LOGIN*Damien POV
Kinabukasan. 5:43 AM. Hindi pa ako natutulog hindi ko magawang matulog dahil madami akong iniisip kung paano ko makuha si Selena .Nasa library ako madiilim . Isang ilaw sa lamesa. Para akong seryoso sa buhay dahil sa ginagawa ko . Wala naman akong problema dahil meron naman si Xander taga ayos ng kalat ko kaya para saan pa para isipin ko ang mga kalokohan ko . Ang iniisip ko ngayon ay ang tyan ng babaeng iyon . Inaksaya ko ang oras ko sa library ng mansion .Abala ako sa pagbabasa kaya may Folder sa harap ko. Lumang file. "Voss Holdings - Board Members 1998-2024." may hinahanap akong pangalan ngunit diko alam kung ano .Para akong timang na nililibang ko ang aking sarili . Pagtingin ko ng orasan mag 6:30 na pala ng umaga . Tunog ng pinto. Dahan dahan bumukas. Napatingin ako sa pumasok ang Tito Roderick ko Kapatid ng tatay ko. Bunsong anak ni Lolo. Naka-pantulog . Nakangiti . Pero hindi umaabot sa mata. "Gising ka pa, pamangkin?" sabi niya sabay Sarado ang pinto .Mukhang nagulat na nandito ako sa loob ng library. Sa ganitong oras talagang gising na ang mga Voss . Tumango lang ako. Hindi ko tinago ang folder. Hayaan ko siya makita niya Umupo siya sa tapat ko. kahit Walang imbitasyon. mukhang may sasabihin . "Narinig ko nag uusap kayo ng Lolo mo kagabi," sabi niya. "Tungkol sa... babae?" lumaki ang mga mata ko dahil may mga mata palang nakamatyag sa amin kagabi . Napatingin ako sa kanya. Walang alam si Xander. Pero si Tito Roderick? Alam agad. napailing ako mukhang mabilis pa sa hangin ang balita . "Spy ka sa mansion?" pabiro kong sinabi ngunit may katotohanan sa aking isipan . Tumawa siya. Mahina nga lang "Spy? Hindi. Concern lang ako sa pamilya." Inilapit niya ang siko sa lamesa. Nakatitig sa akin at ganun din ako .Nagkakasukatan kami ng titig. "Lolo mo matanda na, Damien. 82 na. May sakit sa puso. Isang maling balita lang... isang stress lang..." tumigil siya. Ngumiti. "Delikado." paano ma stress ang kanyang lolo gayong alam na nito ang tungkol doon .Hindi nalang ako umimik dahil walang saysay ang pinagsasabi nito . "Anong gusto mong sabihin?" "Gusto ko lang sabihin," dahan dahan siya nagsalita, "na pag nawala ang Lolo. mo.. sino susunod sa Voss Holdings?" Tumingin siya diretso sa mata ko. Samantala ako hindi ko makuha ang ibig sabihin nito . "Hindi ikaw. Si Xander. Siya ang paborito. sa mata ng lolo mo . Siya ang mabait. Ikaw? ang tingin sayo ng lolo mo taga lagas ng pera Bar lang ang alam at babae ngayon nakabuntis ka ..tssk tssk ...kung ako sayo Damien kunin mo ang dapat sayo .Ikaw ang totoong Voss so dapat ang position na nakay Xander kunin mo " humugot ako ng malalim na hininga .May punto ang lahat ng sinabi ng kanyang tito pero ayaw kong padalos dalos. Si Xander talaga ang pinagkakatiwalahan ng lolo ko noon pa man dahil matalino at magaling sa negosyo .Pero ang gustong mangyari ng kanyang tito ay hindi madali ngunit kung may paraan at gagamitin ko ang pagiging Voss panigurado mas madali . Tumayo ako. at humarap sa kanya . "Umalis kana." ang ayaw ko sa lahat ang dinedemonyo ang utak ko . Hindi siya natakot. Tumayo rin tulad ko ngunit mas matangkad lang ako sa kanya . "Hindi kita pinipigil kunin yung babae mo, Damien. Kunin mo. Pero isipin mo...pag kumalat na ordinaryong babae lang ang nabuntis mo at di pa sure na sayo ang pinagbubuntis nito pwedeng magalit sayo ang lolo mo Damien ..kung ako sayo pag tuunan mo ng pansin ang pagkuha pwesto ng pagiging CEO " alam niyang nilalansi lang sya ng kanyang tiyuhin at hindi sya doon papayag . Lumapit siya sa akin . "Sayang.Pag mawala ang Don . Wala nang hadlang. At ako... ako na ang masusunod." hindi ko nagustuhan ang pinagsasabi ng taong ito .Kahit tiyuhin ko kung magiging kalaban ng Voss hindi ko uurungan .Ang pag udyok niya sa akin para kunin ang position ni Xander ay malabo dahil ayaw kong humawak ng malaking responsibilidad sa kompanya .Sapat na sa ako ang may share sa kompanya may pera naman akong natatanggap at may sahod ako kahit wala akong ginagawa dahil executive ako sa kompanya. Tanging assistant ko lang ang gumagalaw . Kadugo namin ang taong nasa harapan oo at anak ni lolo Pero gutom sa kapangyarihan. Kaya siguro kahit mali ay gagawin nito makuha lang ang gusto at alam ko ako ang gagamitin ng tito ko para makuha ang gusto pero hindi ako papayag ..Isa akong Voss hindi nauutusan sa dapat gawin. Dahil hindi na ako naimik Tumalikod siya at tahimikk na nilisan ang library. Pagkasara ng pinto, naiwan ako. Madilim ulit . Hindi ko lubos maisip na ganun mag isip ang Tito Roderick. ko .. siya yung unang babarilin ko pag may nangyari kay Lolo saad ng aking isipan .Kahit ganun si lolo kahit mas pabod si Xander sa kanya ay mahal ko ito ..Lalo ngayon tanggap niya ang babaeng nabuntis ko . Pagkalabas ko ng library nagulat ako dahil maliwanag na pala at mukhang nakaluto na ang mga katulong . Kailangan kong kumain dahil may gagawin pa ako na inutos ng lolo ko. Sobrang pagtataka ko ng makitang walang tao sa dinning area .Mukhang tulog pa ata ang lahat .Nakakaboring walang boses walang anino sa kabilang dulo ng mesa. Mag-isa lang ako. Mainit pa ang kape na sa tasa pero wala akong ganang inumin ..ang yaya ko ang nagtimpla nun dahil alam niya ang lasa na gusto ko . Tiningnan ko lang yung upuan sa gitna - kay Lolo yun. Bakante..talagang mag isa lang ako . Kutsara lang tunog. Kape. Kaluskos ng newspaper na hindi ko binuksan.Yan lagi ang senaryo tuwing kakain . "Mabuting nalang at hindi pa malamig yang kape mo Damien" sabi ni Manang. Nilapag niya scrambled eggs. Isang plato lang. Para sa akin lang. "Dalawa dapat," sabi ko. Awtomatiko. Araw-araw ganun. Ako at si Lolo. Si Xander naman hindi iyon kumakain ng ganitong oras dahil nasa condo niya ito. Napahinto si Manang. "Ah... wala pala si Don. maagang nagtungo sa hospital .. kailangan daw agahan kasi traffic" Tumango lang ako. "Oo nga pala." Isang plato lang sa harapan ko. Isang kutsara. Isang tinidor. Kumagat ako. Walang lasa sa aking dila .Tiningnan ko ulit yung bakanteng upuan. Tahimik masyado. Araw-araw may sermon si Lolo. Araw-araw may pang-iinsulto ito at kinukumpara ako kay Xander Mas masahol pala pag wala sila. nag-vibrate ang phone ko sa lamesa. Hindi ko tiningnan. Tinignan ko kung ano iyon at nakita kong ang aking tauhan na nakabantay kay Selena . Biglang naisip ko ang sinabi ng tito Roderick ko . Mukhang kailangan kong kunin ang position kay Xander . Pagkaubos ko ng kape agad akong Tumayo ..kahit may laman pa ang plato ko hindi kuna inubos dahil kailangan kong pumunta sa kompanya. Kailangan kong magtino para makuha ang position para sa akin ang boto ng majority dahil kilala nila akong walang silbi bilang Voss .Simula naging sila nina Xander at Selena hindi naging madali ang kanilang sitwasyon lalo na kay Selena na sobra ng napamahal kay Xander . Tuwing umuuwi ito sa pinas ay parang nadudurog ang kanyang puso sa labis na pangungulila . Ngayon nandito na naman si Xander sa kanilang piling maayos na naman ang kanyang peace of mind ngunit nakabuo na siya ng desisyon ..mahirap pero kailangan. Huminga siya nang malalim, pinaglaruan ang dulo ng kanyang damit habang tinitingnan ang malayo. “Xander… may sasabihin sana ako sa iyo. Matagal ko na itong iniisip, paulit-ulit kong iniisip,'' Lumingon si Xander sa kanya, nakangiti nang mahina ngunit puno ng pag-aalala nang makita ang seryosong mukha nito. “"What is it? Whatever it is, just say it. I'm right here." Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito, kahit na nanginginig ang kanyang boses. “Gusto ko nang umuwi sa Pilipinas. Gusto kong doon lumaki at mamuhay ang mga bata.” Parang tumigil ang ikot ng mundo ni Xander sa narinig. Nanlaki an
Lumipas ang mga buwan, at lalong tumibay ang paniniwala ni Damien naniniwala na na siya talaga ang tunay na anak nina Temyong at Gloria. Sa bawat pagtawag nila sa kanya ng ,,anak. sa bawat pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay nila, at sa mga kwento nila tungkol sa kanyang paglaki mga kwentong tinanggap niya nang buong puso wala siyang dahilan para magduda. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, may bahagi sa kanyang isipan na hindi niya lubos na maunawaan isang malabong pakiramdam na parang may hindi tugma, mayroong hindi sinasabi ngunit nararamdaman ng kanyang puso. Madalas itong dumarating nang walang babala. Minsan habang nagtatrabaho siya sa bukid, biglang may dadaan na imahe sa kanyang paningin mga gusaling matatayog, maiingay na parte ng isang gusali at mga taong nakasuot ng magagarang damit ngunit nawawala agad ito bago pa niya matukoy kung ano iyon. Minsan naman, kapag hinahaplos ni Gloria ang kanyang buhok o tinatawag siyang “anak,” biglang may sasagi sa isipan na ibang boses,
Sa bansa ng pinas may isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa palubog na araw .. Malayo sa lahat ng gulo at ingay ng mundo sa isang payapang bayan sa tabi ng dagat na liblib at hindi kilala ng sinuman mula sa kanyang nakaraan ,,lalaking dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Lumipas na ang walong taon mula nang matagpuan siyang inaanod ng alon sa pampang, halos wala nang buhay, sugatan at puno ng sugat mula sa matinding sakuna. Ang eroplanong sinasakyan niya ay bumagsak sa malalim na karagatan ang ibang katawan na natagpuan ng mga awtoridad ay napagkamalan nilang siya dahil sa mga gamit na naiwan sa bulsa ng ibang pasahero, dahil sa pagkasunog at pagkabasag na hindi na makikilala ng kahit sino. Kaya sa buong mundo, sa mga pahayagan at maging sa kanyang sariling pamilya si Damien Voss ay matagal nang idineklarang patay. Ngunit narito siya, buhay… ngunit walang maalala. Hindi niya alam ang kanyang pangalan. Hindi niya alam kung may pamilya siyang iniwan. Hindi niya alam ang tungk
Dahan-dahang humiwalay si Xander sa pagyakap ngunit hindi niya binitawan ang kamay ni Selena. Hinawakan niya ito nang mahigpit, tila takot na kung bibitaw siya ay mawawala na ito nang tuluyan. Tinitigan niya ito nang diretso sa mga mata , walang pagtatago, at punong-puno ng damdaming matagal na niyang kinikimkim sa loob ng kanyang puso.“Selena… hindi ko na kayang itago pa ito,” nagsimula siya, at ang kanyang boses ay mahina ngunit puno ng katapatan, nanginginig sa damdaming matagal na niyang pinipigil. “Sa bawat araw na lumilipas, sa bawat sandaling kasama ko kayo, lalo ko lang nararamdaman na hindi na lang pag-aalaga o pagiging mabuting kaibigan ang nararamdaman ko. Higit pa roon. Higit pa sa kaya kong ipaliwanag.”Huminga siya nang malalim, tila nag-iipon ng lakas ng loob na ibuhos ang lahat ng matagal nang nakatago.“Nang makita kita sa unang pagkakataon pa lang, parang may nabago na sa akin. Akala ko noon ay awa lang o paggalang ngunit habang tumatagal, habang nakikita ko kung p
Sa dahan-dahang pagbukas ng pinto ng sasakyan, parang tumigil ang ikot ng mundo ni Xander. Malayo pa lang ay nakikita na niya ang pamilyar na hugis ng bahay kung saan naroon ang kanyang tahanang matagal na niyang pinangarap na maging sa kanya rin. Bawat hakbang niya palapit ay parang may bigat na gumagaan, at sa bawat pintig ng puso niya ay pangalan nila Selena, Theo, at Tala ang isinisigaw nito.Mula sa loob ng bahay, narinig na nila ang paghinto ng sasakyan. Agad na tumakbo papunta sa bintana ang kambal na si Theo na mabilis ang kilos at si Tala na tila sumasabay sa bawat hakbang ng kakambal niya m Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang pamilyar na pigura na lumalabas.“its tito Xander! He is here.!” sigaw ni Theo habang tumatalon sa tuwa.“Yes! That's right! Let's run.!” sabay na hila ni Tala sa kamay ng kapatid.No hesitation na tumakbo sila palabas, kahit na tinawag pa sila ni Selena para mag-ingat. Ngunit sa sobrang pananabik, parang wala silang narinig sa paalala ng kani
Sa kabila ng pagkatalo sa harap ng mga boards members at obang shareholders na kung saan kailangan niyang magpahangin para mapagkatiwalaan sya hindi na niya iyon magawa dahil sa galing ni Xander humanap ng paraan ., hindi pa rin susuko si Jaime hahanap sya ng paraan para mapabagsak niya si Xander .. Inutusan niya ang kanyang mga tauhan na balikan ang bawat detalye ng mga CCTV na ipinakita lalo na ang kuha sa hotel. Gusto niyang hanapin ang anumang butas, maliit man o malaki, na magagamit niya para pabagsakin si Xander.Ilang araw silang nagsiyasat sa mga rekord ng hotel. Hanggang sa nakita nila ang pangalan na nakarehistro noong gabing iyon hindi Damien, kundi Xander. Dali daling itinawag ng mga tauhan ni Jaime ang tungkol sa kanilang natuklasan . “Kaya naman pala!” sigaw niya habang hawak ang cellphone kausap na ni Jaime ang tauhan niya na nasa loob ng record ng hotel."kaya pala now I know ginagamit lang ni Xander si Damien para makuha ng buo ang kompanya. This is mt time...dali
*Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan* Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papu
*Xander POV Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo
*Damien POV - Continuation* Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae . Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan . Sa isip ko parin ang lahat . Selena
SELENA POV ***4:37 AM. Nanginginig ang kamay ko habang hawak yung pregnancy test. Dalawang pulang guhit. Maliwanag. Hindi pwedeng magkamali. _"Imposible..."_ bulong ko sa sarili. Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Isang estranghero na hindi ko nga maalala ang mukha ng buo... maliban sa mala







