Share

0086

Author: Eve Angeline
last update Last Updated: 2025-09-27 20:41:03
Tuwang-tuwa na napabangon si Cassian. Hinawakan niya ang kamay ni Ember na nakaupo rin sa harap niya. “Sinabi mo na ‘yan, ha?” aniya rito. “Walang bawian.”

Natawa si Ember. “Ilang beses akong nilabăsan…” usal niya. “Paano ko pa sasabihin na hindi ako nasarapan para tanggihan ka?” tanong niyang natatawa.

“Para tanggihan ako?” usal ni Cassian.

Mahinang tawa ang pinakawalan ni Ember. “Iyon kasi ang nasa isip ko kaninang dahilan bago tayo pumunta rito sa kuwarto ko. Nakahanda na ang linya kong sasabihin sa ‘yo na hindi ako nasarapan kaya kahit nag-sex tayo ay hindi mo ako mapipilit sumama sa ‘yo.”

Cassian chuckled. “No, asawa ko. Kahit sabihin mo rin ay hindi ako maniniwala. I love how you moaned my name, and I saw how delighted you were with me. Mamaya nga pabalik ko ng Manila ay baka ang pinagsaluhan natin ang laman ng isip ko kahit kasama ko si Lauren.”

Agad ang paniningkit ng mga mata ni Ember sa narinig. “Lauren?” galit niyang tanong. “Makikipagkita ka na naman kay Lauren? Is it you
Eve Angeline

Fifth...

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jennifer Erice Vallarta-Ramos
Ang ganda ng kwento Ms. A
goodnovel comment avatar
Nimpha
yuuun oh hahaha huli kna ember more more update please please madam
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Now He Wants Me Back   0124

    “Hahayaan na lang ba natin siya, boss?” tanong ng isang tauhan ni Leonard sa kaniya habang pinapanood ang mga kaganapan sa labas ng ospital. Marami nang patay na tauhan nina Mathias at Nikias ang makikita sa paligid. Leonard grinned. Hindi basta mapapasok ni Lauren ang ospital kung ito lang mag-isa, of course tumulong ang mga tao niya. Kagaya ng pangako niya. “She needs to do it alone…” mapanganib at malamig na tugon ni Leonard. Ang totoo ay ayaw ni Leonard madamay. Sakaling mabulilyaso ang gustong gawin ni Lauren ay mas okay na ito lang ang magkaproblema. Ayaw niyang madawit ang pangalan niya sakaling mahuli ito ng mga pulis na siguradong mangyayari. “Hindi ko hahayaan maikonekta sa akin si Lauren. Mainit pa sa mga balita ang nangyari sa simbahan kaya hindi tamang maiugnay sa ginawa natin doon ang kamatayan nina Cassian at Ember,” patuloy ni Leonard paliwanag sa tauhan niyang kanina pa takang-taka kung bakit si Lauren lang ang kailangan pumasok sa loob ng ospital at tumapos sa mag

  • Now He Wants Me Back   0123

    Alas kuwatro ng madaling araw. Ang ospital ay tila tulog, maliban sa mga nurse na nagroronda. Ngunit mula sa likod ng emergency exit, isang maliit na ingay ang umalingawngaw—tunog ng kandadong marahang binubuksan. Si Lauren iyon. Nakapasok siya ulit, dahan-dahan, maingat. Nakasuot siya ng puting coat ng nurse, at sa unang tingin, hindi siya mapapansin. Pero ang kanyang mga mata, malamig, nakatutok sa iisang direksyon: ang ICU kung saan naroon si Ember. Habang naglalakad siya, nakasalubong niya ang isang nurse. “Miss, hindi ba dapat sa kabilang wing ka naka-assign?” tanong ng nurse. Ngumiti si Lauren. A wicked and dangerous smile. Bago pa makapagsalita ang babae, mabilis na tumarak ang scalpel sa tagiliran nito. Tahimik na bumagsak ang nurse, at itinabi niya ang katawan nito sa isang storage room. Wala man lang narinig ang iba. “See that, Ember,” bulong ni Lauren. “Gan’yan din ang ending mo mamaya…” ********* Biglang napatayo si Ember. “Cassian… may mali.” Tumingin si Cassian, a

  • Now He Wants Me Back   0122

    Sa isang abandonadong sasakyan na nakaparada sa isang bahagi ng madilim na kalsada, ay may isang babaeng nakaupo, nakasuot ng mahabang coat. Si Lauren.“Hindi niyo ako tuluyang maitatapon,” bulong niya habang sinusundan ng tingin sina Cassian at Ember na palabas ng ospital. Mahina lang ang boses niya pero puno ng galit. Nakangising sinundan niya ng tingin ang dalawa. Sa kanyang isip, malinaw ang plano na huwag muna siyang aatake. Hayaan muna niyang matakot si Ember, hayaang lamunin ng paranoia at takot ang bawat segundo ng kanyang pagkatao.“Soon, Ember,” bulong niya. “I’ll take everything away from you. Cassian, your family, your life. At ako ang huling mukhang makikita mo bago ka mawala.”Ngumiti si Lauren. Sa kanyang mga palad, nakapulupot ang manipis na lubid at isang maliit na kutsilyo. Sa kanyang bulsa, may nakatuping sulat—isang peke, na nagsasaad na nagpakamatay siya sa tulay. Isang papel na papaniwalaan ng mundo. Kagaya ng sabi ni Leonard ay iyon ang kalayaan niya. Wala nang

  • Now He Wants Me Back   0121

    Tahimik ang bawat segundo sa ospital, tila ba ang mismong orasan ay pinipilit pigilan ang pag-ikot. Ang mga ilaw sa hallway ng ICU ay malamlam pa rin, nagbibigay ng malamig na kulay sa mga dingding na tila ba nakikiramay din sa bigat ng sitwasyon. Sa bawat pag-ugong ng air-conditioning at sa bawat beep ng mga makinang nakakabit kay Giancarlo, ang puso ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay muling pinapaalalahanan na ang buhay niya ay nakabitin lamang sa manipis na sinulid.Nakaupo si Ember sa bench, yakap-yakap ang rosaryong ilang ulit na niyang dinaanan ng dasal. Paulit-ulit, walang humpay, na para bang ang bawat Hail Mary ay magsisilbing gamot na magbabalik sa kapatid niya mula sa bingit ng kamatayan. Paminsan-minsan, titingala siya sa pintuan ng ICU, umaasang lalabas ang doktor na may dalang mabuting balita. Ngunit sa bawat minutong lumilipas, ang katahimikan ay lalong sumasakal.Si Cassian, laging naroroon sa tabi niya, mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Ramdam niya ang pangingini

  • Now He Wants Me Back   0120

    “Twenty-four hours daw ang pinakamahalaga…” mahinang bulong ni Ember, halos wala nang lakas. “Paano kung hindi kayanin ng katawan niya, Cassian? Paano kung—”Inikot ng tingin ni Ember ang hallway ng ospital ni Adrian. Wari ay naging kulungan ang bawat sulok ng hallway sa pakiramdam niya. Ang mga fluorescent light na normal na malamlam ay parang nag-aalangan na manatiling bukas. Maging ang tunog ng mga makina mula sa ICU na tanging pumupunit sa katahimikan ay parang lahat nananakot kay Ember. Sa loob, nakaratay si Giancarlo, halos wala nang malay, habang sa labas ay nagpupumilit ang kanyang pamilya na kumapit sa pag-asa.Nakaupo si Ember sa gilid ng bench, yakap-yakap ang rosaryo na iniabot ng ina. Ang mga daliri niya’y nanginginig, bawat dasal ay halos pabulong, paulit-ulit, para bang kung titigil siya kahit saglit, tuluyan nang bibitaw ang kanyang kapatid. Sa tabi niya, si Cassian ay hindi na bumitaw mula sa kanyang balikat, marahang hinahaplos ang buhok ng asawa.Hinawakan ni Cassian

  • Now He Wants Me Back   0119

    Kinabukasan…Tahimik ang kuwarto ng mental hospital. Ang puting dingding ay malamig, walang laman maliban sa kama, maliit na mesa, at bintanang may rehas. Doon, nakaupo si Lauren, nakatitig sa hawak niyang matalim na piraso ng salamin mula sa basag na frame ng larawan. Ang mga daliri niya ay nanginginig, ngunit ang mga mata—hindi baliw, kundi puno ng malinaw na determinasyon.Sa labas ng pinto, dalawang nurse ang nag-uusap.“Dapat bantayan si Lauren Moretti. Napaka-delikado ng kondisyon niya,” sabi ng isang nurse.“Oo, pero wala na siyang laban. Parang wala nang pag-asa pang gumaling,” tugon ng kausap nito. Napangiti si Lauren, mapait at mapanlinlang. ‘Oo, isipin niyo na lang na baliw ako. Isipin niyo na lang na tapos na ako. Mas madali para sa akin ang makawala.’Dahan-dahan niyang nilapit ang piraso ng salamin sa pulso niya. Huminga siya nang malalim at bigla niyang hinagod ang balat—sapat para magmukhang malalim at duguan. Sumirit ang dugo, kumalat sa malamig na sahig. Kaagad siyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status