Share

37. Sama ng Loob

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-08-01 22:05:37

Mabilis ang takbo ng utak ni Roselynn. Hindi niya malaman kung paano susundan ang pangyayaring iyon. Sa dami ng posibilidad na pwedeng maging dahilan ni Drake, isa lang ang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan:

Bakit hindi niya sinabi?

Kahit isang mensahe man lang? Kahit isang paalam? Kahit isang simpleng, “Ingat ka palagi.”

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa pantry, kinuha ang kanyang cellphone, at sinubukang i-dial ang numero ni Drake. Ngunit sa unang ring pa lang, agad na itong nag-"unreachable." Parang sinasadyang lumayo. O parang sinadya na talagang hindi siya abutin.

Sa gitna ng lahat, hindi niya maiwasang balikan ang huling beses nilang nag-usap. “Para ito sa future natin,” sabi pa niya, habang nakangiti. Pero paano magiging para sa “kanila” ang isang bagay na siya mismo ay hindi man lang naisama sa plano?

Buong maghapon ay parang wala siya sa sarili. Hindi makapag-concentrate. Hindi makangiti. Hindi makasagot ng maayos sa mga simpleng tanong ni Becky.

At sa bawat minuto n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
JI MIN MI
Ganda na nang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   77. Pahiramin ng Jack!

    Maaga pa lang ay abala na si Becky. Nakasuot siya ng corporate attire: puting blouse at itim na palda, may bitbit na laptop bag at ilang folders. Habang nagmamaneho patungo sa opisina, iniisip na niya ang meeting nila mamayang umaga. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lang siyang nakarinig ng malakas na tunog.“Argh! Ano na naman ‘to?!” reklamo ni Becky habang kinabig ang manibela at itinabi ang kotse. Paglabas niya, doon niya nakita—flat ang gulong ng kanyang sasakyan.“Naku, malas naman,” bulong niya sa sarili. “First day ng linggo tapos ganito agad? Ano ba naman yan!”Kinuha niya ang cellphone para tumawag ng towing o kahit sinong pwedeng tumulong. Pero sa kasamaang-palad, walang signal ang phone niya sa kalyeng iyon. Napabuntong-hininga siya at halos mapaupo sa gilid ng kotse.“Bakit ba hindi ako nag-aral magpalit ng gulong?”Habang iniisip niya kung anong gagawin, isang kotse ang huminto sa likuran niya. Bumaba ang driver, at sa hindi inaasahang pagkakataon—kilala ni

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   76. Natalo si Becky

    Pag-uwi mula sa kahihiyan sa coffee shop, halos kumulo ang dugo ni Becky. Hindi siya makapaniwala—ginawa siyang “espesyal na fan” ni Simon, sa harap ng napakaraming tao! Kahit sinong may matinong pag-iisip, siguradong magagalit.'Hindi pwedeng palaging siya ang may huling tawa,' galit na isip niya. Kaya kinabukasan, habang naglalakad pauwi, nakaisip siya ng plano.Magbabalik si Simon sa coffee shop sa Sabado para sa isa pang mini-event. At doon, sisiguraduhin niyang ipapakita sa lahat kung gaano ito kayabang at walang respeto.**************Sabado, dumating si Becky nang maaga. Nakaupo siya malapit sa entablado, kunwari’y abala sa pagbabasa ng libro. Pero ang totoo, may dala siyang marker na permanent—oo, permanent—at balak niyang ipapirma sa notebook niya ulit, pagkatapos ay sisigaw siya sa harap ng lahat na binabastos siya ni Simon.“Titigil ka rin sa pang-aabala mo, Simon Andrade,” bulong niya sa sarili habang nilalagay ang marker sa bulsa ng bag.Nagsimula ang event. Naroon ulit

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   75. Pagkikitang Muli

    Pagkatapos ng nakakahiyang insidenteng iniwan ni Simon sa kanya—ang malaswang autograph—nagpasya si Becky na kalimutan na lang iyon at magpatuloy sa kanyang araw. Pero tila hindi mapigilan ng tadhana ang paglalaro.Ilang araw matapos ang paghahanap ng ebidensiya, tinawagan siya ng isang kaibigan upang makipagkita sa isang bagong bukas na coffee shop sa bayan. Pagod siya at kailangan ng pahinga, kaya pumayag siyang pumunta.Pagpasok niya sa café, naamoy agad niya ang halimuyak ng bagong giling na kape. Cozy ang lugar, may mga nakaupo at nagtatrabaho sa kani-kanilang laptops, at may ilang estudyanteng nagre-review. Umorder siya ng cappuccino, saka humanap ng tahimik na pwesto sa gilid.Ngunit bago pa siya makaupo, may tumikhim sa kanyang likuran.“Well, well, well… look who we have here.”Halos malaglag ang tray na hawak ni Becky. 'Si Simon na naman?!' Nakaupo ito sa sulok, naka-shades kahit nasa loob ng café, at abala sa pag-sign ng ilang photocard na halatang dala ng fans.“Bakit para

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   74. Sino si Simon

    KAILANGAN ng kumilos ni Becky.Hindi niya akalain, na sa tagal ng pagmamahal ng kanyang kuya kay Roselynn, maiisipan nito na sirain ang kanyang kaibigan. Hindi ganoong uri ng tao ang anyang kapatid, kaya malaki ang pagtataka niya kung bakit naging ganoon ito kaagresibo ngayon, na kahit siyang mismong kapatid, parang kinakalaban nito.Mabuting kuya si Drake, sa totoo lang, napaka close nilang dalawa. Ngunit bigla itong magbago ng tumaas ang posisyon at ilipat sa Laguna.Naalala pa niya, noong makiusap ito sa kanya, na hihiramin ang kanyang ID code upang magbukas ng files. Hindi naman niya inakalang gagamitin ito nito sa kalokohan.Alam niya kung saan nag uugat ang galit ng kanyang kuya.. Selos!Sino ba naman ang hindi magseselos kina Roselynn at sa kanilang boss? Lalo na, ng ilipat ito bilang PA.Nakikita niya, simula pa noong una nilang makita si Asher, na talagang may pagtingin ito kay Roselynn. Halata sa mga ikinikilos nito.Ngunit bakit?Ang isang single dad na may guwapong mukha a

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   73. Damdamin ni Drake

    DRAKE's SIDE..Tahimik na pinagmamasdan ni Drake si Roselynn habang papalapit ito sa mesa. Napansin niyang maganda pa rin ito kahit simpleng bihis lang, at may kakaibang kislap sa mga mata nito ngayong gabi. Ngunit may naramdaman siyang bahagyang lamig sa kilos ng babae—parang may nakatagong distansya. Sandali siyang napatitig, ngunit agad ding pinawi ang kutob.“Roselynn,” masiglang bati niya, sabay tayo at halik sa pisngi nito. Hinawakan pa niya ang balikat ng babae, ayaw niyang pakawalan agad. “Buti at nakarating ka.”Napansin niyang parang pilit ang ngiti ni Roselynn, pero hindi na niya pinansin. Mas mahalaga sa kanya na nagkita sila ngayong gabi. Marami siyang gustong ayusin, marami siyang gustong ihanda para sa kinabukasan nila.Pag-upo nila, nag-umpisa siyang magsalita.“Alam mo, ilang taon na rin tayong magkasama,” panimula niya, sabay tingin nang diretso sa mga mata ni Roselynn. “Sa tingin ko, oras na para mag-isip tayo ng mas seryosong direksyon. Plano kong magtayo ng negosy

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   72. Ang laro ni Drake

    Maingat na inayos ni Roselynn ang buhok niya sa harap ng salamin. Walang bakas sa mukha niya ang kalituhan at bigat ng dibdib na ilang araw nang bumabalot sa kanya. Sa loob-loob niya, parang hindi niya matanggap na ang taong minahal niya nang buong buo—si Drake—ang may kagagawan ng lahat ng sakit na naranasan niya. Lalong masakit isipin na kahit ang kapatid nito, si Becky, ay kaya din nitong ipahamak.Subalit... mahal niya ba talaga si Drake? o napilitan na lang siyang mahalin ito?Ngunit ngayong gabi, kailangan niyang magpanggap. Hindi pa ito ang tamang oras para ipakita kay Drake na alam na niya ang katotohanan. Kailangan niya ng oras, kailangan niya ng plano. Kaya nang magkasundo silang magkita sa isang tahimik na restaurant sa may Cavite, pilit niyang kinuha ang lakas ng loob.Pagpasok niya roon, agad niyang nakita si Drake. Nakaupo ito sa sulok, may hawak na baso ng alak. Nakaayos pa rin ang suot nito—maamo ang ngiti, wari’y walang itinatagong kasamaan. Parang walang nagbago, k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status