เข้าสู่ระบบPatuloy ang payapang araw sa maliit na bayan. Si Alexander ay laging naroon sa buhay nina Selena at ng magkambal. Araw-araw ay dumadaan siya sa cafe, tumutulong sa gawain, at nagbibigay ng oras para makausap sila.Walang araw na hindi siya lumapit sa mga ito .Hindi nakaligtaan ito ni Michael na matagal na silang kasama at parang kapatid na ang turing sa isa’t isa.Napapansin niya ang pagiging malapit ng dalawa at mukhang malapit ng mahulog si Selena kay Alexander na hindi pa nila lubusan kilala .Isang hapon, habang nagpapahinga sila sa tabi ng farm pagkatapos mag-ayos ng pananim, nagsalita si Michael nang dahan-dahan.“Selena, napapansin mo ba ‘yung paraan ng pagtingin sa’yo ni Alex?”Huminto si Selena sa pag-inom ng tubig at tumingin sa kaibigan niya. “Mabait lang naman siya, Michael. Tumutulong siya at kaibigan lang namin.”Umupo si Michael sa tabi niya at ngumiti nang bahagya pero seryoso ang usapan.“Alam ko na mabait siya. At alam ko rin na wala siyang masamang balak. Pero hind
Patuloy pa rin ang araw-araw ni Xander sa pagpapanggap bilang Alexander Gray. Habang unti-unti nang tumatibay ang tiwala ni Selena sa kanya, hindi niya kailanman binabalewala ang paalala sa sarili niya walang bagay na nananatiling lihim habambuhay.Isang hapon, habang nag-aayos ng mga gamit sa cade biglang may dumaan na isang lalaki na hindi pamilyar sa bayan ,nalagi na sya sa cafe para tumulong pag wala syang magawa. Napasilip sya sa pumasok na tao na hindi bumili ng kahit ano, basta tumingin lang sa paligid na para bang maumy hinahanap . Nang magtagpo ang tingin nila , may kakaibang ngiti ang ibinigay ng lalaki bago tuluyang umalis.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Alam niya ang itsura ng mga tauhan ni Jaime nakasanayan na niya ito sa loob ng maraming taon. Masama ang kanyang kutob mukhang may ideya na ang mga ito na nandito sya sa bansa .Hindi pwedeng mangyari ang nasa isip niya panigurado sisirain ni Jaime ang kanyang plano para mapasakanya ang lahat ng meron ang
Tuwing nababagot si Xander sa inuupahan niyang apartment gawain na niya tuwing umaga na dumadaan sa cafe para doon mag almusal at nakikipag usap narin kay Selena ganun din ang matandang babae na boss nito.Madalas ay may dala siyang bagong kaalaman o simpleng tulong para sa business nila. Hindi niya pinapakita na may alam siya tungkol sa negosyo o kapangyarihan simple lang ang binabahagi niya dahil sa paningin ng lahat, siya ay isang taong marunong, mabait, at laging handang tumulong.Isang hapon na walang masyadong customer sa tindahan, naiwan silang dalawa ni Selena. Nag-aayos siya ng mga istante habang si Selena ay nagsusulat ng listahan ng kailangan para sa susunod na linggo.“Selena,” panimula ni Alex nang dahan-dahan. “Napansin ko na lagi mong inuuna ang iba bago ang sarili mo. Lagi kang nagpupuyat, laging naghahanap ng paraan para maging maayos ang lahat. Pero hindi ba nakakapagod din ‘yan ..hindi mo ba naisipan na maghanap ng magiging katulong mo ?" Huminto si Selena sa pagsu
Dalawang buwan na sya sa america at naging maayos lahat ng kanyang plano .Pagbaba niya ng kotse napatigil sya habang hawak ang isang box at bulaklak na binili niya kanina. Hindi siya padalos-dalos lumapit. Sa halip, dahan-dahan lang ang lahat parang pinapakita niya na nandiyan siya hindi para maging kaaway o katakutan nila, kundi para maging kapaki-pakinabang at kaibigan. Tinignan niya ang oras at maghahapon na tumingin sya sa gusaling madalas niyang tambayan, nasa cafe lang mag-isa si Selena at nag-aayos ng mga paninda nang dumating si Alexander. May dala siyang maliit na kahon at simpleng bulaklak . Hindi niya pinahalata na para kay Selena ang mga iyon dahil baka umiwas ito sa kanya. “Selena, may dala l ako para sa’yo,” bati niya habang inilalapag ito sa counter. "Nakita ko kanina at naisip ko, baka magandang idagdag sa paligid niyo.”pagdadahilan niya sa bulaklak para hindi makahalata si Selena ngayon niya lang ito nagawa sa buong buhay niya .Mga babae ang kusang lumalapit sa
Ilang linggo na ang lumipas mula nang lumipat si Xander sa america . Sa pangalang Alexander Gray, naging pamilyar na siya sa lahat ng nakatira dito. Araw-araw ay pumupunta siya sa cafe kung saan nagtatrabaho si Selena, hindi lang para bumili kundi para magmasid at unti-unting lumapit sa kanila. May tauhan rin sya na kunwaring kausap niya sa negosyo para hindi makahalata si Selena .Isang hapon, habang naglalaro sa harap ng bahay ang magkambal na sina Theo at Tala at dalawa pang batang lalaki lumapit si Alexander sa kanila may dalang dalang libro at simpleng gamit.“Hi guys, busy kayo?” bati niya sabay ngiti Tumigil si Theo sa pagtataas ng bola at tumingin sa kanya. “Not really. Nagpapahinga lang po kami after playing basketball. You’re the new guy sa kwarto sa taas, ‘di ba po?” hanga si Xander dahil kahit papaano marunong parin magtagalog ang mga bata .Halatang maraming pinoy ang nakatira sa bayan na kinaroroonan niya ngayon na syang nakatira sila Selena ."mister Gray are you busy
Ilang taon ang lumipas. Lalong tumindi ang hidwaan sa pagitan ni Xander at ni Tiyo Jaime niya . Habang papalapit ang takdang oras na itinakda ng matandang Voss para sa testamento, lalong naging desperado si Xander. Alam niya na kapag hindi niya natagpuan ang mga anak ni Damien si Jaime na ang makakakuha ng buong kapangyarihan at yaman ng mga Voss ang lahat ng pinaghirapan niya ay mawawala na.Para sa kanya madaya ang bagay na iyon .Bakit nagbigay ng kondisyon ang matandang iyon gayong sya ang maraming alam tungkol sa kompanya ng mga Voss ar ari arian ng mga ito . “Hindi sila pwedeng magtago magpakailanman,” bulong ni Xander habang pinag-aaralan ang dokumento na nakuha ng mga tauhan niya . “At hindi na ako pwedeng maghintay pa.” Sa halip na magpadala ng malaking grupo ng tauhan na madaling makikilala at magbibigay ng hinala, gumawa siya ng ibang desisyon. Maglalakbay siya nang mag-isa, magpapanggap na ibang tao, at papasok sa buhay nila nang walang sinuman ang maghihinala sa tunay
Nang tuluyang maisara ang pinto, ibinaba ko ang tingin sa dokumentong hawak ko. Ang bawat salita ay tila nakaukit na sa aking isipan — hindi lamang ito basta huling habilin, ito ay isang bitag na matalinong inilagay ni Lolo. "kahit hindi kayo patay I know sa akin niyo ipapaako ang mga anak ni Dami
*Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan* Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papu
*Damien POV Kinabukasan. 5:43 AM. Hindi pa ako natutulog hindi ko magawang matulog dahil madami akong iniisip kung paano ko makuha si Selena .Nasa library ako madiilim . Isang ilaw sa lamesa. Para akong seryoso sa buhay dahil sa ginagawa ko . Wala naman akong problema dahil meron naman si Xan
*Xander POV Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo







