Share

Chapter 11 

ANG sabi ng utak ni Jornaliza, kailangan niyang itulak si Luigi. Hindi naman kasi niya ito boyfriend para pagkalooban niya ng halik. Ng kanyang first kiss.  Ngunit parang may diprensiya ang cerebellum niya dahil ayaw kumilos ng kamay niya para itulak ito. Sa halip, umangat pa ang kamay niya para yumapos sa batok nito. 

"Jornaliza…" wika ni Luigi na naghiwalay ang kanilang mga labi. 

Palagi naman siyang tinatawag ni Luigi sa kanyang pangalan pero ngayon lang niya naramdaman na para siyang idinuduyan sa alapaap. Ang sarap sa pakiramdam. Parang may nag-aawitang anghel sa kanyang paligid.

"Luigi?" Tanging naibulalas naman niya pagkaraan. Maaari nga madaldal siya kapag kasama ang matalik niyang kaibigan pero ng mga oras na iyon, nawalan siya ng sasabihin. Basta nanatili lang siyang nakatitig sa mga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status