Share

CHAPTER FIVE

“MAX!”

Dahan-dahang bumangon si Maxine sa pagkakahiga. Alas sais pa lang ng umaga ay ginugulo na siya ni Tyron. Masama niyang tinignan ito habang ito ay nakaupo sa gilid ng kama. 

“What?”  asik niya rito pero ang binata ay tumawa lang.

“Anong what? Kanina pa kita ginigising, sleepyhead.”  anito.

“Ang aga-aga pa, ginugulo mo na ako!” 

Tumawa ang binata, natulala siya nang tumama sa mukha nito ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Umihip kasi ang hangin na naging dahilan upang hawiin ang kurtina. 

“staring is rude, Max. Alam ko namang gwapo ako, huwag mo namang ipahalata.”  pang-aasar nito.

Kinuha ni Maxine ang kanyang unan bago inihampas sa binata na ngayon ay tawa pa rin ng tawa. Nararamdaman niya na umiinit ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan. Sino ba naman ang hindi magkakandarapa sa taglay na kagwapohan ng binata.

Patuloy pa rin niya itong hinahampas ng unan. “Stop! You hurt my handsome face!” 

Itinigil niya ang paghahampas rito “Handsome? Where? I can‘t see.”  pang-aasar niya rito. Kunwari ay hinahanap niya kung nasaan ang sinasabi niyang gwapo.

“Here.” 

Isa, dalawa, tatlo... Halos hindi na niya mabilang ang pintig ng kanyang puso na ngayon ay naghahabulan. Hindi siya makahinga sa sobrang bilis nito. Ang alam niya lang ay nakatitig siya sa itim na mga mata. Nakakaakit ang mga ito na parang ayaw niya itong mawala sa kanyang paningin. 

“Nakita mo na ba?” 

Tumango siya habang wala pa rin siya sa sarili. Iniisip pa rin niya ang mga kaganapan, bigla kasi siyang hinawakan ng binata at inilapit ang kanyang mukha sa mukha nito, halos isang dangkal na lang ang pagitan ay magkakahalikan na sila.

“Namaligno ka na ata.” tumatawang sabi nito.

“Aray!” reklamo niya nang binigyan siya ng binata ng isang pitik sa noo. Masakit man pero ayos lang dahil bumalik siya sa katinuan. “I hate you, Ron.”  pahabol pa niya.

“Now, nakita mo na kung nasaan ang gwapo?” tanong niya.

“No.”  muling tugon niya.

Tyron laugh again, “in denial.“ anito. “kanina nga ay tumango ka nang tinanong kita kung nakita mo na,” 

Hindi siya nakagalaw sa kinauupuan. Napatakip siya sa mukha nang maalala ang mga kaganapan kanina. Tama ang binata, tumango siya. “a-ah, e-eh. Y-yes, nakita ko nga kagabi may gwapo. Yes may gwapo akong nakita kagabi.”  pagdadahilan niya. Nauutal siya dahil sa kabang nararamdaman niya.

“liar.” tumatawa pa rin ito. Halos boses na lang ng binata ang maririnig sa bawat sulok ng kanyang kwarto. “bumangon ka na, magbihis at maligo. Amoy laway ka na. Pagkatapos at bumaba ka at kumain.”  

Nagulat na naman si Maxine sa sinabi ng binata. Siguro kung may sakit lang siya sa puso ay kanina pa ito hinatid sa hospital. “what the— get out!”  Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita ang matalim na tingin ng binata sa kanya. Ang pinaka-ayaw ng binata ay ang nakakarinig ito ng mga masasamang salita gaya ng pagmumura. Ayaw na ayaw niya ang mga salitang hindi dapat sinasabi. Bata pa lamang siya ay lagi nitong sinasabi na ayaw nitong naririnig ang mga salitang ‘yon galing mismo sa kanya, kaya siya laging nag-iingat na kahit isang bad words ay hindi lumabas sa kanyang bibig.

Tumayo ang binata sa pagkakaupo, “sumunod ka sa ibaba pagkatapos mong maligo.” anito.

Tamango siya at bumaba sa kama, hinintay niya munang lumabas ang binata bago siya naghanap ng masusuot at tumuloy na sa loob ng banyo.

“SA wakas, after how many years nakalabas ka na rin,”  

Kakababa lang niya at dumeretso agad siya sa kusina. Nadatnan niya ang kaniyang magulang pati na rin si Tyron.

“umupo ka na, Maxine at nang makakain na tayo.” ani ng kanyang Ina.

Pumunta siya sa katabing upuan ng binata at umupo. Hindi na bago sa kanya na ang binata ang lagi niyang katabi sa upuan, dahil simula bata pa lamang siya ay ito na ang katabi niya. Umiiyak pa nga siya pag hindi ito ang katabi sa hapag.

“Baka ma late kayo sa pupuntahan n'yo” 

Napahinto siya sa pagsasandok ng ulam at nagtatakang tumingin sa kanyang ama. Nang wala siyang nakuhang sagot mula rito ay ibinaling niya ang tingin sa binata na ngayon ay nakangiti habang nakatingin din sa kanya. “What?”  tanong nito.

“late? Saan?”  tanong niya.

“we‘re going to Lola‘s house”  

Natuwa siya sa narinig. Ilang linggo na rin silang hindi nakakapunta sa Lola ng binata. Na miss niyang makipagkwentohan sa matanda, alam kasi nito na may nararamdaman siya sa binata at natutuwa pa ito para sa kanila.

“Talaga! Let‘s go,”  

Tatayo na sana siya sa pagkakaupo nang may humawak sa kamay niya at pinaupo siya pabalik. Nilingon niya ang binata at nagtatakang tumingin rito. “Akala ko pupunta tayo sa Lola mo?” 

“Yes. But after this.”  turo niya sa mga pagkaing nakahain sa hapag. “Malayo ang byahe kaya kailangan mong kumain ng marami.” 

KAKARATING lang nila Maxine sa bahay ng Lola ng binata. Agad silang sinalubong ng katulong na si Myra. 

“Ma‘am... Sir, ‘Buti at napadalaw kayo?” 

Ngumiti siya, “ah, oo. Sinama ako ni Ron.” 

“alam ko naman kasing magagalat ka kapag nalaman mong hindi ka kasama sa pagpunta ko rito.” singit ng binata.

“sige po. Pasok po kayo.” binuksan ng dalaga ang pintuan para sila ay makapasok. 

Walang pagbabago ang bahay ng Lola ng binata. Kung gaano ito kalinis, kalaki at kaganda ay gan‘on pa rin sa dati. Natutuwa siya sa tuwing pinagmamasdan ang larawan ng matanda at nang Asawa nito. Makikita sa kanila ang labis na pagmamahal sa isat-isa 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status