Thank you, Nimpha, for the comments and letting me know you are waiting for updates.
“What are you doing?” tanong ni Ember kay Cassian nang abutan niya itong nagkakalat ng petals ng pulang rose sa kama. Galing si Ember sa swimming pool ng hotel at inubos ang isang oras doon para sana pag-akyat niya ng kuwarto ay matutulog na lang siya. Alas-nueve na ng gabi natapos ang wedding party na dinaluhan nila at kahit dumiretso sila ni Cassian dito sa Hotel Tranquil ay minabuti niyang hindi muna magpahinga dahil ayaw niyang kausapin pa ito at baka magtalo lang sila at biguin siya nito sa inaasam na divorce. Nang tanungin siya ni Cassian kanina kung saan ang punta niya nang makita siya nitong palabas ng kuwarto ay sinabi niyang sa swimming pool at binantaan na rin itong huwag siyang sundan. At sa isang oras na lumipas niya sa swimming pool ng Tranquil ay hindi nga siya sinundan pa ni Cassian kaya naisip niyang baka naman busy na ito kaka-video call kay Lauren kaya nalimutan na siya. She just thought that dahil mas gusto niyang isipin na abala ito kay Lauren para lalo na siya
“Hello!” sabi ng batang lumapit kay Ember. Ngumiti rin ito. A sweet smile. Nginitian ni Ember ang bata. Anak ito ni Austin Mulliez at kakatapos lang ng kasal na ginanap. “Hi!” ganting bati niya sa bata. “I heard your name is Raffy. Am I right?” Mabilis na tumango ang bata. “My name is Rafaella Jane Saavedra Mulliez. And yes, it is Raffy for short.”“Wow…” nakangiting usal ni Ember. “You have a beautiful name. But why Raffy? Why not Ella or Jane?” Kumibit-balikat si Raffy. “Have no idea. Basta iyon na ang tawag nila sa akin mula pa noong baby ako.”“Oh…” manghang wika ni Ember at nanlaki pa ang mga mata dahil nasorpresa na nagta-Tagalog ang bata. “At marunong ka pala mag-Tagalog?” hindi maiwasang tanong niya rito na hindi pa rin makapaniwala. Kanina niya pa kasi ito napapansin na English ang pakikipag-usap. At sa accent nito ay inisip niyang English lang ang salitang alam nito gamitin.“Marunong ako mag-Tagalog syempre…” Napahagikhik si Raffy. “Tagalog kami mag-usap lagi nina Mommy a
—PASADENA, CALIFORNIA— Austin and Zylah… Muling basa ni Ember sa nakalagay na mga pangalan ng ikakasal sa invitation card na ipinahawak sa kaniya ni Cassian. Iniwan kasi siya ng isa at nilapitan ang tatlong kaibigan nito habang hindi pa nagsisimula ang kasal dahil wala pa ang bride. Wala naman siyang masabing kung ano pang negatibo sa mga kaibigan ni Cassian. Pero syempre alam niyang kay Lauren naman talaga boto ang mga ito noon pa kaya ano pa ba ang dapat asahan niya? Normal lang na hindi siya maging close sa mga ito. At nataon lang na confident na siya sa natural na ganda kaya ngayon ay nakakaharap na sa mga ito. Napaismid siya sa naisip na double standard na pananaw ng gaya ni Cassian. Palibhasa noon na hindi siya presentable ay kating-kati hiwalayan siya, ngayon palibhasa sobrang ganda niya na yata sa tingin nito ay nakiusap pang isama siya para mapakita at mapakilala bilang asawa. “The audacity!” inis na wika ni Ember at napailing sa inis. Sa ikatlong beses ay inilibot n
Galit na sinampal ni Ember si Cassian. “And what are you implying?” tanong niya rito kasunod. Nanlilisik ang mga mata sa insulto dahil sa sinabi nito. Ganito ba kalandi ang tingin nito sa kaniya?And that’s unfair… Gusto pang idagdag ni Ember sabihin. Kung bakit naman kasi ganito kababa ang tingin sa kaniya ni Cassian? Si Lauren na sobrang hilig sa lalaki at kung sino-sino na ang nakakama ay tila dyosa na dinadambana, tapos siya na ito lang ang kaisa-isang lalaki na nakapiling ay siya pa ang makakatanggap ng insulto mula rito?“This…” galit ding tugon ni Cassian at hinawakan ang mukha ni Ember para hindi ito makapalag at hinȧgkan ito. Marahas.Kung galit si Ember ay mas lalo na si Cassian. Hindi matanggap na may ibang lalaking posibleng hinihintay ang asawa. Pinipilit niyang ayusin ang lahat sa kanilang dalawa pero bakit ayaw ni Ember? Bakit pinaparamdam sa kaniya na kaya siyang ipagpalit agad-agad? Si Emebr ay inilagay ang mga kamay sa dibdib ni Cassian at pilit na itinulak ito palay
Inis na in-off ni Ember ang phone niya para hindi na siya matawagan pa ni Cassian. She rolled her eyes, kung kahapon ay ang ina ang sigeng tawag, ngayon si Cassian naman. But she could answer Cassian’s call kung kagaya kahapon na nasa bahay lang siya, pero busy siya at may inaasikaso. Ember’s eyes roamed around. May kaunting lungkot na nadama pero naroon din ang excitement niya sa bagong plano. Kasalukuyan kasing nasa embassy siya at inaayos ang mga papel na kailangan niya sa pagbalik ng Pilipinas. Yes, nakapagdesisyon na siyang umalis ng America kahit hindi pa naaayos ang divorce nila ni Cassian. Bahala na ito. Nang matapos si Ember sa embahada ay diretsong umuwi na siya. Wala si Sienna sa apartment nito nang dumating siya pero ilang minuto pa lang siyang nakakarating at kasalukuyang naghuhubad para sana magpalit ng damit nang may nag-doorbell.Ember rolled her eyes. Mukhang nalimutan na naman ni Sienna ang key card nito kaya hindi na naman makapasok sa sariling apartment agad. Mabi
Nagsusuklay si Ember nang mapatingin sa phone dahil sa tawag na pumapasok. Napakunot-noo siya. Kilala niya ang caller dahil sa numero nitong naka-phonebook pero natatawa siyang isipin sa kung anong dahilan ng tawag nito.Napaismid si Ember nang muling basahin ang pangalan ng ina sa Caller ID. At dahil ayaw niyang sagutin ang tawag ay tinapos iyon sa pag-click ng decline button. Akala ni Ember titigil na si Michelle pero hindi ito tumigil at muling tumawag. Sunod-sunod na pagtawag hanggang sagutin na lang ni Ember sa ikadoseng tawag nito.“Where are you?” agad na tanong ni Michelle pag-open pa lang ng linya. Galit sa ilang ulit na pag-decline sa tawag niya.“Why? Hinahanap mo ako?” matamlay na tanong ni Ember. “Ako talaga?”Tanda pa ni Ember ang excitement niya nang matanggap ng tawag ng ina limang taon na ang nakakaraan. Pinapabalik na siya sa Manila at akala niya dahil gusto na nitong bumawi bilang isang ina sa ilang taong pagpapabaya sa kaniya. Excitement na nawala nang malaman niyan