Share

Chapter 09

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-02-12 20:01:55

Chapter 09

Magpalit ng number! Tama! Kailangan kong magpalit ng number, wika ko sa aking sarili habang agad kong tinapos ang iniinom kong kape.

Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kaba sa dibdib ko. Wala naman akong ginawang masama, pero ang katotohanang hindi ko matandaan ang lahat ng nangyari kagabi ay isang malaking problema.

Paano kung may ginawa akong ikapapahamak ko? Paano kung hindi lang basta isang gabing kasalanan iyon?

Hindi ko na hinayaan pang lumala ang takot ko. Agad akong nagbihis at kinuha ang bag ko. Kailangan kong pumunta sa pinakamalapit na tindahan para magpalit ng SIM card.

Pagkalabas ko ng apartment, agad akong sumakay ng tricycle papunta sa mall. Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang mapatingin sa cellphone ko.

Nasa isip ko pa rin ang numerong nag-text sa akin. Sino siya? Bakit niya alam ang number ko?

Isa lang ang sigurado ako—ayoko nang maalala ang gabing iyon. At ayokong bumalik pa ang sinumang nasa nakaraan ko.

Pagdating ko sa mall, agad a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE   Chapter 20

    Chapter 20Pagkalipas ng ilang linggo, naging mas madalas na ang pagdalaw ni Elmer. Tuwing umaga, siya ang unang tao kong nakikita—may dalang prutas, tinapay, o minsan simpleng ngiti lang at mainit na “Magandang umaga, Irene!”“Baka mapagod ka sa kakabisita rito, Elmer,” biro ko isang araw habang nagtutulungan kaming magbunot ng damo sa paligid ng kubo.“Hindi ako mapapagod, basta may rason ako para bumisita,” sagot niya, sabay sulyap sa tiyan ko. “Ikaw at ang baby mo—kayong dalawa ang rason.”Napayuko ako, bahagyang kinilig sa kanyang sinabi. Hindi ko man sabihin, pero ramdam kong unti-unti siyang nagiging bahagi ng katahimikan at kaligayahan na matagal ko nang hinanap.Isang gabi habang umuulan at mahina ang kulog, kumatok si Elmer.“Irene! Okay ka lang ba?” tanong niya mula sa labas.Binuksan ko ang pinto, nakapayong siya at may dalang sabaw na mainit. “Gawa ni Tiya Miding. Pinapahatid niya, baka daw giniginaw ka.”“Salamat,” sabi ko, tinanggap ang sabaw at pinapasok siya sandali p

  • ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE   Chapter 19

    Chapter 19“Mag-iingat ka rin, Angel. Salamat, talaga,” sagot ko, medyo mahina na ang boses ko.Bago siya lumabas ng kwarto, huling tingin niyang matalim ang nagsabi sa akin na kahit wala siya, mag-isa ko na lang itutuloy ang laban. Ipinagdasal ko na sana makabalik siya ng buo at ligtas. Kasi sa oras na mag-isa ako, kailangan kong matutunan na magtago at lumaban.Lima buwan na ang lumipas.Tahimik ang paligid ng kumbento. Ang dating takot sa puso ko ay unti-unting napalitan ng kapanatagan. Dito ko unang naramdaman na parang may kakampi ako—sina Sister Agnes at ang mga madre na walang sawang nag-alaga at nagdasal para sa akin.Pero ngayon, apat na buwan na ang dinadala ko sa aking sinapupunan.Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakaupo sa ilalim ng puno ng kalachuchi sa likod ng kumbento. Ramdam ko ang maliliit na paggalaw sa loob. Para bang may paalala sa akin na hindi na ako nag-iisa. May buhay na umaasa sa akin. At dahil doon, naglakas-loob akong lumapit kay Sister Agnes.“Mother,” mah

  • ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE   Chapter 18

    Chapter 18Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga posibleng paraan kung paano makakatakas. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng kama at hindi na lumabas. Pero, hindi ganun ang mangyayari. Malinaw sa utak ko na wala akong ibang choice kundi mag-adjust sa bagong buhay ko dito.Pagpasok namin sa kwarto, agad akong napansin ang kab simplicity nito. Wala talagang kalaban-laban ang modernong teknolohiya. Hindi ko alam kung matututo ba akong maging kontento sa ganitong buhay o maghahanap pa rin ako ng paraan para makalabas at makabalik sa real world."Good luck sa bagong buhay mo dito, Sister Irene," pabirong sabi ni Angel habang naglakad kami patungo sa kwarto. Hindi ko siya matigilan sa mga tawanan niyang walang katapusan.Pagkatapos niyang magbiro, huminto siya saglit at nagseryoso. "Pero, Leona, seryoso… kailangan mong magplano. Hindi pwede laging tumakbo ka lang.""Oo, alam ko," sagot ko. "Pero sa ngayon, ang tanging plano ko lang a

  • ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE   Chapter 17

    Chapter 17Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Tahimik. Mapayapa. Hindi tulad ng mundo sa labas na puno ng ingay at panganib.Napansin kong may ilang madre na naglilinis ng hardin, at may ilan namang tahimik na nagdarasal sa maliit na kapilya. Napalunok ako. Ganito pala sa loob ng kumbento… parang ibang mundo."Sister Irene," tawag ng madre na naghatid sa amin. "Dito kayo titira habang kayo ay nasa ilalim ng aming pangangalaga."Pagpasok ko sa silid, nakita ko ang simpleng kama, isang maliit na mesa, at isang krus na nakasabit sa dingding. Walang TV. Walang cellphone. Wala kahit anong makabago.Napakagat-labi ako. "Uh… Sister, may… Wi-Fi po ba dito?" inosenteng tanong ko.Napatingin sa akin ang madre, kita sa mata ang pagtataka. "Wi-Fi?"Napahawak ako sa batok ko, biglang nahiya. "Ah… wala po… wala po akong sinabi."Natawa nang mahina si Angel sa likuran ko. "Sister Irene, mukhang hindi ka sanay sa buhay dito.""Sister Angel," sabi ng

  • ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE   Chapter 16

    Chapter 16Napaangat ang kilay ko. "Volunteer worker?"Tumango siya. "Oo. Hindi ka nila basta tatanggapin bilang madre, pero pwede kang magpanggap bilang isang taong gustong maglingkod muna. Sa ganitong paraan, hindi ka maghihinalaang nagtatago."Napaisip ako. Magandang ideya iyon. Hindi biglaan, hindi rin halata."Okay," sagot ko. "Paano tayo makakarating doon?"Ngumiti si Angel. "Ako na ang bahala. Pero sigurado ka na ba rito, Leona? Kapag pumasok ka roon, iba ang mundo sa loob ng kumbento. Hindi mo pwedeng gamitin ang dating buhay mo."Huminga ako nang malalim bago tumango. "Oo. Kung ito lang ang paraan para makalayo kay Salvatore… handa akong subukan."At sa unang pagkakataon, isang assassin ang magtatago sa loob ng isang banal na lugar—isang pekeng madre na may tunay na kasalanan."So, ano pa ang hinihintay mo? Tayo na Sister Irene," ngising sabi niya sa akin.Napairap ako. "Sister Irene? Talaga ba, Angel?""Oo naman!" aniya, sabay kindat. "Bagay sa’yo. Mukha kang inosente pero m

  • ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE   Chapter 15

    Chapter 15KinabukasanMaaga kaming nagising upang pumunta sa mall dito sa Bicol. Tahimik ang paligid habang binabagtas namin ang kalsada sakay ng lumang kotse ni Angel. Ang init ng umaga ay unti-unting sumisikat, pero hindi nito maalis ang bigat sa dibdib ko.Gusto kong isipin na ligtas ako, pero alam kong hindi pa tapos ang laban."Anong iniisip mo?" tanong ni Angel nang mapansin ang pananahimik ko."Si Salvatore," maikli kong sagot.Natahimik siya. Alam naming pareho kung anong klaseng tao si Salvatore. Kung may isang assassin na hindi dapat kinalaban, siya ‘yon. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagpatay, kundi dahil wala siyang prinsipyo.Si Angel at ako, kahit paano, may sinusunod na golden rule—hindi pumapatay ng inosente. Pero si Salvatore?Wala siyang pakialam.Para sa kanya, ang bawat buhay ay isang bayaring cheque.Kaya alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako nahahanap."Leona…" malalim ang buntong-hininga ni Angel. "Bakit mo nga ba siya inaway?"Napangiti ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status