Inicio / Romance / OUR FATHER THE STRANGER / CHAPTER 21 "pagbibigay tiwala

Compartir

CHAPTER 21 "pagbibigay tiwala

Autor: lhyn
last update Fecha de publicación: 2026-06-28 13:35:40

Patuloy ang payapang araw sa maliit na bayan. Si Alexander ay laging naroon sa buhay nina Selena at ng magkambal. Araw-araw ay dumadaan siya sa cafe, tumutulong sa gawain, at nagbibigay ng oras para makausap sila.Walang araw na hindi siya lumapit sa mga ito .

Hindi nakaligtaan ito ni Michael na matagal na silang kasama at parang kapatid na ang turing sa isa’t isa.Napapansin niya ang pagiging malapit ng dalawa at mukhang malapit ng mahulog si Selena kay Alexander na hindi pa nila lubusan kilala
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 46

    Nang hapon ding iyon, nakita ni Damien si Clara sa tabi ng dagat kung saan madalas silang magkausap nang payapa. Lumapit siya rito, bitbit pa rin ang bigat na hindi maalis sa kanyang dibdib, at naisipang ibahagi ito sa kanya sa taong tila nakikinig nang walang paghuhusga at walang itinatago.Umupo siya sa tabi niya, huminga nang malalim bago nagsimula. “Clara… may sasabihin sana ako sa iyo. ''Tumingin sa kanya si Clara, nakita ang lungkot at pagkalito sa kanyang mukha. “Ano iyon? Sabihin mo lang, nandito lang ako para makinig sa iyo.”Dahan-dahan niyang isinalaysay ang lahat mula sa pagtulog nang tahimik hanggang sa biglang pagbago ng paligid, ang ugong at panginginig ng eroplano, ang apoy sa labas ng bintana, ang kaguluhan at takot sa loob, hanggang sa paglapit ng matandang lalaking humawak sa kanya nang may pagmamahal at pagmamakaawa. Ibinahagi niya ang bawat salitang binitiwan nito—ang pagtawag sa kanya bilang “Damien,” ang paghiling na maging matapang siya, ang pagbanggit sa p

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 45

    Tahimik at payapa ang buong nayon nang gabing iyon tanging huni ng mga kuliglig at banayad na ihip ng hangin ang naririnig sa labas ng bahay. Ngunit sa loob ng kanyang pagtulog, biglang nagbago ang lahat para kay Damien. Sa isang iglap, nawala ang katahimikan. Napalitan ito ng nakabibinging ugong at panginginig ng buong sasakyan. Naramdaman niyang nasa loob siya ng eroplano nanginginig ang lahat, humahagupit ang hangin sa mga bintana, at ang ilaw ay pabalik-balik sa pagkislap bago tuluyang namatay. Ang tanging liwanag ay mula sa nag-aalab na apoy sa labas, na tila nilalamon ang pakpak ng sasakyan. Ang mga tao ay sumisigaw, nagkakagulo, at ang bawat sandali ay tila huling hininga na ng kanilang buhay. Sa gitna ng takot at kaguluhan, may matandang lalaki na lumapit sa kanya puno ng pag-aalala at pagmamakaawa ang mukha, hawak nang mahigpit ang kanyang braso habang pilit na pinatatag ang sarili sa gitna ng pagbagsak. “Damien! Damien, pakinggan mo ako!” sigaw ng matanda sa gitna ng inga

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 44

    Napakurap si Clara, tila hindi agad naintindihan ang bigat ng sinabi. “Hindi po ba kayo ang kanyang mga magulang?” Umiling si Gloria nang may lungkot. “Hindi namin siya ipinanganak, Clara. Ngunit inaruga namin siya nang buong puso na parang sarili naming anak sa loob ng pitong taon. Wala siyang maalala sa kanyang nakaraan, kaya tinanggap namin siya bilang ibinigay na biyaya sa amin. Kung malalaman niya nang ganito kabilis ang totoo… baka isipin niyang niloko namin siya. Baka hindi na siya maniwala sa amin kahit kailan.” Dugtong naman ni Gloria nang may diin ngunit hindi pagbabanta, “Kaya naman, anak, hinihiling namin sa iyo nang buong pagpapakumbaba huwag mo munang banggitin ang anumang bagay na magpapahiwatig ng kanyang tunay na pagkakakilanlan o ng kanyang nakaraan. Huwag mong sabihing hindi namin siya tunay na anak. Huwag mong banggitin ang anumang bagay na maaaring magpabago sa kanyang pananaw sa amin o sa kanyang sarili. Hayaan nating siya mismo ang makatuklas sa tamang

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 43

    Mabilis na nakarating sa pandinig nina Gloria at Temyong ang tungkol sa madalas na paglapit ni Clara kay Lito. Hindi nila ito pinagbawal agad, ngunit hindi rin nila ito hindi pinansin bilang mga magulang na nag-alaga sa kanya mula noong dumating siya sa kanila, mayroon silang pag-aalala at pag-iingat sa kanilang puso. Isang gabi, pagkatapos kumain at makapagpahinga, tinawag nila si Lito sa kanilang harapan. Nakaupo sila sa tapat ng maliit na apoy sa labas ng bahay, kung saan madalas silang magkukuwentuhan. Seryoso ang mukha ni Temyong, habang si Gloria ay may halong lambing at pag-aalala sa kanyang mga mata. “Anak,” panimula ni Temyong nang mahinahon ngunit may diin, “napapansin namin na madalas kang kasama si Clara nitong mga nakaraang araw. Mabuti naman iyan na mayroon kang kaibigan at kasama rito sa atin. Pero bilang mga itinuturing mong magulang… gusto namin malaman ang iyong nararamdaman tungkol sa kanya.” Umupo si Lito sa kanilang tapat, medyo nahihiya ngunit tapat na s

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 42

    Sa mga nakalipas na araw, may isang babaeng laging nagpapansin kay Damien si Clara, ang nag-iisang anak ng Kapitan ng bayan. Maganda siya, masayahin, at kilala sa pagiging palakaibigan sa lahat. Madalas siyang magpakita kung saan naroon si Damien, may dalang pagkain, o kaya ay may itatanong kung may kailangan daw ba ito.Sobra ang paghanga niya sa binata na para bang ito ang pinakagwapo sa lahat ng nakita niya sa bayan na kanyang kinalakihan . Isang hapon, habang nagpapahinga si Damien sa ilalim ng malaking puno matapos magtrabaho sa bukid, lumapit si Clara nang may nakangiting labi at kumikinang na mga mata.Humahanga sya sa binata dahil kahit babad ito sa init tila hindi umiitim at nagmumukhang yagit . “Magandang hapon sa iyo, Warlito!” bati niya nang malakas at masigla, habang inilalapag ang dala niyang basket sa kanyang harapan. Pinaghandaan niya talaga ang paglapit niya sa binata .Swerte nga niyang nagresign ng trabaho pansamantala sa isang banko sa syudad na malayo sa kanil

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 41

    Nang gabing iyon, pagkatapos makatulog nang mahimbing ang kambal, dahan-dahang hinanap ni Xander si Selena sa balkonahe kung saan madalas itong nagpapahinga bago matulog. Ang buwan ay maliwanag sa langit, ngunit ang kanyang puso ay mabigat alam niyang hindi biro ang kanyang ipagpapaalam, at masakit isipin na magkakalayo sila kahit maikling panahon man lamang.Tumabi siya rito, huminga nang malalim bago nagsalita. “Selena… may ipagpapaalam sana ako sa iyo sana maintindihan mo ako kailangan ko kasing umalis bukas '' buong tapang nyang pag amin . Napayuko siya dahil hindi niya kayang tignan ang reaksyon ni Selena . Nagtatakang tumingin si Selena sa kanya at napakunot ang mga kilay nito . '' saan ka pupunta ?'' agad nitong tanong sa kanya . Bigla niyang naisip bakit parang aalis na naman sila ,,maiiwan na naman silang mag iina . “Sa Pilipinas,” diretsahang sagot ni Xander, at nakita niyang nanlaki ang mga mata nito sa gulat. “Ako muna ang pupunta doon. Aasikasuhin ko ang lahat bago p

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 3 "Tagalinis ng kalat

    *Xander POV Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 2. *Damien POV - Continuation*

    *Damien POV - Continuation* Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae . Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan . Sa isip ko parin ang lahat . Selena

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 1 "Dalawang Guhit na pula

    SELENA POV ***4:37 AM. Nanginginig ang kamay ko habang hawak yung pregnancy test. Dalawang pulang guhit. Maliwanag. Hindi pwedeng magkamali. _"Imposible..."_ bulong ko sa sarili. Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Isang estranghero na hindi ko nga maalala ang mukha ng buo... maliban sa mala

  • OUR FATHER THE STRANGER    CHAPTER 5 " Patungo ibang bansa

    *Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan* Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papu

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status