LOGIN*Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan*
Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papunta sa Switzerland. Sabi ni Doc Ramirez kailangan ni Lolo ng malamig na hangin. May Board meeting sa Singapore, tapos diretso pahinga. Samantala Ako? maiiwan. Sanay na ako dahil simula palang naman noon tanging kompanya lang ng mga Voss ang handang tumanggap sa kanya. "Voss Tower inspection bukas, Xander," sabi ni Lolo kanina. "Ikaw mag-aasikaso. Hindi pwede lahat tayo mawala." as usual ako ang aasahan ni lolo sino pa nga ba . Tumango lang ako at Ngumiti ng Peke. Kahit kailan walang totoo sa pamilyang ito .Lahat ng meron ay peke. .Mabait sila sa akin dahil mapapakinabangan nila ang talino na meron ako. Pagkalabas nila ng mansion isa isang sumakay sa mga kotse na maghahatid sa kanila sa airport ,pag-andar ng mga kotse, tahimik ulit ang mansion. Tanging ako, apat na katulong, at dalawang guard sa gate lang ang naiwan kaya ayaw na ayaw ko mag stay sa lugar na ito dahil nakakabingi sa katahimikan. Masyadong tahimik. Kinuha ko ang phone ko Wala message si Damien. Wala rin kay Lolo. Pero may isa akong missed call. Unknown number. 8 AM. Hindi ko sinagot. Ilang minuto lang..may. text na pumasok. "Mag-isa ka na lang pala sa mansion, Xander Voss. Sayang. Daming pwedeng mangyari pag wala ang Don."_ Napahigpit ang hawak ko sa phone. Hindi si Tito Roderick ang may number to. Hindi si Damien. Lihim na kaaway. Nakinig sa plano. Alam na aalis sila. Alam na ako lang naiwan. Sino ang taong ito bakit parang alam niya lahat ng bawat galaw ng mga Voss at ano ang ibig sabihin na pag mawala ang Don . Tumingin ako sa labas ng bintana. Maliwanag pa Pero ramdam ko may nakatingin. May nagmamatyag sa bawat galaw ng tao dito sa mansion . Binalewala ko ang mensahe na iyon dahil kilala naman ang mga Voss na walang kinakatakutan . Nagpasya akong pumunta nalang ng kompanya para magtrabaho at paghandaan ang inspection bukas . ------ Damien POV 3:00 pm. 32,000 feet sa itaas ng South China Sea. Walang turbulence. Walang warning. Isang malakas na ugong lang mula sa kaliwang makina ng private jet ng mga Voss. Ang Lolo ko nakaupo sa unang hilera. Tulog at nasa tabi niya ang baston nitom Ang kanyang nurse ang katabi nito mata nakapikit pero mukhang gising naman . Napatingin ako kay tito Roderick tulog rin. Medyo late kami sumakay dahil nagkataon n may kinausap si lolo nung nasa airport kami . Ilang sandali pa biglang Sumabog ang ilaw sa cabin.. Pitik ng seatbelt. Nag-ikot ang eroplano. Medyo kinabahan ako sa nangyayari.Napatingin ako kay lolo inaalalayan ng nurse nito.Sa tito ko na gulat din sa nangyari .Naka condition naman ang jet na ito pero bakit nagkaproblema . "Mayday! Mayday! Engine failure!" sigaw ng piloto. Huling salita bago na putol ang radyo. Kahit anong dasal ko nanatiling umaalog ang sinasakyan namin .Katapusan naba namin ,ako katapusan ko na ba .Paano na ang magiina ko Napatingin ako kay lolo tulad ko nagpapanic na rin .Hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang sumunod na nangyari . Kung ito na ang katapusan namin bahala na ang dyos . Unti unting pumikit ang aking mga mata pero ang huli kong nakita bago pumikit ay ang masukal na gubat wasak na jet at hindi ko alam kung saan ang ibang mga kasama ko. Nasaan si lolo ,at tito ko ang piloto at nurse at iba pa .Naiyak ako sa sakit na natamo ko pero hanggang dito nalang siguro ako Kailangan ko ng pumikit dahil nanghihina na ang katawan ko . --- Third person*** 3:52 AM. Mansion sa Manila. Tahimik lang. Si Xander nakaupo sa sala. Kape niya ay malamig na sa lamesa. Phone ang hawak. Hindi muna sya namalagi sa kanyang condo dahil walang magbabantay ng mansion . Naisip niya ano nalang kaya kung mapasaknya ang lahat ng ari arian ng mga Voss. Agad syang umiling hindi ganun ang pangarap na gusto niya. Kaunti nalang matutupad na ang sarili niyang kompanya .Pero paano ang pinaghirapan niya sa mga Voss ..thank you nalang ba !!!! Wala siya kaalam-alam. Wala siyang balita. Wala siya alam na sa loob ng limang minuto, nawala ang buong pamilya niya sa ere. Wala siyang alam na yung text na natanggap niya kanina... hindi lang banta. Simula na yun. Sa gate, dalawang guard lang. Tulog ang isa. Sa kabilang kanto, blue gate. Si Selena tulog din. Hawak tiyan. Dalawang sipa kanina. Hindi niya alam na yung ama ng anak niya... nasa ilalim na ng dagat ngayon. Sa TV, patuloy pa rin ang weather report. "Malinis na kalangitan. Walang ulan." napailing sya sa balita maayos naman talaga ang panahon.Saad ng kanyang isipan . Nag-iisa. Walang Don. Walang Damien. Walang hadlang. Tanging siya na lang ang Voss na gising. Hindi niya alam. Pero bukas ng umaga... malalaman ng buong mundo sa naganap.Nanatiling nakatingin lang si Xander sa kapatid nitong abala sa pagsusulat .Ang kanyang mukha ay seryoso ngunit puno ng desisyon ang isip. Alam niya na hindi na pwedeng magtago magpakailanman si Damien. Ang katotohanan ay kailangan nang harapin, at ang tamang panahon ay dumating na.Gusto niyang lumabas na si Damien dahil ito ang totoong Voss panigurado mananahimik na ang lahat lalong lalo si Jaime pag lumabas na si Damien.Hindi magiging madali ngunit gusto niya mawala sa isip ng mga board ang tungkol sa mga bata . “Sa tingin ko, handa na ang lahat. Oras na para lumabas ka dito. Panahon na para bumalik ka sa kompanya.”panimula ni Xander, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may diin.Nanlaki ang mga mata ni Damien sa narinig. Hindi niya inaasahan na ganoon na kabilis ang pagkakataong iyon. “Ngayon na ba,? Sigurado ka na ba? Paano kung malaman ni Jaime na buhay ako? Hindi ba delikado para sa ating lahat?”Tumango si Xander at tinapik ang balikat nito upang iparamdam ang kanyang tiwala.
Hindi nagtagal at kumalat na naman ang isang usap-usapan sa loob ng kumpanya. May mga taong pilit pa ring naghahanap ng butas kay Xander para makababa sa pwesto niya sa kompanya Kahit na naayos na ang mga isyu tungkol sa nawawalang pera, may mga bulung-bulungan pa rin na naririnig sa mga pasilyo ng gusali. Isang araw, habang nasa meeting ang mga board , isa sa kanila ang nagbanggit ng bagay na hindi inaasahan ni Xander. “Xander, alam namin na matagal mo nang pinamamahalaan ang kumpanya nang maayos. Pero may isang bagay na matagal na naming hindi nababanggit, ” panimula ng isa sa mga direktor nang seryoso. “Lahat naman tayo ay alam na ang mga Voss ang nagtatag at nagmamay-ari ng negosyong ito. At alam din natin na ang susunod na tagapagmana ay dapat ang mga anak ng pamilya o totoong Voss . Ngayong lumipas na ang mahabang panahon, marami na ang nagtatanong nasaan na ang mga tunay na tagapagmana? Bakit hindi pa rin namin sila nakikita kahit minsan man?”tila timigil ang paligid ni
Samantala habang nakatanaw si Jaime sa bintana habang hawak ang isang baso ng alak sa kanyang kamay. Ang mukha niya ay seryoso, at ang kanyang mga kilay ay magkakunot. May ilang araw na siyang naghihintay ng balita balitang dapat ay hindi na niya kailangang abalahin ang sarili niya, pero ngayon ay tila may kakaibang katahimikan na bumabalot sa kampo ng kanyang kalaban.Lumapit sa kanya ang isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan. “May balita po ako, Sir Jaime. Wala pong kakaibang kilos na nakikita sa kumpanya ni Xander. parang Wala naman pinagkakabalahan" Ibinalik ni Jaime ang tingin mula sa bintana at tinitigan ang kanyang tauhan. Hindi siya naniwala sa sinabi nito. Hindi ganoon si Xander. Dahil kilala niya iyon kung mag isip. Ngayon, biglang titigil ang lahat? Biglang magiging payapa ang lahat na parang walang nangyari? Hindi iyon ang Xander na kilala niya.“Tahimik lang?” ulit ni Jaime, may diin sa bawat pantig ng salitang iyon. “Hindi ako naniniwala diyan. . Ang katahimi
Nang makarating si Xander sa hideout, agad na napansin ni Damien na may hindi tama. Magmula nang pumasok ang kapatid niya sa pinto, tila malayo ang isip nito. Madalas itong nakatingin sa kawalan, napapabuntong-hininga nang walang dahilan, at kapag kinakausap siya, minsan ay natatagalan pa bago siya sumagot na parang hindi nito narinig ang sinabi niya. Sa mga nakaraang araw na magkasama sila rito, hindi ganito si Xander. Laging seryoso, oo!!, pero laging may kislap sa mga mata na alam mong nakatutok ito sa inyong layunin. Ngayon, iba ang bigat na bumabalot sa kanya.Isang hapon, habang nagpapahinga sila pagkatapos pag-usapan ang ilang mga plano para sa kumpanya, hindi na nakapagpigil pa si Damien. Itinabi niya ang dokumentong hawak niya at tinitigan ang pinsan nang masinsinan.“Xander… matagal na kitang pinagmamasdan. Simula kahapon pa, parang hindi ka mapakali. Parang may kung anong bumabagabag sa iyo na hindi mo masabi,” panimula ni Damien nang mahinahon, ayaw niyang magtunog parang
Pagpasok na pagpasok ni Xander sa pintuan, agad na sinalubong siya ng mainit na ngiti ni Selena. Nasa sala sila ng kambal na masayang naglalaro sa sahig. Inaasahan ni Selena na yayakapin siya nito gaya ng dati, o kukumustahin ang araw nito. Pero iba ang ikinilos ni Xander. Ngumiti siya nang pilit isang ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata at tinapik lamang nang bahagya ang ulo ng mga bata bago tumungo sa kusina para uminom ng tubig.Sumunod ang tingin ni Selena sa kanya. May kakaiba. Hindi ito ang Xander na kilala niya.Makalipas ang ilang sandali, nang makatulog na ang kambal sa kanilang kwarto, saka lumapit si Selena kay Xander na nakaupo sa balkonahe, nakatanaw sa dilim ng gabi. Tahimik ito, tila ba may malalim na iniisip na ayaw niyang ipagkatiwala kahit kanino. Umupo si Selena sa tabi niya at hinawakan nang mahina ang kanyang braso.“Mahal… ayos ka lang ba? Simula nang umuwi ka kanina pa tahimik ka na. Parang malayo ang isip mo,” malumanay na tanong ni Selena.Napakurap si Xa
Nang masigurong komportable na si Damien sa kanyang silid, huminto sandali si Xander sa pintuan at lumingon pabalik sa kanya. Hinawakan niya nang bahagya ang gilid ng pinto at ngumiti nang may halong pag-aalala at pagtitiwala.“Magpapahinga ka muna dito, Damien. Walang ibang makakaalam na naririto ka. Ligtas ka dito,”seryosong saad ni Xander habang nililibot ang tingin sa buong kwarto.“Kailangan ko munang bumalik sa labas para ayusin ang lahat ang mga dokumento, ang impormasyon, at ang tamang panahon kung kailan kita ipapakita sa lahat. Hindi ito simpleng bagay na pwedeng isigaw agad sa buong mundo. Kapag nalaman nilang buhay ka na… alam nating magkakagulo. Kailangan nating maging handa sa lahat ng mangyayari.”Tumango si Damien habang nakaupo sa gilid ng kama. “Naiintindihan ko, Xander. Huwag kang mag-alala. Maghihintay ako dito. Salamat ulit sa lahat. Kung wala ka, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.”kinapa niya ang malambot na sapin ng kama .Ngayun lang sya ulit makakahiga
*Damien POV Kinabukasan. 5:43 AM. Hindi pa ako natutulog hindi ko magawang matulog dahil madami akong iniisip kung paano ko makuha si Selena .Nasa library ako madiilim . Isang ilaw sa lamesa. Para akong seryoso sa buhay dahil sa ginagawa ko . Wala naman akong problema dahil meron naman si Xan
*Xander POV Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo
*Damien POV - Continuation* Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae . Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan . Sa isip ko parin ang lahat . Selena
SELENA POV ***4:37 AM. Nanginginig ang kamay ko habang hawak yung pregnancy test. Dalawang pulang guhit. Maliwanag. Hindi pwedeng magkamali. _"Imposible..."_ bulong ko sa sarili. Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Isang estranghero na hindi ko nga maalala ang mukha ng buo... maliban sa mala







