Share

Nothing Matters
Nothing Matters
Author: SpadeLucker

Chapter 1

Prosti

Magulo. Mabaho. Maingay. Madumi. Makitid ang daan. Maraming bata na naghahabulan. Lahat na yata ng 'M' ay maiilarawan na sa lugar ng Macabalan. Pero ano ba naman ang maaasahan mo sa isang squatter area? Mala-subdivision?

Pero kung sa kahirapan ka lumaki, hindi na importante ang lugar kundi ang bubong na matutuluyan. Diskarte na lang 'yan kung paano ka babagay at umiwas sa gulo.

"Jack! Hinto ka muna saglit!"

Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses. Gustuhin ko mang lantaran na ngumiwi ay pinigilan ko ang sarili ko.

Uulitin ko, diskarte ang kailangan para umiwas sa gulo.

"Manong Raffy! Ang aga na'tin 'a."

Sinenyasan ako nito na lumapit sa kinaroroonan nito. Alas kuatro pa lang ng hapon ngunit andito na sila sa harap ng tindahan ni Aling Lara at nagiinuman.

At dahil wala namang masama kung makikipag-usap saglit at tanggapin ang isang baso ng alak na inaalok nito nang tinawag ako kaya lumapit ako.

"S'yempre, sweldo ngayon kaya saan pa ba tutungo?" Si Manong Raffy tapos malakas na humalakhak.

Napailing ako at napatawa din. Iniisip kung naibigay niya ba ang sweldo niya kay Manang Fe at kung hindi ay may live na naman mamaya na drama para sa kapitbahay namin.

Pero nagkibit-balikat na lang ako. Sino ba ako para makialam sa buhay nila?

Bumati ako sa kasama ni Manong Raffy na kapitbahay din namin bago tinanggap ang isang shot ng alak.

Agad kumalat ang mainit na sensasyon na dulot ng alak sa pagdaan ng lalamunan ko. Pagkatapos masimot ang laman ng baso ay napangiwi ako. Sanay na naman ako sa lasa pero parati parin akong nababaguhan sa dulot nito sa sistema ko.

"Galing ka ba ng escuelahan?" Tanong ni Jimbo sabay tunga ng alak na para sa kanya. Tumango ako.

Nasa 4th year highschool na ako sa Cagayan de Oro National Highschool at ilang buwan na lang ang bibilangin ay gagraduate na.

"Mabuti 'yan, Boy. Aral ng mabuti, hindi tulad nitong si Jimbo na bulakbol lang alam." Nakangising asar ni Landon kay Jimbo.

"Gago. Ikaw kaya masamang impluwensya sakin." Si Jimbo.

"Anong ako? Pa'no naman si Ramil? Anong tawag sa kanya? Advocates?" Turo naman ni Landon sa katabi n'yang si Ramil.

"Uy! Advocates, english 'yon 'a. Anong ibig sabihin n'on?" Bwelta naman ni Ramil.

"Ugh... Ang ibig sabihin n'on... Advocates... Advoca...do... Advocado. 'Yong nasa korte? 'Yon!" Palusot ni Landon.

"Siraulo ka talaga, Landon. Avocado 'yon at isa 'yong prutas. Iba naman 'yong Abogado. Wala ka talagang kwenta." Si Manong Raffy.

"Ano ka ba naman, Manong Raffy. Biro lang 'yon."

Hindi nila pinansin ang palusot ni Landon at humalakhak na lang sina Ramil at Jimbo habang napangiwi na lang si Landon. Napangisi ako at napailing sa kanila.

Tutal ay ilang saglit na naman akong nakatayo doon at pinagbigyan na sila sa kanilang alok. Hindi ko na hinintay na umabot pa ulit sakin ang baso ng alak kaya akma na sana akong magpapaalam nang sumipol bigla si Jimbo.

"And'yan na ang hinihintay ko. Ang masarap na ulam para mamayang hapunan." Malisyosong usal ni Jimbo.

Halos magkasabay kaming lahat na lumingon sa tinitignan niya. May hinala ako sa kilos niya at hindi 'nga ako nagkamali.

Maiksing shorts na lantad ang makinis at maputi nitong hita. Isang dilaw na spaghetti strap blouse na sobrang hapit sa katawan na halos lahat ng kurba sa katawan ay sobrang lantad sa mata ng lahat.

Ngunit ang mas nakakaagaw pansin sa kanya ay ang maganda niyang mukha na tila manika.

Deep set of amber eyes, narrow pointed nose, pale pink lips and heart-shaped face. Idagdag pa ang kulay chesnut nitong buhok na umiindayog sa bawat kilos nito o hakbang.

Kung hindi ito kilala sa maduming reputasyon nito sa Macabalan ay mapagkakamalan talaga nitong anak ng Mayor o kaya naman sikat na modelo. 'Yon 'nga lang, ibang trabaho ito sikat.

"Ahh... Ang Maria Clara ng Macabalan." Tawag pansin ni Landon habang malisyoso na din ang tono ng boses nito.

Hindi lang ang mukha nito ang agaw pansin. Pati na din ang d****b nitong walang pang-ilalim na panamit. Lantad na lantad sa paningin ang hindi kalakihan nitong d****b sa loob ng masikip na blusa.

Pinigilan kong dumapo doon ang tingin ko habang sumusulyap-sulyap sina Landon at Ramil sa d****b nito habang walang hiyang tumititig si Jimbo dito. Kahit si Manong Raffy na may asawa na ay bakas sa mata nito ang malisyosong kislap.

Napangiwi ako at hindi maiwasan mangdiri.

"May bibilhin ka ba, Miss beautiful?" Si Ramil sabay sulyap sa d****b nito.

Iniwasan ko na matuksong tumingin sa nakalantad nitong d****b kaya nasa mukha niya ang buong atensyon ko. At tulad ng parati kung nakikita sa mukha niya, blanko 'yon.

Walang bakas ng hiya o disgusto. Tila sanay na siyang lantaran na binabastos o kaya naman wala talagang pakialam. Either way, I can't help but shivered from disgust.

I don't want to judge anyone, aside from the reason that it isn't proper, but because it's none of my business yet I still agreed about my Mother's opinion. Wala siyang delikadesa.

"Halata ba, Ramil?" Nakataas na kilay na saad niya sabay pamewang.

Her move made her chest and apparent nipples more prominent in blouse.

Umatras ako ng ilang hakbang papalayo sa kanya dahil sa pakiramdam ko ay sobrang lapit ng distansya pagitan namin. I'm still standing and she stopped steps away from me since Landon and Ramil was in her way.

Sumulyap siya sakin saglit dahil sa naging galaw ko ngunit hindi din nagtagal ang tingin niya sakin.

"Nagbabakasali lang naman ako na baka gusto mong sabayan kami dito." Nakangising usal ni Ramil.

"Oo 'nga naman. May maibibigay din naman kami tips sa... Eherm, serbisyo mo." Natatawang saad ni Jimbo.

It may seems like a joke but an insult is a insult. However, if you find the truth offensive then it's an insult.

Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Jimbo ngunit mas lalong kumunot ang noo ko ng narinig ang tawa ni Maria.

"Ang hilig mo talagang magbiro, Jimbo," mapanuya nitong saad habang may sarkastikong ngiti sa labi,"Pasensya ka na pero hindi ako tumatanggap ng barya sa serbisyo ko. Alam ko naman kasi kung gaano lang kaliit ang sweldo ng construction worker." Mapang-uyam nitong komento.

Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Habang malakas na humalakhak si Manong Raffy sa narinig. Kahit sina Ramil at Landon ay napangisi habang kumunot naman ang noo ni Jimbo.

Nakita ko ang matagumpay na ngisi ni Maria saka siya dumaan sa mismong harap nila at tinungo ang harap ng tindahan.

"Tao po! Aling Lara, pabiling 'nga ng isang kaha ng Green Malboro."

Napabuntong-hininga na lang ako. Aalis na pala dapat ako.

"Iba talaga kapag big time prosti, diba Maria? 'Yong sweldo ko, barya lang sa'yo. 'Yong trinabahunan ko ng isang araw, tatlongpung minutong pagbuka mo lang ng hita."

Parang napanting ang tenga ko sa matalas na insultong inusal ni Jimbo. Masama ko siyang tinignan.

Kahit ano pa man ang trabaho, ang babae ay isa pa ding babae. Kailangan pa ding respetuhin. Aalma na sana ako at awatin si Jimbo nang narinig ko na naman ang mapanuyang tawa ni Maria.

Mula sa kaha ng sigarilyo ay kumuha siya doon ng isang stick. Sinindihan niya 'yon gamit ang lighter na kinuha niya sa loob ng shorts niya.

Isang simsim ang ginawa niya bago hinihip ang makapal na usok mula sa mapulang labi niya. Agad na kumalat ang usok ng sigarilyo sa paligid namin.

"Parati mo talaga akong pinapatawa, Jimbo," sumimsim muna siya ng isang beses sa hawak na sigarilyo saka ulit ibinuga 'yon, "Pero sa tingin ko pareho namang nagpapakain sa kumakalam na'ting sikmura ang perang kinikita na'tin. Ang kaibahan lang ay malaki akin at maliit lang sa'yo."

At dahil nakatayo ay dinungaw nito si Jimbo na nakaupo at inilapit ang mukha dito. Tapos sumilay ang mapanuya nitong ngisi saka tumingin sa ibabang parte ng katawan ni Jimbo bago binalik ang tingin sa titig ni Jimbo.

"At sa kung paanong paraan ko nakuha ang pera ay wala ka nang pakialam doon," matigas nitong sabi, "At isa pa, hindi ako pumapatol sa maliit lang din..." Anito sabay ulit tingin sa ibabang parte ng katawan ni Jimbo at walang lingon-lingon na umalis.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang malutong na mura ni Jimbo habang malakas namang humalakhak sina Ramil, Landon, at Manong Raffy.

Instinctively, my daze followed her back while she's walking away. Kahit nakatalikod ay halata sa postura niya ang nakataas na noo at matuwid na balikat. She's walking like she own the road and never minding the people who whispered behind her retreating back.

Napailing na lang ako. I really don't get her. Her moves, her insights, her next thoughts... All of her.

Pero ano bang pakialam ko? She have her life while I have my own. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpaalam na sa kanila. Marami pa akong gagawin sa bahay bago umuwi si Mama. 

~SpadeLucker

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status