yohiko. Anak siya ng yumaong kaibigan ng Papa mo,” pakilala ni Mama. “Siya ang mapapangasawa mo." Gabriel Theo Yohiko. Gusto kong isigaw ang pangalang iyan. Putangina. Paanong siya? “Dahil siya ang successor ng best friend ko, siya ang proxy na umattend sa binyag mo noon bilang Ninong mo. Pero huwag kang mag-alala, anak. Hindi naman nagkakalayo ang edad niyo,” dagdag pa ni Papa. "It's a pleasure to finally meet you, Claire," seryosong hirit ni Gab. Ang boses niya ay kasing lalim at kasing paos ng naaalala ko. Inabot niya ang kamay niya sa akin kaso tinitigan ko lang ito habang nagsisimulang manginig ang buong katawan ko. Hindi puwede ’to! Itong mga kamay niya…ito rin ang naglakbay sa bawat pulgada ng balat ko kagabi. I felt disgusted. So disgusted! I gave my virginity to him last night just to ruin my parents' plan, only to find out that I gave it exactly to the person they wanted for me. "Claire? ’Yung kamay mo, hija," paalala ni Mama. Napilitan akong makipagkamay sa kaniya kaso nang magdikit na ang mga kamay namin ay para akong napaso. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at doon ko nakita ang kakaibang kislap sa paraan ng paninitig niya sa akin. He knew. He d*mn well knew who I was last night! "Nice to meet you... Ninong," sa inis ko ay binigyan diin ko ang huling salita. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya na para bang mas natuwa pa siya. "Just Gab will do, Claire. We're not that far apart in age, anyway." Nagtagis ang bagang ko at hindi na piniling magsalita muli. Nag-usap usap na silang tatlo habang pilit kong pinapakalma ang sarili. Sina Papa at Mama ay walang ibang bukambibig kundi ang fifty million pesos na utang at ang kasal. Habang si Gab ay seryoso namang nakikinig sa kanila kahit ramdam ko na sa akin ang tingin niya. Alam ko ’yun dahil tuwing titingin ako sa kaniya ay naaabutan kong nakatitig na siya sa akin. “Claire, anak. Baka may gusto kang i-suggest sa kasal niyo? ’Yung mga kaibigan mo? Na-inform mo na ba sila?" tanong ni Mama. I looked at her, then at Gab. "I don't think my preference matters here, Ma. My consent wasn't even asked in the first place." Natahimik sila ni Papa. Gab just chuckled softly while swirling his wine. "I like her spirit. Don't worry, Claire. I'll make sure you'll enjoy every bit of this arrangement." Ang paraan ng pagkakasabi niya ng salitang 'enjoy' ay nagpataas ng balahibo ko. Obviously, he wasn't talking about the wedding. He was talking about our… last night! Hindi ko na masikmura ang nangyayari kaya mabilis akong tumayo. "Excuse me po, Ma, Pa. CR lang po ako saglit.” Halos takbuhin ko na ang banyo makaalis lang sa kinaroroonan nila. Pagpasok ko sa banyo ay agad akong napasandal sa pinto. Wala na sa kontrol ang panginginig ng kamay ko. How can I marry the man who already knows my most intimate secrets? Naghilamos ako para kahit papaano ay mahimasmasan ako, pero bago ko pa maabot ang towel sa gilid ay bumukas ang pinto. Natigil ako nang makita ko sa salamin ang pagpasok ni Gab. He closed the door behind him and locked it with a soft click. "A-anong ginagawa mo rito?” Hindi siya sumagot. Sa halip ay humakbang siya palapit sa akin hanggang sa halos maipit na ako sa gilid ng lababo. "I told you to call me Gab, didn't I?" mahina ngunit nanunuya niyang sabi. "A-alam ba nina Mama na pumasok ka rito? K-kung hindi ay lumabas ka na ngayon din!” "Let them see. After all, we're engaged," sabi niya, sabay lipat ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "Tell me, Claire... did you enjoy your rebellion last night?" Marahas akong napasinghap sa tanong niya. "I didn't know it was you. Kung alam ko lang ay hindi ko na—" "You never would have what? Let me hear you moan my name until you were breathless?" putol niya sa akin habang madilim na nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Gab, hindi tayo puwedeng makasal. Ninong kita kaya nakakadiri,” buong tapang kong sabi. He let out a dark laugh. "I’m only your Ninong by title, baby. Not by blood. And after last night, I think we both know that I’m far from being a saintly godfather to you.” Bullsh*t! Inis ko siyang tinulak sa dibdib kaso mabilis niya akong nahawakan sa balakang para pagdikitin pa lalo ang mga katawan namin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "You wanted to ruin yourself to escape me, huh? Too bad…you only ended up making me want you more." "I hate you," bulong ko. "Good," agap niya, sabay higpit ng hawak sa balakang ko. "Hate is a very powerful fuel in bed. And we have a lot of nights ahead of us, Claire." He fixed his suit, then gave me one last look. "Go back to the table. Your parents are waiting for their perfect daughter.” Naiwan akong tulala at hindi na nakagalaw sa kinatatayuan. Kung kagabi ay wala akong pinagsisisihan na siya nga ang nakauna sa akin, ngayon ay kabaligtaran na ang nararamdaman ko. Kung bakit ba naman sa dinamidami ng lalaki sa mundo, sa kaniya pa talaga?!Tahimik ang naging biyahe namin pauwi sa apartment ko. Nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse ni Simon habang pinapanood ang mga nagtatakbuhang ilaw ng lungsod, pero ang isip ko ay naiwan pa rin sa bar, partikular sa naging eksena namin ni Gab. Nang itigil ni Simon ang kotse sa harap ng apartment ko ay hinawakan niya ang siko ko bago ako tuluyang makababa. "Don't overthink this, Claire," seryoso pero malumanay niyang bilin. "You did the right thing. Kailangan niyang matutunan na hindi ka isang gamit na pwede niyang iwan at balikan kung kailan niya gusto. Matulog ka nang mahimbing, okay?” "Salamat, Simon. Pasensya ka na talaga ulit," pilit ang ngiting sagot ko bago bumaba. Pagkapasok ko sa loob ng madilim kong apartment, hindi ko na nagawang magpalit ng damit. Diretso akong humiga sa kama at doon ay muling bumuhos ang mga luha ko. Ang bigat sa dibdib. Gusto kong panindigan ang galit ko, pero tuwing naiisip ko ang huling tingin ni Gab bago siya tumalikod, parang dinudurog ang puso
Bahagyang napaatras si Gab, halatang nayanig sa mga huling salitang binitawan ko. Ang kaniyang panga ay umigting at ang mga mata niyang kanina lang ay puno ng awtoridad ay biglang napalitan ng matinding galit. "Divorce? Annulment?" he repeated, his voice dropping into a dangerous, low whisper. Step by step, niliitan niya ang distansya naming dalawa. "You think it’s that easy, huh? You think you can just sign a piece of paper and erase me from your life?" "Bakit hindi?! Kung ikaw nga ang dali lang sa'yo na ipagtabuyan ako’t makipaghalikan sa ex mo, kaya dapat ganoon din ako!" sagot ko at muling tumulo ang luha ko nang maalala na naman ang paghalik niya kay Beatrice. "You don't even remember me! Kaya ano pa ang rason para italo ko sa'yo sarili ko?!” "Because you are mine!" bulyaw niya sa akin dahilan para mapalingon ang ilang mga usisero sa paligid. Hinawakan niya ako nang marahas sa magkabilang balikat upang dumiretso sa mukha niya ang tingin ko. "I don't need my memories to know th
Sumama ako kay Simon pabalik sa loob ng bar at pinaupo siya sa isa sa mga bakanteng mesa. Mabilis kong kinuha ang first-aid kit sa staff room at bumalik agad sa kinaroroonan niya. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ang botelya ng alcohol at kumukuha ng cotton balls. "Medyo mahapdi ito," pabulong kong ulat bago dahan-dahang idinampi ang bulak sa galos niya. Napangiwi siya nang kaunti pero nanatili siyang tahimik, nakatitig lang sa akin habang ginagamot ko siya. Ang seryoso ng mukha niya, hindi ako sanay. "I'm really sorry, Simon. Nakakahiya na basta ka na lang sinuntok ni Gab," paumanhin ko ulit, ramdam ko na naman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. “Kung hindi dahil sa akin, hindi ka niya—” "Stop apologizing. It's not your fault your husband acts like a mad dog," malumanay na putol niya sa akin sabay hinawakan ang kamay ko na may hawak na bulak para patitigin ako sa kaniya. "He crossed the line the moment he laid his hands on you. I just did what any decent pers
Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng silid na iyon na hindi hinintay ang sasabihin pa niya. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero patakbo na akong bumaba hanggang sa marating ko ang staff room. Padabog kong isinarado ang pinto saka iyon ni-lock, sunod ay nanghihina akong napasandal hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Nakakainis! Naiinis ako sa kaniya! Hindi naman pala siya nakaalala kaya ano pa ang dahilan niya para pauwiin niya ako sa bahay?! Ilang minuto ang lumipas nang makarinig ako ng marahang katok sa pinto. "Claire? Open the door. It's me, Simon…" Mabilis akong nagpunas ng luha bago ako tumayo at pinagbuksan na ng pinto si Simon. Pagkakita pa lang niya sa akin ay agad kumunot ang noo niya. "Hey, what happened? You look pale, and you're crying," nag-aalalang tanong niya, hinawakan ang siko ko. "Did that VIP guest do something to you?" Wala sa plano kong sabihin sa kaniya na si Gab ang nadatnan ko doon pero dahil na rin sa bigat ng nararamdaman ko ay wala sa
Pinihit ko ang susi at pumasok na sa loob ng tahimik kong apartment. Tama nga ako. Sa sandaling sumara ang pinto, agad kong naisip ang pagmumukha ni Gab at ni Beatrice. Buong magdamag kong nilabanan ang pagiisip sa kanila, pero sa huli ay natalo pa rin ako. Kaya tulad ng nakaraang araw ko rito sa bar, lutang akong nagtrabaho dahil wala pa sa dalawang oras ang tinulog ko. Abala ako ngayon sa pag-aayos ng mga resibo sa counter nang biglang lumapit sa akin ang isa sa mga bouncer ng bar. At base sa mukha niyang natataranta ay parang may hatid itong problema. "Manager Claire, may VIP guest po sa taas na naghahanap sa inyo," ulat niya habang nagpupunas ng pawis sa noo. "Ayaw niya pong magpa-assist sa ibang waiters. Kayo lang daw po ang gusto niyang humarap sa kaniya.” Kumunot ang noo ko. "Sino raw? At bakit ako ang hinahanap?" "Hindi ko po alam ang pangalan, Madame. Pero mukhang mayaman at big-time. Mag-isa lang siya sa pinakadulong VIP booth." Agad kong hinanap si Simon sa dance floo
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang hindi na ako bumalik sa bahay at sa kumpanya. At tatlong araw na rin akong hindi nagpakontak sa kahit sino. Ngayon lang dahil lang alam kong sa mga oras na ito ay nag-aalala na sina Mama't Papa. "Ma, Papa, nasa maayos po akong lugar. Huwag na po kayong mag-alala sa akin, okay? Ligtas po ako rito," sabi ko sa kanila sa tawag. "Diyos ko, Claire! Sabihin mo na kung nasaan ka! Nag-aalala na kami ng Papa mo. At si Gab? Anak, alam mong wala pang maalala ang asawa mo. Hindi ba dapat ay nasa tabi ka niya ngayon para alalayan siya?” sagot naman ni Mama. Napapikit ako nang mariin sabay napahawak sa sentido ko. Tulad ng inaasahan ko, wala silang alam ni Papa na may kinakasama ng ibang babae si Gab kaya ako lumayas na sa bahay. At alam ko na kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol kay Beatrice, pipilitin pa nila akong umuwi doon para ipagsiksikan ang sarili ko kay Gab. Ayaw ko n'un dahil ako lang din ang nasasaktan. "Ma, may mga bagay lang po kaming k







