Share

Pagtitiis

Penulis: Nelia
last update Tanggal publikasi: 2026-05-28 15:54:08

BIANCA POV

Unti-unti, mabagal man ang takbo ng mga pangyayari, pero may nakikita akong progreso sa mga plano ko. Sa araw-araw na lumilipas, pakiramdam ko ay palapit na nang palapit ako sa tagumpay. Malaki ang tiwala ng mga magulang ko kay Guilbert—sobra-sobra pa nga—kaya naman lumalaki at lumalakas na rin ang pag-asa ko na matutupad ko na ang matagal ko nang ninanais: ang makatakas mula rito at makabalik sa piling ni David.

Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay patuloy na kunin pa lalo ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Together again

    DAVID POV Parang gumuho ang buong mundo ko sa dinami-dami ng narinig ko. Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Bianca ay parang matatalim na patalim na unti-unting tumatagos at dumudurog sa buong pagkatao ko. Ang akala kong katotohanan, ang akala kong dahilan ng lahat ng pagdurusa ko... isa lang palang maling akala. Lahat ng galit, poot, at sakit na binuo ko sa loob ay wala pa lang saysay... lahat 'yun ay nakatayo lang sa isang kasinungalingan at hindi pagkakaunawaan. Nanghina ang tuhod ko. Parang nawalan ako ng lakas, nawalan ako ng sandigan, at parang wala akong karapatang tumayo nang tuwid sa harap niya. Dahan-dahan, unti-unti akong napaluhod sa malamig at sementadong sahig. Napakapit ako sa sarili kong dibdib dahil sa tindi ng hapdi at bigat na nararamdaman ko. "Hindi ko alam... wala akong alam..." Paulit-ulit 'yang umuugong sa isipan ko. Ni minsan ay hindi ko inakalang ganun pala ang totoong kwento. Ni minsan ay hindi ko naisip na siya rin pala ay dumaan sa matinding paghihirap,

  • OBSESSION His Indecent Proposal   way

    BIANCA POV Biglang tumawa nang malakas si David. Tinawanan niya lang ang mga sinabi ko like he doesn’t care at me at all.It was raw and bitter, full of all the anger and hurt he’d been sitting on forever. He locked eyes right on me, like he could see clear through to my soul, and shook his head slow – like he was judging every single thing about me. “And so? Ano naman ngayon kung nadismaya ka sa bagong David na nasa harap mo ngayon?” matigas at puno ng sarkastikong tanong niya sa akin. “Matagal na akong nagbago, Bianca! Matagal na! Huwag kang umastang gulat na gulat ka ngayon. Nagbago ako... I changed because of you! Lahat ng ito... lahat ng nakikita mo sa akin ngayon, ang mga tattoo, ang ugali ko, at kung sino ako ngayon... kasalanan mo ’yan. Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi kapani-paniwala sa sinabi niya. “What? Dahil sa akin? Anong kinalaman ko rito?” sigaw ko pabalik habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko, pero

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Meet

    BIANCA POV Biglang bumukas nang malakas at padabog ang pinto. Sa pagtingin-tingin ko, may pumasok na isang lalaki—matangkad, malaki ang pangangatawan, at tila nagmumula sa dilim dahil sa suot niyang kulay itim na damit mula ulo hanggang paa. Nakatalikod siya sa akin habang seryosong nagbibigay ng utos sa mga kasama niyang nagbantay, kaya hindi ko agad masilip ang mukha niya. Pero sa bawat galaw niya, sa bawat pagtaas at pagbaba ng braso niya, kitang-kita ko ang buong katawan at likod niyang punong-puno ng mga tattoo. Halos wala nang matirang puwang sa balat niya dahil sa iba't ibang disenyo, mga guhit, at mga salitang nakaukit doon—mga bagay na sadyang nakakatakot tignan at nagpapakita ng kung anong uri ng tao siya. Dahil sa nakikita ko, napaatras ako at napaluhod pabalik sa sahig habang mahigpit na mahigpit na niyayakap ko ang sarili ko. I was trembling in pure fear. Nanginginig ang bawat kalamnan ko, maging ang mga kamay at tuhod ko ay hindi ko na makontrol sa tindi ng kaba at t

  • OBSESSION His Indecent Proposal   trapped

    BIANCA POV Nakahiga na lang ako nang maluwag at payapa sa upuan ko nang tuluyan na kaming umangat at lumipad. For the first time in months, I felt truly free. Dito, sa taas ng mga ulap at malayo sa lupa, naramdaman kong ganap na nagtagumpay ako mula sa aking matagal na pinagplanuhang pagtakas. Alam kong malabo na—halos imposible na—na masundan ako ni Guilbert o ng sino pa man mula sa bahay. Masyado nang malayo ang narating ko, at wala na silang anumang ideya kung saan ako patungo. Nawala na ang bigat sa dibdib ko, nawala na ang takot na baka biglang may humabol o pumigil sa akin. I was finally away from the cage they built for me. Dito na rin ako nakapagpahinga nang lubusan, kapwa ang katawan at ang isipan ko. Ilang buwan kong kinimkim ang plano, ilang gabi akong walang tulog kakaisip kung paano ito gagawin, at ilang beses kong nilunok ang pandidiri sa sarili ko at pait ng damdamin para lang makarating sa puntong ito. Sa bawat paglipas ng minuto habang lumilipad kami, unti-unti

  • OBSESSION His Indecent Proposal   pagtakas

    BIANCA POV Umalis na ang mga magulang ko kaninang umaga. Tiyak na abala na sila ngayon sa pupuntahan nila at tatlong araw silang mawawala dito. Kaya naman, naiwan akong mag-isa lang dito sa bahay kasama ang mga katulong na sadyang kilala ko naman at hindi mahigpit katulad nina Mommy at Daddy. Ito na ang panahon. Ito na ang hinihintay ko. Agad kong kinuha ang telepono at niyaya ko si Guilbert na lumabas kami mamayang gabi. Sinabi kong gusto kong lumabas, magpalipas ng oras, at magpakasawa dahil wala muna ang mga magulang ko. "sure, mahal. Kahit saan mo pa gustong pumunta,"At gaya ng inaasahan ko, agad naman itong pumayag at tila tuwang-tuwa pa nga dahil kusa ko itong inimbita. Ang hindi nila alam, ang hindi niya alam ay nakahanda na ang lahat para sa gagawin kong pagtakas. Ilang gabi ko ring inayos at inihanda ang lahat nang palihim. Nakatago na sa loob ng maliit na bag na dadalhin ko ang aking passport, sapat na pera para sa lahat ng kakailanganin ko, at ang iba ko pang mahahala

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Pagtitiis

    BIANCA POV Unti-unti, mabagal man ang takbo ng mga pangyayari, pero may nakikita akong progreso sa mga plano ko. Sa araw-araw na lumilipas, pakiramdam ko ay palapit na nang palapit ako sa tagumpay. Malaki ang tiwala ng mga magulang ko kay Guilbert—sobra-sobra pa nga—kaya naman lumalaki at lumalakas na rin ang pag-asa ko na matutupad ko na ang matagal ko nang ninanais: ang makatakas mula rito at makabalik sa piling ni David. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay patuloy na kunin pa lalo ang loob ni Guilbert. Kailangan kong ipakita sa kanya na ako na talagang kanya na. na wala na akong ibang iniisip kundi siya, upang lubos niya akong pagkatiwalaan at hindi na siya maghinala sa anumang gagawin ko. Akala ko noon, kapag nakuha ko na ang loob nila, magiging madali na ang lahat. Pero hindi pala. Hindi pala kasing dali ng inaakala ko. Dahil habang tumatagal, napapansin kong nag-iiba na ang ikinikilos ni Guilbert. Si Guilbert, he wants more from me. Palibhasa ay magnobyo na kami, pakir

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status