Share

CHAPTER SIX

“Mga apo, mabuti naman at dinalaw n‘yo ako.” 

Ang matanda agad ang bumungad sa kanila nang tumungo sila sa kusina. Lumapit sila rito at nagmano. Kahit na mayaman sila ay ugali pa rin nila ang magmano sa mga nakakatanda. 

“Kumain na ba kayo?” tanong ng matanda sa kanila habang binalik ang tingin sa niluluto. 

Naamoy niya ang masarap na amoy na naging dahilan ng pagtunong ng kanyang tiyan.

“tsk. Gutom na nga, ‘la.”  tumawatawang sabi ng binata.

Binigyan niya ito ng isang nakakamatay na tingin pero ang binata, tinawanan lang siya at hindi apektado sa masama niyang titig.

“oh, pumunta na kayo d‘on. At maghahain na ako.” sigit ng matanda sa kanila.

Agad silang pumunta sa lamesa. Pinaghila siya ng upuan ng binata. Ito na naman ang mga paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan. Bumaling siya kay Tyron na nasa likuran pa rin niya. “Maraming salamat,” aniya at ngumiti rito. This time a genuine smile curved her lips 

Ngumiti rin ito sa kanya at lumabas ang magkabilaang dimple dito. Hindi maikakaila ang kakaibigang ganda nito na mas lalong nakakapagbigay kagwapohan sa binata. “always welcome, Max.”  tinapik siya nito sa balikat and give her a little push.

Sinundan niya ng tingin si Tyron na humihila ng upuan malapit sa kanyang tabi. Pasipol-sipol pa ito habang hinihintay ang pagkain na hinahain ng lola nito. Isa lang ang masasabi ni Maxine ngayon,  na ang cute ng binata tignan sa lagay niya ngayon, para silang bumalik sa pagkabata na masayang naghihintay si niluluto ng kanilang mga magulang. Wala ang cute sa kanyang vocabulary pero pag dating sa binata ang salitang cute at gwapo agad ang naiisip niya.

“oh, narito na ang pagkain.”  

Tumingin siya sa papalapit na nga yabag. Nakita niya si Myra na dala ang mga lutong pagkain habang ang matanda ay nakasunod dito. 

Ngumiti siya ng malapad at tumayo bago tinulungan si Myra na maglagay ng mga pagkain sa lamesa. “sumabay ka na rin, Myra.”  aniya.

“nako... Hindi na po ma'am, nakakahiya naman sa inyo.” 

Natawa siya. Hindi na iba si Myra sa kanila. Sa tuwing pumupunta sila rito ay si Myra agad ang sumasalubong sa kanila. Mabait ito, morena, masayahin, matalino at maganda. Habulin ito ng mga kalalakihan rito, pero ang laging sinasabi ng dalaga ay hindi pa ito handa para magpaligaw. Matagal na itong nagtatrabaho sa kanilang lola Sarah, kaya pamilya na ang turing nila rito. Sa malas nga lang ay inabandona ito ng kaniyang mga magulang, hindi nga nito alam kung sino ang mga mga magulang nito at kung saan ito nakatira. Kaya mula n‘ong pinatuloy at kinupkop ito ng matanda ay labis itong nagpapasalamat. Sa ngayon si Myra ay nag-aaral sa ika-apat na baitang sa college sa kursong nursing.

“Tama si Maxine, sumabay ka na sa‘min Myra.” Ani ng kanilang lola Sarah.

“nako, nay. Hindi na po, pero kung pipilitin n‘yo ko, why not diba. Nagugutom na ako e.” anito.

Tumawa lang sila sa sinabi ng dalaga. Hindi na bago sa kanila ang pagiging palabiro nito. Palagay ang loob nila kapag ito ang kasama ng matanda. “kahit kaylan talaga, palabiro ka,” tumatawang singit ni Tyron sa kanila.

“nako, sir. Hindi ka nasanay. Lagi na akong maganda.” 

Mas lalo pang lumakas ang tawanan sa loob ng kusina. “oh, umupo ka na at para makakain na tayo.” 

Tumango siya at agad umupo sa tapat ng matanda. Masaya ang kanilang hapag, dahil bukod sa puro kwentong nakakatawa ang sinasabi ni Myra sa kanila, masarap rin ang mga pagkain na nasa harapan nila. 

NARITO sila ngayon ng binata sa loob ng kwarto. Dito sila matutulog at bukas pa makakauwi. Iisang kwarto lang ang tinutulugan nila kapag dito sila natutulog dahil matatakotin siya, noong una nga nilang natulog dito at magkahiwalay sila ng kwarto, hindi siya makatulog ng maayos kaya minu-minuto siyang kumakatok sa kwarto ng binata.

“mauna ka na maligo, para nakatulog ka ng maaga.” 

Tumingin siya sa kinaroroonan ng binata. Kampante itong nakaupo sa kama nito. Yes, they share one room but not in bed. May sarili siyang kama at meron din ang binata.

Tumango siya bago tumayo sa kinauupuan at naghanap ng masusuot. Isang maluwag at mahabang damit lang ang kinuha niya at isang undie. Hindi na niya kailangan ng pang-ibaba dahil mahaba ang kanyang damit na umaabot sa kanyang tuhod. Dumeretso na siya sa banyo.

KAKALABAS lang niya at pumasok na rin ang binata sa loob ng banyo upang maligo. Pumunta siya sa kanyang kama at pasalampak na umupo. Tinatamad siyang matulog ng maaga kaya hindi niya gustong e-dryer ang mahaba niyang buhok. Hihintayin niya na lang na ito ay matuyo bago siya matulog. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakalagay sa ilalim ng kanyang unan. Naisipan niyang mag on-line upang makipagkwentohan sa kanyang mga kaklase dati. Mayroon silang group chat, kaya hindi sila nawawalan ng update sa bawat isa. 

Nagbabasa lang siya sa kanilang group chat. Napapangiti siya dahil gaya dati, hindi pa rin tumitigil sa kaingayan ang mga ito. May feeling matalino, may laging update sa chismiss at joker. Habang ngumingiti siya na mag-isa dahil sa mga kalukuhang nababasa niya, isang mensahe ang nabasa niya galing sa kanilang Classroom President na naging sanhi ng malakas niyang pagtawa.

"Hi, Maxine. I miss you. Ano, umaasa ka pa rin ba sa kaibigan mo? Kung ako 'yan hindi kita paaasahin.”  Ani ng kanilang president. 

Umabot sa 20 react ang sinabi ng kanilang President, Ang iba naman ay may “ayieee”  pa na nalalaman. 

Tumatawa lang siya at mag re-reply na sana sa mensahe para sa kanya ng may humila sa kanyang cellphone. Tumingin siya sa taas upang makita kung sino ang kumuha ng kanyang cellphone. Hindi niya alam kung magugulat o matatakot siya sa nakakunot na noo at maitim na awra ng binata habang may binabasa.

“tsk, what an idiot, guy.”  asik nito.

“tsk. Tsk. Tsk.”  panggagaya niya rito. “bakit nagmumura? Anong problema?”  pahabol pa niya.

“Don‘t you try to reply that fucking message.“ anito at itinapon sa kanya ang cellphone.

“nagmumura ka na naman.”  pagsisita niya rito. Hindi niya alam na ang takot niya kanina sa binata ay napalitan ng kilig dahil sa kaalamang nagseselos ang binata sa kanilang Classroom President.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status