Share

CHAPTER FOUR

ALAS tres na ng hapon nang magising si Maxine, gaya kahapon mugto pa rin ang kanyang mata dahil sa kaiiyak. Masama man ang kanyang pakiramdam ay pinilit niyang bumangod dahil kanina pa rin nagrereklamo ang kanyang tiyan. Tumayo siya at kumuha ng masusuot bago pumasok sa banyo upang maligo. 

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Maxine nang marining ang malakas na musika mula sa kabilang subdivision. “kulang na lang sakupin ang buong baryo sa lakas ng tugtog.”  reklamo niya bago dinama ang patak ng mga butil ng tubig sa kanyang balat.

Kung kanina ay naiinis na siya sa tugtog dahil budots ang nakasalang, ngayon ay naiiyak na naman siya. Sa bawat lyrics kasi ng kanta ay damang dama niya. Ang sakit, Ang lungkot at pighati na nararanasan niya ay naroroon sa musika. 

“Hanggang ngayon ba iiyak ka pa rin? Huwag Kang umiyak, kayanin mo,” pamimilit niya sa sarili bago pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kinuha niya Ang towel na nakasampay malapit sa pintuan bago ibinalot sa kanyang katawan. Lumabas siya at kinuha ang damit na nakalagay sa ibabaw ng kanyang kama. Isang simpleng damit lang at pajama ang mga ito. Hindi siya maarte sa kasuotan ‘di gaya ng ibang mayayaman na halos hindi mapasuot ng pambahay. 

Nakakadalawang hakbang pa lang si Maxine pabalik sa banyo nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Lumapit siya dito at tinignan kung sino ang tumatawag. Hindi niya inaasahan na tatawag sa kanya ang taong ilang araw na niyang iniisip at iniyakan. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tawag.

“hello" bati ng binata sa kabilang linya.

“hmm.”  simple tugon Niya.

“are you alright, Max? Bakit hindi ka pumasok?” tanong ng binata sa kanya.

Huminga siya ng malalim, ayaw niyang sabihin sa binata na nagtatampo at nagseselos siya dahil nakalimutan siya nito, samantalang ang babaeng si Ayesha ay nagawa pang ihatid at samahan.

“oum, masama lang pakiramdam ko,” pagsisinungaling niya.

“sinasa-”  

"Bye, Ron. Maygagawin pa ako”  pagputol niya sa sasabihin ng binata. Ayaw niya muna ng sermon galing dito, dahil makakadagdag lang ‘yon ng bigat na nararamdaman niya. Ibinaba na niya ang linya bago pinakawalan ang malalim na paghinga. 

Bata pa lamang sila, Tyron always give an assurance to Maxine. Halos lahat ng ayaw niya ay hindi ginagawa ng binata, at halos lahat ng gusto niya kahit mahirap ay ginagawa pa rin nito. Ganoon sila ka close pero ang hindi niya maintindihan kung bakit nasasaktan siya ng paulit-ulit dahil sa binata. Kung minsan nga ay sinisisi niya sa sarili ang lahat ng nangyayari at kung bakit siya nasasaktan, sinasabi niya sa sarili na kaya siya nasasaktan ay dahil sinanay niya ang sarili na ang binata na ang iniikutan niyang Mundo, ang binata na ang nakasanayan niyang nand‘yan. 

Humakbang na siya upang bumalik sa banyo at nagbihis. Hindi alam ni Maxine kung nababaliw na ba siya at kailangan na niyang uminom ng gamot, dahil ngumingiti siya habang ang mukha ay parang maiiyak. Nakaharap siya sa salamin at pinagmamasdan ang kanyang sariling ganda. “Maganda ka naman, pero bakit hindi niya nakikita? Bulag ba siya?”  Hindi niya alam kung compliment ba ‘yon sa kanyang sarili o hindi.

Pinili na lang ni Maxine na lumabas na, nakakadalawang hakbang pa lang siya pababa sa hagdan nang magawi ang tingin niya sa sofa. Nagulat siya nang makitang kampanteng nakaupo ang binata habang nanonood. 

Tumigil siya sa paghakbang at pinagmasdan ang binata. Kahit saang porma ay gwapo ang binata para sa kanya. Naalala pa niya sa tuwing lalabas sila ay may mga kababaehang nag papakuha ng larawan at kinikilig pa, kaya minsan isa rin ito sa dahilan kaya ayaw niyang lumabas kasama ang binata, dahil bukod sa hindi niya ma-enjoy ang lakad ay nakakaramdam din siya ng selos kaya kadalasan ay sa loob sila ng bahay ni Maxine, kung minsan naman ay sa bahay sila ng binata. 

“Ano ang ginagawa mo rito?”  

Lumingon ito sa kinaroroonan niya. “Binibisita ka. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito. Nakita niya ang pag-aalala ng binata sa kanya. Natuwa siya sa nakikita at sa kaalamang nag-aalala ito sa kalagayan niya. Kung pwede lang araw-araw may sakit.

“I‘m fine.”  pagkaila niya.

Tumayo ito. “oh, com‘on don‘t lie. I know you, max.” 

Nanatili siyang nakatayo sa ikalawang baitang ng hagdan. Pinagmasdan lang niya ang binata na ngayon ay papalapit na sa kinaroroonan niya.

Sinapo nito ang kanyang noo, “Ano ba kasi ang ginagawa mo, bakit masama ang pakiramdam mo?” tumingin ito sa kanya. Masyadong matangkad ang binata kumpara sa kanya kaya yumuko ito ng kaunti.

“Ayaw ko ng sermon ngayon, Ron.”  aniya. Umiwas siya sa tingin ng binata at tuluyang bumaba. Umupo siya sa kaninang inuupuan ng binata. 

“Nag-aalala lang ako sa‘yo, Max. Alam mo naman na pag nagkasakit ka, matagal itong umalis sa‘yo.”  

Napatingin siya sa nakatayong binata. Hindi niya alam kung bakit naluluha siya. Nag-aalala sa kanya ang binata pero kung ano-ano pa ang iniisip niya rito. 

Umupo ang binata sa kanyang tabi at hinawakan ang kaniyang magkabilaang balikat bago siya iharap dito. Niyakap siya ng binata. “Nagtatampo ka ba sa‘kin, Max? I‘m sorry.” 

Tuluyan ng nagsilandas ang mga luha niya. Napayakap siya pabalik sa binata at sa balikat nito ibinuhos ang kanyang mga luha.

“shh, stop crying, Max.”  pag-aalo sa kanya nito. 

Tumigil siya sa pag-iyak habang nakayakap pa rin siya sa binata. Nakakagaan ng pakiramdam ang mga haplos ng palad nito sa kanyang likod. Para siyang bata na hinehele ng ina upang tumahan sa pag-iyak.

“I‘m sorry, Ron. Naabala pa kita.”  kumalas siya sa pagkakayakap dito bago pinahid ang mga natirang luha sa kanyang mga mata. 

“Hindi naman ah, I‘m here para alagaan ka, Max.”  ngumiti ito sa kanya.

Wide smile appeared on Maxine face. Basta ang binata na ang sumuyo sa kanya ay nawawala agad sa isang iglap ang lahat ng sama ng loob, tama nga sila sa kasabihang “the one who hurt you, is the one who heal you.” amindo siyang mahal niya talaga ang binata kahit kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Dahil na rin sa pag-aalaga ng binata sa kanya ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status