เข้าสู่ระบบ
Samantala habang nakatanaw si Jaime sa bintana habang hawak ang isang baso ng alak sa kanyang kamay. Ang mukha niya ay seryoso, at ang kanyang mga kilay ay magkakunot. May ilang araw na siyang naghihintay ng balita balitang dapat ay hindi na niya kailangang abalahin ang sarili niya, pero ngayon ay tila may kakaibang katahimikan na bumabalot sa kampo ng kanyang kalaban.Lumapit sa kanya ang isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan. “May balita po ako, Sir Jaime. Wala pong kakaibang kilos na nakikita sa kumpanya ni Xander. parang Wala naman pinagkakabalahan" Ibinalik ni Jaime ang tingin mula sa bintana at tinitigan ang kanyang tauhan. Hindi siya naniwala sa sinabi nito. Hindi ganoon si Xander. Dahil kilala niya iyon kung mag isip. Ngayon, biglang titigil ang lahat? Biglang magiging payapa ang lahat na parang walang nangyari? Hindi iyon ang Xander na kilala niya.“Tahimik lang?” ulit ni Jaime, may diin sa bawat pantig ng salitang iyon. “Hindi ako naniniwala diyan. . Ang katahimi
Nang makarating si Xander sa hideout, agad na napansin ni Damien na may hindi tama. Magmula nang pumasok ang kapatid niya sa pinto, tila malayo ang isip nito. Madalas itong nakatingin sa kawalan, napapabuntong-hininga nang walang dahilan, at kapag kinakausap siya, minsan ay natatagalan pa bago siya sumagot na parang hindi nito narinig ang sinabi niya. Sa mga nakaraang araw na magkasama sila rito, hindi ganito si Xander. Laging seryoso, oo!!, pero laging may kislap sa mga mata na alam mong nakatutok ito sa inyong layunin. Ngayon, iba ang bigat na bumabalot sa kanya.Isang hapon, habang nagpapahinga sila pagkatapos pag-usapan ang ilang mga plano para sa kumpanya, hindi na nakapagpigil pa si Damien. Itinabi niya ang dokumentong hawak niya at tinitigan ang pinsan nang masinsinan.“Xander… matagal na kitang pinagmamasdan. Simula kahapon pa, parang hindi ka mapakali. Parang may kung anong bumabagabag sa iyo na hindi mo masabi,” panimula ni Damien nang mahinahon, ayaw niyang magtunog parang
Pagpasok na pagpasok ni Xander sa pintuan, agad na sinalubong siya ng mainit na ngiti ni Selena. Nasa sala sila ng kambal na masayang naglalaro sa sahig. Inaasahan ni Selena na yayakapin siya nito gaya ng dati, o kukumustahin ang araw nito. Pero iba ang ikinilos ni Xander. Ngumiti siya nang pilit isang ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata at tinapik lamang nang bahagya ang ulo ng mga bata bago tumungo sa kusina para uminom ng tubig.Sumunod ang tingin ni Selena sa kanya. May kakaiba. Hindi ito ang Xander na kilala niya.Makalipas ang ilang sandali, nang makatulog na ang kambal sa kanilang kwarto, saka lumapit si Selena kay Xander na nakaupo sa balkonahe, nakatanaw sa dilim ng gabi. Tahimik ito, tila ba may malalim na iniisip na ayaw niyang ipagkatiwala kahit kanino. Umupo si Selena sa tabi niya at hinawakan nang mahina ang kanyang braso.“Mahal… ayos ka lang ba? Simula nang umuwi ka kanina pa tahimik ka na. Parang malayo ang isip mo,” malumanay na tanong ni Selena.Napakurap si Xa
Nang masigurong komportable na si Damien sa kanyang silid, huminto sandali si Xander sa pintuan at lumingon pabalik sa kanya. Hinawakan niya nang bahagya ang gilid ng pinto at ngumiti nang may halong pag-aalala at pagtitiwala.“Magpapahinga ka muna dito, Damien. Walang ibang makakaalam na naririto ka. Ligtas ka dito,”seryosong saad ni Xander habang nililibot ang tingin sa buong kwarto.“Kailangan ko munang bumalik sa labas para ayusin ang lahat ang mga dokumento, ang impormasyon, at ang tamang panahon kung kailan kita ipapakita sa lahat. Hindi ito simpleng bagay na pwedeng isigaw agad sa buong mundo. Kapag nalaman nilang buhay ka na… alam nating magkakagulo. Kailangan nating maging handa sa lahat ng mangyayari.”Tumango si Damien habang nakaupo sa gilid ng kama. “Naiintindihan ko, Xander. Huwag kang mag-alala. Maghihintay ako dito. Salamat ulit sa lahat. Kung wala ka, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.”kinapa niya ang malambot na sapin ng kama .Ngayun lang sya ulit makakahiga
Matapos mapag-usapan ang tungkol sa eroplano at ang masakit na pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, huminga muna si Xander nang malalim bago ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin. Kitang-kita sa kanyang mukha ang bigat na pasan niya sa loob ng mahabang panahon. Umupo siya nang mas maayos at tumingin nang diretso sa mga mata ni Damien, tila sinisigurado niyang handa na itong marinig ang lahat. “Damien… hindi lang ang tungkol sa eroplano ang gusto kong malaman mo. May mga bagay ding nangyayari sa ating kumpanya noong mga nakaraang buwan na kailangan mong malaman ito para pag balik mo ay alam muna ang lahat. Dahil hindi ka lang basta nila kalaban ,,ang buong pamana ng Lolo natin ang gusto nilang angkinin,” panimula ni Xander. Napakunot ang noo ni Damien at sumandal sa likod ng upuan, habang nakatingin nang masinsinan sa pinsan. “Okay, tell me everything. I want to know what's going on while I'm gone. .” Dahan-dahang ikinuwento ni Xander ang lahat mula sa unang araw na napansin niya
Agad na iminungkahi ni Xander na sumakay sila sa kanyang sasakyan. Alam niyang hindi ligtas na magtagal sila sa paradahan kung saan maraming tao ang maaaring makakita sa kanila. Hindi pa panahon para ipagmalaki sa buong mundo na buhay pa ang taong akala nilang nawala na. Kailangan muna nilang makarating sa isang lugar kung saan ligtas nilang paguusapan ang tungkol kay Damien .Bumukas ang pinto ng sasakyan at nauna nang pumasok si Xander, sumunod naman si Damien. Pagpasok niya, sandali siyang tumingin sa paligid, tila hindi pa rin makapaniwala na kasama na niya ulit ang kanyang kapatid. Ang dalawang bodyguard ay sumakay sa sarili nilang sasakyan na nakasunod sa kanila, upang masigurong ligtas sila sa anumang abala.Nang makalapat na ang pinto, agad na ibinigay ni Xander ang utos sa kanilang driver.“sa hideout,” mahinahon ngunit seryosong utos ni Xander.Tumingin ang driver sa salamin at tumango. “Opo, Sir Xander. " Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Habang naglalakbay sila, tahi
*Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan* Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papu
*Damien POV Kinabukasan. 5:43 AM. Hindi pa ako natutulog hindi ko magawang matulog dahil madami akong iniisip kung paano ko makuha si Selena .Nasa library ako madiilim . Isang ilaw sa lamesa. Para akong seryoso sa buhay dahil sa ginagawa ko . Wala naman akong problema dahil meron naman si Xan
*Xander POV Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo
*Damien POV - Continuation* Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae . Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan . Sa isip ko parin ang lahat . Selena







