Share

0087

Author: Eve Angeline
last update Huling Na-update: 2025-09-28 11:53:37

Ember never thought that she could be so happy again with Cassian. Hindi man sila magkasama pa nito ay lagi naman silang nagtatawagan at nagcha-chat. The man truly loves her. At last.

“Aga-aga nakangiti, ah…” puna ni Emilia sa pamangkin.

Matamis na ngumiti si Ember. “Gusto ko lang po maging masayahin ang baby ko…” aniya. “Ang sabi po kasi ay kapag happy ang mommy kapag buntis ay sure happy din ang baby paglabas nito sa outside world…”

“Tama naman…” tugon ni Emilia. “May check up ka mamaya, ‘di ba?”

“Opo…” nakangiting tugon ni Ember.

“Susunduin ka ba ni Adrian?”

“Hindi na po ako nagpasundo. Nakakahiya rin po kasi mang-istorbo pa kay Adrian…” Ang totoo ay nahihiya siya kasi alam na nito na okay na sila ni Cassian. Parang ang sama naman niya na gawin pa itong tagahatid-sundo sa mga lakad niya na alam naman nitong wala na itong pag-asa.

At kung may isang pabor na lang siyang planong ipakiusap sa kaibigan ay iyong samahan siya sa engagement party na plano ni Cassian para sa kung anong
Eve Angeline

First...

| 8
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mila Castillon
siguro si Melanie talaga ang mother ni ember kaya Lang paano kaya naging mama niya si Michelle. at bakit nagkahiwalay ang totoong mama niya sa pa2x niya ..
goodnovel comment avatar
Che Ann Deriada Amparo
cguro yan talga mother nia...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Now He Wants Me Back   0093

    “Ma, tanda ninyo ‘yong bracelet na suot ko lagi noon?” tanong ni Lauren kay Michelle nang puntahan niya ito sa sala at abutan na nagbabasa ng magazine. “Anong bracelet?” tanong ni Michelle na hindi man lang sinulyapan si Lauren dahil ang mga mata ay nakatutok sa binabasa. “Iyong binigay mo sa akin na sabi mo paborito ni Ember,” tugon ni Lauren. “Iyong suot ko noong iligtas ko si Cassian…” dagdag pa niya. Iyon ang kasinungalingan niya na kahit ang mga ito ay hindi alam ang totoo sa kung sino ang talagang nagligtas kay Cassian noon sa pagkalunod. Noong sabihin niyang siya ay kahit ang mga ito ay naniwala. Lalo na ang papa niyang sobrang proud pa sa kaniya dahil sa akalang ginawa niya ay naging dahilan para lalong mapalapit ang ama ni Cassian sa papa niya. “Itinago ko ‘yon sa vault sa kuwarto…” ani Michelle nang maalala kung nasaan ang bracelet. “Bakit mo hinahanap? Matagal mo na ‘yon hindi naalala, ah…”“Hinahanap ni Cassian,” nakangiting sabi ni Lauren. “Gusto niya raw makitang suo

  • Now He Wants Me Back   0092

    “Mukha pong ang saya-saya niyo…” wika ni Meryll habang nakatingin kay Melanie. “Mukhang nasabi niyo na po yata kay Miss Ember kung sino talaga kayo…” dagdag niya habang tinitingnan ang masayang aura ng boss habang nag-i-spray ito sa alagang rose.Kagabi pa ito masaya. Habang pauwi nga sila galing sa bahay ng mga Vergara ay sobrang saya nito magkuwento. Kahit siya ay napapangiti habang nakikinig sa mga sinasabi nito tungkol sa mga Vergara na binisita. “Hindi pa…” tugon ni Melanie. “Hindi pa panahon. Ayoko siyang maguluhan lalo na at kakakilala niya lang sa akin. Hindi na muna…” Tumango si Meryll. “Nakakahawa po ang nararamdaman niyong saya simula mapalapit kayo sa kay Miss Ember. Siguradong kapag nalaman na po niya ang tungkol sa inyo ay mas lalo kayong sasaya lalo na kapag tinawag na po niya kayong mama kasi kinilala na po niya kayo…”Ngumiti si Melanie. Yes, anak niya nga si Ember. Ito ang bunso niya na hinayaan malayo para mapaganda ang kalagayan nito. Alam niyang kahit isama niya

  • Now He Wants Me Back   0091

    “Tuloy na lang po natin magkuwentuhan habang kumakain…” ani Ember para mayaya na ang mga kasama sa hapag-kainan. Sa isip ni Ember ay nakakahiya pala sa bisita nila na hindi na lang sila dumiretso sa mesa. Kanina pa kasi dumating si Melanie pero inubos nila ang ilang minuto na hayaan itong nakatayo palibhasa lang nagkukuwento ito tungkol sa papa niya. Kuwentuhan na pwede naman nilang gawin habang nagdi-dinner sila. “Mabuti pa nga, hija…” tugon ni Melanie. Nagpauna na si Ember at nakangiting sumunod ang mga tiyahin niya kasabay si Melanie. “Ang sabi niyo po sa akin kahapon noong nagkukuwentuhan tayo sa ospital ay may hinahanap lang po kayo rito sa Agustin kaya kayo lumipat dito…” pagkaupo ay usal ni Ember. Naalala niya kasi na kahapon ay gusto niya nga palang itanong iyon kahapon at nalimutan lang kasi lumapit si Meryll habang nagkukuwentuhan sila nito. “Matanong ko lang po…” patuloy niya. “Hindi niyo pa po ba nakikita ang hinahanap niyo kaya napirmi na po kayo ng Agustin? Kung hind

  • Now He Wants Me Back   0090

    Nakangiting sinalubong ni Ember ang bisita nila. “Tuloy po kayo, ma’am…” aya niya rito. Pagpasok nila ng bahay ay nakatayong naghihintay sina Emilia at Julia sa kanila.“Sila po ang mga auntie kong magaganda…” ani Ember sabay ngiti ng matamis. “Si Auntie Emilia ko po iyang nasa kanan at iyan pong sana kaliwa ay ang Auntie Julia ko po,” pakilala niya sa mga tiyahin.“Magandang gabi sa inyo…” bati ni Melanie sa dalawa. “Magandang gabi rin sa ‘yo…” magkapanabay na tugon ng magkapatid at ngumiti ng matamis. Pasimpleng inilibot ni Melanie ang paningin sa bahay ng mga Vergara. Napangiti sa kung anong alaala na pumasok sa isip niya. Kagaya ng normal na dalawang palapag na bahay ng mga Pilipino ay sa pader na gilid ng hagdan ay naroon ang mga larawan na naka-frame ng mga myembro ng pamilya. Kung anong kuwento noon ni Joaquin na buhay na simple na pangarap nito ay iyon ang nakikita niya sa tahanan na iniwan nito. Napahakbang si Melanie para lapitan ang larawan ni Joaquin na nasa pinakababa

  • Now He Wants Me Back   0089

    —MANILA—“What’s the name again?” tanong ni Nikias na kahapon lang dumating ng bansa pero pakiramdam niya ay may bago na naman gagawin para sa best friend ni Mathias. Kagabi pa si Cassian hindi mapalagay, may pinapahanap na tao sa kaniya.“Melanie Generosa… Generoso…” ani Cassian dahil hindi sigurado sa last name na narinig sa asawa. “Basta alin sa dalawa ang apelyido. I can’t ask Ember again. Baka magalit na at maghinala kung bakit ko tinatanong na naman ang apelyido ng bagong kaibigan niya.”Kagabi habang kausap ni Cassian ang asawa ay puro ang Melanie na ‘yon ang bukambibig nito. Masaya ang asawa magkuwento na ipinagtataka niya. And the kindness and being friendly of that woman na ulit-ulit binabanggit ni Ember ang kaduda-duda sa kaniya. Kind and being friendly sa unang araw nagkakilala? Friendly, could be. Kindness also could be. Still, he felt weird lalo na at malaki ang agwat ng edad ni Ember sa Melanie na ‘yon. Ayon pa nga sa kuwento ni Ember ay parang late fifties na ang edad

  • Now He Wants Me Back   0088

    Napatayo si Adrian nang makita si Ember na sumilip sa clinic niya. Akala niya iiwasan na talaga siya nito nang tuluyan pero mabuti at naisip man lang dalawin siya. “Hi!” bati niya rito. Nakangiti. “Kahapon ang sabi ay nagpa-prenatal check up ka pero hindi ka nadaan dito. Isip ko tuloy kasama mo si Cassian…”“Hindi pa siya makakabalik,” tugon ni Ember dahil iyon din ang totoo. Ang sabi ni Cassian ay three days before the engagement party bago ito pupunta. And if that’s the case ay five days pa iyon. “Anyway, may sadya pala ako sa ‘yo…” aniya at ngumiti. Ang sabi ni Ember sa sarili ay ang pagsama na lang nito sa kaniya ang gagawin niyang kaisa-isang pabor na hihingiin dito pero dahil kay Melanie Generoso kahapon ay may panibago siyang kailangan sa kaibigan. “Ano ‘yon?” tanong ni Adrian. Curious din sa kung anong sadya ni Ember na dahilan kaya muling dinalaw siya. “Kilala mo si Miss Melanie Generosa, ‘di ba? May edad na siya. Same age kay mama mo at ang sabi niya ay friends sila ni Ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status