Home / Romance / Not Your Wife Anymore / 15 - ANG PROJECT NI MASON

Share

15 - ANG PROJECT NI MASON

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-09-16 12:31:17

Naupo na si Raven sa isa sa mga upuan na naroroon kaya sumunod na ang ibang mga nanay na kausap niya. Pero ang iba ay hindi makatiis na hindi pag-usapan siya. 

“Bakit kaya sila naghiwalay?”

“Nababaliw na ba siya? Bakit siya nakipaghiwalay kay Caleb Go?”

“Para siyang nagtampo sa bigas!”

“For sure, humingi ng malaking pera ‘yan kay Caleb. Sa yaman ba naman ng mga Go?”

“Talaga ba? Eh, bakit ganyan ang suot niya? Napaka-simple. Parang pambahay lang natin!”

“Eh, kung hindi naman naging asawa ni Caleb Go ‘yan, hindi naman ‘yan magmumukhang tao. Kaya lang naman ‘yan naging class dahil nadamitan

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore    66 - STOLEN

    Paano nangyari ito? Pakiramdam ni Raven ay unti-unting nanlamig ang buong katawan niya habang binabasa niya ang dokumento linya kada linya. Idagdag pa na parang may blade na dahan-dahang humihiwa sa dibdib niya. Paano’ng nangyari na parehong-pareho ang binabasa niyang research paper ni Edward sa research paper na ginawa niya nung estudyante pa siya sa St. Andrew’s University? Hindi siya pwedeng magkamali. Alam na alam ng puso niya na ang bawat salitang nakalagay sa dokumento na iyon ay galing sa kanya.[“Nadiskubre ni Lolo na ‘yang research paper ni Edward ay kopya ng thesis mo.”]Saka lang naalala ni Raven na kausap pa nga pala niya si Eris ng nagsalita ito. Naging hudyat ito para mabalik siya sa sarili. [“Galit na galit si Lolo kay Edward at inakusahan ito ng plagiarism. Sinubukan kang tawagan ni Lolo para sabihin sa iyo ito pero hindi ka raw niya makontak.”] [“Ang sabi ni Edward, magkamag-anak daw kayo at sabi mo raw ay mas gusto mo na lang mag-concentrate sa pamilya mo kaya

  • Not Your Wife Anymore   65 - ANG FILE

    Ang mga telepono sa opisina ng National Math Olympiad ay walang tigil sa kakaatunog mula ng lumabas ang anunsiyo ng ranking. Idagdag pa ang naging usapin tungkol sa diumano ay pandaraya ni Raven at Jose. Dahil dito, nagpatawag ng emergency meeting ang committee. Bumuo na rin sila ng grupo na nag-imbestiga kay Raven. At wala silang nakitang pandaraya sa parte ng babae. “Bukas na bukas din, ilalabas natin ang surveillance video ni Raven Santana habang sumasagot sa exam para matigil na ang mga maling balita tungkol kay Raven, Jose Mercader, lalo na sa ating organisasyon,” pahayag ng presidente ng National Math Olympiad.NAKATANGGAP rin ng tawag si Raven mula sa babaeng reporter ng ABS TV. [“Ms. Raven, alam mo bang nasa hot search ang pangalan mo ngayon?”]“Oo, alam ko.”[“So, totoo ba na sa bahay ni Jose Mercader ka sumagot ng exam para sa olympiad?’]“Oo, totoo.”[“Pero ang sinasabi ng mga tao ay nandaya daw kayong dalawa ni Mr. Mercader.”]“Ano ba ang ebidensya nila na nandaya ako?

  • Not Your Wife Anymore   64 - HOT SEARCH

    Itinaas ng nasa unahang pulis ang tsapa niya at saka nagsalita. “Mam, kailangan n’yo pong sumama sa amin sa presinto. May mga katanungan lang kami. Idinadamay ka ni Mrs. Anita de Villa na kasangkot ka niya sa corruption and bribery sa Northford School.”SA opisina ni Caleb. Tahimik na nakaupo ang lalaki sa swivel chair niya habang nakapikit. Ang daming gumugulo sa isip niya. Nakabinbin ang alok ng ilang investor na magpondo. Nagbabanta ang ilang investor na mag-pull out. Dismayado sa kanya ang mga shareholder. At iyon ay dahil kay Raven. Hindi alam ni Caleb kung ano ang sasabihin niya sa mga taong iyon. Kung muling makapasa at masama sa Top 20 si Raven, sa tingin ni Caleb ay kailangan na niyang suyuin ang babae para sa ikatatahimik ng mga shareholder at investor ng Go Prime Holdings. Nagdilat ng mga mata si Caleb at saka humugot ng malalim na hininga. Dinampot niya ang telepono niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa niya. Gusto niyang malibang kaya binuksan niya ang group chat nila ng

  • Not Your Wife Anymore   63 - TOTOO BA?

    “Preliminary lang ‘yun. There’s no reason to celebrate. Malamang na malalamangan na siya ng mga kalaban niya sa finals. Iyon ang mali niya. Ibinuhos na niya agad lahat sa umpisa.”Nagtatakang nagkatinginan ang mga naroroon pero hindi sila nagpahalata sa harap ni Caleb. “Wait, nai-save ko ang interview sa kanya kanina ng ABS TV. Iko-connect ko sa screen, sabay-sabay nating panoorin,” suhestiyon ng isa. “I-connect mo na rin ang audio para dinig na dinig nating lahat ang interview,” suhestiyon pa ng isa.“Okay, okay!”Ibinuka ni Caleb ang mga labi niya. Gusto niya sanang pahintuin ang gusto nilang panonood sa interview, pero nag-aalangan din siya. Natatakot siya sa maaari niyang mapanood at marinig sa interview. Pero ano nga ba ang ikinatatakot niya? Ang dahilan naman ng pagsali ni Raven sa Math Olympiad ay para may mapatunayan sa kanya. Marami ng sumali at nasa Top 20 ng Math Olympiad ang nasa kumpanya na nila. Hindi nila pinapalagpas ang mga katangi-tanging mga indibidwal na galing

  • Not Your Wife Anymore    62 - RECRUIT HER

    “Kilala ko ‘yan!” sigaw ng isa sa mga empleyadong naroon, “hindi ko malilimutan ang pangalan na ‘yan.”Ang nagsalita ay si Donald, ang head ng Internal Audit Department. Naglingunan sa kanya ang lahat ng naroroon sa loob ng elevator. “Personal mo siyang kilala?” “Hindi naman, pero matunog na matunog ang pangalan niya sa San Clemente Science & Technology kung saan din ako nag-aaral. Ahead siya sa akin ng ilang taon sa SCST.” “Ahead? Pero mas bata siya sa iyo,” protesta ng isa. “Yes. Paano kasi pumasok siya sa SCST nung twelve years old lang siya. Accelerated kasi siya.” “Meaning, ganun siya kagaling!” sabi ng isa.“Nung nasa SCST pa siya, lagi siyang sumasali sa International Math Olympiad. Kung hindi ako nagkakamali, 16 years old siya nung nanalo ng first place sa limang subject. Math, Physics, Chemistry, Biology at Information Science. Kaya hindi ko siya pwedeng malimutan.”“Wow….”“Maraming nag-offer sa kanya nun na mga sikat na mga unibersidad mula sa ibat ibang panig ng mundo

  • Not Your Wife Anymore    61 - PICTURE

    Nakangiti ang lalaki ng kinawayan nito si Raven, kaya walang nagawa si Raven kung hindi ang lumapit sa sasakyan ng dating guro. “Salamat po, Sir Nilo,” nahihiyang sabi ni Raven. “Nabalitaan ko na ikaw ang nakakuha ng unang puwesto sa ranking ng National Math Olympiad.”“Prelims pa lang po iyon, meron pa pong finals,” nahihiyang sagot ni Raven.“Congrats pa rin. Masaya ako para sa ‘yo, Raven. Dahil nakikita ko na gusto mo pang may marating at hindi maging maybahay na lang habambuhay.”Nahihiyang tumango-tango si Raven kay Nilo habang nakangiti. Binalingan ni Nilo ang mga reporter na nakamasid sa kanila. “Kung gusto ninyong mas lalo pang makilala si Raven Santana, pwede n’yo akong interview-hin. Dati niya akong guro sa San Clemente Science & Technology.”Natuwa ang mga reporter. Ika nga, hitting two birds in one stone. Hindi na sila mahihirapan maghanap ng makakapanayam para sa mga balita na may kinalaman kay Raven Santana, ang una sa ranking ng National Math Olympiad.Samantala, sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status