공유

KABANATA 3

작가: nhumbhii
last update 최신 업데이트: 2025-05-26 07:58:05

CELESTINE VIENNE 

NAPAHAWAK ako sa noo nang maramdaman kong parang unti-unting pinipiga ang loob ng ulo ko—

Masakit, mabigat, at may kung anong gumagapang na hilo mula sentido pababa sa batok.

Mariin paring nakapikit ang mga mata ko, hoping the pounding would stop—but it didn’t. Sa halip, parang sinasampal ng alaala ang utak ko, dahan-dahang binabalikan ang mga eksenang nangyari kagabi.

Kaagad akong nagmulat ng mata at bumungad sakin ang hindi pamilyar na kwarto. Bumaling ako sa kabilang kama at nakita ang hubad na likuran ng lalaking mahimbing na natutulog.

Sh*t! Last night wasn’t just a dream?

Sunod kong tinignan ang katawan ko sa ilalim ng nakatakip na comforter at nakitang wala rin akong saplot.

Gosh, Vienne. How could you give yourself to a complete stranger? You’re still married to your husband dahil hindi pa kayo tuluyang hiwalay.

Parang gusto kong sampalin ang sarili dahil sa katangahang nagawa kagabi, pero hindi na ako nag-aksaya ng panahon at kaagad na hinanap ang damit ko.

Kailangan kong makaalis dito habang mahimbing pa ang tulog ng lalaking nakalampungan ko kagabi.

---

PAGKAUWI ko sa bahay, sinalubong ako ng ina ni Zion. Nakapameywang ang dalawa nitong kamay at magkasulubong ang kilay.

“Anong oras na, Celestina?” panimula niya, malamig ang boses pero matalim ang mga mata. “Huwag mong sabihing nagpapaka-feeling dalaga ka pa rin? Aba, may asawa ka na. Hindi ka na pwedeng basta-basta gumala at umuwi kung kailan mo lang gusto.”

“G-Good morning po,” puno pa din ng paggalang kong bati sa kanya.

Dati pa man ay batid ko na na ayaw talaga ng mommy ni Zion sakin. Napilitan lang siyang pakisamahan ako noong nabubuhay pa si tito, yung ama ni Zion, pero noong namatay ito, doon na siya nagsimulang pahirapan ako.

I was only fifteen years old when Tito took me in, matapos mamatay si Papa sa isang aksidente. Wala na rin naman yung mommy ko dahil namatay din ito pagkasilang sakin.

Pagkatungtong ko ng dalawampú't tatló, agad akong ipinakasal ni Tito sa nag-iisa niyang anak na si Zion. Iyon daw kasi ang pangakong binitiwan niya kay Papa bago ito pumanaw—na aalagaan niya ako at ipagkakatiwala sa anak niya, para raw mapanatag ang loob ng matalik niyang kaibigan.

Simula noon, tanging pamilya ni Zion na lang ang naging sandigan ko. Kaya kung tuluyan niya akong hiwalayan, wala nang matitira sa akin.

“Good morning daw.” napairap si Therese na ina ni Zion. “Mukha ba akong nangangailangan ng bati mo?”

Napayuko ako at hindi siya sinagot. Paniguradong tatalakan niya lang ako ng tatalakan kapag nangatiwiran pa ‘ko.

“Makinig kang mabuti, Celestina,” sabi niya habang dahan dahan akong nilapitan, ang mukha niya ay halos ilang pulgada na lang ang layo sa akin. “Wala ka dito para magpaka-feeling disney princess. Alam mong pinagt-tyagaan ka lang ng anak ko dahil sa malaki ang utang na loob namin sa iyong ama. Pero sa totoo lang? Pwede na kitang palayasin sa pamamahay na ‘to ngayon mismo!”

Pinigil ko ang panginginig ng baba ko. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi sa harap niya.

Tumalikod siya, pero bago pa man ito humakbang papasok sa bahay, muli niya akong nilingon. “Makisama ka habang nandito ka pa. Dahil oras na mawalan ka ng silbi, ako mismo ang magpapatapon sa’yo palabas.”

Pinilit kong i-angat ang tingin, at ramdam kong nanggigilid na ang luha sa mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko at parang may nakakulong na tinig na gustong kumawala pero pilit kong kinakalma.

Sa mundong ‘to, wala akong may maipagmamayabang kundi ang kakayahan ko lamang na magtiis sa pagtrato nila sakin.

Pinahid ko ang kaunting butil ng luha sa mata saka napagdesisyunang pumasok sa loob.

“Where have you been?” malamig ang boses na salubong ni Zion pagkapasok ko sa kwarto namin. “Hindi ka umuwi kagabi.”

Napahinto ako sa paglalakad. Bumilis ang pintig ng puso ko at kahit pilit kong kontrolin ang ekspresyon sa mukha ko, ramdam kong bahagyang namutla ako.

Muling bumalik sa isipan ko ang ginawa kagabi. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng guilt sa harap ng asawa ko.

“Anyway, dress up later at night. Hindi mo naman siguro nakalimutan na birthday ni Lolo, diba?” pag-iiba niya sa usapan at medyo nakahinga ako nang maluwag.

Kasalukuyan siya ngayong nag-aayos para pumasok sa trabaho.

“Oo naman.”

“Siyanga pala, hindi kita masasabayan mamaya dahil kasama ko si Thalia. Mag-commute ka na lang papuntang Haven Palace at tawagan ako pagkarating mo.”

Parang may kung anong kirot at karayom na tumusok sa puso ko pagkabanggit niya sa pangalan ni Thalia. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong sumagot, o magbingi-bingihan na lang.

“I’m planning to tell Lolo na maghihiwalay na tayo kaya ko gustong isama si Thalia mamaya.” walang emosyong sambit niya habang nakaharap sa salamin at inaayos ang suot niyang necktie.

Hindi na ako nagsalita pa at dumiretso sa bathroom. Ayokong pakawalan ang mga luha ko sa harap kaya minabuti kong magkulong na lang muna dito hangga’t hindi pa siya nakakaalis.

Ang sakit lang isipin na tuluyan na niya talagang tatapusin ang relasyon namin.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 13

    CELESTINE VIENNE“TELL ME,” panimula ni Mr. Reyes. Nakatayo siya sa harap ng kanyang desk habang nakahalukipkip ang mga braso at tila’y X-ray machine kung makatitig sakin. “Ano ‘yung nakita ko sa presentation mo kanina?”“Sir, I—I’m not sure how it got there. It wasn’t part of the original deck—”“Alam kong hindi ‘yun kasama sa deck,” singit niya. Matalim ang kanyang tono pero nanatiling kalmado ang boses. “I wouldn’t have approved a slide with a banana wearing sunglasses dancing in front of Vanguard’s board of directors.”Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Sana lamunin ako ng lupa, ngayon din.“Sir, it might’ve been a file corruption—”“Corruption?” napailing siya. “May nangyayaring file corruption na naglalagay ng animated fruit sa PowerPoint? Bago ‘yan sa IT.”Tumingin siya saglit sa screen ng computer niya, pagkatapos ay muling binaling ang tingin sa akin.“You’re lucky. The Chairman and the CEO didn’t walk out,” dagdag pa niya. “And for some reason, Mr. Caelan Delgado seems to t

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 12

    CELESTINE VIENNEBAGO pa man ako makapasok sa loob ng conference room, hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Caelan.“What’s up, Vienne. Nagkita ulit tayo?”I’m not in the mood para sabayan ang trip ng lalaking ‘to. But since this guy is rumored as a new replacement for CEO position, I should be on his good side.“Good morning, sir.” pormal kong bati sabay yuko.Paniguradong nandito siya to attend the presentation.Bahagyang natawa si Caelan, may pilyong ngiti sa labi niya. “Nah, you’re making me feel old by calling me sir.”Bago pa man ako makasagot, biglang dumating si Zion—his presence as commanding as ever.“The presentation is about to start any minute,” he said coolly, his tone devoid of warmth. Mabilis niya kaming pinasadhan ng tingin ni Caelan bago muling magsalita. “Did I interrupt you both?”Napahigpit ang hawak ko sa folder at halos bumaon ang mga daliri ko sa gilid nito. Hanggang ngayon nandito pa rin ang bigat ng pakiramdam ng sagutan namin kanina.“If you’ll excuse me

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 11

    CELESTINE VIENNE“Tawag ka ni Boss D.” bungad kaagad ni Elle pagkapasok ko sa opisina namin. Hawak-hawak niya ang laptop sa kanang bahagi ng kamay niya habang cup of coffee naman sa kabila.“Teka, anyare sa’yo?” nag-aalalang tanong niya, marahil halata pa rin na kagagaling ko lang sa pag-iyak. “Mukha kang giniba ng bagyo sa hitsura mo. Ayos ka lang ba?”“I’m fine,” pagsisinungaling ko at nilagpasan siya.May kung ano pa siyang sinabi pero hindi ko na pinansin at dumiretso patungo sa inner office para puntahan si Mr. Reyes, yung PMO Director namin.Pinilit kong i-neutralize ang ekspresyon ko bago binuksan ang frosted glass door. Bawal ang personal na emosyon dito.“Miss Hervilla,” sabi ni Mr. Reyes nang makapasok ako. “I’m glad you’re here,” dagdag pa niya at kinuha ang isang folder sa table niya saka muling tumitig sakin.“Good morning po, sir.” bati ko.“Good morning. Anyway, you’ll be presenting the Sapphire Heights proposal this morning. The board expects a comprehensive walk-throu

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 10

    CELESTINE VIENNE“I KNOW! THAT’S WHY I FCKIN’ NEED IT!”Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa pinto ng opisina ni Zion, iyan kaagad ang narinig ko sa kanya habang may kausap siya sa telepono.Kumatok pa ako ng tatlong beses kahit bukas na ang pinto, just to get his attention.“You asked me to come,” sabi ko nang sa wakas ay tumingin siya sakin.Nananatiling nakakunot ang noo niya, halatang hindi pa rin nawawala ang init ng ulo. Ilang segundo pa bago niya ibinaba ang telepono—medyo madiin pa ang pagpatong nito sa mesa.Sino kaya ang kausap niya at ganun na lang ang galit niya?“Bakit mo ba ako pinatawag?” tanong ko habang nagsisimulang maglakad papunta sa mahabang sofa. Umupo na ako kahit hindi pa siya nagsasabi.“I need your help.”Napaangat ako ng tingin, tila hindi makapaniwala sa narinig ko.Seryoso ba ‘to?“Tulong saan?”Naglakad siya palapit din sa direksyon ko at umupo rin sa kaharap kong sofa. “Kailangan kong makausap si Lolo. He’s considering removing me as CEO and I need you

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 9

    CELESTINE VIENNETAHIMIK buong byahe papunta sa main office building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.Sino ba naman ang hindi tatahimik matapos halikan ng siraulong nasa driver’s seat?Kung hindi ko lang kailangan ngayon ng masasakyan papuntang opisina, malamang binalibag ko na ’to.“Dito mo na lang ako ibaba.” sabi ko habang papalapit kami sa likurang bahagi ng main office building, malapit sa side entrance na halos walang dumadaan.Ayokong may makakita sa akin na bumaba mula sa kotse ng lalaking kasama ko.“Doon na lang sa parking—”“Hindi na,” putol ko agad, sabay tingin sa unahan.“Fine,” aniya sa mababang tinig saka inihinto ang kotse. “Parang kinakahiya mo yata na kasabay ako.”Kunot noo akong napabaling sa kanya. “Ganun na nga,” pabalang kong sagot, making his face twist in irritation.“Grabe, ikaw na nga ‘tong hinatid ko,”Hindi ko na siya pinansin at binuksan ang pinto sa passenger seat. “Salamat na lang,” sabi ko at tinalikuran siya.“Wala man lang bang kiss?” dinig kong h

  • ONE SINFUL NIGHT: Dangerous Obsession (SPG/R-18)   KABANATA 8

    CELESTINE VIENNE PASADO alas sais na nang magising ako at wala na si Zion sa tabi ko. Siguro on the way na siya papuntang office dahil lagi namang maaga kapag umaalis ‘yon.Bumangon ako para makapaggayak papuntang trabaho.Ilang araw din akong hindi pumapasok dahil binabagabag ako sa divorce na gustong mangyari ni Zion, pero wala siyang kaalam-alam. Kaya kung sakaling umabsent na naman ako ngayong araw, baka malaman na niya at sisantehin ako.Sarado ang puso nun pagdating sakin e, kaya paniguradong hindi siya magdadalawang isip at tanggalin ako sa trabaho.Pagbaba ko sa hagdan, dumiretso ako sa kusina para kumain muna bago pumasok, ngunit hindi ko inaasahang maabutan si Zion na nakaupo sa paborito niyang spot tuwing umaga.Napatingin ako sa wristwatch na suot, bago muling bumaling sa kanya. Nagkakape siya habang abala sa kung ano mang binabasa sa hawak na iPad.Mag-aalas syete na’t nandito pa rin siya? Bago ‘to ah.“Morning,” bati ko sa kanya.Binalingan niya ako saglit at tinanguan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status