Mag-log inLaking tuwa ni Selena nang matanggap siya bilang sekretarya ni Ginoong Gavin. Ang kumpanya nito ay hindi kalayuan sa kanilang bahay, kaya hindi na siya mag-aalala na malayo sa kambal. Sa kanyang unang mga araw, masaya siya at masigla maayos ang pakikitungo sa kanya, at magaan ang kanyang mga gawain. Si Gavin ay napakabait at maunawain, kaya hindi nahirapan si Selena sa kanyang bagong trabaho.Hindi naman alam ni Selena na magiging madalas na bisita sa opisina ang mga tao mula sa Voss Corporation, dahil magkakampi at magkasosyo na ang kanilang mga kumpanya. At sa kabilang banda, hindi rin alam ni Damien na naroon si Selena tuwing pumupunta siya sa opisina ni Gavin para sa mga pagpupulong, lagi itong abala sa pakikipag-usap, at hindi pa sila nagkakasalubong ni Selena.Sa loob ng opisina, hindi pa nagkakasalubong ang dalawa. Hindi alam ni Selena kung sino ang mga madalas na bisita mula sa kabilang gusalit , at hindi rin alam ni Damien na naroon ang babaeng nabuntis niya noon . . Sa nga
Si Gavin ang may-ari at pinuno ng sarili niyang kumpanya isang matatag at kilalang negosyo na matagumpay niyang pinamamahalaan sa kanilang probinsya at nagkaroon na ito ng malaking branch sa lungsod kung saan naroroon sya ngayun . Matagal na itong nakikipag-ugnayan sa mga Voss, at ngayon ay opisyal na silang magiging magkasosyo sa isang malaking proyekto. Kaya naman nagpasya siyang magtungo sa lungsod upang dumalo sa mahalagang pagpupulong sa punong-tanggapan ng Voss Corporation.Maagang dumating si Gavin sa gusali. Nakasuot siya ng maayos at pormal, handang harapin ang mga bagong kasosyo. Ngunit habang naglalakad siya papalapit sa silid ng pagpupulong, bigla siyang huminto sa paglakad. Nanlaki ang kanyang mga mata at halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.Doon, nakatayo sa gitna ng mga matataas na opisyal at kausap ni Xander Voss ay si Damien.Si Damien ang taong inakala niyang nasa isla pa rin, ang lalaking naging karibal niya kay Clara . Tila hindi sya makapaniwala
Napansin na ni Selena na nitong mga nakaraang araw, halos hindi na nakakauwi nang maaga si Xander. Minsan ay hatinggabi na kung dumating ito, at madalas ay pagod na pagod pa. Kapag tinatanong niya kung ano ang nangyayari, lagi na lang nitong sinasabi na marami lang siyang inaasikaso sa kumpanya. Gusto pa sana niyang magtanong nang mas malalim, pero parang laging may pader sa pagitan nila nitong mga nakaraang araw.Sa araw, kapag nasa paaralan na ang kambal at tahimik na ang buong bahay, lalong nakakaramdam ng pag-iisa si Selena. Sanay siya na may ginagawa, sanay siyang may kausap at may inaasikaso. Pero dito sa bahay ni Xander, pakiramdam niya ay parang nakakulong lang siya. Maganda naman ang bahay, kumpleto ang kailangan, pero hindi iyon sapat para mapunan ang pagkabagot at ang pakiramdam na parang wala siyang silbi.Isang umaga, habang nakatingin siya sa labas ng bintana, bigla na lang pumasok sa isip niya bakit hindi ako maghanap ng trabaho?Matagal na rin siyang hindi nagtatrabah
Sa isang sulok ng malaking silid ng malaking gusali , nakatayo si Jaime. Ang kanyang mukha ay tila walang emosyon, pero sa likod ng kanyang kalmadong panlabas na anyo, nagngangalit ang kanyang isip at puso. Nakatingin siya kay Damien na nakangiti habang kinakausap ng iba pang mga miyembro ng kumpanya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Parang pinaglalaruan lang siya ng tadhana. Pitong taon na niyang inakala na wala na ang taong ito. Pitong taon niyang inayos ang lahat, at akala niya ay wala nang makakahadlang sa kanya. Ngunit ngayon, bigla na lang itong lumitaw buhay na buhay at wala man lang kulang sa katawan dahil sa pagsabog ng eroplano."Hindi ito totoo" "paulit-ulit na sinasabi ni Jaime sa kanyang sarili habang pilit na pinapanatili ang kanyang ngiti kapag may nakatingin sa kanya. Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya nang makita niyang magkatabi sina Xander at Damien. Noong una, akala niya ay si Xander lang ang kanyang kalaban at kahit iyon ay mahirap nang labanan
Maraming matataas na opisyal, mga miyembro ng lupon, at mga mahahalagang kasosyo ang naroon. Lahat sila ay nag-uusap, may nagtatawanan,, at may nagtatanong kung anong problema na naman ang kailangan nilang harapin. Halos puno na ang lahat ng upuan, at mabigat ang pakiramdam sa loob ng silid dahil nitong mga nakaraang buwan, marami na silang pinagdaanan na hindi maganda.Nang marinig nilang biglang nagpatawag si Xander ng pagpupulong, agad na nag-alala ang karamihn .Kilala nila ang presidente ng kompanya hindi ito magpapatawag ng meeting kung hindi mahalaga o nay problema ang paksa ng kanilang pag uusapan. “Anong nangyari lahat tayo nandito ..even the biggest investor?” bulong ng isa sa mga matandang miyembro habang inaayos ang kanyang salamin. “"I thought we would have sorted everything out after the Jestony case. Why is there another meeting?"saad naman ng isang amerikano na nasa tabi ni mister Ong ."well lahat tayo walang alam ... siguro may mahalaga lang itong ipapakita sa ati
Nanatiling nakatingin lang si Xander sa kapatid nitong abala sa pagsusulat .Ang kanyang mukha ay seryoso ngunit puno ng desisyon ang isip. Alam niya na hindi na pwedeng magtago magpakailanman si Damien. Ang katotohanan ay kailangan nang harapin, at ang tamang panahon ay dumating na.Gusto niyang lumabas na si Damien dahil ito ang totoong Voss panigurado mananahimik na ang lahat lalong lalo si Jaime pag lumabas na si Damien.Hindi magiging madali ngunit gusto niya mawala sa isip ng mga board ang tungkol sa mga bata . “Sa tingin ko, handa na ang lahat. Oras na para lumabas ka dito. Panahon na para bumalik ka sa kompanya.”panimula ni Xander, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may diin.Nanlaki ang mga mata ni Damien sa narinig. Hindi niya inaasahan na ganoon na kabilis ang pagkakataong iyon. “Ngayon na ba,? Sigurado ka na ba? Paano kung malaman ni Jaime na buhay ako? Hindi ba delikado para sa ating lahat?”Tumango si Xander at tinapik ang balikat nito upang iparamdam ang kanyang tiwala.
*Damien POV - Continuation* Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae . Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan . Sa isip ko parin ang lahat . Selena
SELENA POV ***4:37 AM. Nanginginig ang kamay ko habang hawak yung pregnancy test. Dalawang pulang guhit. Maliwanag. Hindi pwedeng magkamali. _"Imposible..."_ bulong ko sa sarili. Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Isang estranghero na hindi ko nga maalala ang mukha ng buo... maliban sa mala
*Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan* Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papu
*Damien POV Kinabukasan. 5:43 AM. Hindi pa ako natutulog hindi ko magawang matulog dahil madami akong iniisip kung paano ko makuha si Selena .Nasa library ako madiilim . Isang ilaw sa lamesa. Para akong seryoso sa buhay dahil sa ginagawa ko . Wala naman akong problema dahil meron naman si Xan







