Share

Chapter 95

Author: HANIFAH
last update publish date: 2026-05-26 23:57:21

Tahimik ang naging biyahe namin pauwi sa apartment ko. Nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse ni Simon habang pinapanood ang mga nagtatakbuhang ilaw ng lungsod, pero ang isip ko ay naiwan pa rin sa bar, partikular sa naging eksena namin ni Gab.

Nang itigil ni Simon ang kotse sa harap ng apartment ko ay hinawakan niya ang siko ko bago ako tuluyang makababa.

"Don't overthink this, Claire," seryoso pero malumanay niyang bilin. "You did the right thing. Kailangan niyang matutunan na hindi ka isa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
Claire,ako ang nasasaktan
goodnovel comment avatar
Noerrot Uol
update po pls
goodnovel comment avatar
Pretty Novie Cruz
luh,Claire cge na parabmaalala kana ni gab
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 57

    Hindi ako nakatulog buong gabi. Nakahiga ako sa guest room ng bahay nina Ate Claire habang nakatitig sa kisame. Bawat kaluskos sa labas ng kwarto ay nagdudulot sa akin ng kakaibang pagkaalarma. Paulit-ulit kong binubuksan ang phone ko para lang tingnan kung may bagong balita o kung may email ba si Alistair. Pero walang dumating.Sabado ng umaga. Maagang nagising ang lahat sa bahay na ito nina Ate at Kuya Gab. Habang naghahanda si Ate Claire ng almusal sa kusina, nakatutok naman si Kuya Gab sa laptop niya sa dining table, tuluy-tuloy ang pakikipag-chat at tawag sa mga contact niya sa Singapore at sa mga abogado ng pamilya nila."May bago na bang balita, Gab?" dinig kong tanong ni Ate Claire kay Kuya Gab habang inilalapag ang dalawang tasa ng kape sa mesa.Umiling si Kuya Gab nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop niya. "Wala pa ring pormal na pahayag ang Singapore Police tungkol sa kinaroroonan niya. Pero ang kumakalat na balita sa mga news outlets doon ay may nakakita raw s

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 56

    Naupo kaming tatlo sa sala. Nagtimpla si Ate Claire ng mainit na tsaa para kumalma ako, pero kahit anong higop ko doon ay hindi mawala ang bara sa lalamunan ko. Nakatitig lang ako sa mga kamay kong nakapatong sa kandungan ko. Nanginginig pa rin ito."Kailan pa po siya huling nakatawag sa inyo, Kuya Gab?" tanong ko matapos ang ilang minutong katahimikan."Kahapon ng umaga," sagot ni Kuya Gab habang nakasandal ang ulo sa backrest ng sofa, bakas pa rin ang matinding frustration. "Kinausap niya ako tungkol sa trabaho niya doon at kung paano niya inaayos ang mga legal papers ng investments ng pamilya nila. Normal ang boses niya. Wala siyang nabanggit na kahit ano o may kaaway siya. Then suddenly, ngayong hapon, tumawag sa akin 'yung legal counsel ng kumpanya nila sa Singapore. Natagpuan daw ang tatay niya sa library ng mansyon, may saksak sa leeg at dibdib."Napatakip ako sa bibig ko sa matinding pagkahabag at takot. Visualizing it made my stomach turn."At ang masama pa," pagpapatuloy ni

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 55

    Dali-dali kong ipinasok ang dapat sanang hawak kong gamit sa bag ko, pero dahil nagsimula nang manginig ang mga kamay ko ay halos hindi ko maipasok nang maayos ang pouch ko. Ang utak ko, parang gustong sumabog sa dami ng katanungan. Paanong si Alistair? Seryoso ba talaga 'to na si Alistair ang pumatay ng sarili niyang ama? Pero paanong mangyayari 'yun? Wala akong ideya sa relasyon niya sa pamilya niya, lalo na sa kaniyang tatay, pero alam ko na hindi siya killer. Kilala ko siya at nakakasiguro ako doon.Palabas pa lang ako ng elevator sa ground floor ng Vanguard building ay hindi ko na napigilang maiyak. Habang ang ibang empleyado dito ay uuwing may mga ngiti sa labi dahil Biyernes ng gabi, pero ako, para na akong malalagutan dito ng hininga dahil sa matinding kaba at takot.Pagkalabas na pagkalabas ko ng main entrance ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin ng gabi at ang ingay ng rush hour traffic. Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa habang tumatakbo patungo sa kalsada. H

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 54

    Nagsisiuwian na ang ilang empleyado dito.Biyernes ng gabi ngayon at bandang alas-sais na. May tatapusin pa ako kaya namaya pa ang uwi ko. Ang ibang senior architects ay umuwi na rin hanggang sa unti-unting tumahimik ang buong 12th floor studio. Ang mga ilaw sa ibang workstations ay isa-isa na ring pinapatay. Nag-focus ako sa ginagawa ko kaya mabilis ko lang din itong natapos. Habang inililigpit ko ang mga tracing papers, pencils, at laptop sa mesa ko, medyo nagulat ako nang lumapit si Joaquin sa akin, hawak niya ang susi ng kotse niya at nakasukbit na rin ang kaniyang bag sa balikat niya. Akala ko nakauwi na siya.“Bakit?" kaswal kong tanong at ibinalik ko sa mga gamit ko ang atensyon ko."Biyernes na Biyernes, Chloe, siguradong sarado ang buong kalsada niyan sa highway at panigurado rin na mahaba na naman ang pila sa bus terminal," pang-aasar niyang tugon, nanunuya pa niyang inikot-ikot sa harap ko ang hawak niyang susi. "Baka naman gusto mo na magpahatid? Kahit hanggan doon lang sa

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 53

    Mabilis na lumipas ang Miyerkules at Huwebes. Dahil sa magandang resulta ng presentation ko kay Architect Valderama, binigyan ako ni Veronica ng panibagong malaking task: ang umasiste sa interior material selection para sa buong San Jose Residential Project."Samahan mo ako bukas sa supplier showroom sa BGC," habilin ni Veronica habang inilalapag ang talaan ng mga accredited suppliers sa table ko noong Huwebes ng hapon. "Kailangan nating pumili ng gagamiting sustainable wood veneers, glass types, at mga natural stones na babagay sa hiningi mong lighting orientation.""Sige po, Architect. I-se-secure ko po agad ang appointment schedules sa supplier para bukas," masigla kong sagot habang isinusulat ang mga utos niya.Naging mas malapit din kami lalo ni Joaquin sa mga nakalipas na araw. Kahit lagi ko pa ring tinatanggihan ang alok niyang ihatid ako pauwi gamit ang kotse niya dahil gusto ko lang din talagang magpahinga sa biyahe nang mag-isa, palagi kaming sabay mag-tanghalian sa pantry k

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 52

    Lunes ng umaga. Pagpasok ko pa lang sa 12th floor ng Vanguard, naramdaman ko na agad ang panibagong lakas at kumpyansa sa sarili ko. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang magsimula ako rito bilang intern, at ngayon, hindi na ako tulad noong unang salta ako rito na mukhang naliligaw at panay ang tingin sa paligid. Ngayon, nagagawa ko ng ngumiti sa mga kasamahan bago ako agad maupo sa pwesto ko. Ibinaba ko ang bag ko sa gilid, at binuksan ang laptop para ipagpatuloy ang Renderings para sa San Jose Project."Good morning, Sunshine!"Hindi pa man ako nakakaupo nang maayos ay umalingawngaw na ang masiglang boses ni Joaquin mula sa may hallway. May dala na naman siyang dalawang tasa ng kape mula sa pantry, at tulad ng dati, may nakaplaster na namang malaking ngiti sa mukha niya."Masyado ka namang maaga ngayon," bati ko sa kaniya pagkatapos kong tanggapin ang kapeng inabot niya. "Akala ko ba late ka laging nagigising kapag Lunes dahil sa trapik mula sa inyo?""Nagbago na ang pananaw ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status