تسجيل الدخولLihim na nakikinig si Jana mula sa siwang ng pintuan .Narinig niya na may kausap si Jestony mula sa cellphone,kanina lang nawala ito ng ilang oras at nang bumalik may kausap na . Napansin din niyang parang nagmamadali at mukhang may mahalagang pupuntahan . Nang makita niyang mabilis na kinuha ni Jestony ang kanyang bag at nagmamadaling lumabas ng pinto, agad na sumunod ang paa ni Jana. Gusto niyang alamin kung saan ito pupunta at kung sino ang makikita niya roon. Sigurado siyang may itinatagong masama ito. Pero bago pa man siya makalabas ng pinto, narinig niya ang pamilyar na boses.“Jana, huwag mo syang sundan ...”Napahinto si Jana at lumingon agad. Nasa pintuan si Xander, seryoso ang mukha pero kalmado ang boses.“Sir Xander! Nakita ko po si Jestony na nagmamadaling lumabas. May itinatago siya, Sir. Kung susundan ko siya ngayon, baka makita ko kung saan sila nagkikita at makukuha natin ang patunay na kailangan natin,” mabilis na paliwanag ni Jana, halatang nagmamadali siyang kum
Halos mabuwal ang pasensya ni Jaime nang matapos niyang ibaba ang kanyang cellphone. Kanina lang ay pilit niyang pinapakalma ang sarili niya, pero habang iniisip niya ang nangyayari, lalo lang siyang nagagalit. Naglakad-lakad siya sa loob ng kanyang kwarto, pabalik-balik, parang leon na nakakulong na hindi mapakali . Hindi siya makapaniwala nalaman na pala ni Jestony na nakauwi na si Xander, at hindi man lang siya tinawagan o sinabihan? kilala pa naman niya si Xander lihim itong gumagalaw at panigurado may galamay sa loob ng kompanya ngunit hindi nila alam kung sino .Agad niyang tinawagan ulit si Jestony. At hindi niya itinago ang galit niya nang sagutin ito sa kabilang linya.“Buhay ka pa pala Jestony bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko" pasigaw na tanong agad ni Jaime nang marinig niya ang boses ni Jestony.Sa kabilang linya, halatang nagulat si Jestony hindi niya maintindihan kung bakit galit si Jaime .“Bakit ka sumisigaw diyan tito? May masama bang nangyari?”agad nitong t
Samantala kampanteng nakaupo si Jaime sa kanyang komportableng upuan. May ngiti sa kanyang mga labi habang iniisip ang perang dahan-dahan nilang nakukuha mula sa kumpanya. Pakiramdam niya ay perpekto ang lahat. Wala namang nakapansin, at akala niya ay mananatiling ganito ang lahat nang matagal pa. Alam niyang nasa ibang bansa pa si Xander kasama ang babaeng magiging hadlang sa kanyang kagustuhan na mapasakamay ang kompanya......, kaya kampante siya. Walang magbabantay, walang titingin, at sila ang masusunod sa lahat ng bagay.Isang araw, habang nagpapahinga siya, biglang dumating ang isa sa kanyang mga tauhan ... Hinihingal ito at mukhang nagmamadali.“Sir Jaime! May gusto sana akong ibalita sa inyo,” sabi ng tauhan habang nakayuko nang bahagya.Tumingin si Jaime nang hindi gumagalaw ang kanyang upuan. “Ano iyan? Bakit parang nagmamadali ka? May problema ba?”“Hindi naman problema, pero nakakagulat lang . Nakita ko po kasi si Xander kanina. Umuwi na po siya galing sa ibang bansa. At
Abala si Xander habang nakaupo sa kanyang mesa sa opisina. Matagal siyang nawala kaya masarap sa pakiramdam na makita ulit ang kanyang opisina at ang kanyang mga tauhan. Akala niya ay maayos ang lahat. Ang mga ulat na ipinadala ni Jestony habang wala siya ay maganda at malinis ang naroon na pinagdadaanan ng kompanya. Kaya naman kampante siyang nagbubukas ng mga dokumento at nakikipag-usap sa mga empleyado. Pumasok ang kanyang matagal nang personal assistant na si Jana .kumbaga lihim lang ito at walang nakaalam. Hawak nito ang isang makapal na papel. Hindi gaya ng nakasanayan, hindi maganda ang mukha ni Jana. Seryoso ito at mukhang nag-aalala. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga papel sa mesa sa harap ni Xander. “Ano iyan, Jana? May mali ba sa mga ulat?” tanong nito habang seryoso ang mukha .Nung panahong kasama niya sina Selena sinabi niya kay Jana na huwag muna tumawag kung tungkol sa kompanya ang sasabihin dahil gusto niya ipunin ang mga problema kung meron man . Huminga nang mal
Matapos ang mahaba at tila walang katapusang paghihintay, sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay nila. Ang araw ng kanilang pag-uwi. Sa loob ng mahabang panahon, ito lang ang laman ng isip at puso ni Selena ang makauwi na . Hindi na sya takot kung ano ang madatdatnan niya sa pilipinas dahil nabalitaan niya wala na ang mga Voss wala na rin sigurong maghahabol sa kanila . Maagang-maaga pa, bago pa man sumikat ang araw, gising na si Selena. Tinitingnan niya ang apat na maleta na nakasalansan nang maayos sa sulok ng kwarto.. Lahat ay handa na. Tila ba sinisimbolo nito na wala na silang hahabol pa sa lugar na iyon tanging magagandang alaala na lang ang iiwan dito, at ang pag-asa na mas magiging maganda ang kanilang buhay sa tahanang babalikan nila.Napatingin sya sa buong paligid ng bahay na pagmamay ari ni Michael .Ilang taon na pala syang umasa sa tulong ni Michael ngayon gusto niya sarili naman niya ang kanyang haharapin kasama si Alex at ang dalawang bata . Dahan-dahan n
Dahan-dahang idinilat ni Damien ang kanyang mga mata. Sa una, malabo ang lahat. Kahoy na kisame ang nakita niya, at naamoy niya ang amoy ng mga halamang gamot at malinis na tela. Sinubukan niyang umupo, pero parang mabigat ang buong katawan niya. Napahinto siya sandali at huminga nang malalim.“Saan ako?” bulong niya sa sarili. Mahina at paos ang kanyang boses.Tumingin siya sa paligid. Hindi ito ang maliit na kwarto sa bahay nina Temyong at Gloria ang mga taong tumulong sa kanya .. Hindi rin ito ang ilalim ng puno kung saan madalas siyang nagpapahinga. Ito ay isang simpleng kwarto na may dingding na kahoy. Habang tinitingnan niya ang paligid, biglang sumakit ang kanyang ulo. Napahawak siya sa kanyang noo at napapikit nang mariin. Parang may mga alaala na pilit na bumabalik sa kanyang isipan.At bigla… dumating ang lahat.Isang malakas na ugong ang narinig niya. Pagkatapos ay ang pagyanig ng buong eroplano. Nakita niya ang takot sa mukha ng ibang pasahero. Ang lakas ng makina na lal
*Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan* Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papu
*Damien POV Kinabukasan. 5:43 AM. Hindi pa ako natutulog hindi ko magawang matulog dahil madami akong iniisip kung paano ko makuha si Selena .Nasa library ako madiilim . Isang ilaw sa lamesa. Para akong seryoso sa buhay dahil sa ginagawa ko . Wala naman akong problema dahil meron naman si Xan
*Xander POV Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo
*Damien POV - Continuation* Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae . Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan . Sa isip ko parin ang lahat . Selena







