เข้าสู่ระบบ*Xander POV
Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo . Napahinto ako sa tapat ng kotse. Susian sa kamay. Pero hindi ko pa binubuksan.. Pero bakit ganun ang mukha ni Damien kanina? Parang may kasalanan. Parang may tinatago. Napailing ako. Wala naman ako dapat pakialam pa. Ako si Xander. Hindi tunay na Voss kaya wala akong pakialam kung ano man ang problema ng mga ito huwag lang tungkol sa kompanya. Pinisil ko ang susi. Sumandal sa upuan ng kotse at humingang malalim .Pagud na ako sa pamilyang ito pero kailangan kong makibagay dahil kung hindi dahil sa kanila wala ako sa position na ito . May Meeting ulit ako bukas. 8AM. Voss Tower final inspection. Kailangan fresh ako. Kailangan presentable.Para magawa ng maayos ang dapat na trabaho . Pagod na ang utak ko mag-isip kung anong sikreto meron silang dalawa.Huwag lang nila ako pakialaman iyon na ang mahalaga . Pinaandar ko na ang kotse at tumingin sa rearview mirror, huling sulyap ko sa east wing. Madilim kwarto parin ang kwarto ni Damien. Mukhang seryoso ang usapan nilang dalawa .Bahala na sila. Importante ngayon: makapag pahinga na ako sa condo . Kasi bukas... trabaho ulit. Kumpanya. Proyekto. Pera. Yun lang ang mundo ko.Hindi sikreto at lalong lalo hindi madrama ang gusto kong buhay . Ingay ng gate. Tahimik ulit. Bukas na lang isipin yung kung ano man yun. Ngayon, pahinga muna. Pagpasok ko ng kwarto, bagsak ang katawan ko sa kama. Hindi pa nga ako nakakahubad ng suit . Pagod. Sobrang pagod. Voss Tower meeting bukas 8AM. Kailangan presentable. Kailangan gising. Pero bago pa ako makapikit... nag vibration ang phone ko sa bulsa. Marcus. Security ng club sa downtown. "The Vault." "Xander," boses niya sa kabilang linya. I"Nandito ka ba? May gulo." Napabalikwas ako ng upo. "Ano ka mo? Nasa bahay ako ngayon." bakit nagtatanong ito na naroon ako gayong matagal ng hindi ako tumutungo doon . "Tsk. nung isang araw . May lalaki. Naka-hoodie. Nagpakilala Xander Voss. Nang-away sa VIP. nagbasag ng bote. Sinira ang upuan. Tumakbo nung dumating pulis." Napahigpit ang hawak ko sa phone. "Anong pangalan gamit niya?" boses ko matamlay mukhang alam ko na . "Xander Voss. Sabi pa, 'Ako may-ari nito balang araw.'" napailing ako never ko yun gagawin . tumahimik ako ng tatlong segundo. Damien. !!!!!!!! Si Damien na naman. Hindi na bago to. Anim na buwan na nakalipas, ganito rin. Laseng. Gulo. Tapos pangalan ko ibinibigay sa pulis pag nahuli. "Xander Voss" mas malinis pakinggan. Mas madaling kalimutan. Mas walang record. Ako yung sumasalo ng kasalanan niya. Lagi. "Tinakpan ko muna," sabi ni Marcus. "Pero may CCTV. Pag hinanap ng pulis, pangalan mo ang lalabas." Binaba ko ang phone. Hindi ko na sinagot. Tumitig ako sa kisame. Hingang malalim .Hanggang kailan matatahimik ang buhay ko dahil sa Damien na yan Pagod na ako maging siya. Pagod na ako maging "spare". Siya yung gumagawa ng gulo. Siya yung nagbubuntis ng babae sa hotel. Siya yung kausap ni Lolo sa lahat ng kalokohan niya pero bakit walang alam ang matandan tungkol sa pinaggagawa ng apo nito Ako yung naglilinis. . Ako yung pangalan na mababasa sa police report. Napapikit ako. Walang tulog. Bukas may meeting ako. Bukas kailangan malinis ang pangalan ko.Nakakainis na pero wala akong magawa ni hindi ako makarelamovm "Gago," bulong ko sa dilim. Hindi kay Damien. Sa sarili ko. Dahil kahit alam ko kasalanan niya... ako pa rin maglilinis bukas. Gaya lagi. Pinikit ko ang mga mata ko Pilit matulog. kahit ilang minutos lang busog na ang mga mata ko Pero sa isip ko, isang tanong lang: Kailan ako titigil maging Xander para sa kanya? * 8:17 AM. Voss Tower. Opisina ko sa 32nd floor. Hindi pa ako tapos sa kape nung bumukas ang pinto. Walang katok. Gaya lagi.presko kung umasta. Damien. Naka-black suit. Bagong gupit at Amoy mamahaling na pabango. Nagagawa nitong gumastos sa gusto niya kahit wala itong hirap sa kompanya. Pagpasok ng kompanya laging Walang file. Walang papel. Kamay nasa bulsa lang. "May meeting ka 8:30," sabi ko. Hindi tumingin sa kanya. Tiningnan ko lang ang laptop. "Maikli na oras." Umupo siya sa tapat ng lamesa ko. Tumikhim. "Narinig ko kagabi," sabi niya. Boses mababa. Walang emosyon. "naayos muna ang gulo ko " mukhang proud pa ito kung pwede lang sana suntukin ang pagmumukha niya ginawa kona . Tumigil ako sa pag-type at Tumingin ako sa kanya. Diretso. "Xander yung ginamit mo. Hindi pangalan mo. Pangalan ko." Ngumiti siya. Maliit. Walang saya. Pangungutya. "Oo nga pala. Salamat," sabi niya. Dahan dahan. "Salamat sa paglilinis. Salamat sa pagtakip ag pag Ayos . Salamat sa pagiging Xander Voss para sa akin." Napahigpit ang hawak ko sa tasa. Mainit kape pero mas mainit ulo ang ko. "Lagi na lang," bulong ko. "Lagi na lang pangalan ko gamit mo pag may gulo." Tumayo siya. Lumapit sa bintana at tumalikod sa akin . "Eh sino pa ba?" sabi niya. Hindi lumingon. "Ikaw yung mabait. Ikaw yung paborito ni Lolo ikaw ang gusto sa board meetings. Ikaw yung malinis ang record. Ako? Ako yung Damien na umalis anim na buwan. Ako yung may dalang gulo lagi" sa isip ko buti alam mo!" Bumalik ang tingin niya sa akin. Matalim na para bang kasalanan ko pa ang pagiging pasaway nito . "Kaya salamat talaga, Xander. Kasi kung wala ka... kulong ako ngayon." ngumisi lang ako .Kung pangalan nito ang gamit niya sa gulo sino ba sya para tulungan ko. Kaya may pagkamatalino din ang taong ito .Pwede ko naman idemanda sa paggamit niya sa pangalan ko ngunit hindi pwede dahil ma stress lang si lolo at baka maaga itong mamatay dahil sa akin . Hindi ako sumagot. Gusto ko sumigaw. Gusto ko sabihin: Pagod na ako. Pero wala. Tumango lang ako. Peke ang pinapakita ko sa kanya ngayon "Sige. Next time gamit ka ibang pangalan. Nauubos na pangalan ko." Tumawa siya. Isang beses lang. Hindi iyon biro para sa akin pero mukhang biro sa mokong na ito . "Walang ibang pangalan kasing linis ng sayo, kapatid." Kapatid. Yun lang binanggit niya. Tapos tatalikod at aalis .Walang sorry lagi nalang . Walang seryosong pasalamat. Pero sanay na ako .Ano pa ang aasahan ko sa isang VOss . Pagkasara ng pinto, naiwan ako. Kape ay malamig na.Sa isip ko, isang pangalan umuulit Selena. !!!! Naririnig ko kagabi usapan nila ni Lolo. "Kunin mo..." at Selena sino ang taong ito. Bakit ba naman kasi hindi ko gaano narinig ang iba nilang usapan .para sana hindi ako mapapatanong ngaun . Kunin ano? Babae? At bakit parang may kinalaman ako dito? may pakiramdam ako parang may kinalaman na naman ako pag si Damien ang gumalaw at may kalokohan. Napapikit ako. Pagod na talaga. ang dami ko ng iniisip dumagdag pa ang Damien na yan.Gusto kong matulog at magpahinga Pero may meeting pa rin mamaya.Pag-uwi niya sa bahay, sinalubong siya ni Selena nang mahigpit na yakap. Ramdam niya ang kapayapaan na matagal na niyang hinahanap. Wala nang nagbabantang sikreto, wala nang banta na nakabitin sa kanilang ulo. Sa wakas, makakahinga na siya nang maluwag.“Tapos na ba ang lahat, mahal,” bulong ni Selena habang hinahaplos ang kanyang likuran. “Makakapahinga ka na.”alam niyang may gulong nagaganap sa kompanya dahil nasabi ni Xander sa kanya ngunit pahapyaw lang na kwento . “Oo, makakapahinga na,” sagot ni Xander, bagama’t sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang hindi pa lubusang tapos ang lahat. Si Jaime ay malaya pa rin, at ang dahilan kung bakit tahimik si Jestony ay nananatiling isang misteryo. Ngunit sa ngayon, pipiliin muna niyang magpasalamat sa kapayapaang dumarating. Ang laban para sa katotohanan ay maaaring hindi pa tapos, pero sa sandaling ito, sapat na ang alam niyang ligtas ang kanyang pamilya at malinaw ang kanyang pangalan.Sa loob ng kulungan, habang nakatingin si Jesto
Nasa gitna ng masinsinang pag-uusap si Xander kasama ang mga taong ipinagkatiwala niya sa paghahanap kay Jaime. Nakalatag sa mesa ang mga mapa at mga impormasyon na kanilang nakalap tungkol sa mga posibleng pinagtataguan nito. Seryoso ang mukha ni Xander habang nakikinig sa mga ulat ng kanyang mga tauhan.“Magaling ang inyong ginagawa. Huwag kayong magpapahinga hangga’t hindi natin siya nahuhuli. Ang bawat oras na malaya pa siya ay panganib para sa ating lahat,” seryosong bilin ni Xander sa kanila.Sa sandaling iyon, dahan-dahang lumapit sa kanya ang isa sa kanyang mga tauhan. May kakaiba itong ekspresyon sa mukha halatang may mahalaga at hindi inaasahang balita na ibabalita. Lumapit ito nang mas malapit at bumulong nang mahina para sila lang ang makarinig.“Sir… may nakita po kami. Hindi po namin inaasahan, pero sigurado po kami sa aming nakita. Nandiyan po si Ma’am Selena. Nakita namin siyang nakatago sa likod ng malaking puno, malapit sa pasukan dito. Mukhang… sinusundan po kayo, S
Lingid sa kaalaman ni Xander, simula noong araw na iyon ay hindi na lubusang naging payapa ang isip ni Selena. Hindi dahil hindi niya pinagkakatiwalaan ito , kundi dahil sa mga maliliit na bagay na unti-unting napapansin niya mga bagay na dati ay hindi niya pinapansin, ngunit ngayon ay tila may ibang ibig sabihin.Napansin niyang madalas na parang may malalim na iniisip si Xander. Kapag magkausap sila, minsan ay tila wala ang isip nito sa kanya, na parang may ibang bagay na mas mabigat ang kinakaharap. May mga gabi ring bigla na lamang itong babangon at lalabas ng kwarto, na sinasabi lamang na may tatawagan siya sandali o titingnan lang ang mga papeles na hindi naman niya madala sa kwarto dati. Isang hapon, habang naghahanda sila ng hapunan, sinubukan ulit ni Selena na magtanong.“Mahal… may balita na ba sa mga pulis tungkol sa taong iyon ? Matagal-tagal na rin naman mula nang mahuli si Jestony. Hindi ba’t dapat may alam na sila kung saan siya nagtatago?” tanong ni Selena habang inil
Pag-uwi niya sa bahay, sinalubong siya ni Selena nang mahigpit na yakap. Ramdam niya ang kapayapaan na matagal na niyang hinahanap. Wala nang nagbabantang sikreto, wala nang banta na nakabitin sa kanilang ulo. Sa wakas, makakahinga na siya nang maluwag.“Tapos na ba ang lahat, mahal,” bulong ni Selena habang hinahaplos ang kanyang likuran. “Makakapahinga ka na.”alam niyang may gulong nagaganap sa kompanya dahil nasabi ni Xander sa kanya ngunit pahapyaw lang na kwento . “Oo, makakapahinga na,” sagot ni Xander, bagama’t sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang hindi pa lubusang tapos ang lahat. Si Jaime ay malaya pa rin, at ang dahilan kung bakit tahimik si Jestony ay nananatiling isang misteryo. Ngunit sa ngayon, pipiliin muna niyang magpasalamat sa kapayapaang dumarating. Ang laban para sa katotohanan ay maaaring hindi pa tapos, pero sa sandaling ito, sapat na ang alam niyang ligtas ang kanyang pamilya at malinaw ang kanyang pangalan.Sa loob ng kulungan, habang nakatingin si Jesto
HIndi matanggap ni Jestony na nagiisa syang nagdudusa gayong dalawa silang nagplano .Kung alam niya lang sana ganito ang kanyang kahihinatnan sana di nalang sya sumunod sa ganoong plano .Nag isip sya ng paraan kung paano makausap ang kanyang kakampi laban kay Xander . Nang dumaan ang isang pulis malapit sa kanyang upuan, dahan-dahan siyang tumawag dito nang mahina. “Sir… pwede po bang makahiram ng telepono? May tatawagan lang po ako sandali. Mahalaga lang po talaga, makikiusap ako sa inyo. Mabilis lang naman po, pangako ko iyan,” pakiusap ni Jestony, halos nakaluhod na sa sobrang pagmamakaawa. Ang pulis, na hindi naman gaanong pamilyar sa detalye ng kaso at nakita ang labis na takot sa mukha ng suspek, ay nahabag nang bahagya. Ibinigay niya ang kanyang telepono matapos itong i-on at iniwan sandali si Jestony sa isang medyo liblib na bahagi ng silid. “Sige, mabilis lang ha? Hindi ako pwedeng magtagal na ibigay ito sa iyo,” paalala ng pulis bago lumayo nang kaunti. Nanginginig ang m
Hindi nag-aksaya ng oras si Xander. Agad niyang tinawagan ang mga kinauukulan. Bago pa man makalayo si Jestony sa gusali, dalawang pulis na ang naghihintay sa kanya sa labas ng pinto ng kumpanya. Nanlaki ang mga mata ni Jestony nang makita niya ang mga ito na lumapit sa kanya.“Arestado ka, Jestony Tim . May utos kami na dalhin ka sa istasyon para sa pagsisiyasat hinggil sa pagkawala ng malaking halaga ng pondo ng kumpanya at ang mga kaugnay na paninirang-puri,” sabi ng isa sa mga pulis habang ipinapakita ang dokumento.Hindi makapaniwala si Jestony. Lumaban siya, pilit na kumakawala sa paghawak ng mga pulis habang sumisigaw nang malakas.“Anong karapatan ninyo?! Ako ang namumuno rito! Si Xander ang may kasalanan! Siya ang nag-utos sa akin! Bitawan ninyo ako!” sigaw niya habang pilit siyang inilalapit sa sasakyan ng mga pulis.Naroon si Xander sa labas, nakatayo lamang at kalmadong pinagmamasdan ang lahat. Walang galak sa kanyang mukha, kundi lungkot lamang. Nang makita siya ni Xander
*Damien POV Kinabukasan. 5:43 AM. Hindi pa ako natutulog hindi ko magawang matulog dahil madami akong iniisip kung paano ko makuha si Selena .Nasa library ako madiilim . Isang ilaw sa lamesa. Para akong seryoso sa buhay dahil sa ginagawa ko . Wala naman akong problema dahil meron naman si Xan
*Damien POV - Continuation* Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae . Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan . Sa isip ko parin ang lahat . Selena
*Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan* Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papu
SELENA POV ***4:37 AM. Nanginginig ang kamay ko habang hawak yung pregnancy test. Dalawang pulang guhit. Maliwanag. Hindi pwedeng magkamali. _"Imposible..."_ bulong ko sa sarili. Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Isang estranghero na hindi ko nga maalala ang mukha ng buo... maliban sa mala







