Share

Chapter 2

Scandal

Only child of a single mother. Palaging sinasabi ni Mama noong bata ako na blessing ako sa buhay niya. Ngunit sa unti-unti kung pagmulat sa reyalidad, I discovered that I'm a disgrace disguised by her as a blessing.

A product of sin, base sa opinion ng mga kapitbahay namin. But nonetheless, my mother is a decent woman. Nagkamali lang siya at nang malaman n'ya 'yon ay agad s'yang gumawa ng paraan para maayos ang gusot.

With that, I admired her courage and will, even her self-control. Nagpapatunay lang 'yon na hindi siya marupok para sundin ang nararamdaman kahit na mali. Kaya kung may babae man akong mamahalin, sisiguraduhin kong hindi nalalayo ang ugali niya kay Mama.

She's my standard.

"Jack, kain na tayo!"

"Opo, Ma!"

Agad kong binitawan ang hawak na lapis nang marinig ang tawag ni Mama mula sa kusina ng maliit naming bahay.

Kasalukuyan akong gumagawa ng assignment ko sa math at may susunod pang report sa English saka script para sa dula namin sa Filipino. Napabuntong-hininga na lang ako.

Maliit lang ang bahay namin. Konektado ang sala at kusina. Wala ng pader na nakaharang sa pagitan kundi divider na lang ng TV. May dalawang maliit na kwarto. Sakto lang samin ni Mama at isang C.R sa gilid ng kusina.

Desente naman tignan ang bahay namin kahit sa ganoong lugar kami nakatira. S'yempre, I plan to have more decent environment when I'll get job after my studies.

"Bango naman ng luto ni Mama." Puri ko na kinahalakhak nito.

"Kahit anong bola mo, hindi ako magdadagdag ng baon mo para bukas." Aniya sabay lapag ng gulay at isda.

Nakauniporme pa din siya dahil pagkagaling sa trabaho ay agad na sumabak sa kusina. Hindi din naman niya ako pinapatulong dahil kaya na raw niya at atupagin ko na lang ang school papers ko. Nakapagsaing na naman ako at nakapaglinis ng bahay habang wala pa siya kaya hinayaan ko na lang.

"Si Mama talaga. Pinupuri lang 'e." Tukso ko na tinawanan lang ulit niya.

Promodiser si Mama sa isang well-known brand ng mga jeans sa Mall. Highschool grad lang kasi ang natapos niya kaya gustuhin mang lumipat sa malaki-laking sweldo na trabaho ay kailangan pa rin na qualified at isa doon ang College Grad.

"Anak, lahat ng bagay sa mundo may kapalit kaya hindi mo ako maloloko." Aniya sabay upo sa maliit lang din namin na mesa.

"Tsk. Bahala ka, Ma. Kung ayaw mong maniwala." Saad ko sabay ngisi.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagsimula ng kumain. Tahimik ang nangyari hapunan namin at pagkatapos maghugas ng plato ay agad na akong pumasok sa kwarto. Si Mama naman ay pagkatapos magbihis ay nasa harap agad ng TV at inaabangan ang paborito niyang teleserye.

Pasado alas onse na ng gabi ako natapos sa lahat ng assignment ko. I cracked some joint in my hands to ease some stiffness and same as my aching nape.

At dahil nauuhaw ay napagdesisyunan ko na lumabas sa kwarto para uminom ng tubig. Tahimik na ang bahay habang mula sa malayong distansya ay rinig na rinig ko parin ang tunog ng karaoke. Patay na lahat ng ilaw sa loob ng bahay at malamang tulog na si Mama.

Tanging labas at sa likod bahay na lang na ilaw ang hindi pinatay kaya hindi na ako nagatubili pang buksan ang ilaw sa loob. The outside lights are enough for me to navigate my way through out our small kitchen.

Matapos uminom ng tubig ay hindi ko mapigilan na hawiin ang kurtina sa may dapit lababo. May naririnig kasi akong ingay mula sa kapitbahay at kahit hindi naman ako tsismoso ay pinili ko paring tignan.

After all, curiousity is curiousity. And indeed, it can kill.

With the help of the dimmed light coming from the moon and our outside light's provision, I can see a silhouette of two person across the adjacent window of my neighbor.

Gumilid ang ulo ko para sundan ang bawat galaw nila at hindi na umabot pa ng ilang minuto para mapagtanto ang ginagawa nila.

Hindi ako inosente sa ganoong pangyayari. I've already watch, read, and heard enough of it to be clueless. At isa pa, hindi na din bago sakin na nakita siyang ginagawa 'yon sa loob ng bahay niya.

They're intensely kissing. Nakahawak ang 'di pamilyar na matandang lalaki sa bewang niya at pati na din sa batok. He's embracing her tightly that it seems like he's encaging her.

Mula sa paghahalikan sa tapat ng bintana niya ay bumukas ang mapungay niyang mata at dumapo 'yon sakin. Our gazed met and I saw how dark her eyes were. How intense it was and how deep her stares as if it was sucking me in.

After sometime, she frown and gradually decided to end the kiss.

Sa ginawa niya ay nakita ko ang sideview profile ng lalaki at kahit hindi sapat ang lilim ng ilaw ay nakita ko parin na nakawhite polo shirt ito. Bukas ang ilang butones ng damit at halata ang kalat ng lipstick sa gilid ng labi.

I saw her murmured some words from the old man before she proceeded to the adjacent window. I saw how messy her hair and swollen her lips.

Ang suot na damit ay parang wala ng silbi para tabunan ang mga nararapat. Nanatiling nakabuhol ang tingin namin bago niya tinabunan ang bintana ng kurtina.

Agad naningkit ang mata ko sa ginawa niya. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ko siyang nasaksihan sa ganoong sitwasyon.

Iba't-ibang lalaki sa bawat gabi. Kahit si Mama ay hindi nakaligtas sa eksena niya.

"'Wag kang maglalapit sa ganyang uri ng babae. She's a broken and immoral woman," my mother scoffed then continue, "Dalawa lang ang mangyayari kung mai-involve ka sa ganyang klase ng babae, it's either siya ang masira mo lalo o ikaw ang sisirain niya." I remember her words back then.

Medyo masama ang naging timpla ko matapos ang nasaksihan. Matalim ang tingin sa bintana niya na may harang na kurtina bago ibinaba ang sarili naming kurtina sa lababo.

"Disgusting." Hindi ko mapigilan na saad.

At sa bawat pangyayari na masasaksihan ko siya gabi-gabi ay unti-unting nilalamon ng inis at pandidiri ang sistema ko. And this time isn't an exception.

Tiimbaga akong bumalik sa kwarto at pilit siyang inalis sa isipan ko para makatulog.

Maria Clara. How ironic her name. Napakalayo ang pangalan niya sa kanyang pagkatao.

Her name supposedly symbolises refinement, modesty and reserved. Pero kahit isa doon ay walang mailalarawan sa kanya.

Isang prostitute at rumored mistresses ng iba't-ibang lalaki. Lantaran din niya itong dinadala sa kanyang bahay at hindi na mabilang kung ilang asawa na ang sumugod sa kanya. I can't help but wonder if she's happy with her kind of lifestyle. Is she fullfilled?

Napabuntong-hininga na lang ako. Why do I even care? It isn't my business, right? And so, with my unsettled annoyance I forced myself to get enough sleep.

"Please inform your parents or guardians to attend the General Assembly Meeting tomorrow. Our grading recognition will also held the same day so I congratulate everyone for the job well done especially Mr. Morellio for maintaining in the top list. I hope everyone will do all your best since graduating na kayo at so far, walang bagsak."

Hindi pa man nakakatapos si Ma'am Flora sa pagsasalita ay agad ng umugong ang hiyawan ng lahat.

"Bilib talaga ako sa'yo, Jack." Si Jude.

"Naks! Libre na 'to mamaya!" Si Eduard.

Inismiran ko silang dalawa at napakamot ng ulo nang may ibang kaklase na bumati sakin. S'yempre, nagpasalamat ako kahit na parang ang advance pa.

"Maaga ako mamaya uuwi. Bukas na lang doon sa bahay."

Agad na nagbunyi ang dalawa sa sinabi ko. Kapag talaga food is life, magiging makapal talaga ang mukha. Tsk.

Mula elementarya hanggang highschool, nakagawian ko na ang maagang umuwi. Kami lang kasi dalawa ni Mama ang nasa bahay kaya kami lang din dalawa ang magkasangga.

Kaya maaga akong umuuwi para gawin ang gawaing bahay para pagdating ni Mama ay magpapahinga na lang siya.

Pero hindi naman ibig sabihin n'on, hindi ko na naranasan ang magbulakbol. Well, I tried some of it out of curiousity. Nagcutting classes, sumama sa kaibigan pagkatapos ng klase at gabi na umuwi; though I texted my mother because I don't want her to worry, at umiinom din kapag tamang rason o kaya ay may okasyon.

Kaya siguro kapag dumating na ang araw na hindi ko na kailangan na tumapak sa escuelahan ay masasabi ko sa ibang tao na na-enjoy ko din ang school days ko kahit pressure sa school works at pagsunod palagi sa gusto ni Mama.

Pasado alas kuatro ay matyaga ko ng tinatahak ang daan pauwi. At tulad ng nakagawian ay nadaanan ko na naman sina Manong Raffy sa tindahan ni Aling Lara na umiinom. Iba na ang kasama nito kaya hindi din ako nagtagal matapos bumati at uminom ng isang baso.

Malapit na ako sa bahay namin nang matanaw ko ang kumpulan sa tabi ng bahay namin. Kung hindi ako nagkakamali sa umuusbong kong hinala ay sa mismong tabi namin na bahay ang kumpulan.

Kumunot ang noo ko at binilisan ang paglalakad.

"Malandi! Homewrecker! Salot ka sa lipunan! Ang raming lalaki sa mundo na walang sabit pero ang asawa ko pa talaga! Bitaw mo ako! Ano ba?! Bi.ta.wan.mo.ako?!!"

Hindi pa man talaga ako nakakalapit ay rinig na rinig ko na ang matinis na sigaw ng isang babae.

"'Yon 'yong nakita ko noong isang araw."

"Talaga? Hindi naman kasi 'yon ang nakita ko na kasama niya."

"So ibig sabihin, iba 'yong lalaking nakita mo sa lalaking nakita ko?"

"Ano pa ba? Malamang magkaiba! Hay, Naku! Iba talaga kapag prosti, maraming flavors."

Hindi din nakaligtas sa pandinig ko ang mga bulong ng kapitbahay namin na nanunuod sa isang tabi. Mas lalong kumunot ang noo ko at pinilit na makidaan sa gitna nila para makapunta sa harapan.

"Bakit mo ba ako sinisisi? Ang asawa mo ang nagdesisyon na humanap ng serbisyo ko. At sa trabaho ko, walang personal." Nadinig ko ang kalmadong boses ni Maria sa gitna ng ingay.

"Kahit na! Ang raming trabahong pwedeng pagkakitaan, bayaran pa! At bilang isang babae, alam mo dapat unang-una ang moralidad! Hindi lang 'yong kati at pera ang iniisip mo!"

Pagkarating ko sa unahan ay agad na tumambad sa harapan ko ang isang babaeng na sabog ang buhok at pulang-pula ang mukha.

Bakas doon ang matinding pagkamuhi. Hawak siya ng isang lalaki at nakikita ko na may sinasabi ito ngunit tila bingi ang babae.

Pilit niya ding inaalis ng babae ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya at halos saktan na niya ito sa pagpupumiglas.

Naningkit ang mata ko ng makita ang pamilyar na matandang lalaki. Siya 'yong kahapon na nakita ko sa bintana kasama ni Maria.

Nang dumapo ang mata ko kay Maria ay lalag panga ko siyang tinignan. Sobrang dumi ng damit niya at tulad ng babae ay sabog din ang mahabang buhok.

Sa maputi at makinis na balat ay sobrang halata ang kamot sa kanyang braso at leeg. Sobrang pula din ng kabilang pisngi niya na tila sinampal at may namumuong pasa sa gilid ng labi.

Dumudugo din ang sugat niya sa tuhod at may dugo din na lumalatay sa kanyang kamay. Pero sa ganoong itsura ay nakuha niya paring tumayo ng tuwid at taas noo.

Hindi ko alam kung maiinis ako, magagalit, o mandidiri. My heartbeat loudly hammered inside my chest making every beat a misery. My feelings are all whirlwind while witnessing this familiar yet unpredictable scenario.

"Hon, ano ba? Umalis na tayo. Hindi ka ba nahihiya?" Alu ng lalaki sa hawak niyang nagwawalang babae.

"Kahihiyan? Bakit ako mahihiya? May karapat ako dahil ako ang asawa mo! Bakit ako mahihiya na ipangalandakan sa lahat ang nakakadiri 'yong ginagawa, ha?!" Bwelta ng babae sabay piglas sa hawak ng asawa niya.

And maybe her husband was caught off guard on how much strength her wife used to pushed him that his grip loosen and made her wife escape.

Agad na uminit ang batok ko hanggang mukha dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. With an unknown reason and a flash of moment, nakita ko na lang ang sarili ko na hinigit si Maria sa likod ko para protektahan.

Isang malakas at nakakabinging sampal ang dumapo sa pisngi ko.

Napatimbagang ako habang unti-unting kumakalat ang sakit sa buong sistema ko at sumusunod ang pagkamanhid.

I clenched my jaw to pull all the courage I have not to glare the lady in front of me. Nakita ko ang pamimilog ng mata niya dahil sa maling taong nasampal.

As much as possible, I did all my best to compose myself and to be serious.

"Mawalang galang na po pero tingin ko tama po ang asawa n'yo. Your husband already dirtied your marriage and family name. 'Wag n'yo pong hayaan na mas madumihan pa po ito at pati po ang sarili n'yo sa eskandalong ito." I calmly said while I saw how her facial expression turn from shocked into rage.

"Aba't ang bastos—"

"At isa pa po, ang asawa n'yo po ang committed sa inyo at hindi po si Maria. Kaya saanman tignang angulo, ang asawa n'yo po ang may malaking kasalanan at siya po ang dapat 'yong kausapin ng maigi."

I don't know the whole story and I just based my opinion into my point of view. At sana ay hindi ako magsisi sa huling katagang sinabi ko bago ko hinila ang pupulsuhan ni Maria patungo sa bahay.

~SpadeLucker

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status