Share

Chapter 2

Author: HANIFAH
last update publish date: 2026-02-24 07:53:53

Nanatili akong nakasandal sa pinto ng banyo kahit ilang minuto na ang lumipas simula nang lumabas si Gab. I could still feel the phantom pressure of his hands on my waist. Pati na ang nanunuya niyang boses ay parang sirang plakang nagpapaulit-ulit sa pandinig ko.

"Gago siya! Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari, e ’di sana itinulog ko na lang ang frustration ko kagabi!" inis kong bulong sa sarili.

Umayos ako ng tayo saka ko muling tiningnan ang sarili sa salamin. I need to be composed. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na nagkakaganito ako, lalo na sa Gab na ’yun. Halatang enjoy na enjoy siya sa mga reaksyon ko.

Nang pakiramdam ko'y kaya ko na silang harapin ulit ay lumabas na ako. Nandoon na rin si Chloe kaya sa kaniya ako tumabi imbes na sa mga magulang namin. Nagtaka pa ako kung saan nanggaling ang dessert na nilalantakan ngayon ng kapatid ko pero hindi ko na ’yun binigyan ng pansin.

"Claire, anak? Okay ka lang ba? Bakit ang tagal mo yata sa banyo?" tanong ni Mama habang sinusuri ang mukha ko.

"Okay lang po ako. Nahilo lang ako kanina," pagsisinungaling ko.

Ramdam ko ang paninitig na naman sa akin ni Gab pero hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Nakasandal siya sa upuan niya sa harap ko habang dahan-dahang pinapaikot ang hindi niya maubos-ubos na wine sa baso. His face was unreadable, but the glint in his eyes was enough to tell me that he was mocking my silence.

"Gaya nga ng sinasabi ko kanina, Claire," untag ni Papa. "Napagkasunduan namin ni Gabriel na lumabas kayo ngayong hapon. Kailangan niyo nang pag-usapan ang mga detalye ng kasal niyo. Sabi pa niya ay ipang-sho-shopping ka niya ng mamahaling damit."

Napatitig ako kay Papa at hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Pa, pagod po ako. Hindi po ba pwedeng sa susunod na linggo na lang?”

"Claire, anak, busy ang mapapangasawa mo," seryosong sabi ni Mama. "Isang malaking abala na sa kaniya ang pagbisita niya sa’tin dito kaya huwag ka nang magpakipot.”

Wait, what? Magpakipot? Oh my god! Sila ba talaga ang mga magulang ko?

"I'm a busy man, Claire. I don't like wasting time," Gab butted in. Tumayo siya at inayos ang butones ng kaniyang suit. "I've already cleared my afternoon for this. It would be a shame if you'd decline."

"Sige na, anak. Sumama ka na sa kaniya," hirit pa ni Papa.

‘Seryoso ba kayo, Ma, Pa?’ Gusto kong itanong ’yan sa kanila pero naitikom ko na lang ang bibig ko nang makitaan ko ng pagmamakaawa ang tingin nila sa akin.

Wala akong nagawa kundi tumayo at kunin ang bag ko. Paglabas namin ni Gab ng bahay ay sinalubong kami ng isang itim na Rolls-Royce Ghost. Pumasok kami roon nang pagbuksan kami pareho ng kaniyang driver.

Tahimik ang byahe. He was busy on his phone, typing away as if I wasn't there. Habang ako ay pigil na pigil ang sarili na hindi mapasigaw dahil sa nangyayari.

"Do you always follow women into restrooms, huh? O sadyang hobby mo lang ang mambastos?" sabi ko na lang nang kaunti na lang ay sasabog na ako.

"Only the ones who run away from me. I don't like it when people leave the conversation unfinished," tugon niya na hindi tinatanggal ang tingin sa phone.

"Wala na dapat tayong pag-usapan kasi hindi naman ako papayag na makasal tayo. The marriage is a business deal for my parents, but for me, it's a death sentence," I hissed.

Napaangat siya ng tingin sa akin. He turned off his phone and shifted his body towards me. The space inside the luxury car felt smaller all of a sudden.

"A death sentence? You seemed to enjoy 'dying' in my arms last night," he said, his eyes tracing the line of my jaw.

"Shut up! Pinagsisihan ko na 'yun, okay? Kung alam ko lang na ikaw pala ang tinutukoy ng kapatid kong ninong ko, mas pipiliin kong magmukmok sa kuwarto ko,” sabi ko at saglit na nag-iwas ng tingin.

"But you didn't. You chose me out of all the men in that bar. Maybe your instincts knew exactly who you needed.”

Hindi makapaniwala akong napatingin ulit sa kaniya. "Needed? Anong pinagsasabi mo? Hindi ko kailangan ng lalaking namimilit ng babae dahil lang nagkakautang sa kaniya ang magulang nito!”

Napailing siya habang may ngisi na sa labi. "I didn't force you. I simply accepted a settlement. Your father offered, and I saw an opportunity I didn't want to pass up.”

"An opportunity to what? To ruin my life?”

Umusog siya palapit sa akin saka marahang pinaglaruan ang buhok kong nasa bandang tainga ko. I tried to move away, but there was nowhere to go.

"To own you," he whispered. "You're a masterpiece, Claire. Fragile, innocent, and untamed. Sayang kung ibang lalaki ang makikinabang sa'yo.”

Kusang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Baliw siya! Hindi ko alam na may pagkabaliw siya!

"Ah, basta! Ayaw kong makasal sa’yo. Hindi ako papayag sa kasal na 'to," diretsahan kong sabi, dahilan upang mawala ang ngisi niya sa labi.

Huminga ako nang malalim saka siya seryosong tiningnan sa mata. "Gab, malaking kasalanan na ang nangyari sa atin kagabi kaya please, 'wag na natin 'to ituloy. Kung gusto mo, babayaran ko na lang ang fifty million."

Sandali siyang napatitig sa akin pero mayamaya lang din ay marahan siyang tumawa na para bang isang malaking joke ang sinabi ko.

"You're jobless. So, where on earth will you get the money to pay me back?"

Muli akong sandaling natigilan, pero agad din akong nakasagot. "Exactly! Student pa lang ako kaya wala pa akong trabaho sa ngayon pero pwede naman na tumigil ako sa pag-aaral at maghanap na lang ng trabaho—"

"Enough," putol niya sa akin, his eyes turning cold and serious. "You're graduating next semester. I don't want a future to be ruined just because someone had to work like a dog for a debt she didn't even start."

Wow! Literal na napakalaking wow!

"Sa'yo pa talaga nanggagaling, ha? Do you really think forcing me to marry you won't ruin my future?"

"Your future is safe with me. In fact, I am your future." He leaned back, his gaze steady. "To begin with, I'm not forcing you. Why don't you say that to your father?"

Muli akong natahimik pero sa pagkakataong ito ay hindi agad ako nakasagot. As if naman ganoon kadaling magreklamo! I mean I tried, pero desperado na talaga ang mga magulang ko.

"Pagabi na kaya saan mo ’ko dadalhin?” pag-iiba ko ng usapan.

Nasulyapan ko ang pagngisi niya muli pero hindi ko na iyon pinuna. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay iba ang itinugon niya sa akin.

“By the end of this month, you'll be carrying my name. And by the end of our wedding night, you'll be carrying much more than that," he said with finality before the car stopped in front of a high-end boutique.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 50

    Ipinatong ko ang ulo ko sa bintana ng bus habang pinagmamasdan ang mga naglalakihang billboard sa kalsada. "North-east wind flow," bulong ko sa sarili ko. Tama siya. Kung hindi ko isasaalang-alang ang sirkulasyon ng hangin sa ganoong klaseng terrain, magiging mainit ang loob ng bahay at masasayang ang natural ventilation. Napapikit ako nang mariin. Nakakainis isipin na kahit wala siya sa harap ko, alam pa rin niya kung saan ako posibleng magkamali. Pagbaba ko sa kanto namin, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng inihaw sa tabi ng kalsada. Doon lang nag-react ang tiyan ko. Halos hindi ko na pala naramdaman ang gutom dahil sa dami ng impormasyong pumasok sa utak ko ngayong araw. "O, Chloe! Kumusta ang unang araw?" bungad ni Mama nang makita akong pumasok sa gate. Mukhang katatapos lang niyang magdilig ng mga halaman. "Pagod po, Ma, pero masaya," sagot ko at nagmano na sa kaniya. "Mabait naman po 'yung mga tao roon. At saka, binigyan na po agad ako ng actual design project.”

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 49

    Ang ganda mo… Natigilan ako sa huling sinabi niya. Medyo napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang ganoong klaseng banat sa unang araw ko pa lang. Sanay naman ako sa mga biro nina Mia, pati na ’yung mga banat sa akin ng mga kaklase naming lalaki at ng iba pang lalaki sa campus, pero iba kapag galing sa isang taong ngayon ko lang nakilala, at sa loob pa ng isang seryosong opisina. Seryoso ba talaga siya? “I mean… ang ganda ng sulat-kamay mo,” mabilis na bawi ni Joaquin sabay kamot agad sa batok niya. Ako nama'y kunwaring natawa na lang. Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay na rin ako sa kaniya bilang paggalang. "Chloe. At salamat... pasensya na kung ’di kita agad napansin. Kailangan ko lang kasing matapos itong zoning bago ako umuwi.” "San Jose Project?" silip niya sa drafting board ko habang dahan-dahang binibitawan ang kamay ko. "Whoa! First day mo pa lang pero 'yan na agad ang pinapagawa sa 'yo? Iba ka rin. Ako, tatlong araw muna akong nag-plot ng electri

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 48

    Lunes. Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o sa sobrang excitement, pero kahit puyat ako kagabi ay maaga akong bumangon para maghanda. Pinili ko ang pinaka-presentableng outfit na mayroon ako, isang beige na slacks at itim na turtleneck. "O, uminom ka muna ng gatas bago umalis," abot ni Mama ng baso pagbaba ko sa kusina. "Huwag kang magpapagutom doon, ha? Unang araw mo pa naman." "Opo, Ma. Baon ko naman po 'yung ginawa niyong sandwich," sagot ko habang mabilis na nilalagok ang gatas. Si Papa naman ay nakaupo na sa paborito niyang pwesto sa sofa, pinapanood ang bawat kilos ko. "Mag-ingat ka sa pagbiyahe. Huwag kang magpapakapagod agad sa unang araw." Ngumiti ako at lumapit sa kaniya para humalik sa pisngi. "Opo, Pa. Alis na po ako.” Sa loob ng bus, hindi ko mapigilang hawakan ang strap ng bag ko nang mahigpit. Pakiramdam ko ay papasok ako sa isang giyera na matagal ko nang pinaghahandaan. Pagbaba ko sa tapat ng Vanguard buil

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 47

    Inisip ko pa kung dapat ko bang bawiin ang email. Halos limang minuto akong nakatitig sa screen ng laptop ko, hinihintay kung matagumpay maise-send iyon o magkakaroon ng error. Pero nang lumitaw ang notification na pumasok na ito sa outbox ko, isinara ko na ang laptop. Bahala na. Kung hindi siya mag-reply, edé huwag. Wala na akong magagawa doon. Sinubukan kong itulog ang bigat ng nararamdaman ko, pero hindi ako dinalaw ng antok. Panay ang sulyap ko sa phone ko na nasa side table. Pakiramdam ko ay bawat vibration nito mula sa kung anong app ay notification galing sa kaniya. Pero hanggang sa mag-madaling araw, nanatiling tahimik ang inbox ko. Lumipas ang Martes, Miyerkules, at Huwebes na walang sagot mula sa kaniya. Naging routine ko na ang pagche-check ng email tuwing gigising ako at bago matulog. Minsan ay napapaisip ako, baka naman mali ang email address na nakuha ko kay Mia? O baka naman sobrang busy niya sa Singapore na wala na siyang oras para magbasa ng messages? "Chloe,

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 46

    Nakasandal lang ako sa bintana ng bus habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan sa EDSA. Hawak ko ang cellphone ko, binubuksan ang contacts, tinititigan ang pangalan niya, tapos papatayin ko rin ang screen sa huli. Paulit-ulit. Para akong timang.Ano bang dapat kong i-text sa kaniya? 'Salamat sa internship'? O 'Bakit ka umalis nang hindi man lang nagsasabi?'Agad akong napailing sa sarili kong naisip. Bakit naman siya magpapaalam sa akin? Ano ba niya ako? Eh parang estudyante lang naman niya ako tapos ipinagtatabuyan ko pa siya. Napabuntong-hininga ako. Siguro, mas okay na rin ito. Okay nang umalis siya na walang pasabi. Nasabi ko naman na sa kaniya na hindi ako galit. At nakapagpasalamat naman ako sa kaniya kahit papaano n'ung iabot niya sa akin ’yung recommendation letter. Ano pa bang itetext ko?Pagbaba ko sa kanto namin, dumaan muna ako sa isang convenience store. Bumili ako ng ice cream kahit hindi naman mainit ang panahon. Pakiramdam ko kasi, kailangan ng utak ko

  • Ninong Stranger (SPG/TAGALOG STORY)   BOOK II: CHAPTER 45

    Matapos ang gabing iyon sa restaurant ay parang bumalik na sa normal ang lahat. O baka dahiliyon ang gusto kong isipin. Na normal na ang lahat kahit hindi naman sa parte ko. Sa paglipas ng mga araw, inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga requirements para sa susunod na semester. Hindi na rin namin pinag-uusapan sa bahay si Alistair, na para bang hindi na siya nag-eexist. Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa kwarto, nakita ko muli ang itim na envelope sa ibabaw ng study table ko. Hindi ko pa rin ito binubuksan simula nang ibigay niya iyon sa akin. Para kasing may pumipigil sa akin, na baka kapag binasa ko ang laman niyon ay may magbago sa akin. Pero kasi kailangan ko na ring maghanap ng mapapasukan para sa internship ko. Mahalagang requirement iyon para maka-graduate, at sa totoo lang, wala pa akong nasisimulang apply-an dahil sa nangyari kay Papa. Dahan-dahan kong kinuha ang envelope at binuksan iyon. Isang malinis na papel ang bumungad sa akin na may letter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status